Pinanganak na may gintong kutsara sa bibig si Lucky. Hindi naging mahirap sa kaniya ang buhay, hanggang sa isang hindi pangyayari ang dumating sa kaniyang tadhana, nalugi ang kompanyang pagmamay-ari niya. Naloko siya ng babaeng matagal niyang minahal, walang tinira sa kaniya. Hanggang sa makilala niya si Ellen Zamora ang babaeng pinanganak man isang kahig at isang tuka naging malapit naman sila sa isa't isa. Muling nakabangon si Lucky sa tulong ni Ellen sa kaniya, hanggang sa tuluyang bumalik ang lahat sa kaniya. Si Ellen nga ba ang kaniyang lucky charm? Paano na lamang kung bumalik ang dati niyang minahal?
Chapter One
MAGANDA ang gising ni Lucky, maaliwalas ang mukha niya. Kahit na inumaga na siya sa naging lakad nila ng nobya niyang si Jasmine- inakay kasi siya nito sa isang bagong bukas na bar sa sa Quezon city. Hindi niya naman ito tinanggihan at agad siyang sumama rito. Minsan na rin kasi silang nagsasama ni Kirsten gaya ng pagkakataong 'yon kaya pinagbigyan niya ito.
Isa pa nag-enjoy din naman siya sa lakad nila ng nobya niya kahit pa kasama nito ang ilang matalik nitong kaibigan.
Hindi naman naging boring ang gabi niya, masaya naman ang mga itong kasama. Hindi nga niya alam kung paano siya nakauwi sa kalasingan na mayroon sila.
"Good morning, Babe," bungad ni Jasmine kay Lucky nang sinagot niya ang tawag nito.
Kasalukuyan siyang nasa sala sa malaki nilang bahay. Halos mag-isa lang siya r'on. Naisipan niyang tawagan ito, para kamustahin na rin kung paano ito nakauwi.
Wala na talaga siyang matandaan- low tolerance lang si Lucky pagdating sa alak kaya nga kapag nasobrahan na siya wala na siyang alam sa mga nangyayari at kabilang na rito kung paano nakauwi si Jasmine.
"How are you, Babe?" tanong ko rito.
"Fine! Medyo masakit ang ulo ko. Ikaw?" balik tanong nito sa akin sa tanong ko sa kaniya.
"I'm fine too! Likewise, masakit din ang ulo ko. Dahil siguro sa alak na ininom natin nagdaang gabi, naparami yata ako," natatawa kong tugon sa kaniya.
"Paano ka pala nakauwi, Babe? Someone bring you home ba?" tanong ko sa kaniya.
Nandoon naman ang isa sa matalik niyang kaibigan na si Amanda.
"Okay naman. After ka namin maihatid, hinatid naman ako agad ni Amanda sa bahay ko," sagot nito sa akin.
Halatang kumakain ito at narinig ko ang pagnguya nito.
"Good to hear that! Wala talaga akong matandaan sa mga nangyari. Nagising na lang akong nandito sa bahay sa sakit ng ulong nararamdaman ko, Baby. Naisip agad kita at baka kung ano na ang nangyari sa 'yo," sabi ko sa kaniya.
"I'm fine, Lucky! Kilala naman kita e. Mabilis ka talaga tamaan, kaya nga niyaya ko na rin sina Amanda noong nakita na kitang hindi na maganda ang ayos."
"I'm sorry about that, Babe. Hayaan mo next time babawi ako sa 'yo. Ikaw naman ang ipagmaneho ko."
Tumawa lang ang ito. Walang kahit na anong tugon mula rito.
"Can I hang up your call, Babe? May tatawagan lang ako. Nand'on pa rin kasi ang car ko sa bar at nakisakay lang din ako kay Amanda," paalam nito sa kaniya.
"Ganoon ba? Are you sure? Sigi! I'll call you na lang later ha. Just message me if you're done. I love you, Jaz.." aniya ni Lucky sa kasintahan.
Pero wala man lang siyang kahit na anong tugon na natanggap mula rito. Pinili niya na lang itong hindi pansinin, ang mahalaga sa kaniya nasa maayos ang lagay nito. Nakauwi ito ng ligtas kahit wala siyang maalala sa mga nangyari.
Iyon lang naman ang mahalaga, ang kaligtasan ng nobya niya.
Masaya na siya r'on. Dahil sa twina hindi niya matatanggap kung may mangyaring masama kay Jasmine lalo na kapag sa pangangalaga niya ito.
Hindi lang siya sa pamilya ng dalaga malalagot kundi sa sarili niya kapag may hindi magandang mangyari dito.
