Aklat ni TheGoodBoySide
The Man Who'll Stay
Buong buhay ni Charlie, ang maiwan ng mga taong importante sa kanya ay hindi na bago...pero napakasakit. Bata pa lang siya nang mawalan ng mga magulang. Iniwan siya ng mama niya. Namatay naman sa aksidente ang papa niya. Napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin ngunit nang tumungtong ng edad na disiotso ay pinakiusapan siya nitong suportahan na ang kanyang sarili. Sa isang taon na pagta-trabaho sa isang fast food restaurant, nakilala niya si Dylan. Ang kauna-unahang lalakeng minahal niya at nagparamdam sa kanyang hinding-hindi siya nito iiwan...pero iniwan pa rin siya nito at ipinagpalit siya sa iba. Sa sobrang bigat ng sakit na kanyang nararamdaman, makalipas ang tatlong buwan na puno ng depresyon ay nagdesisyon siyang magpakalayo-layo muna para ipahinga ang kanyang utak at hanapin ang kanyang sarili. Sa malayong probinsya kung saan niya napiling pumunta at manatili ngtatlong buwan, dito niya unti-unting binuo ulit ang sarili niya. Ang tatlong buwan na akala niya ay magiging simple at maayos ay mas naging komplikado nang makilala niya si Trevor, ang probinsyanong hindi niya inasahang magiging malapit sa kanya nang sobra.