Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakatagpo ni Jade ang pinaka-nakakainis na lalaki sa balat ng lupa. Si Louis Dela Llana. Solong anak, mayaman, gwapo, a total package Prince Charming gaya ng mga nababasa niya sa mga romance pocketbooks at napapanood sa mga romantic movies. At katulad din ng ibang ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig, sobra itong babaero. Dahil para sa binata ang lahat ng babae ay may expiration date. Good for two months lang. At kahit sobrang lakas nitong mang-asar at ilang beses na siyang naperwisyo, hindi niya napigilan ang sariling lihim itong hangaan. Paano naman kasi ay kamukhang-kamukha ito ng crush niyang si Adam Sandler. When he offered friendship to her ay walang pagdadalawang isip niya iyong tinanggap. Kahit alam niya mismo sa sarili niyang pwedeng mauwi sa mas malalim na damdamin ang nararamdaman niya para kay Louis. Pero kabaligtaran ang nangyari sa lahat takot na mayroon siya. Dahil totoong minahal siya ni Louis. Nang sobra, ng buong puso. At nagbago ito ng lubos para sa kanya. Sabi nila walang thrill ang isang kwento kung walang conflict. Well, sa kwento nila ni Louis, si Cindy iyon. Ang super obsessed na ex-girlfriend ng binata na nakahandang gawin ang lahat mabawi lang nito si Louis. At si Carol. Ang ina ni Louis na ang tingin sa kaniya ay gold digger. Bukod pa roon ang katotohanang ibang babae ang napipisil nito para sa anak na ini-anunsiyo nito sa gabi ng mismong debut party ng binata. Ang pinakamasamang bangungot ng buhay niya.
"MASYADO ka naman, lahat nalang yata ng tao ngayon may Facebook. Saka wala ka bang tiwala naman sakin Louis? Biruin mo mula third year high school girlfriend mo na ako, kulang na nga lang satin kasal eh" si Rhiza na nagtatampong pinatay ang laptop nito saka nakasimangot siyang nilingon.
"Hindi naman sa ganoon, kaya lang kasi lately napapansin ko nauubos mo na ang oras mo diyan sa Facebook" nagpapaunawa niyang sabi saka inakbayan ang nobya.
Nangingiti siyang inirapan ng dalaga. "Sus! Ang sabihin mo nag-iisip ka lang ng hindi maganda!"
"Tatlong taon nalang gagraduate na tayo. Then I will marry you" aniyang ginagap ang palad ni Rhiza pagkatapos.
"Agad ba pakakasal tayo? Alam mo kasi parang gusto ko munang pumunta ng America, dun ko gustong tumira."
"Ayaw mo ba dito sa Mercedes?"
Narinig niyang nangalatak si Rhiza. "Dito na nga ako tumanda eh. Sa States talaga ang gusto ko, para kasing mas maganda ang buhay do'n. Mas sosyal!"
Napabuntong hininga doon si Louis at piniling manahimik nalang. Hindi iilang beses ng sinabi iyon sa kanya ng nobya at iyon ang talagang madalas nilang pagtalunan. And lately, magtatatlong buwan narin mula nang mawili ito sa Facebook ay napuna niyang naging mas persistent si Rhiza sa gusto nito.
"I love you so much Rhiz, say we will end up together no matter what" aniyang niyakap ng mahigpit ang nobya.
Wala siyang narinig na sagot rito. Sa lahat ng naging nobya niya, si Rhiza ang masasabi niyang kaniyang first love, at dito siya unang nangarap. Botong-boto rito ang parents niya, lalo na si Carol na kanyang ina. Kaya naman umaasa siyang sa kabila ng pagbabagong napupuna niya rito ay sila parin ang magkakatuluyan.
One year later
"HINDI natin kailangang maghiwalay, may Skype, may YM and Facebook! Maraming paraan Rhiza" ani Louis sa nagsusumamong tinig.
"Facebook, one year ago sinabi mo sakin na ayaw mo ng Facebook. Saka ayoko ng long distance relationship Louis. Malaya ka, fall in love if you have too. I will always hope the best for you." hindi niya masabi kung ano ang emosyon ng sinabing iyon ng dalaga pero isa lang ang alam niya. Hindi siya makapaniwalang ang tatlong taon nilang relasyon ay natuldukan na.
