Siya si Tricia Miranda, Maganda, mabait, matalino at nagtatrabaho sa isang kilalang Kumpanya bilang isang Sekretarya. Wala kang maipipintas sa dalaga bukod sa napaka simple nito papangarapin ng isang matinong lalaki na maging isang mabuting maybahay ito. Pero bakit sa kabila ng kabutihan nito, iniwan parin siya ng kaniyang long time boyfriend ng walang sapat na dahilan, kasabay noon ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil sa isang Car accident. Sa kaniyang pagluluksa sa sugatang puso,nagawi siya sa isang Bar at doon niya makikilala ang napaka guwapo at napaka kisig na si Jacob Fuentebella, dala ng kalasingan at paninibugho ng damdamin naipagkaloob niya ang sarili dito. Pero nagising na lang siya isang umaga na nahihilo at nagsusuka at nalaman niya na buntis na pala siya. Paano niya hahanapin at sasabihin sa estrangheron iyon na ito ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis kung ni pangalan nito ay hindi niya alam? Sa paglipas ng panahon,muling nag krus ang kanilang mga landas dahil sa laki at lawak ng impluwensiya nito nalaman nito ang tungkol sa kanilang anak at inaako ang responsibilidad nito bilang Padre de Pamilya. Ipagkakait pa ba niya kung ito na ang matagal ng pinapangarap ng kaniyanga anak ang magkaroon ng masaya at buong pamilya. Nakahanda ba nilang isakripisyo ang pansarili nilang kaligayan kung pareho ng nakatali ang puso nila sa iba? May mabuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila sa kanilang pagsasama bilang ama at Ina ng kanilang anak?
"Tito France!"
Napasilip siya mula sa kusina ng marinig ang boses ng anak. Kasalukuyan siyang nagluluto noon ng Spaghetti.
"Hey baby boy!" Agad na yumakap ang bata sa binata at binuhat naman nito.
"Bakit ngayon ka lang po?" kulit agad na tanong nito.
"Where's Mommy?" Bagkus ay tanong din nito. Lumabas siya mula sa kusina at pinuntahan ang dalawa. Tapos na rin siya noon sa pagluluto.
"Hi Sweetheart." Hinalikan siya ni France sa pisngi at yumakap naman siya dito.
"Kumusta ang baby boy Namin?" Tanong ng binata.
"Okay lang po ako tito ako po lagi ang nakakakuha ng perfect score sa room namin!"
"Wow! Very good naman ng baby namin! Saan ba nagmana ang batang ito?" Nilingon siya ni France at tinaasan naman niya ito ng kilay.
"Siyempre kay Mommy." agad na sagot niya.
"Baka kay Da--"
"France!" Pinandilatan Niya ito agad.
"Mommy I'm hungry na." Singit ng kaniyang anak.
"Tara sa kusina at ng makapag merienda na muna tayo."
Yaya niya sa dalawa, napasunod naman ang mga ito sa kaniya.
"Tito kailan tayo mamamasyal ulit nina Mommy?" Tanong ni Cade sa binata.
"Sa Sunday baby magbi beach tayo nina Mommy okay ba yun?" Sagot ni France at ginulo ang buhok ng anak.
"Yeheey! Tito teach me how to swim ha?" ungot nitong tuwang tuwa.
"Sure baby!"
"Mommy, did you hear that? Mag bi beach daw tayo sa Sunday!"
Masiglang boses ng kaniyang anak.
"Yes baby, ikaw naman masiyado mong ini spoiled si Cade!" Pinandilatan niya ang Kaibigan, napatawa na lang ito.
"Siya nga pala Anniversary nina Mama at Papa ngayong Friday huwag kang mawawala."
Pagkuway sabi ni France sa kanya.
"May Work ako." Kontra niya agad. Sekretarya lang naman siya ng pinsan nitong si Harrold.
"Ako ng bahala kay pinsan."
Anito saka siya kinindatan.
"May magagawa pa ba ako?" Napalabi na lang siya.
Si France ay matalik niyang kaibigan mula pagkabata. Palibhasa magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang kaya naging malapit din sila sa isa't isa.
Lalo pa naging malapit sa kanya ang mga ito ng sabay na mamatay ang kaniyang mga magulang dahil sa isang Car accident.
Nag iisa siyang anak at malayo ang kanyang mga kamag-anak halos nasa ibang bansa na lahat ang mga ito. Hinarap niya ang bagong buhay na hindi kapiling ang mga ito dahil iyon din ang naging desisyon niya. Hindi rin naman siya napilit ng mga ito na manirahan sa America.
Tuwing Pasko at Bagong Taon lang niya nakakasama ang mga ito dahil nakaugalian na nilang sa mismong Bayang Sinilangan sila nagdaraos nga mga mahahalangang okasyon.
"Sweetheart." Untag ng binata sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hindi na ba nag hahanap ng Daddy yang anak mo?" Tanong nito sa kanya.
Nasa living room na noon ang anak naglalaro kasama ang yaya nito.
Naikwento niya kasi dito ang pagtatanong ng anak kung nasaan daw ang daddy nito. Alam lahat ng kaibigan ang nangyayari sa buhay nilang mag-ina. Never siyang naglihim dito dahil magkapatid ang turingan nilang dalawa. Ito rin ang unang nakaalam nung nabuntis siya ng lalaking ni pangalan ay hindi niya alam at ito rin ang katulong niya sa pagpapalaki sa anak gawa ng naulila na nga siya.
"Kinukulit na naman niya ako noong isang araw, ewan ko ba kung kelan lumalaki si Cade saka naman nagiging matanungin. Ang dami na niyang gustong malaman."
Napa buntung hininga na lang siya sa pagkukwento.
"Matalino kasi yang anak mo Sweetheart."
"Tapos siya lang daw ang walang Daddy sa School nila."
Dagdag pa niya.
"Matagal ng nanliligaw sayo si Arvin diba?"
"Tapos?"
"Mabait naman siya, guwapo, CEO, Milyonaryo-"
"Che! "
Tinampal niya ito sa braso.
Oo nga at wala siyang maipintas kay Arvin. Dalawang Taon na din itong nanliligaw sa kanya pero ewan ba niya hindi niya maturu-turuan ang kanyang puso na mahalin ito.
"2 years ng naghihintay sayo yung kaibigan ko." Nakatawang dagdag pa ng binata.
"Tapos babaero?"
"Hindi ah! pareho lang kaming mabait ni pareng Arvin."
"Nagsalita ang hindi babaero, nakailang palit ka na ba ng sekretarya mo?"
Inirapan niya ito.
"Wala tayong magagawa sweetheart, artistahin eh!"
Pagyayabang nito saka siya kinindatan. Napaismid na lang din siya.
Hanggang sa magpaalam na ang binata. Walang araw na hindi ito pumapalya sa pagdalaw sa kanilang mag-ina. Minsan kapag tinamad ito dito na rin natutulog sa bahay nila ang kaibigan.
Buti na lang nandiyan lagi ang binata para sa kanila ni Cade.
Katatapos lng ng trabaho niya noon at pauwi na siya ng maisipan niyang dumaan sa isang Supermarket para bumili ng mga kailangan nila sa bahay. Patapos na siya noon at papunta na siya sa counter ng hindi inaasahang nabunggo siya ng nagmamadaling lalaki.
"I'm really Sorry Miss." Agad na paumanhin nito at nilampasan na siya, ni hindi man lang nag abalang pulutin ang ibang tumilapon na pinamili niya.
"Bastos! " bulong nya pero napalakas yata ang pagkasabi niya kaya napalingon ito.
"What?"
Nagsasalubong ang mga kilay nito na hinarap siya.
Natutop niya ang bibig. For Pete's Sake! Biglang kumabog ng malakas ang puso niya sa hindi malaman na dahilan. Ano bang meron sa lalaking ito? Sa pagkapahiya tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ramdam pa niya ang mariin na pagtitig nito sa kanya bago siya nito tinalikuran. Nagulat pa siya ng tawagin siya ng cashier dahil magbabayad na pala siya ng kaniyang mga pinamili.
