Get the APP hot
Home / Romance / TIMELESS ONES
TIMELESS ONES

TIMELESS ONES

5.0
24 Chapters
822 View
Read Now

About

Contents

Nagpakasal si Julia kay Jason sa kagustuhan niyang maipagamot ang tiyahing may malubhang karamdaman. Dahil doon ay napilitan siyang talikuran si Fritz. Ang lalaking totoong minamahal niya. Ipinagdasal niya ang muli nilang pagkikita pero dumating iyon sa pagkakataong hindi niya inasahan. At gaya ng dati, binigyan siya ni Fritz ng kanlungan. How could something so wrong be so right? Dahil sa loob ng mahabang panahon, nanatiling nagmamahal ang malaking bahagi ng puso niya sa binata. At doon siya nagiging ganap na masaya. At sa muli nilang pagkikita ng binata, hanggang saan ba ang kaya niyang gawin para sa pagmamahal niya kay Fritz? Kaya ba niyang ipaglaban ang binata kay Jason? At kaya rin ba niyang talunin ang kamatayan makasama lang ito?

Chapter 1 PROLOGUE

"WALA yatang partner itong puso ko eh" si Julia saka sinulyapan ang hawak na kartolinang pula na ang hugis ay kalahating puso.

"Meron iyan, imposibleng wala" sagot ni Bessy na seatmate at kaibigan niya.

Nagkibit-balikat si Julia saka nangalumbaba. Segundo lang ang pagitan nang mula sa kanyang likuran ay naramdamang nakatayo ang kung sino. Lumingon siya, si Fritz na nahihiyang ngumiti sa kanya. Hawak nito ang kulay pula ring kahating puso, iniaabot sa kanya, tinanggap niya iyon. Hindi siya nag-e-expect na mabubuo ang isang puso pero nangyari nga. Noon siya sinimulang tuksuhin ni Bessy na hindi naman niya pinansin.

"I-Ikaw ang ka-Valentine ko?" parang hindi makapaniwala niyang bulalas saka tiningala ang kaklaseng nakatayo parin sa kanyang tabi. Sa edad niyang onse, noon lang niya naranasan ang pamulahan. Hindi nagsasalitang tumango si Fritz. Lumapad ang nahihiya parin nitong ngiti saka sumandal sa pader ng kanilang classroom. "o-okay sige, ang sabi ni Ma'am kung sinuman ang maging ka-Valentine pwedeng ilibre. Sige ililibre nalang kita mamayang recess" aniya pa.

Umiling si Fritz saka siya nilapitan. "Ako nalang ang manlilibre sayo. Saka, pwede bang akin nalang iyan?" anitong inginuso ang hawak niyang puso.

"S-sige" ang tanging naisagot niya saka iniabot ang hinihingi ng kaklase.

ONE YEAR LATER

HOY sipon! Napasimangot si Julia nang mabasa ang nakasulat sa itaas na bahagi ng kanyang desk. Sa ilalim ng dalawang salita ay naka-indicate pa kung sino ang salarin. Walang iba kundi si Fritz, Inis niyang nilingon ang maharot na kaklase saka tinitigan ng masama. Nakayuko noon si Fritz pero sa kabila niyon ay nakikita niya ang pagpipigil nitong mapangiti.

Maharot! Salbahe! Sigaw ng isip niya. Hindi naman sila talagang close ni Fritz. Sa katunayan ay wala siyang matandang pagkakataong kinausap siya nito maliban last year nang maging magka-Valentine sila sa isang game na ginawa ng teacher nila. Sa isiping iyon ay malungkot siyang nagbuntong-hininga saka kinuha ang maliit na piraso ng sand paper sa bulsa ng kanyang bag at inis-is ang isinulat ng kaklase sa kanyang sulatan.

"Anong nangyari?" si Bessy na galing naman sa CR.

Umiling siya, ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon. "Halika na, malayo pa ang lalakarin naatin" nang i-dismissed ng guro ang klase.

NASA likuran siya noon ni Julia. Napangiti siya nang maalala ang reaksyon nito kanina nang mabasa ang isinulat niya sa desk nito. Hindi niya napigilan ang lihim na kiligin.

Crush niya si Julia, iyon ang totoo niyang dahilan. Kaya nahihirapan siyang kausapin ang kaklase ay dahil sa natatakot siyang gawin iyon dahil nga sa lihim niyang paghanga rito. Gustong-gusto niya ang maputi nitong balat at itimang buhok. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ba ginawa siyang maliit ng Diyos? Tama, mas matangkad kasi si Julia sa kanya.

Kapag mas matangkad na ako sayo, kapag engineer na ako, liligawan kita tapos pakakasalan. Iyon ang binitiwan niyang pangako sa sarili niya habang nakasunod ng tingin sa papalayong bulto ni Julia.

SIX YEARS LATER

"KASAMANG darating ng Tita Hilda mo si Jason, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong siya ang mapangasawa mo, mayaman siya at gwapo. Siguro naman walang dahilan para hindi mo siya magustuhan dahil siya, balita ko eh patay na patay sa'yo" ang tiyahin niyang si Melissa habang kumakain sila ng hapunan.

Hindi siya umimik at nanatiling nakayuko lang sa sariling plato kaya nagpatuloy sa litanya nito ang tiyahin niyang matandang-dalaga. "Panahon naman na sigurong bigyan mo ako ng magandang buhay. Pagod na pagod na ako sa pagtitinda ng kakanin para lang maitaguyod ka. Sana naiintindihan mo akong para lang sa'yo kaya ko ginagawa ang ganito" paliwanag nito sa kanya sa karaniwan nitong malakas na tinig.

"Kaya nga po ako nag-aaral ng mabuti para mabigyan ko kayo ng magandang buhay someday" sagot niya ng halos pabulong.

Noon tila nahahapong ibinaba ni Melissa ang hawak na kubyertos saka siya pinakatitigan. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Heto na nga si Jason, mayaman, gwapo, mataas ang pinag-aralan at citizen pa sa Amerika?"

Malungkot siyang nagbuntong-hininga saka hindi na na kumibo. Totoo naman iyon, hirap sila sa buhay at kaya siya nakakapag-aral sa private school ay dahil sa pagiging full-scholar niya. Nasa ikalawang taon na siya sa kurso niyang Business Management.

Kapatid ni Melissa ang nasira niyang ina na si Marissa. Ang sabi ng tiyahin niya, hit and run ang ikinamatay ng kanyang ina wala pa siyang isang taon. Habang ang tatay niya, kahit ang nanay niya ay hindi matukoy kung sino. Dati kasing GRO sa club si Marissa, mas bata ito sa tiyahin niya kaya layaw at hindi sanay sa mabibigat na gawaing bahay.

Sa susunod na buwan na ang dating ni Hilda, ang matalik na kaibigan ng tiyahin niya. Isang nurse sa Amerika si Hilda na nakapag-asawa ng negosyanteng Amerikano. Si Jason ang nag-iisang anak nito na siyang inirereto sa kanya ng tiyahin. Madalas siyang tawagan ni Jason sa cellphone ng tita niya. Friend din niya ito sa Facebook account niya bibihira naman kung mabuksan niya dahil wala naman siyang gadget na pwedeng gamiting pang-internet.

At sa pag-uwi ng mag-ina, alam niyang pirming maninirahan na ang mga ito sa Pilipinas. Habang ang Amerikanong asawa ni Hilda ay maiiwan sa America at siya paring mamamahala ng mga negosyo nito doon. Pwede naman kasing mag-visit nalang sa States ang mag-ina dahil narin sa pagiging citizen ng mga ito doon.

"Siya, matulog kana, ako na rito" pagtataboy sa kanya ng tiyahin.

"Ako na ho, magpahinga na kayo" aniya naman nang marinig ang magkakasunod na pag-ubo nito. "pa-check-up tayo sa center tita? Ilang araw narin ang ubo ninyo" nasa tinig niya ang pag-aalala.

Umiling ito. "Huwag mo akong intindihin. Siya mauuna na ako, i-check mo ang mga pinto" anitong iniwan na siya pagkatapos.

Sinundan niya ng tingin ang tiyahin. Mahal na mahal niya ito, dahilan kaya hindi nagkakapuwang ang anumang galit sa dibdib niya sa kabila ng ginagawa nitong pagrereto sa kanya kay Jason. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil sa loob ng eighteen years ay wala itong ginawa kundi ang itaguyod at alagaan siya. Hindi rin niya malilimutan ang ginawang pagtalikod ni Melissa sa dapat sana'y mapapangasawa nito noon dahil sa kanya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 24 KABANATA 23   08-12 18:53
img
1 Chapter 1 PROLOGUE
01/04/2022
2 Chapter 2 KABANATA 1
01/04/2022
3 Chapter 3 KABANATA 2
01/04/2022
4 Chapter 4 KABANATA 3
01/04/2022
5 Chapter 5 KABANATA 4
01/04/2022
6 Chapter 6 KABANATA 5
01/04/2022
7 Chapter 7 KABANATA 6
01/04/2022
8 Chapter 8 KABANATA 7
01/04/2022
9 Chapter 9 KABANATA 8
01/04/2022
10 Chapter 10 KABANATA 9
01/04/2022
11 Chapter 11 KABANATA 10
01/04/2022
12 Chapter 12 KABANATA 11
01/04/2022
13 Chapter 13 KABANATA 12
01/04/2022
14 Chapter 14 KABANATA 13
01/04/2022
15 Chapter 15 KABANATA 14
01/04/2022
16 Chapter 16 KABANATA 15
01/04/2022
17 Chapter 17 KABANATA 16
01/04/2022
18 Chapter 18 KABANATA 17
01/04/2022
19 Chapter 19 KABANATA 18
01/04/2022
20 Chapter 20 KABANATA 19
01/04/2022
21 Chapter 21 KABANATA 20
01/04/2022
22 Chapter 22 KABANATA 21
01/04/2022
23 Chapter 23 KABANATA 22
01/04/2022
24 Chapter 24 KABANATA 23
01/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY