Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / If Only Love
If Only Love

If Only Love

5.0
65 Mga Kabanata
214 Tingnan
Basahin Ngayon

Toni was on the top of the world- she was an icon, a multi-media star and the envy of many artists in her generation, she had a perfect boyfriend and everything at her whim. Subalit sa isang iglap ay nawala sa kanya ang lahat at pakiramdam niya ay walang kwenta ang buhay niya. Subalit may isang taong nagpabalik ng kagustuhan niyang mabuhay – si Rushmore, ang lalaking minsang bumigo sa kanya. Rushmore hated her guts at first. Subalit ito ang naging sandigan niya nang panahong akala niya ay wala na siyang pag-asa. His love made her live again. Subalit ano ang gagawin niya kung nalaman niya na isang balat-kayo lamang ang pag-ibig nito?

Mga Nilalaman

Chapter 1 IOL 1

Sumigid ang ulo ni Antoinette"Toni" Fabregas matapos ang duet nila ng kapwa recording artist at ang mahigpit na katunggali na si Amber Kintanar. Matagal niyang pinaghandaan ang guesting nito sa musical variety show niyang Simply Toni. After all, ito ang tumalo sa kanya sa isang singing contest at nagsabing hindi siya sisikat. Gusto niyang ipamukha dito na siya na ngayon ay isang multi-media star at top endorser. She was the Ultimate Diva.

May sarili siyang show habang ito naman ay magbabalik-showbiz matapos ang ilang taong pagkawala sa industriya dahil kung anong bilis ng sikat nito ay ganoon din kabilis ang pagbagsak nito.

Sa kasamaang-palad ay hindi nakisama ang sakit ng ulo niya. Nasa kalagitnaan ng production number nang sumigid ang sakit ng ulo niya. Dumagdag pa ang paghina ng sounds sa earpiece niya. It was not good. Pakiramdam niya ay may sumabotahe sa kanya para matalo siya ni Amber. She was Toni Fabregas. Hindi siya dapat matalo ng isang talunan tulad ni Amber.

"Mukhang kinabahan ka sa duet natin," komento nito pagpunta nila sa backstage. There was a smug smile on her face. "Hindi mo na-hit ng tama ang high notes mo. Parang nag-alangan ka."

"Pinagbigyan lang kita. Minsan ka lang naman nag-guest sa show ko kaya gusto ko naman na bigyan ka ng chance na sumikat," aniya at nginisihan ito.

Hindi niya aaminin dito na sumakit ang ulo niya. Idagdag pa doon ang problema sa earpiece niya. Basta na lang humina ang sounds at nawala.

"Come on. Just admit that you are a loser," nakangising sabi nito habang naglalakad sila sa hallway ng studio papunta sa dressing room. "Nangangatog ka na siguro dahil matatalo na naman kita."

Isang nakakainsultong halakhak ang pinakawalan niya. The nerve of this woman! Nang magsabog ng kayabangan sa mundo ay nasalo nito lahat. "Amber dear, don't be so cocky about it. Baka nakalimutan mo na nanalo ka lang dahil sa gobernador mong ama. Remember the public outcry when I bested me."

"That's what you say. Bitter ka lang dahil marami akong supporters."

Yes. Her own father's constituency. "But I am the crowd's darling. I am the Ultimate Popstar now. Ako ang maraming projects. Ako ang may show, maraming endorsements at multi-platinum albums. How about you? Hanggang gold lang ang album mo. Ni hindi ka nagkaroon ng sarili mong show. At anong ipagmamalaki mo sa akin? Ang flop mong movie at ang career mong pilit na binubuhay."

Naningkit ang mata nito. "I am better now. I can best you. At titiyakin kong ilalampaso kita katulad ng ginawa ko kanina."

Pumalatak siya at magaang tinapik ang pisngi nito. "Gawin muna bago mo ako pagmalakihan. At kung hindi kita pinagbigyan, paano ka pa nila mapapansin? Baka masapawan ng galing ko ang promotion mo ng pelikula mo. Walang manonood at flop ka na naman. Kawawa ka naman. Paano na ang career mo?"

"You bitch!"

Inangat nito ang kamay at akmang sasampalin siya. Dali-dali niya iyong sinapo at handa talaga siyang labanan ito nang marinig niya ang yabag sa likuran nila. "Toni! Amber!" Nabosesan niya ang isang showbiz reporter na bayaran ng manager ni Amber. Hindi siya pwedeng gumawa ng kahit anong magpapasama ng imahe niya.

Tumawa siya at hinatak si Amber saka bineso-beso. "Thanks for guesting, Amber. Sana maging successful ang movie mo. Alam ko magiging hit iyan. After this, tiyak na magkakaroon ka na ng new album. I am so excited for you."

Nagulat si Amber at mukhang hindi alam ang sasabihin. Sanay kasi itong magmaldita sa harap ng maraming mga tao. Unlike her, she knew how to play the game. Alam niya kung kailan niya dapat ilabas ang sungay niya.

"Isn't this nice? Magkasundo kayong dalawa," sabi ng showbiz reporter na si Kristeta. "Pwede ko ba kayong ma-interview?"

"Si Amber na muna ang interview-hin mo, Kristeta. I need to freshen up a bit. Maraming fans na naghihintay sa akin sa labas. Maiwan ko na muna kayo," aniya at dali-daling pumasok sa dressing room niya.

Pagpasok ay isang impit na tili ang pinakawalan niya. Tinanggal niya ang Loubutin pumps niya at ibinato sa isang sulok ng dressing room. "That witch! Sino ba kasi ang may idea na i-guest ang babaeng 'yan sa show ko? I don't want to give her even a second of my airtime. Siya na nga itong umaamot sa kasikatan ko, siya pa ang may ganang magyabang."

Dali-daling pinulot ng personal assistant niyang si Dianne ang sapatos niya. "Ate Toni, kumalma lang po kayo. Sayang naman po itong sapatos ninyo."

"I don't care. May pambili ako niyan. At pwede nga lang ihinampas ko na 'yan sa mukha ng Amber na 'yon. Ang taas ng ambisyon niya. Tatalunin daw niya ako. As if!"

"Ate, m-medyo mas magaling nga po siya kanina..."

Matalim niya itong tiningnan. "Anong sinabi mo?"

Ngumiwi ito. "K-Konti lang naman po."

"Pinagbigyan ko siya kanina. Saka masakit ang ulo ko at may sira ang earpiece ko," aniya at hinilot ang sentido.

Nanlaki ang mata nito at dali-daling kinalkal ang bag niya. "A-Ate, bakit hindi mo sinabi kaagad? Sabi na nga ba may masakit sa iyo kaya di mo naitodo ng birit kanina." Inabot nito ang kapsula ng headache tablet niya at bote ng mineral water. "Ate, di ba kasasakit lang ng ulo mo kanina? Wala kang isang oras mula nang uminom ka niyan. Baka iba na 'yan. Magpatingin ka na kaya sa doktor?"

"Hindi ko kailangan ng doktor. It's just a headache. Na-stress ako dahil kay Amber." Hindi talaga niya matanggap na natalo siya ng ganoon-ganoon lang. There was something wrong.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at pumasok ang nobyo niyang si Phil na may dalang isang bouquet ng rosas. "Congratulations, sweetheart! Another superb performance."

"Ayan! Tanggal na ang stress ninyo, Ate," kinikilig na sabi ni Dianne.

Kahit naman sinong babae ay kikiligin kay Phil. Guwapo ito at galing sa pamilya ng mga Valiente, isang mayamang angkan sa Naga. He was an advertisement and indie film director. Marami ang nagsasabing maswerte siya dahil naging boyfriend niya ito. Mabait kasi ito at maalalahanin. Isa sa dahilan kung bakit ito ang sinagot niya sa maraming mga manliligaw ay dahil considerate ito at hindi insecure sa estado niya.

Sinalubong niya ito ng yakap. "Oh, Phil! It was a disaster. Nakakahiya talaga."

"So nag-flat ka ng isa o dalawang beses pero nakabawi ka naman. You are still great. Makakalimutan mo rin iyan oras na makita mo kung saan kita dadalhin para sa dinner."

Bumuntong-hininga siya at umiling. "I...I can't."

"Pero tapos na ang trabaho mo."

"May importante pa akong meeting. I need to meet the staff. Kailangang malaman ko kung sino ang sumabotahe sa akin," aniyang muling sumilakbo ang iritasyon.

Maang itong napatitig sa kanya. "Sumabotahe?"

"Yes. Basta na lang humina ang earpiece ko kanina. Halos wala na nga akong narinig. Kaya nga hindi ganoon kaganda ang performance ko," mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Hindi ako papayag na ipahiya lang ako ng ganito."

"Pero paano ang dinner natin? It is our monthsary, remember?" malungkot na tanong nito.

"Oh! I....I forgot." Nawala iyon sa isip niya at di naman niya nailagay sa schedule niya dahil sobrang dami ng iniisip niya. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. "How about we reschedule it tomorrow?"

Iling ang isinagot nito. "May flight ako mamayang umaga sa Bacolod para sa shooting ng movie ko. Isasali ko iyon sa Sundance Film Festival. Nakalimutan mo na ba? Halos dalawang buwan tayong hindi magkikita."

Now she really felt guilty. Ilang beses na itong nangyari sa kanila. Pero konting lambing lang niya ay mawawala ang tampo nito. Yumakap siya sa leeg nito. "Pero naiintindihan mo naman ako, hindi ba? Mahalaga ito sa akin. Why don't you go home? Ayoko namang mapuyat ka."

"S-Sige," lulugo-lugo nitong sabi.

"Ma'am, pwedeng ituloy na lang ninyo ang dinner date ninyo?" bulong ni Dianne sa kanya nang lumabas ng dressing room si Phil.

Naging matiim ang anyo niya. "Hindi. Oras na para malaman nilang walang pwedeng sumabotahe sa akin. Magbabayad kung sinuman ang gumago sa akin. Titiyakin kong mabubura ang pangalan niya sa industriyang ito."

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 65 IOL (The End)   05-17 14:07
img
img
Chapter 1 IOL 1
07/04/2022
Chapter 2 IOL 2
07/04/2022
Chapter 3 IOL 3
07/04/2022
Chapter 4 IOL 4
07/04/2022
Chapter 5 IOL 5
07/04/2022
Chapter 6 IOL 6
07/04/2022
Chapter 7 IOL 7
07/04/2022
Chapter 8 IOL 8
07/04/2022
Chapter 9 IOL 9
07/04/2022
Chapter 10 IOL 10
07/04/2022
Chapter 11 IOL 11
07/04/2022
Chapter 12 IOL 12
07/04/2022
Chapter 13 IOL 13
07/04/2022
Chapter 14 IOL 14
07/04/2022
Chapter 15 IOL 15
07/04/2022
Chapter 16 IOL 16
07/04/2022
Chapter 17 IOL 17
07/04/2022
Chapter 18 IOL 18
07/04/2022
Chapter 19 IOL 19
07/04/2022
Chapter 20 IOL 20
07/04/2022
Chapter 21 IOL 21
07/04/2022
Chapter 22 IOL 22
07/04/2022
Chapter 23 IOL 23
07/04/2022
Chapter 24 IOL 24
07/04/2022
Chapter 25 IOL 25
07/04/2022
Chapter 26 IOL 26
07/04/2022
Chapter 27 IOL 27
07/04/2022
Chapter 28 IOL 28
07/04/2022
Chapter 29 IOL 29
07/04/2022
Chapter 30 IOL 30
07/04/2022
Chapter 31 IOL 31
07/04/2022
Chapter 32 IOL 32
07/04/2022
Chapter 33 IOL 33
07/04/2022
Chapter 34 IOL 34
07/04/2022
Chapter 35 IOL 35
07/04/2022
Chapter 36 IOL 36
07/04/2022
Chapter 37 IOL 37
07/04/2022
Chapter 38 IOL 38
07/04/2022
Chapter 39 IOL 39
07/04/2022
Chapter 40 IOL 40
07/04/2022
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY