Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
TEN YEARS BEFORE...
"LAWRENCE dalhin mo muna itong bibingka sa tindahan ni Kumareng Lilia. Naipangako ko kasi sa kanya na kapag nagluto ako padadalhan ko siya. Gamitin mo nalang iyong traysikel para madali ka" ang nanay niya si Roma na iniabot sa kanya ang maliit na bilao ng bibingka.
Tumango siya saka kinuha sa sabitan ang susi ng traysikel. "Sige nay" aniyang nagmamadali nang lumabas dala ang kakanin.
Si Aling Lilia ay kaibigan ng nanay niya. At ito ang pinakasikat at pinakamahusay na alahera sa kanilang bayan, ang Don Arcadio. Pero hindi kagaya ng nanay niya, walang kasama sa buhay ang ginang dahil matandang dalaga ito. Ayon sa kwento ng nanay nila ay nasa Italy raw ang ilang kamag-anak nito. Iyon lang ang alam niya, wala ng iba.
Hindi nagtagal dahil nga naka-traysikel siya ay narating niya ang tindahan. Si Rodel na anak ng katiwala nila sa bukid ang nakita niyang nasa labas ng tindahan at kasalukuyang nagma-mop ng sahig.
"Rodel!" tawag niya sa kababata at matalik na kaibigan.
"Uy! Ano iyang dala mo?" ang tila natatakam na agad nitong tanong.
Tumawa siya ng mahina. "Sira, para kay Aling Lilia ito. Teka anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Nagkibit ng balikat ang kaibigan niya. "Nagtatrabaho ano pa? Sayang din kasi ang kita. Tuwing Biyernes ng hapon hanggang Linggo ng hapon ako dito" paliwanag ni Rodel.
Naaawa niyang pinakatitigan ang kababata. "Sige hintayin kita sa bahay mamaya, maraming ginawa si nanay eh, siguradong meron kayo doon" paniniyak niya.
Tumawa si Rodel. "Halika pumasok ka muna, tatawagin ko si Aling Lilia" anitong pinatuloy siya sa tindahan.
Sa loob, ilang sandali narin siyang nakaupo nang mahagip ng paningin niya ang isang mataas na estanteng salamin. Nagsalubong ang mga kilay ni Lawrence saka ibinaba ang hawak na bilao at tumayo. Puno ng paghanga niyang pinakatitigan ang isang maganda at eleganteng singsing.
"Ang ganda hindi ba?" napakislot si Lawrence nang marinig ang tinig na iyon.
"Aling Lilia!" aniya.
Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ng ginang. "May kwento ang singsing na iyan" anito sa kanya saka kinuha ang susi sa bulsa ng suot nitong bestida saka buksan ang showcase at inilabas ang singsing.
"Ang ganda naman po nito, siguro mahal ito" aniyang buong paghangang sinuri ang hugis pusong diamante na nasa dulo ng white gold na singsing.
"Kaya dapat mahal na mahal mo rin ang pagbibigyan mo niyan kung sakali. May kasabihan nga hindi ba, diamonds are forever. Ang ibig sabihin, kailangang ibigay mo ang singsing na ito sa babaeng kaya mong mahalin magpakailanman" ang makahulugang turan ng ginang.
Napangiti siya. "Kapag mayaman na ako, bibilhin ko iyan at ibibigay ko sa babaeng pakakasalan ko" siya man ay nasorpresa sa sinabi niyang iyon.
Tumango ang ginang. "Hihintayin ko ang araw na iyon hijo" nasa tinig naman ni Aling Lilia ang tiwala sa sinabi niya. "siya nga pala, mabuti at napadalaw ka?"
Noon niya ibinalik sa ginang ang singsing saka kinuha ang bilao ng bibingka at ibinigay iyon sa matanda. "Mauuna na po ako" aniyang sinulyapan pa muna ang singsing na naibalik na ni Aling Lilia sa kaninang kinalalagyan nito. Habang sa isip niya ay ang pangakong binitiwan niya sa sarili niya.
Para ka lang sa babaeng mamahalin ko, sa babaeng bibigyan ko ng forever. Aniya pa.
KABANATA 1
"NO! I'm sorry but no!" matigas na tanggi ni Claire saka binawi ang kamay nitong hawak niya kung saan sana isusuot ang hawak niyang singsing na batong ruby ang dulo.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lawrence sa nakuhang sagot mula sa nobya. "But I thought you love me?" hindi niya mapigilan ang makaramdam ng sakit at hindi iyon naitago ng tinig niya. Mahigit isang taon narin niyang nobya ang dalaga kaya hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito.
Noon nailing na hinawi ni Claire palikod ang mahaba at alon-alon nitong buhok saka tumayo. "Oo, pero wala pa akong planong magpatali sayo! Look, gusto ko pang pumunta ng Amerika. Gusto kong magtrabaho doon!"
"Akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol diyan?" ang kaninang lungkot na nararamdaman ay mabilis na nahalinhinan ng pagkairita. "so, Amerika lang pala ang dahilan kaya ayaw mong magpakasal sa akin? Ganoon ba?" ang galit niyang muling tanong.
Nakita niyang pumunit ang alanganing ngiti sa mapupulang labi ni Claire. Pagkatapos ay naglalambing itong lumapit sa kanya saka yumakap. "Dalawang taon, hintayin mo ako at babalikan kita" anito sa kanya.
"Dalawang taon? Then what? Ayoko ng long distance relationship!" ang inis niyang turan.
Nagbuntong hininga si Claire at umabot iyon sa pandinig niya. "Okay" anito sa nabibigatang tinig. "kung ganoon walang ibang choice kundi ang maghiwalay na muna tayo sa ngayon" hindi na siya nabigla sa narinig bagaman naramdaman niyang mabilis na gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib.
"Kailan ang alis mo?"
Takang tinitigan siya ni Claire. "Paanong?"
"Sinabi sakin ng Mama mo, iyon ang dahilan kaya minabuti kong mag-propose na sayo. Kasi iniisip ko iyon lang siguro ang paraan na pwede kong gawin to make you stay. Pero kung ganito ang gusto mo fine" ang mapait niyang saad sabay tayo. Ang tinutukoy niya ay ang ina ni Claire na si Celina.
Nasa may pintuan na siya nang marinig ang boses ni Claire. "Babalik ako, dalawang taon lang. Then we can get married" naramdaman naman niyang totoo sa loob nito ang sinabi pero siguro dahil narin sa mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya ay nagawa niya iyong ignorahin.
"Goodbye" ang sa halip ay isinagot niya bago lumabas ng pinto.
Habang daan ay tahimik na pinakiramdaman ni Lawrence ang sarili. Masakit pero alam niyang hindi tamang magpalamon sa nararamdaman niya. Abala siya sa pagma-manage ng Festive ang restaurant na pag-aari niya at ng hipag niyang si Julia na asawa ng kuya niyang si Fritz. Kaya hangga't maaari iniiwasan niya ang ma-stress ng husto dahil tiyak na makaka-epekto iyon sa trabaho niya.
Dalawang taon? Maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon Claire. At kung sakali, kapag huli na ang lahat, wala kang karapatang sisihin ako. Ang kabilang bahagi ng isipan niya habang patuloy sa banayad na pagmamaneho saka nasulyapan ng wala sa loob ng maliit na kahong nasa dashboard ng kanyang kotse.
Nagbuntong hininga si Lawrence saka itinigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Kinuha niya ang notepad saka sinulatan iyon at pagkatapos ay inilagay sa loob ng kahita kasama ang singsing. Bumaba siyang tangan ang maliit na kahon. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib saka pinagsawa ang paningin sa magandang tanawin sa ibaba ng cliff na kinatatayuan niya.
Siguro talagang hindi lang sila para sa isa't-isa ni Claire dahil kahit hindi niya aminin alam naman niya sa sarili niyang hindi rin naman siya naging patas sa dalaga. Sa katunayan iyon ang dahilan kung bakit kahit kaya niyang ibili ito ng mamahaling diamond engagement ring ay ruby ang mas pinili niya.
Minahal ko si Claire sa paraang alam ko. Pero bakit ganoon, kahit alam ko mismo sa sarili kong baka masaya kana ngayon sa piling ng iba? Bakit ang hirap mong kalimutan? Anya? Ang isang bahagi ng isip niya. Saka pagkatapos ay noon niya inihagis ng malakas palayo ang kahita sa cliff saka muling sumakay sa loob ng sasakyan.
EIGHT DAYS LATER...
"ARE you sure kaya mong mag-drive? You know what pwede naman nating ipagpabukas nalang ang pagluwas ng Manila. Tutal gabi narin naman" ang worried na tanong ni Anya sa nobyo niyang si Phil.
Malagkit ang titig habang ang magandang ngiti sa mga labi ni Phil ay tila naka-plaster na. "Nothing to worry, and besides na sa akin na ang lahat ng dahilan para maging maingat." pagkasabi niyon ang makahulugan pa siyang kinindatan ng binata.
Nag-init ang mukha ni Anya sa ginawing iyon ng nobyo. "Pilyo" aniyang pabiro itong inirapan pagkuwan.
Ilang sandali pagkatapos ay nasa byahe na sila ni Phil pa-Maynila. Mahilig silang mag-travel ni Phil. Isa iyon sa marami nilang pagkakatulad ng binata na nakikita niyang dahilan kung bakit madali silang nagkahulihan ng loob nang ligawan siya ng nobyo noong pareho palang silang nasa kolehiyo.
Pareho silang nasa huling taon noon ng binata. Hotel and Restaurant Management ang kurso niya, habang Business Management naman ito. Sa ngayon ay kasalukuyang Marketing Manager sa isang malaking kumpanya ng bag si Phil habang siya naman at Manager din sa isang kilalang five star hotel and restaurant sa Makati.
"I love you" ang binatang inabot ng isa nitong kamay ang kaniya saka marahang pinisil.
Nakangiti niyang nilingon ang binata. "I love you more" aniya. "nasaan na ba tayo?" pagkuwan ay ibinaling niya sa unahan ng sasakyan ang paningin saka binasa ang nakasulat sa itaas ng arko. "Don Arcadio, I never thought na may ganito kagandang lugar dito sa Norte" sa kabila nang papadilim ng kalangitan ay napuna ni Anya ang palusong na cliff sa gilid ng kalsadang tinatakbo nila.
"Maraming magagandang lugar dito sa Pilipinas. Anyway kahit saan would be a great place lalo kung kasama kita" ang malambing na tinig ni Phil ay nagdulot ng nanunuot na kilig sa kanyang puso kaya hindi niya napigil ang mapabungisngis.
Tumawa siya ng mahina sa sinabing iyon ng nobyo. "Pero iba dito, pakiramdam ko gusto kong bumalik dito. What do you think?" aniyang naglalambing na muling nilingon ang kasintahan.
Nakangiting napailing sa ginawi niyang iyon si Phil. "You know what? Alam mo talaga ang kahinaan ko" anito pang muli ay amuse siyang nilingan.
Napalabi siya sa narinig. "Thank you" aniyang nakangiti.
"Kahit ano, basta kaya ko at magpapasaya sayo ibibigay ko" pagkasabi niyon ay niyuko siya ng nobyo saka mabilis na hinalikan.
Kung gaano kabilis ang halik na dumampi sa mga labi niya ay ganoon rin ang mga pangyayari. Dahil pareho silang ginulantang ng isang rumaragasang truck pasalubong sa kanila. Wala ito sa linya kaya minabuti ni Phil na iiwas ang kotse sa kasalubong na dambuhalang sasakyan. Nahagip niyon ang bahagi ng driver's seat kaya naman mabilis silang umikot ng umikot bago nalaglag ng tuluyan sa cliff.
"Phillll!!!!!" ang malakas niyang tawag sa pangalan ng nobyo habang dumadausdos pababa ng bangin ang kanilang sasakyan.
Wala na siyang narinig na sagot sa nobyo dahil ang kasunod na nangyari ay nang bumangga ang kotse sa isang malaking puno. Noon lang din ito nahinto sa patuloy na pagdausdos pababa. Nilinga niya ang kasama, duguan at walang malay. Noon siya napahagulhol ng iyak habang sa kabila ng matinding pananakit ng kanyang ulo at unti-unting pagkahilo ay nanghihina ang kamay niyang inabot ang kasintahan.
"Phil, Phil!" aniya habang unti-unti nang nilalamon ng matinding takot ang kanyang dibdib. "please wake up, don't do this to me, please? I love you" ang nagmamakaawa niyang isinatinig sa pagbabakasakali niyang naririnig parin siya ng katipan. Pero walang anumang senyales na nararamdaman siya nito dahil hawak parin niya ang balikat ng binata at mahinang niyuyugyog.
Ilang sandali pa bumukas ang pintuan ng sasakyan sa bahagi niya agad na bumati sa kanya ang nag-aalalang mukha ng isang lalaking kulay puti ang suot na t-shirt. Maputi at matangkad na may malaking pangangatawan. Dala marahil ng matinding pagkahilong nararamdaman niya kaya parang hindi nagkakahugis sa paningin niya ang mukha nito.
"T-Tulong, tulungan ninyo kami" aniya sa nanghihina ng tinig nang maramdaman ang unti-unting pagdami ng tao sa paligid.
"Huwag kang mag-alala...A-Anya? A-Anya! Dadalhin kita sa ospital" ang lalaki sa desidido nitong tinig ay napuna niyang tila nagulat pang nagsalubong ang mga kilay habang nakatitig sa kanya. Narinig niyang tinawag nito ang kanyang pangalan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon.
"Pare, itong lalaki hindi na humihinga!" nang marinig ang isinigaw ng marahil kasama ng lalaking naglabas sa kanya at ngayon ay may-pangko sa kanya ay agad na bumalong ang mga luha ni Anya.
"N-No!" alam niyang mamaya lang mawawalan na siya ng malay dahil ramdam na niya ang matinding pagkahilo pero ang marinig ang mga salitang iyon patungkol sa kanyang nobyo, pakiwari niya ay gusto niyang mag-panic.
�
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Higit pa sa inasahan niya ang nangyari nang sa ikalawang pagkakataon ay muling nakita ni Paul ang babaeng nagpaligalig ng puso niya. Si Jessica. At ang lahat ng pinagsaluhan nila nang gabing iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para huwag na itong pakawalan. Pero paano ba niya tuturuan ang puso ng dalaga na muling magmahal kung ang tanging dahilan ng nangyayari sa kanila ay gusto lang nitong makalimot sa masakit nitong nakaraan? Mahal niya ang dalaga, pero hanggang kailan siya maghihintay para rito? At ano nga naman ang assurance niya na siya ang pipiliin nito kung sa pagbabalik nila ng Maynila ay naroon at naghihintay si Daniel? At nakahanda nitong gawin ang lahat mabawi lang ang dalaga.
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."