Habang nagda drive siya pauwi hindi na nawala sa isip niya ang lalaking iyon.
Katatapos lang niya mag ayos ng dumating ang kanyang sundo. Ang gwapung gwapo na si France.
"Ang ganda naman ng Sweetheart ko, pakasalan mo na kaya ako?"
Nakatawang biro ng binata na nakasalampak sa sofa.
Nakasuot siya ng black halter dress na above the knee na bumagay naman sa maliit niyang baywang at lalong tumingkayad ang kaputian niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang lampas balikat niyang blonde na buhok. Hindi rin kakapalan ang kanyang make-up. Napakasimple lang ng ayos niya pero nakakagaw ng pansin at mapapa titig ka ika nga.
"Kung hindi ka lang sana babaero baka mapilitan pa ako!" Irap niya sa binata.
"Mag papakabait na ako!" Agarang sagot nito.
"Loko! halika na nga."
Yaya niya dito at nagpatiuna na siyang lumabas sa kanilang bahay. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto ng sasakyan at umikot ito sa kabila.
"Ang ganda mo tonight."
"Tonight lang talaga?"
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Everyday! every hour! every minute! every second kapag sinagot mo na si Arvin!"
Palatak nito.
"Ewan ko sayo!"
Iningusan niya ito.
"Napaka swerte naman ng magiging Daddy ni Cade."
Dagdag pa nito.
"Mauna ka na kayang mag-asawa noh? Pakasalan mo na kaya si Ashley!" Biro din niya.
"No way! She's not the type of woman i would take seriously."
Nagsasalubong ang mga kilay nito.
"Pero mahal na mahal ka nung tao." giit niya.
"Why? hindi hindi ko naman sinabing seryosohin niya ako!"
"Bahala ka diyan kapag na karma ka diyan sa pinaggagawa mo." Napasimangot na lang siya. Alam niya kasi yung pakiramdam ng niloloko lang.
Nasa harapan na pala sila ng Mansion ng mga Villarico. Marami ng tao. Abala na ang lahat. Napapatingin sa kanila ang ibang mga bisita dahil mag kahawak-kamay sila ni France na naglakad papasok sa loob.
"Oh nandiyan na pala kayong dalawa." Napalingon sila sa nagsalita at tumambad sa harapan nila ang napaka gandang si Doña Mercedes at ang asawa nitong si Don Alberto. Hindi parin maitatago ang kagandahan at kagwapuhan ng mag-asawa kahit may mga edad na ang mga ito.
"Happy Anniversary po tito at tita." Yumakap siya at humalik sa mga ito.
"Napaka ganda mo Iha." Tuwang tuwa na bati pa sa kanya ng Doña.
"Thank you po tita, kayo din po
napaka ganda nyo wala pa rin pong kupas."
Sabi niyang nakangiti sa Matanda.
"Siyempre everyday in love." Singit ni France. Nagkatawanan silang apat.
"Oh siya maiwan na muna namin kayo diyan iha." si Doña Mercedes.
"Opo tita."
"France ikaw na ang bahala diyan kay Tricia." Si Don Alberto.
"Yes Papa!"
At iginiya na siya ng binata sa isang mahabang mesa. Nakaupo na doon ang mga pinsan at kaibigan ni France at ang iba sa kanila ay kilala na din niya.
"Hello Tricia ang ganda mo naman."
Agad na puri sa kanya ni Ashton, isa sa mga pinsan ni France.
"Hi Ash! thank you."
Tipid niya itong nginitian.
"Mukhang wala yata si Pareng Arvin ah." Puna ni Dandrev.
"Nasa Paris ang loko atat makauwi lalo na nung makita niya yung post ko sa social media kasama si Tricia." Nakatawang kwento ni France sa kanila.
"In love talaga yung loko."
Dagdag ni Ashton.
"Tapos sabi pa niya Pare cancel ko na yata lahat yung meetings ko dito can't wait to see Tricia."
Hagalpakan sila ng tawa sa kwento pa ni France.
Namumula na siya sa katatawa ng mahagip ng tingin niya ang isang lalaki sa di may kalayuan. Prenteng nakatayo ito sa isang sulok at may hawak na baso ng alak. Nakaitim ito na pantalon at polong asul na nakatupi ang manggas na umabot sa siko na nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Ang matangos nitong ilong, mapulang labi, makapal na kilay at singkitin na mga mata.
Naramdaman yata ng lalaki na may nakatitig sa kanya kaya nag angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata.
Biglang kumabog ng malakas ang puso niya at kinakapos siya sa paghinga. Lalo na at mariin ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya na animoy hinahalukay ang buo niyang pagka tao.
Nag-init ang buo niyang sistema. Napayuko na lang siya.
"Sweetheart." untag sa kanya ni France.
"Y-Yes?"
Patay! nakakahiya. Nahuli ba siya ng mga kaharap sa iniakto niya?
"Are you okay sweetheart?"
"Yeah." at binigyan niya ng matamis na ngiti ang mga kaharap para itago ang pagka pahiya nito.
"Si Arvin ba? " si Ashton
"Baliw!" Kontra niya agad saka tinawanan ito.
Nang tignan niya ulit kung saan nakatayo ang lalaki kanina wala na ito doon.
"Baka namamalik mata lang ako, imposibleng siya iyon."
Kumbinsi na lang niya sa kanyang sarili at itinuon ang atensiyon sa mga kasama.
MALALIM na ang gabi ng magpaalam siya sa kaibigan at mga magulang nito. Hiniram na lang niya ang kotse ng binata. Hindi na siya nag abalang magpahatid dito dahil
marami pang mga bisita. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan ng may magsalita sa likuran niya.
"Hey!"
Napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa harapan niya ang isang guwapong lalaki na katitigan lang niya kanina.
'Lord please! nakilala ba ako ng guwapong lalaki na ito? Sana hindi naman!' Piping usal niya. Pinagpawisan siya ng malapot at ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Ganito ba talaga kalakas ang epekto sa kaniya ng lalaking ito?
"Yes?" Nakataas kilay na tanong niya para hindi naman obvious masyado diba?
"You look so familiar, have we met before?"
MyGod! boses pa lang niya nakakainlove na!
Nakapa mulsa ito at nakasandal sa isang itim at magarang sasakyan.
"Sorry pero hindi kita kilala." Mataray na sabi niya. Shocks!!
"Are you sure?" pinasingkit pa nito ang kaniyang mga mata na wari'y hinahalukay ang buo niyang pagkatao.
"Yes! baka may kamukha lang ako." Palusot niya.
"Impossible!"
"Pwede ba hindi ko kailangan mag explaine sayo!"
BAKIT ba napakaliit ng mundo at magkikita pa pala sila ng lalaking ito 5 years ago.
Bakit ba napaka guwapo parin nito?Napaka pula parin ng labi nito, ang mga mata nitong nangungusap na kapag tititigan mo mawawari nito ang kaloob looban mo na kung maaari ay hindi ka pwedeng magsinungaling dahil malalaman at malalaman nito.
"Done checking me?"
Malamig na tanong nito.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nakakahiya!
"Miss- " hinawakan siya nito sa braso at hindi man niya aminin iba ang epekto ng pagkakadikit ng balat nito sa kanya.
"Please Mister hindi kita kilala kaya pwede ba!"
Pasupladang iwiniksi niya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kaniyang braso.
"Wait!"
"Damn!" pasarang hinila niya ang pinto ng kotse at pabalibag na isinara iyon at pinaharurot palayo sa lalaking iyon.
"God! bakit?" Wala siya sa sarili habang nagmamaneho. Bakit ba sa dinami dami ng tao na makikita niya, ang lalaking iyon pa?
"Shit!" Napamura siya ng biglang tumawid ang isang lalaki sa harapan niya buti na lang nakapag preno siya agad dahil kung hindi malamang nabangga na niya ito.
"Makakapatay pa yata ako ng tao dahil sa kaiisip sa bwisit na iyon." Napabuga siya ng hangin at kinalma niya ang sarili bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
"I, Sophia Addison, of the Crescent Moon Pack, deny your rejection, Jacob Carter." I smiled triumphantly at him and he just glared at me. I can hear loud gasps and whispers throughout the place. They cannot believe that their goody-two-shoes of a senior year president is rejecting me in front of everybody. What goody-two-shoes? More like a two faced jerk! That is why, here I am, denying his rejection. Oh well, I refuse to suffer alone. So...let us both suffer together my dear mate.
“Drive this woman out!” "Throw this woman into the sea!” When he doesn’t know Debbie Nelson’s true identity, Carlos Hilton cold-shoulders her. “Mr. Hilton, she is your wife,” Carlos’ secretary reminded him. Hearing that, Carlos gives him a cold stare and complained, “why didn’t you tell me earlier?” From then on, Carlos spoils her rotten. Little did everyone expect that they would get a divorce.
Everyone was shocked to the bones when the news of Rupert Benton's engagement broke out. It was surprising because the lucky girl was said to be a plain Jane, who grew up in the countryside and had nothing to her name. One evening, she showed up at a banquet, stunning everyone present. "Wow, she's so beautiful!" All the men drooled, and the women got so jealous. What they didn't know was that this so-called country girl was actually an heiress to a billion-dollar empire. It wasn't long before her secrets came to light one after the other. The elites couldn't stop talking about her. "Holy smokes! So, her father is the richest man in the world?" "She's also that excellent, but mysterious designer who many people adore! Who would have guessed?" Nonetheless, people thought that Rupert didn't love her. But they were in for another surprise. Rupert released a statement, silencing all the naysayers. "I'm very much in love with my beautiful fiancee. We will be getting married soon." Two questions were on everyone's minds: "Why did she hide her identity? And why was Rupert in love with her all of a sudden?"
Madisyn was stunned to discover that she was not her parents' biological child. Due to the real daughter's scheming, she was kicked out and became a laughingstock. Thought to be born to peasants, Madisyn was shocked to find that her real father was the richest man in the city, and her brothers were renowned figures in their respective fields. They showered her with love, only to learn that Madisyn had a thriving business of her own. "Stop pestering me!" said her ex-boyfriend. "My heart only belongs to Jenna." "How dare you think that my woman has feelings for you?" claimed a mysterious bigwig.
RATED 18+ (WARNING) - EXPLICIT SCENES. "Strip for me" the beastly alpha called, his voice echoed from his dark cell, causing a shiver to go down her body. She couldn't fight the way her body reacts to him. Her nipples harden from his touch. "I can smell your wetness omega" he mutters, his hands tracing under her skirt till he feels up her wet jeweled folds, causing a hiss from her lips as his fingers push in. He whispers to he ears, a voice filled the dangerous promise "you are mine" .******. Elise Aldermen is the daughter of the Silvernight Pack's chief alpha. She has waited her whole life for her marriage ceremony, hoping it would be the best day of her life. However, she gets the shock of a lifetime when her betrothed coldly rejects her and makes her a slave after finding out her true origins, even though they were already bound. Not Not only is she claimed to be a bastard on her mating day, but she is also disowned and rejected by her pack and mate. Elise's life turns into a nightmare as she is thrown into the dungeons as the cruel alpha's slave, only to be handed off to his greatest beastly champion, who dwells in the dark cells. Elise soon discovers that the beast she is now forced to be marked and bound to is more than a monster; this beastly alpha could also be her fated mate.
Allison fell in love with Ethan Iversen, the soon-to-be Alpha of the Moonlight Crown pack. She always wanted him to notice her. Meanwhile, Ethan was an arrogant Alpha who thought a weak Omega could not be his companion. Ethan's cousin, Ryan Iversen, who came back from abroad and was the actual heir of the pack, never tried to get the position nor did he show any interest in it. He was a popular playboy Alpha but when he came back to the pack, one thing captured his eyes and that was Allison.