Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / What a Girl Wants
What a Girl Wants

What a Girl Wants

5.0
48 Mga Kabanata
1.7K Tingnan
Basahin Ngayon

Sa sobrang sama ng loob ni Patrice sa ex-boyfriend ay nakagawa siya ng recipe ng mga bitter sa pastillas na di naman niya naasahan na magiging viral nang mai-upload sa internet. Dahil doon ay sunud-sunod na ang mga manliligaw niya na gustong hilumin ang puso niyang sugatan. Wala naman siyang pakialam sana sa mga ito kundi lang niya kinailangan ng pera kaya napilitan siyang tanggapin ang alok sa kanya ng isang network na maging bida sa isang dating game kung saan nakahilera ang mga kalalakihan para makuha ang puso niya. Tsansa na din daw niya iyon para maka-move on. Pero effective naman kaya ang solusyong ito kung ang ex-boyfriend niya na nanakit sa kanya ay nasa kalabang istasyon na katapat na programa niya? Sino ang magwawagi sa labanang iyon?

Mga Nilalaman

Chapter 1 Prologue (1)

"Classmates, sinong gustong bumili ng pastillas? Masarap ito. Gawa namin ng Nanay ko. Naku! Sa pinanggalingan kong school bentang-benta ito," anunsiyo ni Patrice sa mga kaklase niya sa Broadcast Communication I-1 sa Central University of Asia. Iyon ang pangalawang araw niya sa klase at sinamantala niya ang pagkakataon na makapagbenta habang di pa dumadating ang professor nila. Dahil block section naman siya kaya naisip niya na pwede na siguro niyang simulan ang pagnenegosyo.

"What kind of pastillas is that again?" tanong ng kaklase niya na mukhang artistahin na si Sari. Papasok lang sa paaralan ay nakakulot pa ang buhok at kuntodo ang make up.

"Pastillas de leche ito. Pero may pastillas ube din. Gusto mo?" nakangiti niyang alok. Yes! Sa wakas ay may una na siyang customer. Maganda ito kaya siguro ay maganda itong pang-buena mano.

"I mean, what brand is it?" nakangiwing tanong ni Sari.

"Didn't you hear? It is just homemade," sabi din ng kaibigan nito na si Chynna na di man kagandahan ay mukha namang makinis. Parang di dinadapuan ng alikabok ang balat.

"Doesn't look like a sosyal homemade though. Isn't she the scholar from the slums?" narinig niyang tanong ng isa pa niyang kaklase na lalaki na patpatin at naka-pomada pa ang buhok. Ito ang kumausap sa kanya kahapon dahil sila ang nauna sa classroom. Akala niya ay pala-kaibigan ito pero ngayon ay mukhang di na. Isa rin ito sa ipinagdidiinan na galing siyang squatters area at hindi siya sosyal.

"Excuse me? Don't you know that you are not allowed sell items here without the school's permission? It is not the same as the public school where you came from," anang kaklase niyang si Matilda na seatmate niya kahapon. Akala niya ay mabait ito.

"Baka madumi pa iyan. I bet walang sanitary permit. Will you handle our medical bills if we get sick from your dirty pastillas?" may kasungitang tanong ni Damian, ang anak ng isang mayor sa Norte. Sabi pa nito na kung kailangan niya ng tulong ay lapitan lang siya nito pero ngayon ay ito pa ang nagpapasama sa kanya.

"Grabe naman kayo. Di naman madumi at nakakadiri ang pastillas na tinda ko. Wala pa naman sa kaklase ko mula elementary ang nagkasakit dahil doon," depensa ni Patrice.

"Of course. They are destitute people. Sanay na ang tiyan nila sa maruruming pagkain. Don't compare them to us," nakatirik ang matang sabi ni Sari.

"I think we should tell the dean about this incident. This is against the school policy. She will make our class look cheap," anang si Chynna at sinang-ayunan iyon ng iba pa niyang kaklase.

Napapatda si Patrice. Wala pa siyang isang linggo sa university, sa dean's office agad ang bagsak niya? Di bale sana kung adelentada siyang estudyante. Hindi naman.

Bakit ba dito siya nag-enroll? May iba namang school na may scholarship para sa kanya. Pero ito ang pinili ng ina niya para sa kanya dahil iyon ang pinakamamahalin sa lahat ng paaralang magbibigay sa kanya ng scholarship ay sinabi ng ina na tiyak na maraming bibili ng pastillas na ibinebenta nila dahil mayayaman ang estudyante doon.

Ayaw niyang maramdaman na kawawa siya. Gusto niyang pagmumurahin isa-isa ang mga kaklase niya na mapanlait sa kanya. