Synopsis Synopsis MATAGUMPAY sa buhay si Napoleon isa siyang arkitekto sa firm na pagmamay-ari ng pamilya nila. Wala na sana siyang hahanapin pang iba, maliban lang sa kakulangan sa kaniyang buhay pag-ibig. Iilan na ang nagsabi sa kaniyang mahirap siyang abutin. May babae siyang gustong-gusto, weird man pero natutunan niya itong mahalin sa haba ng panahon na nababasa niya ang mga akda nito. Isa itong romance writer ng isang sikat na publication house sa Pilipinas, ang nakilala niyang si Alexis Catalan. Hindi niya man alam kung 'yon nga ang tunay na pagkakakilanlan ng dalaga, hindi ito naging hadlang para hangaan niya ng labis. Magkikita pa nga ba ang dalawa? Paano kung matagal niya na pala itong nakakasalamuha?
CHAPTER ONE
NAGMAMADALI si Napoleon sa pagpasok, gusto kong maagang makarating sa opisina.
Sermon na naman mamaya sa Kuya Emman niya at marami silang ginagawa, pero mas pinili niya ang maglasing nagdaang gabi sa despedida party ng kaibigan niyang mag-migrate na sa ibang bansa.
Kilala naman ito ng Kuya Emman niya, kaya wala naman dapat siyang magiging problema.
Pero dahil alas-nuevi na ng umaga kaya malakas ang loob niyang nasa opisina na ang mga ito.
Matagal na ring hiwalay si Napoleon o Leon sa malaking bahay nila sa Laguna.
Mas pinili niyang sa Ortigas na manarahan at malapit lang din ang kompanya nila rito.
Muntik pa matisod si Leon nang may naapakan siyang isang libro, maliit lang ito hindi ito katulad ng mga libro nilang magkakapatid.
Luminga-linga siya sa paligid bago dinampot ito.
"Save me your last heart beat." Ito ang nabasa ni Napoleon sa pabalat ng libro.
'Miranda's Publication,' malakas ang kutob niyang isa itong romance book at kung sino man ang nakalaglag sa tapat ng bahay niya hindi niya alam.
Wala sa sariling binitbit ito ni Leon hanggang sa makapasok siya sa sarili niyang sasakyan na maayos na naka-park sa labas ng gate niya.
Wala siyang panahon hanapin pa ang may-ari ng librong 'to.
Kung mayroon man maghanap, agad niya ring ibabalik, aniya.
Isa pang tingin ang pinakawalan niya para sulyapan ito- written by Alex Is.
Unique pen name, aniya ni Leon sa sarili. Naalala niya ang kabataan niya noon, ang hilig niya sa pagsusulat.
Hindi lang nagkaroon ng panahon ang sandaling 'yon dahil na rin sa hindi ito gusto ng magulang niya para sa kaniya.
Iba ang nais ng pamilya niya at ang pagiging arkitekto nga ang napili ng mga itong sa huli buong puso na ring tinanggap ni Leon.
••
LAKAD TAKBO ang ginawa ni Alexis, gusto niyang makarating agad sa HR department ng subdivision sa kung saan siya ngayon.
Ito ang araw ng schedule niya sa in-aplayan nyang trabaho. Gusto niya ng makalayo mula sa pamilya niya sa Aklan. Dahil kung hindi niya uunahan ang mga ito, wala siyang pagpipilian kundi ang maikasal sa lalaking gusto ng mga ito para sa kaniya at 'yon ang hindi hahayaan ni Alexis.
Ang sabi kanina sa kaniya ng secretary, nandoon na raw ang sundo niya at siya na lang ang hinihintay kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa.
Bitbit niya ang isang may kalakihang maleta niya at ang shoulder bag niya na kung saan naroon ang mga mahahalaga niyang gamit na hindi niya pweding iwan sa Aklan.
Alam niya sa mga panahong 'to hinahanap na siya ng Kuya Alex at Kuya Aljon niya. Iyon ang hindi hahayaan ni Alexis dahil sa kaniyang pagtapak sa Manila, hindi siya masusundan ng mga ito.
"Makikilala akong si Paloma at hindi si Alexis," aniya sa sarili. Kasabay ang paghimas ng malaking nunal na naging disguise niya.
Hindi niya hahayaan pang muling makita ang pamilya hanggang sa hindi nagigising ang mga itong wala siyang gusto sa lalaking pinagpipilitan nila.
'Mamamatay muna ako!' naiinis na sambit ni Alexis sa kaniyang sarili.
"Makikilala akong si Paloma at hindi si Alexis," aniya sa sarili. Kasabay ang paghimas ng malaking nunal na naging disguise niya.
Hindi niya hahayaan pang muling makita ang pamilya hanggang sa hindi nagigising ang mga itong wala siyang gusto sa lalaking pinagpipilitan nila.
'Mamamatay muna ako!' naiinis na sambit ni Alexis sa kaniyang sarili.
"Miss Paloma Marasigan?" untag sa kaniya, niya nakilala niyang sekretarya ng HR department sa loob ng ekslusibong subdivision na 'to.
"Y-yes po," medyo hindi pa siya sanay sa pangalan kong ginagamit kaya matagal at halos pautal-utal ko pang sagot dito.
"Maupo ka," alok nito sa kaniya.
Sinunod niya naman ito at agad na inikot ang tingin sa paligid. Mukhang mamahalin nga ang lugar na 'to.
Napansin niya agad 'yon sa kagamitan sa loob ng munting opisina na 'to. Malayong-malayo sa Villa kung saan siya nakatira sa Aklan.
Pinilig-pilig ni Alexis ang kaniyang ulo. Hindi ba dapat hindi niya na iisipin pa ang tinalikurang probinsiya at kailangan niyang mag-focus na sa bagong buhay na kung saan siya ngayon? untag niya.
"Dito sa files mong nabasa ko, ang magiging amo mo ay si Mr. Napoleon Guevarra," narinig ni Alexis na sinabi nito. Habang may tinitingnan itong brown envelope na nakalatag sa harap nito.
Sa isip ni Alexis lumakbay agad na matanda ang magiging amo niya at Napoleon ang pangalan nito. Iyon agad ang naisip niya.
'Kaya ko naman siguro,' bulong niya sa kaniyang sarili.
Noong lumuwas siya wala naman siyang ibang pangako, kundi kakayanin niya ang lahat.
Mas gugustuhin niya pang magtiis sa Manila at sa trabahong balak niya pasukan kaysa ang ikasal sa lalaking hindi niya naman gusto buong buhay niya.
Ngayon pa lang nakaramdam na siya ng pandidiri.
Hindi naman dahil sa matanda na ang mayamang lalaking 'yon, hindi niya lang talaga masikmura na nagustuhan ng pamilya nya 'yon para sa kaniya.
Mayaman naman sila, halos nasa kanila naman ang lahat at may malaki naman silang kainan sa Aklan na dinadayo ng mga turista na nagagawi sa Kalibo.
Ano pa ba ang hanap ng mga 'to?
Pinanganak na may gintong kutsara sa bibig si Lucky. Hindi naging mahirap sa kaniya ang buhay, hanggang sa isang hindi pangyayari ang dumating sa kaniyang tadhana, nalugi ang kompanyang pagmamay-ari niya. Naloko siya ng babaeng matagal niyang minahal, walang tinira sa kaniya. Hanggang sa makilala niya si Ellen Zamora ang babaeng pinanganak man isang kahig at isang tuka naging malapit naman sila sa isa't isa. Muling nakabangon si Lucky sa tulong ni Ellen sa kaniya, hanggang sa tuluyang bumalik ang lahat sa kaniya. Si Ellen nga ba ang kaniyang lucky charm? Paano na lamang kung bumalik ang dati niyang minahal?
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!