Get the APP hot
Home / Billionaires / Beyond the Bargain
Beyond the Bargain

Beyond the Bargain

5.0
4 Chapters
Read Now

About

Contents

Francine Alejandro is a timid and naive girl who is bought by the heartless billionaire, Scoth Liam Smith, to pose as his girlfriend for a week, unaware that this contractual arrangement would unravel hidden facets of her past. *** Following a heartbreak, Scoth Liam Smith vowed to never commit to another relationship or fall in love again. However, for some reason, he finds himself pulled to Francine, a shy and innocent woman. Liam finds himself forced into a tough situation where he must wed Celine, the investor's daughter. However, he harbors strong feelings of dislike towards her. To avoid the arranged marriage, Liam devises a plan. He hires Francine to pose as his fake girlfriend for a week. The bargain was just the beginning. As they journey together to unbind themselves, the journey brings them closer, and they slowly begin to unravel their individual pasts, discovering that their lives have been connected in more ways than they initially thought. They realize that they must confront their fears, their pasts, and their feelings for each other. Will they be able to love each other upon discovering that one of them is the cause of the chaos within their family?

Chapter 1 Introduction

Mabilis akong tumakbo patungo sa loob ng aking kwarto. Ni-lock ko ang pintuan bago kumuha ng malaking bag para mag-impake ng mga gamit.

"Buksan mo 'to, Francine!" sigaw ni Tatay. Lasing na naman siya. Marahas niyang kinakatok ang pintuan ng aking kwarto. Nanginginig ako sa sobrang takot. "Sisirain ko itong pinto kung hindi mo ito bubuksan!" pagbabanta niya. Hindi ko pa rin ito binuksan.

Ipinagpatuloy ko ang pag-iimpake ng aking mga gamit. Buo na ang desisyon ko na lisanin ang lugar na 'to. Wala akong mararating sa buhay kung mananatili ako rito. Ito ang gusto ni Nanay, ang umalis sa puder ni Tatay.

"Alfredo maawa ka naman sa anak mo! Tigilan mo na ang paghihingi ng pera dahil nag-iipon siya para sa pagkokolehiyo!" sigaw ni Nanay kahit paos ang kaniyang boses.

Ako ang naging breadwinner ng aming pamilya. Nagtatrabaho ako sa tailoring shop ni Aling Maria simula lunes hanggang biyernes malapit sa amin. High School lang ang natapos ko dahil wala kaming perang pambayad kapag nagkokolehiyo ako. Walang trabaho si Tatay simula noong maaksidente siya limang taon na ang nakalipas habang si Nanay naman ay sumasama sa kaniyang kaibigan sa pangangalakal. Iniipon ko ang aking nakukuhang sahod sa pagtatahi dahil nagbabalak akong bumalik sa pag-aaral.

"Umalis ka nga riyan, Belinda! Hindi siya pwedeng magkolehiyo!" Matigas na sigaw ni Tatay kay Nanay. "Isang libo lang naman ang kailangan ko pang-pusta sa manok ni Pareng Lando!"

Palaging ganito ang eksena sa bahay. Umuuwing lasing si Tatay at humihingi ng pera sa akin. Ayaw na ayaw niyang bumalik ako sa pag-aaral dahil dagdag gastos lang daw ito.

"Mas uunahin mo pa ang manok ng kumpare mo kesa sa kapakanan ng anak mo?!" sigaw ni Nanay.

Isang malakas na sampal ang narinig ko sa labas ng aking kwarto. Para akong sasabog sa galit dahil sa ginawa ni Tatay. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa aking harapan sina Nanay at Tatay. Hinihila ni Nanay pababa si Tatay.

"Masunurin ka talagang bata," nakangising wika ni Tatay at naglahad ng kamay sa akin. "Nasaan na ang perang tinatago mo?" tanong niya at marahas na hinawakan ang aking palapulsohan.

"Francine..." tawag ni Nanay sa akin. Tinignan ko siya. Namamaga ang kaniyang mga mata at may sugat sa labi. Namumula ang kaniyang pisngi dahil sa sampal ni Tatay.

"Pagdadamutan mo na naman ba ako, Francine?!" Sigaw ni Tatay at marahas na binitawan ang aking palapulsohan.

Pumasok siya sa loob at pumunta sa aking cabinet. Lumingon siya sa aking kama at nakita ang dalawang bag. Nasilayan ko ang malademonyong ngiti sa mukha ni Tatay. Binuksan niya ang dalawang bag at hinanap ang aking pitaka at alkansiya. Nakita niya ang aking alkansiya at galit na itinapon sa aming harapan ni Nanay ng mapagtanto niyang wala itong laman.

"Nasaan na ang pera mo, Francine?! Bakit wala ng laman 'yan!" Sigaw niya't itinuro ang nabasag na alkansiya sa sahig ng aking kwarto.

Nanginginig ako sa sobrang takot. Ayokong pagdamutan si Tatay pero sumusobra na siya. Pag-iinom at pagsusugal ang palagi niyang inaatupag.

"Tay, wala na po akong pera." Mahinahon kong sagot sa kaniya. Pinipigilan ko ang aking sarili na pagtaasan ng boses si Tatay. Kahit ganito pa siya kasama, Tatay ko pa rin siya.

"Kakasweldo mo lang kina Aling Maria tapod wala ka ng pera? Nagsisimula ka na bang magwaldas ng pera?!"

Nakakabingi ang bawat sigaw ni Tatay. Pinagtitinginan at pinagchichismisan na naman kami ng aming mga kapitbahay. Halos araw-araw ganito ang eksena namin sa bahay. May kapatid ako pero wala silang pakialam kung ano ang mga ginagawa ni Tatay.

Huminga ako ng malalim at niyakap si Nanay. Umiiyak si Nanay habang niyayakap niya ako pabalik. Kumalas ako sa pagyakap kay Nanay ng may marinig akong nabasag sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko ang aking larawan sa sahig. Ito ang nag-iisang larawan ko noong nasa anim na taong gulang pa lamang ako.

"Wala ka talagang silbi! Ang mabuti pa ay lumayas ka sa pamamahay ko! Simula noong dumating ka sa buhay namin ay naging magulo ang buhay ko dahil sayo!" Sigaw ni Tatay at kinuha ang ibang mababasag na gamit sa aking kwarto at itinapon ito.

"Tama na Alfredo! Pinagtitinginan na tayo ng mga kapitbahay natin!" sigaw ni Nanay at pilit na inaagaw ang sirang TV na hawak ni Tatay.

"Ipagtatanggol mo na naman ba ang batang 'yan Belinda?! Dapat ay matagal na siyang lumayas sa pamamahay ko dahil dagdag gastos lang siya rito!" Sumbat ni Tatay sa akin. Lumingon si Nanay sa akin.

"Francine, kunin mo ang mga gamit mo at umalis ka na rito. Magpakalayu-layo ka na," mahinahon ngunit para akong sinasaksak sa sinabi ni Nanay. Ayokong umalis ng hindi siya kasama. Mahal na mahal ko si Nanay. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Ang iba kong mga kapatid ay wala rin silang pakialam sa akin.

"Nay, sumama ka na lang po sa akin." Pagmamakaawa ko.

"Alam mong may mga kapatid ka pa na hindi ko pwedeng iwan, Chin. Ayokong iwan sila. Umalis ka na. Pagod na akong makitang sinasaktan ka ng Tatay mo sa tuwing nalalasing siya."

Sa tuwing nalalasing si Tatay ay palagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay lalo na't hindi ko siya mabibigyan ng pera kapag humihingi siya. Nasanay ako sa ganitong sitwasyon.

"Pabayaan mo siya Belinda! Malaki na siya at nasa tamang edad. Para mabawasan na rin ang palamunin sa bahay ko!" Matigas na sigaw ni Tatay bago itinapon ang sirang TV sa harap ko. "Kapag lumayas ka sa pamamahay ko siguradohin mong 'wag ka ng magpapakita sa akin dahil kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin!" sigaw niya bago lumabas ng aking kwarto.

Naglakad ako patungo kay Nanay. Umiiyak siya habang pinupulot ang mga nababasag na gamit. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha.

"Nay, tahan na po. Sumama ka na lang po sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang na sasaktan din ni Tatay." Niyakap ko si Nanay habang pinapatahan siya. Mas lalong humagulhol si Nanay. Kumalas siya sa pagyakap sa akin.

"Francine, sana mapatawad mo ako." Tumingin ako kay Nanay. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Pinulot niya ang larawan ko noong ako ay bata pa lamang. "Pagod na pagod na akong nakikita kang sinasaktan ng tatay mo. Francine, bata ka pa. Gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa habang nandito ka. Tuparin mo ang iyong pangarap na maging isang abogada." Pinunasan ni Nanay ang mga luha sa aking mata. "Umalis ka na," mahinahon niyang sabi sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habamg pinupunasan ang mga luha sa kaniyang mata.

"Nay..."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti ng mapait.

"Kailangan mo ng umalis baka bumalik pa ang tatay mo," wika ni Nanay. Isang mapait na ngiti ang ibinigay sa akin ni Nanay. Inayos niya ang aking mga gamit. Ang sakit-sakit makitang umiiyak si Nanay dahil sa akin. Gusto ko siyang makitang nakangiti palagi.

"Ate Audrey, aalis na ako. Huwag niyo po bigyan ng problema si Nanay dito," pagpapaalam ko ng makita ko siyang naglalaro ng braha sa kanto kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Ikaw lang naman ang problema sa bahay. Mabuti ng umalis ka para wala ng problema!" Sigaw niya at nagsindi ng sigarilyo. "Umalis ka na nga para hindi ako malalasin dito!" pagtataboy niya sa akin at itinuon ang sarili sa paglalaro ng braha.

Sumakay ako ng tricycle patungong terminal. Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil ang nasa isip ko ay ang makalayo sa lugar na 'to. Wala rin akong alam kung saan nakatira ang ibang kamag-anak ni Nanay. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa problema ko ngayon. Napakahirap mamuhay mag-isa lalo na't nasanay ako na palaging nandiyan si Nanay.

Sumakay ako ng bus patungong Davao City dala-dala ang perang naipon ko sa pagtatahi. Medyo madilim na ang paligid. Kumakalam na rin ang aking tiyan. Hindi pa ako kumain ng tanghalian.

"Pwede po bang magtanong kung anong oras na po ngayon, Ma'am?" tanong ko sa babaeng katabi ko sa bus. Nasa mid-40s na siya. Tinignan niya ako at ngumiti.

"Mag-aalas singko na ng hapon hija," sagot niya at umayos siya sa pagkaupo. "Saan ka pala pupunta at anong nangyari sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang pasa sa aking mukha. Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak muli. Ginagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Hindi ko po alam kung saan ako patungo ngayon. Gusto ko pong lumayo sa pamilya ko." Sagot ko.

"Ako nga pala si Aling Tesa. Naglayas ka ba sa inyo? Hindi magandang gawain ang paglalayas hija. Ano ba ang nangyari at lumayas ka?" Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Nakikita ko si Nanay sa kaniya.

"Ako po si Francine. Mahabang istorya po kung ikukwento ko sa inyo ngayon. Makikipagsapalaran po muna ako sa Davao at makaipon ng pera para sa pag-aaral ko." Ngumiti ako at umayos na rin sa pagkakaupo dahil umaandar na ang bus. Kumakalam na ang aking tiyan. Pumikit ako hanggang sa nakatulog.

Nagising ako dahil sa boses ni Aling Tesa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumingin sa paligid.

"Francine, nasa Davao na tayo." Inayos ko ang aking sarili at nagmadaling kumuha ng pera sa aking pitaka para magbayad ng pamasahe sa konduktor ng bus. Lumingon ako sa paligid at nakita sa labas ng bus ang konduktor. Umiinom ito ng malamig na tubig. "Binayaran na kita kanina. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka." Napatingin ako kay Aling Tesa. Pababa siya ng bus bitbit ang kaniyang maleta.

"Ito po ang bayad ko Aling Tesa. Dapat po ginising niyo nalang ako kanina. Pasensiya na po talaga," sabi ko at inabot ang pera sa kaniya ngunit hindi niya ito tinanggap.

"Wala 'yon, hija. Itago mo na lang 'yan para may magamit ka. Gusto mo bang sumama sa akin? Baka pwede kitang ipasok kung saan ako nagtatrabaho." Sabi ni Aling Tesa at nagpatuloy sa paglalakad.

"Nakakahiya naman po. Kayo na po ang nagbayad ng pamasahe ko sa bus at ngayon tutulongan niyo rin po akong makapasok sa trabaho," wika ko at sumunod sa kaniya.

"Huwag mo ng isipin 'yan, hija. Gabi na rin at kailangan mo ng matutuloyan. Sumabay ka na lang sa akin." Ngumiti siya sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para piliting sumama kay Aling Tesa. Tama siya, gabi na at wala akong matutuloyan. Hindi ko rin kabisado ang lugar na 'to.

Namangha ako sa naglalakihang gusaling nakikita ko sa paligid. Hindi pa rin ako makapaniwala. Maraming tao ang nagkalat sa paligid at masayang kumukuha ng mga litrato sa kanilang mga cellphone. Napangiti ako at bigla kong naisip si Nanay.

Pumara siya ng jeep. Sumunod ako sa kaniya. Siya na rin ang nagbayad ng aming pamasahe sa jeep. Hiyang-hiya na ako sa kaniya. Ayokong maging pabigat sa taong ngayon ko lang nakita at nakilala. Bumaba kami at pumara na naman siya ng isang tricycle.

"Aling Tesa kayo pala. Mukhang may bago kayong ipapasok ngayon," nakangiting wika ng driver bago pinaandar ang makina ng tricycle.

"Ah, oo. Wala rin kasi siyang mapapasukang trabaho. Paniguradong magugustohan siya ng aking amo lalo na't maganda at maputi ang isang 'to." Wika ni Aling Tesa.

Nakaramdam ako ng takot at kaba sa aking narinig. Mahigpit kong hinawakan ang aking mga gamit. Papasok kami sa isang mataong lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso ng bumaba kami sa isang bar. Tumingin ako sa paligid at binasa ang pangalan ng bar.

"Meteor Bar." Tumingin ako kay Aling Tesa. Tinutulongan siya ng driver sa pagbaba ng kaniyang maleta. "Bakit po nasa bar tayo Aling Tesa?" tanong ko at tumingin siya sa akin.

"Dito tayo magtatrabaho, Francine. Ipapasok kita rito." Sagot niya na siyang ikinagulat ko. Bakas sa aking mukha ang pagkagulat. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa loob ng isang puntuan na may nakalagay na 'Staff Only'.

Mas lalo akong nakaramdam ng takot at kaba pagpasok namin sa loob. May nakita akong mga babae na tanging panty at bra lang ang suot. Abala sila sa paglalagay ng make up sa kanilang mga sarili. May baklang lumabas sa isang room at nakipag-beso kay Aling Tesa.

"Can't believe na may bago ka na namang ipapasok dito!" Masayang sabi ng bakla habang pinagmasdan ang aking kabuohan, mula ulo hanggang paa. "Mukhang malaking pera ang makukuha natin sa isang 'to."

"Ikaw na ang bahala sa kaniya. Titignan ko muna ang ibang alaga natin." Wika ni Aling Tesa bago pumasok sa isang room kung saan may nagbibihis na ibang mga babae. Hinaplos ng bakla ang aking pwet. Mabilis kong kinuha ang kaniyang kamay doon.

"Napaka-fresh naman ng bagong alaga ko," nakangiting sabi niya. "Milyon-milyong pera siguro ang makukuha ko sa 'yo."

Kinaladkad niya ako papasok sa dressing room habang pilit na inaalis ang kaniyang kamay sa aking palapulsohan. May tatlong lalaking umalalay sa kaniya kaya mas lalong hindi ako nakagalaw. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama kay Aling Tesa. Wala akong ideya na sa ganitong trabaho pala niya ako ipapasok.

"Madali lang naman ang trabaho rito, hija. Huwag mo subokang kumalas dahil wala ka rin naman magagawa. Isang kimbot mo lang magkakapera kana." Sabi ng bakla. "Kate pakiayusan mo ang bago kong alaga. Dapat maganda iyong tipong makakahakot siya ng isang milyon ngayong gabi!" Utos niya sa isang babae na may mahabang hita, nakalugay ang kaniyang kulot na buhok, maputi, at makinis.

Mabilis na kumuha si Kate ng mga gamit bago pumunta sa akin. Lumabas ang bakla kasama ang dalawang lalaki. Umiinit ang gilid ng aking mata. Gusto ko na naman umiyak.

"What's your name girl?" Matigas na ingles ni Kate sa akin. "Hey, come on. Huwag ka ng umiyak na parang bata. Masasanay ka rin sa ganitong buhay," wika niya at binigyan niya ako ng isang kulay pula na lingerie. "Suotin mo 'to. Pagkatapos mong suotin ay aayosan kita."

Hindi ko ito pinansin. Niyakap ko ang aking dalawang tuhod at nagsisimulang umiyak. Kailanman ay hindi ko naisip na pumasok sa ganitong trabaho.

"Fuck. Don't be a crying baby!" sigaw niya at marahas na hinablot ang aking damit.

"Ayokong suotin 'yan!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ako papasok sa ganitong trabaho!" Kinuha ko ang aking mga gamit at nagsimulang maglakad palabas ng dressing room ngunit mabilis niyang hinila niya ang aking buhok.

"At sinong may sabi sa iyo na makakaalis ka rito?! Ang dami mong arte! Magbihis ka na kung ayaw mong tawagin ko pa si Madame at siya ang magbibihis sa'yo!"

"Ayoko nga sabi! Hindi ganitong trabaho ang ipinunta ko rito!" singhal ko habang pilit na inaalis ang kaniyang kamay sa aking buhok. "Bitawan mo sabi ako!"

"Madame!" sigaw niya. Napatingin ako sa papasok na bakla kanina. Ito pala ang tinatawag nilang Madame. Galit itong tumingin sa akin. "Nag-iinarte ang isang 'to. Hindi niya susuotin ang lingerie na ibinigay ko!" sumbong ni Kate sa kaniya.

"Ano ba ang pinuputok ng butchi mo at bakit hindi ka nakikinig kay Kate? Magbihis ka na dahil maraming naghihintay na guest sa labas!"

May lumapit na dalawang babae sa amin. Nakasuot sila ng itim na lingerie at naka-mask pa ito. Hinawakan nila ang magkabila kong kamay at mga hita habang pilit akong hinuhubaran ni Kate. Tanging iyak lang ang nagawa ko pagkatapos nila akong bihisan. Nawalan ako ng lakas para lumaban dahil sa lakas ng pagkahawak nila sa akin.

"Ganito rin ang nangyari sa akin noong ipinasok ako ni Aling Tesa. Inalok niya rin ako ng trabaho at hindi ko alam na ganitong trabaho pala ang mapapasokan ko," wika ni Kate habang pinupunasan ang luha ko. "Alam kong mahirap gawin ang bagay na 'to ngunit wala akong nagawa. Sumunod ako hanggang sa nasanay ang aking katawan sa ganitong trabaho. Maging isang pokpok o bayarang babae. Hindi ko rin magawang tumakas dahil hahanapin nila ako kahit saan. Minsan nagbabasakali na lang akong may bumili sa akin ng makaalis na ako rito."

Walang lumalabas na kahit ano sa aking bibig. Nagulat ako sa mga sinasabi ni Kate. Hindi ako makapaniwala. Kailanman ay hindi ko naisip na pumasok sa ganitong trabaho. Ang maging pokpok o bayarang babae para maibigay ang mga pangangailangan ng lalaki.

Pagkatapos akong ayusan ay binigyan ako ni Kate ng maskara. Pinakain muna kami ng hapunan bago ipinalabas ng dressing room. Tamang-tama at para akong nahihilo sa sobrang gutom na kanina ko pa nararamdaman. Nakapulang lingerie ako na halos kita ang aking kaluluwa. Nakasuot ng itim na boots na may mataas na takong. Hindi ako makapaglakad ng maayos dahil hindi ako sanay sa ganitong kasuotan. Nakasuot kami lahat ng maskara kaya hindi ko makita ang mga mukha ng aking mga kasama. Ngumingiti sila sa tuwing may tumitinging lalaki at humahawak sa mga kanilang hita.

Sumunod kami kay Madame patungo sa isang malapad na sofa kung saan may nag-iinumang mga lalaki. Tumayo kami sa kanilang harapan habang tinitignan ang aming kabuohan.

"Good evening, gentlemen. Ito ang mga bago kong alaga. You are free to choose kung sino ang kukunin niyo ngayong gabi." Nanginginig ako sa sobrang takot ng marinig ko si Madame.

Isa-isa kong tinignan ang mga lalaking masayang nag-iinuman. Yumuko ako at pinunasan ang mga luhang gusto na naman lumabas.

"I'll buy her. Drop the price." Rinig kong sabi ng lalaki. Nanatili pa rin akong nakayuko at kinakabahan. Sirang-sira na ang aking kinabukasan.

"Ang bilis mo naman makapili Mr. Smith. Ngunit hindi ko ibinibenta ang aking mga alaga. Alam mo 'yan." Wika ni Madame. Tumingin ako kay Mr. Smith. Nakatingin din siya sa akin. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso. Gusto kong tumakbo pero alam kong wala akong matatakbuhan.

"I want to buy this lady. I'll double the price. What do you think?" Nakataas ang kilay ni Mr. Smith habang kinakausap niya si Madame. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti ito.

"Are you serious, Liam?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang kasama bago uminom ng alak.

"I'm serious." Sagot niya at may kinuha sa kaniyang bulsa. May isinulat siya rito bago ibinigay kay Madame. "Enough na ba ang two million?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Smith. Mabilis itong kinuha ni Madame at isinilid sa kaniyang bag.

"Take her home and enjoy!" Iyon lang ang tanging sinabi ni Madame. Tumayo si Mr. Smith at lumapit sa akin. Nagsisimula na namang kumabog ang aking puso sa pinaghalong takot at kaba.

"I bought you so let's go home, honey." Bulong niya na nagpatindig sa aking balahibo. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking baywang.

Naglakad kami palabas ng bar at may nakita akong nakaparadang itim na sasakyan. May lumapit sa aming lalaki at may ibinigay na susi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan pero hindi ako pumasok.

"Hey, get in." Umiling ako. Kumunot ang kaniyang makapal na kilay at tumingin sa akin. "Papasok ka ba o hindi? Binili na kita kaya sa akin ka na." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.

"Pwede bang kunin ko muna ang aking mga gamit sa loob?" tanong ko habang niyayakap ang aking sarili. Naisip ko ang sinabi ni Kate kanina. Pagkakataon ko na itong tumakas dahil may bumili sa akin. Kailangan ko munang kunin ang aking mga gamit bago ako sasama sa kaniya.

"I can buy you clothes," wika niya.

"No. Kailangan ko ang mga gamit ko." Pagamamatigas ko. Lumapit siya sakin at hinubad ang kaniyang suot na itim na jacket.

"Cover yourself. You're too hot para makita ng iba. Ako na ang kukuha ng mga gamit mo. Just stay inside my car." Bulong niya sa akin. Mabilis kong isinuot ang kaniyang jacket at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.

Hindi na ako muling nagsalita. Niyakap ko ang aking sarili at tinanaw siya papasok ng bar. Makalipas ang ilang minuto ay palabas na siya ng bar bitbit ang aking mga gamit. Pinasok niya sa loob ang aking mga gamit habang nakabusangot ang mukha.

"I'll take you home. You can check your things pagdating natin sa bahay." Malambing na wika niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Hindi ako umimik dahil abala ako sa kaiisip kung paano ko siya matatakasan. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Matangos ang kaniyang ilong, makinis ang mukha, mataas ang pilik-mata, hugis puso ang labi. Napakaperpekto ng kaniyang mukha. He must be a hero or a beast.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 4 Three   11-27 06:09
img
2 Chapter 2 One
27/11/2024
3 Chapter 3 Two
27/11/2024
4 Chapter 4 Three
27/11/2024
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY