/0/72548/coverbig.jpg?v=e07f203525618a6f8d7e40b58e3f2b5b)
Naniniwala ka ba na bawat tao ay mayroong itinakda ang tadhana sa kanya? Nakadepende nalang sa kanya kung tatanggapin niya sa kanyang buhay ang taong yon, pero sabi nga nila baliktarin mo man ang mundo kung kayo ang itinakda para sa isa't isa, kayo talaga! Hindi mo alam na hanap ng hanap ka at tingin ng tingin sa malayo, hayan nasa gilid mo lang pala. O, di kaya ay sabihin mo kahit gumuho man ang mundo at siya na lamang ang natitirang tao ay hindi mangyayari na magkakagusto ako sa kanya, pero paano kung sya talaga ang para sayo...? Basahin ang nakakakilig at nakakainlove na kwento. Si Dianne ay Katulad ng isang ordinaryong babae na mahirap lamang at madalas ay husgahan ng mga taong di sya lubos kilala dahil sa kanyang hitsura, palaging hinuhusgahan na pangit, maitim at baduy kung manamit. Nakikilala niya ang lalaki na feeling niya ay stress siya sa tuwing magcross ang kanilang landas at nasabi na kailanman kahit na ito na lang ang natitira na lalaki sa mundo ay hindi mangyayari na magkagusto siya sa lalaki. Pero hindi niya inaasahan na maging parte pala ito ng kanyang buhay dahil nabihag nito ang kanyang puso. Saka niya nalaman na taglay nito ang mga pinapangarap niya sa isang lalaki o dream man niya. Bukod sa gwapo ito at mayaman magaling itong sumayaw, kumakanta at maggitara. Si Gemma ay mabait na kaibigan subalit sa likod ng kabaitan nito, lingid sa kanilang kaalaman ay unti unting sinisira ang kanilang buhay lalo na sa mga taong malapit kay Dianne. Ano kaya ang kahinatnan ng istoryang ito?
Mga hugot lines,nakaka-in love, nakakasakit at nakakakilig na mga senaryo sa kwento:
''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __Forever ugly.''
-----
Ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love, kung pinilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.''
-----
Nagtaka siya nang biglang may nagbago. Tila biglang huminto ang mundo. Bakit ganun? Anong nangyayari?Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi ka sa pintig ng puso mo. Aniya sa sarili. Hindi parin siya makapaniwala, nasabi niya sa sarili na baka epekto lang yon ng nainom niya.
Pero hindi eh, hindi pa ako lasing!
-----
Habang nakangiti ang binata sa kanya ngayon niya lang napansin ang dalawang maliliit na dimples nito sa magkabilang labi.
Palihim niya itong tinitigan habang kumakain.
Ang makakapal nitong mga kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at magandang mga labi. Bumagay ito sa mukha nito.
-----
Kung halos lahat ng mga babae ay gustong makakilala ng tall, dark, handsome and gentleman. Siya naman ang tipong lalaki na tall, dark at handsome nga sana pero ang bantot naman ng ugali.
-----
"Sawang-sawa na ako sa mga pagsisinungaling at pangloloko mo! Kalimutan mo na ang kasal natin dahil hindi mangyayari yon! Hindi ko hahayaan na saktan mo siya! Dahil ako mismo ang makakalaban mo!"
-----
Pero sino ba siya para kontrahin ang kanyang puso? Mahal niya rin ito. Mapipigilan ba niya ang nararamdaman niya kung gusto niya rin ito makasama habang buhay?
-----
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ang totoo nasaktan siya sa sinabi ng isang babae nang marinig niya na kulang na lang buntot para maging kamukha niya ang unggoy. Oo, inaamin niya maitim nga siya pero ang maging kamukha ng unggoy...Sobra naman!
-----
Sana naging maganda nalang ako para bagay ako sayo at hindi ako lalaitin ng ibang tao.
-----
Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga staff doon. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin nila...kung sabihin man ng mga ito na pangit siya!
-----
''Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita,
''OA ka naman limang beses mo talagang inulit ang salitang mahal''
''Hindi kasi ako magsasawa na mahalin ka forever,''
-----
'sa pag-aakala ko na akyat-bahay ka baka nabuhusan pa kita ng mainit na tubig,''
''Sobra ka naman, kung nagkataon na ganun, eh, masisira ang mukha ng gwapo mong asawa,'' nakangiting wika nito.
''Haha!'' Kunwang tawa niya. ''Yabang mo!'' sabi niya na medyo inirapan pa ito.
Tumikhim ito at inakbayan siya. ''Pero alam mo, Babe, na-miss ko ang moment na to. Na-miss ko ang dating tayo, ang makasama ka, makausap, makayakap at....'' malambing na sabi nito na hindi ipinagpatuloy ang huling sasabihin.
''At ano?'' tanong niya na gustong marinig ang sasabihin pa nito habang masuyong nakatingin sa lalaki.
''At mahalikan ka.''
Naghahanap ka ba ng kwentong nakalikha ng ngiti sayong mga labi o adik ka ba sa kwentong nakakakilig at istoryang nakakapintig ng puso??
