Kunin ang APP Mainit
Home / Makabago / Tahimik na Puso: Ang Pagtakas ng Pinabayaan na Asawang Mute
Tahimik na Puso: Ang Pagtakas ng Pinabayaan na Asawang Mute

Tahimik na Puso: Ang Pagtakas ng Pinabayaan na Asawang Mute

5.0
1 Kabanata/Bawat Araw
59 Mga Kabanata
175 Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"

Chapter 1 Lasing Sa Ulan

Sa isang mabagyong gabi, walang humpay na humahampas ang hangin sa mga bintanang mula sahig hanggang kisame, animo'y pilit na nagsisikap na pumasok sa loob ng bahay. Walang tigil ang ulan sa pagbuhos, tila galit ang langit at buong-lakas na ibinubuhos ang hinanakit nito sa lupa.

Sa isang maringal at marangyang villa, tila natutulog ang buong kabahayan sa gitna ng bagyong bumabalot sa labas. Tanging iisang silid lamang ang may liwanag na nagmumula sa nakabukas na ilaw.

Isinaandal ni Kallie Cooper ang kaniyang sarili sa headboard ng kama, ang likod niya'y bahagyang nakalubog sa malalambot na unan, at ang malamlam na liwanag ng lampshade sa tabi ay nagbibigay ng banayad na ningning sa kaniyang mukha. Nakatutok ang kaniyang mga mata sa aklat, ngunit paminsan-minsa'y humihinto siya dahil unti-unting bumibigat ang kaniyang mga talukap. Dinadalaw na siya ng antok.

Sa sandaling ito, biglang bumukas ang pinto ng silid.

Gulat na napaangat ng tingin si Kallie, agad na nagising ang kaniyang diwa mula sa antok na unti-unting yumayakap sa kaniya. Sa may pinto, nakita niya ang kaniyang asawang si Jake Reeves, nakatayo sa ilalim ng dilim ng pasilyo.

Habang nakatayo doon, si Jake ay nanganinag ng walang kapintasan sa kaniyang magara at matalas na kasuotan. Subalit ang kaniyang kaakit-akit na anyo ay sinisira ng malalalim na kunot sa kaniyang noo.

Bago pa man makapagsalita si Kallie, nakalapit na sa kaniya si Jake at inilapat ang mga labi nito sa kaniya, walang babala, walang paliwanag. Ang amoy ng alak ay humahalo sa sariwang simoy ng ulan.

Ang malamig nitong kamay ay dumausdos sa ilalim ng kaniyang palda, mabilis at marahas ang kilos, mariing idiniin ang lumalaban niyang binti.

Sa makapal at mapanghikayat na tinig, iniutos ni Jake, "Huwag kang kikilos."

Nanigas ang katawan ni Kallie, kusang tumigil sa pagpupumiglas. Ngunit nararamdaman niyang tumitindi ang sakit.

Isang mahina at baluktot na ungol ang kumawala sa kaniyang bibig.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jake nang marinig ito. Itinakip niya ang kamay sa bibig ni Kallie.

Palibhasa'y pinatahimik, napakapit si Kallie sa matipunong braso ni Jake, parang awtomatikong reaksyon ng katawan sa gitna ng kaguluhan. Desperado ang pagkakahawak niya, halos bumaon ang mga daliri sa balat nito, parang inaangkla ang sarili sa magulong dagat.

Napuspos siya ng bigla siyang bitawan ni Jake at pumasok ito sa banyo para maligo.

Ilang sandali matapos makapasok ni Jake sa banyo, umilaw ang telepono nito na nasa mesa sa tabi ng kama.

Napatingin si Kallie dito at nakita ang isang bagong mensaheng lumitaw sa screen. "Jake, pasensya na, okey? Pwede bang itigil mo na ang pagbalik sa asawa mong pipi sa tuwing nag-aaway tayo? Sobra akong nasasaktan."

Nawala ang liwanag sa mga mata ni Kallie.

Napagtanto niyang hindi niya kailanman magagawang matutunan ang sining ng mapaglarong panunumbat o malambing na pagdaing na ibinabahagi sa katahimikan ng gabi.

Dahil sa pagkakasakit niya noong bata pa, nawala kay Kallie ang kaniyang tinig at hindi na siya makapagsalita.

Nakakabuo lamang siya ng mga putol-putol na tunog, na kahit ang sariling asawa ay hindi matiis pakinggan.

Sa pamamagitan ng mahamog na salaming dingding ng banyo, nakikita ni Kallie ang matangkad na anino ni Jake.

Mabilis niyang iniwas ang tingin.

Paglabas ni Jake ng banyo, walang ingat niyang pinatuyo ang kaniyang basang buhok gamit ang puting tuwalya. Ang matatalim niyang mga mata ay nakatitig kay Kallie ng walang pakundangan.

"Pinakialaman mo ba ang telepono ko?" tanong niya.

Saglit na natigilan si Kallie, napako ang tingin sa mga mata ni Jake. Pagkatapos ay mabilis siyang umiling, isang maikli ngunit mariing pagtanggi.

Nais niyang linawin na aksidente lang ang pagkakasulyap niya sa telepono.

Ngunit agad na naubos ang pasensya ni Jake.

Malamig niyang sinabi, "Huwag mo nang hawakan ulit ang telepono ko."

Pinilit ngumiti ni Kallie, nakakagat-labi habang tumatango na puno ng pagsang-ayon.

Ang pagmamahal ni Jake ay hindi sa kaniya nakalaan, kaya wala siyang karapatang angkinin ito.

Ang kanilang kasal ay inayos lamang ng lolo nito.