"Alam mo namang ito ang gusto ko noon pa. At kapag nakapagtrabaho na ako sa America makukuha ko na lahat ng gusto ko Louis, lahat ng bagay mabibili ko. Saka isa pa hindi ko nakikita ang sarili kong tumatanda dito sa Mercedes" dugtong pa ng dalaga.
Hotel and Restaurant Management ang course ni Rhiza. Ang kaibigang nakilala nito sa Facebook na nagmamay-ari ng isang bagong tayong hotel sa America ang nag-alok ng trabaho at malaking sweldo sa dalaga kaya ito aalis ng Pilipinas.
"No, tell me this isn't happening" aniyang mahigpit itong niyakap. Nasa loob sila noon ng sasakyan niya kaya hindi siya nagdalawang isip na pakawalan ang kanyang emosyon.
If this is the only way to make you stay, magmamakaawa ako. Huwag mo lang akong iwan.
"Mahal kita, pero mas mahal ko ang pangarap ko. At kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, masasabi kong napakalaking tanga ko. Kung tayo talaga Louis, we will end up together. Pero please, huwag mo na akong hanapin. Kung gagawa ka lang ng account sa FB or Twitter just to find me, don't bother. Ayokong masaktan ka pa ng sobra. I'm sorry, I have to go" anitong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Ilang sandali pa wala na si Rhiza sa paningin niya. Kasama nitong naglaho sa loob ng sasakyan niya ang amoy ng pabango nito. Pero hindi ang sakit na nasa dibdib niya.
Sinubukan niyang hanapin si Rhiza sa Facebook ilang buwan matapos itong lumipad patungo ng America. Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito noon. Gumawa siya ng account dahil, kahit sabihin pa ng ibang napag-iwanan siya sa uso, wala talaga siyang hilig sa social media. At maswerteng nakita naman niya ang account nito. Bagay na labis niyang pinagsisihan nang mapag-alamang ikinasal na pala ito sa isang negosyanteng Amerikano.
Huli na nang aminin sa kaniya ni Rhiza na niloko siya nito. Na bukod sa kaniya ay nobyo rin nito ang Amerikanong iyon na nakilala nito sa internet na siyang nag-alok din ng trabaho sa dalaga.
What you are and what you have aren't enough for me. Kaya naghanap ako ng mas nakahihigit sayo. Masaya na ako ngayon, sana tigilan mo na ako. I love my husband so much, ayokong saktan ka ng sobra pero siguro tama lang na malaman mong siya ang totoong dahilan kung bakit ako nag-decide na pumunta dito, only to be with him.
Iyon ang sinabi sa kaniya ni Rhiza nang magkausap sila nito sa Skype ilang araw matapos niya itong i-add as friend sa Facebook. Sobrang sakit ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Hanggang sa puntong pati buhay niya ay nalagay sa peligro.
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo anak?" si Carol nang pasukin siya nito sa loob ng private room sa ospital kung saan siya naka-admit.
Tiningnan lang niya ang ina, pagkatapos ay ngumiti.
"Huwag mo ng uulitin iyon Louis, hindi ko kaya anak. I love you so much, higit kanino man" noon umiiyak siyang niyakap ni Carol.
"I promise Ma, hindi na mauulit ang ganito. Not ever" aniyang hinaplos ang luhaang mukha ng para sa kanya ay nag-iisang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.
"I'M gonna kiss you in private, is that okay with you?" tanong niya kay Wella, ang kaniyang latest prospect.
He started dating, isang linggo mula nang makalabas siya ng ospital months ago. Pero mas iba sa dating nakagawian niya.
"That's fine with me" sagot ni Wella na nagkibit pa ng balikat.
Noon siya malisyosong ngumiti saka hinila ang dalaga sa mas madilim at tagong bahagi ng SJU.
"I really like you Louis" ang humihingal pang sabi ng babae nang pakawalan niya ang mga labi nito.
"Gusto rin kita, at kung papayag ka, you can be my girl for two months" aniyang nanunukso pang kinagat ang lower lip ng dalaga. "deal?"
Kahit madilim ay nakita niyang tumango ang dalaga. " Deal" sagot nito.
Natawa siya ng mahina pagkatapos ay muli itong hinalikan.
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?