Basahin ang kwentong ito na hindi lamang makakaukit ng kilig sa puso mo, kundi makaukit rin ng yaman na kailanman ay hindi maaagaw at mananakaw sayo...Ang yaman na gintong aral na mapupulot at matutunan mo sa kwentong ito na posibleng magamit sa totoong buhay.
Ang kwentong ito ay kumbinasyon ng nakakakilig, nakakaantig puso at moral lessons kang makukuha at matutunan...
Enjoy reading, sana po ay magustuhan mo ang kwento...
NAGTAGO siya sa Isla Lutherio upang kalimutan ang nabigong pag-ibig kay Lucy na napangasawa ng kapatid niyang si Martin. Ngunit sa halip na mapanatag ang kaniyang isip, mas lalo iyong gumulo at nakisali pa ang kaniyang puso. Hanggang saan aabot ang pag-ibig niya kung ang babaeng napupusuan ay milya ang layo ng edad sa kaniya? Jasson Luther is eighteen years older than Samara. Maaakusahan na nga siyang cradle's snatcher, mapagkakamalan pa siyang pedophile. Kaya naman para pigilan ang kakaibang nararamdaman sa anak ng mayordoma at driver nila, ibinaling niya ang atensiyon sa iba. Subalit, paano kung ang batang si Samara ay unti-unting nagdalaga? Ang musmos na katawan ay unti-unting nagkakaroon ng kurba. Mapigilan pa kaya niya ang nadarama? Does age really matter? O, mapapa-Yes, Master niya ang dalaga?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Nadama ni Thea na hindi na siya magiging masaya muli pagkatapos niyang pilitin na pakasalan ang kasumpa-sumpa at misteryosong pilay, na tinawag sa pangalang, Mr. Reynolds. Nabalitaan na ang kanyang bagong asawa ay pangit at napakasama. Dahil dito, inihanda ni Thea ang kanyang sarili na tiisin ang kanyang malungkot na pagsasama. Ngunit nakatanggap siya ng isang malaking pagkabigla pagkatapos. Inulan siya ng buong pagmamahal ng kanyang asawa. Pinaramdam niya sa kanya na espesyal siya.
Nakatalikod si Sheila sa dingding nang pilitin siya ng kanyang pamilya na pakasalan ang isang kakila-kilabot na matandang lalaki. Sa sobrang galit, umupa siya ng isang gigolo upang gumanap bilang kanyang asawa. Naisip niya na ang gigolo ay nangangailangan ng pera at ginawa ito para sa ikabubuhay. Hindi niya alam na hindi siya ganoon. Isang araw, tinanggal niya ang kanyang maskara at ipinahayag ang kanyang sarili bilang ang pinakamataas na magnate sa mundo. Ito ang naging simula ng kanilang pag-iibigan. Pinapaulanan niya ito ng lahat ng gusto niya. Masaya sila. Gayunpaman, ang mga hindi inaasahang pangyayari ay nagdulot ng banta sa kanilang pag-iibigan. Malalampasan kaya ni Sheila at ng kanyang asawa ang bagyo? Alamin!
Dahil nasunugan ng bahay ay nagmagandang-loob ang boss ni Alondra na patuluyin siya sa bakanteng condo. Isang taon na daw walang nakatira doon at kailangang may magbantay para di bahayan ng multo. Nang minsang umuwi siya galing sa trabaho ay nakarinig siya ng lagaslas ng shower at boses ng isang lalaki sa kabilang kuwarto. Kaya bitbit ang kanyang antique na krus ay nagpunta siya sa kabilang silid para mag-alay ng dasal sa kaluluwang di matahimik. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. “Miss, what the hell are you doing?” dagundong ng boses ng lalaking multo. Bigla niyang idinilat ang mata at isang guwapo at matipunong lalaki ang nakatayo sa pinto ng shower room. Hubad ang makisig at basa nitong katawan. At walang ibang tumatakip sa katawan nito kundi isang pirasong puting tuwalya lang. Bumagsak ang panga niya at nanginig ang tuhod niya. Ito na yata ang pinakamakisig at pinakaguwapong lalaki na nakita niya. Kung ganito kaguwapo ang multo, ayaw yata niyang i-exorcise.
"Huwag mong hayaang tratuhin ka ng sinuman na parang tae!"/Natutunan ko iyon sa mahirap na paraan. Sa loob ng tatlong taon, tumira ako sa aking mga biyenan. Hindi nila ako tinuring na manugang kundi isang alipin./Tiniis ko ang lahat dahil sa asawa kong si Yolanda Lambert. Siya ang liwanag ng buhay ko./Sa kasamaang palad, gumuho ang buong mundo ko noong araw na nahuli kong niloloko ako ng asawa ko. Kailanman ay hindi ako naging napakasakit ng puso./Upang makapaghiganti, isiniwalat ko ang aking tunay na pagkatao./Ako ay walang iba kundi si Liam Hoffman—ang tagapagmana ng isang pamilyang may trilyong dolyar na mga ari-arian!/Ang mga Lamberts ay lubos na nabigla pagkatapos ng malaking pagbubunyag. . Napagtanto nila kung ano ang naging kalokohan nila para tratuhin akong parang basura./Lumuhod pa ang asawa ko at humingi ng tawad. /Ano sa tingin mo ang ginawa ko? Binawi ko ba siya o pinahirapan siya?/Alamin mo!