Malaki ang utang na loob ni Lucky kay Jasmine, ito ang naging sandalan niya sa mga pagkakataong nag-iisa siya.
Maaga siya naulila mula sa mga magulang nang mamatay ang mga ito ng sabay sa isang aksidente noong kinse pa lamang siya.
Malaking bagay na mayroong isang Jasmine sa buhay ni Lucky, hindi lang ang Tita Felice niya ang naging kasama niya kundi pati ito.
Ilang beses niya ngang pinangako sa sariling ito ang pakakasalan niya.
Naghihintay lang siya ng magandang tyempo para alukin ito ng kasal lalo pa't isang taon na lang ang lilipas at mapapasakamay niya na ang lahat ng ari-arian ng mga magulang niyang pinamana sa kaniya.
Nasasabik na siya sa bagay na 'yon. Handa na rin siyang pangalagaan ang pinagkatiwala ng mga ito sa kaniya, maliban na lamang sa Sugar plantation nila sa Ilo-ilo. Ang sabi sa kaniya ng Tita Felice niya, ito raw ang pinakamalaking pagawaan ng asukal sa probinsiya.
Kailanman hindi pa siya nakapunta sa lugar na 'yon, para sa kaniya boring d'on at hindi niya kayang iwan si Jasmine sa Manila.
Ilang beses niya na rin kasing inalok itong samahan siya kada inaakay siya ng Tita Felice niya. Siya lang itong tumatanggi at hindi niya kasama ang nobya.
"Gising ka na pala, Hijo," untag ni Tita Felice sa kaniya.
Umupo ito paharap sa kaniya, napansin niya ang dala-dala nitong tasa ng tsaa na madalas niyang nakikita rito.
"Yes, Tita. Medyo masakit nga ang ulo ko dahil sa nagdaang gabi," sabi niya rito.
Tiningnan siya nitong napapailing na lamang.
"Bakit kasi hindi ka magdahan-dahan sa pag-iinom, Ysmael. Alam mo naman na hindi nakakabuti sa 'yo ang alak," panimulang sermon ng tita niya sa kaniya.
"I'm with Jasmine, Tita. Hindi ko naman pweding iwan itong mag-isa," aniya rito.
"Again and again? Hindi mo ba naiisip na malulungkot ang mga magulang mo kapag nakikita ka nila sa ganyang estado, Ysmael?" anito pa.
"Tita, alam mo naman na hindi ko pweding pabayaan si Jas. Ayaw ko naman siyang mag-isa sa lugar na 'yon at kung sino-sino na lamang ang kasama. Besides, kaya ko ho ang sarili ko. Hindi naman ako nagmamaneho mag-isa kapag lasing na ako, Tita," pangangatwiran niya rito.
Muling napangiti ang Tita Felice niya sa kaniya at sumimsim ito ng tsaa na dala nito.
"Alam mo naman ang tama at mali, Lucky. Hindi ko na kailangan ulit-ulitin pa sa 'yo ang lahat hindi ba?" untag pa.
Tumango-tango si Lucky bilang tugon rito.
"I'am, Tita. Huwag ho kayo mag-alala sa akin, I can handle myself well. Ligtas naman ho ako palagi at ayaw ko kayong mag-alala lalo na si Jasmine," turan niya rito.
"Wala na akong sinabi, Hijo. Pero lagi mong tatandaan na hindi ako nagkulang mangaral sa 'yo. Wala ka pa sa tamang edad, pinapaalala ko lang," habilin pa nito.
Sinundan ng tingin ni Lucky ang tiyahin niya matapos itong magpaalam sa kaniya.
Napailing-iling na lamang siya nang sa sarili niya naramdaman niyang may ayaw pa rin nito kay Jasmine para sa kaniya.
Synopsis Synopsis MATAGUMPAY sa buhay si Napoleon isa siyang arkitekto sa firm na pagmamay-ari ng pamilya nila. Wala na sana siyang hahanapin pang iba, maliban lang sa kakulangan sa kaniyang buhay pag-ibig. Iilan na ang nagsabi sa kaniyang mahirap siyang abutin. May babae siyang gustong-gusto, weird man pero natutunan niya itong mahalin sa haba ng panahon na nababasa niya ang mga akda nito. Isa itong romance writer ng isang sikat na publication house sa Pilipinas, ang nakilala niyang si Alexis Catalan. Hindi niya man alam kung 'yon nga ang tunay na pagkakakilanlan ng dalaga, hindi ito naging hadlang para hangaan niya ng labis. Magkikita pa nga ba ang dalawa? Paano kung matagal niya na pala itong nakakasalamuha?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...