Mula sa umpisa, naging prangka si Jake kay Kallie. Hindi siya nag-atubiling sabihin na dalawa lang ang dahilan ng pagpapakasal niya rito. Una, dahil ito ay ampon ng pamilya Reeves. At pangalawa, ayaw niyang suwayin ang kagustuhan ng kaniyang lolo.

Sa loob ng limang taon, hindi kailanman lumampas si Kallie. Alam na alam niya ang mga pinaggagagawa ni Jake. Ngunit sa kabila nito, nanatili siyang tahimik dahil sa takot na baka magalit ito sa kaniya.

Huminga nang malalim si Kallie at nagmuwestra kay Jake na ikukuha niya ito ng isang basong gatas.

Wala siyang lakas ng loob na salubungin ang malamig na tingin nito, kaya dali-dali siyang lumabas ng silid.

Pagtalikod ni Kallie, kinuha ni Jake ang kaniyang telepono at agad na binura ang mensahe nang hindi man lang ito binabasa.

Kinabukasan, maagang bumangon si Kallie.

Alam niyang sensitibo ang tiyan ni Jake kaya pihikan ito sa pagkain.

Ito ang dahilan kung bakit sa loob ng maraming taon, masusing inihahanda ni Kallie ang almusal nito tuwing umaga.

Habang bumababa ng hagdan, ang unang napansin ni Jake ay ang pigura ni Kallie na abala sa kusina.

Ang mga tali ng apron niya ay lalong nagpatingkad sa balingkinitan niyang baywang. Kapansin-pansin din ang mangitim-ngitim na marka sa kaniyang leeg na nanatili mula pa noong nakaraang gabi.

Siya ang ehemplo ng kahinahunan-palaging tahimik at umiiwas sa gulo. Isang tunay na ulirang asawa.

Sa di-inaasahang pag-usbong ng damdamin, isang banayad na lambot ang dumampi sa karaniwang matigas, malamig, at walang kapaki-pakiramdam na mga katangian ni Jake.

Bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Sabay na tayong mag-almusal."

Sa sobrang tuwa, masiglang tumango si Kallie at sumenyas ng pasasalamat.

Hinubad ni Kallie ang kaniyang apron at maingat na umupo sa tabi ni Jake, mas malapit kaysa dati. Ito'y isang bagay na bihira niyang gawin, ngunit ngayong umagang ito, tila may nag-udyok sa kaniya.

Iniabot sa kaniya ni Jake ang isang sandwich, na malugod niyang tinanggap at ngumiti ng may pasasalamat.

Habang kumakain, kaswal na binanggit ni Jake, "Bukas na ang ika-isang daang araw ng anak ng kapatid ko. Dapat sumama ka sa akin."

Muntik nang mabitawan ni Kallie ang sandwich sa pagkabigla.

Bihira siya nitong anyayahan sa mga pampublikong pagtitipon.

Ngunit narito ito ngayon, iniimbitahan siya na sumama rito para sa gayong okasyon.

May bahid ng pag-aalinlangan at pagtatalo na kumislap sa kaniyang mga mata.

Bakas ng pag-aatubili ang ekspresyon ni Kallie, ngunit hindi na ito napansin ni Jake.

Walang pakialam na idinagdag niya, "Ipapahatid ko sa aking katulong ang mga ilang damit bukas para pagpilian mo. Tapos susunduin ka niya sa tanghali."

Wala nang ibang pagpipilian si Kallie kundi ang pumayag.

Ang pamilya Reeves ay may malawak na impluwensya sa buong Arcpool. Si Dean Reeves, ang panganay na anak ng mga Reeves, ay ipagdiriwang ang ika-isang daang araw ng kaniyang panganay na anak sa isang marangyang pagtitipon.

Nagpareserba si Dean ng isang malawak na bulwagan sa pangunahing hotel para sa okasyong ito. At ngayon, ito ay punong-puno ng sigla at pananabik.

Si Kallie ay nakasuot ng murang kayumangging gown na tinernuhan ng banayad na meyk-ap. Nagliliwanag ang kaniyang kagandahan sa mga oras na ito.

Dahil sa kaniyang mga pinong katangian at maningning na mga mata, naging sentro siya ng atensyon sa buong piging na iyon.

Gayunpaman, ang mga tingin na ipinukol sa kaniya ay mapamintas, sa halip na humahanga.

"Ang swerte niya, hindi ba? Kahit ipinanganak siyang pipi, nakapag-asawa siya ng matino. Bakit hindi ako naging kasing-swerte niya? Dahil ba may kakayahan akong magsalita?"

"At ano ang mabuting naidudulot ng pagsasalita sa iyo? Kaya mo bang pumukaw ng simpatiya kagaya ng ginagawa niya?"

"At ano ang gusto mong palabasin?"

"Natatandaan mo? Mukhang napakalungkot niya noong kinuha siya ni Roderick Reeves upang ampunin at ipinakasal kay Jake. Isa iyong kalunus-lunos na palabas."

"Swerte ang tawag ng iba dito. Ngunit ang hindi nila alam, kalkulado ang lahat ng ito. Dapat kang matuto sa kaniya."

Sa loob-loob niya, lihim na tumututol si Kallie sa mga narinig. Nais niyang makipagtalo upang ipaglaban si Roderick na nakikiramay lamang sa kaniya noon.

Gayunpaman, alam niyang bingi ang lahat sa kaniyang tahimik na pagtutol.

"Kallie, nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay."

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Kabanata 59 Sawa Na Siya   Ngayon00:07
img
9 Chapter 9 Si Jake
21/04/2025
15 Chapter 15 Uto-uto
21/04/2025
22 Chapter 22 Katibayan
21/04/2025
25 Chapter 25 Eye Candy
21/04/2025
39 Chapter 39 Pagkakataon
21/04/2025
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY