Aklat ni Chrysanthemum
My Chrysanthemum
BLURB: Hindi lahat ng sakit, kayang tiisin. Hindi lahat ng pagsubok, kayang pagdaanan. Hindi lahat ng pag-ibig, puwedeng ipaglaban. Kagaya sa buhay, hindi lahat, nagtatagal. May mauuna, may mahuhuli. Pero, laging tatandaan na ang buhay ay parang isang karera. Nakikipag-sabayan ka man sa mga kalahok, pero hindi kayo pare-parehas ng layunin. Kagaya kay Anton at Crisanta, nadapa man sila sa umpisa. Pero, hindi nila pinagsisihan iyong pagka-dapa sa pagkakamali na iyon. Dahil, ito ang nagsilbing aral sa kanila. At ito rin ang nagbigay ng dahilan, para ipagpatuloy nila ang kanilang mga nasimulan.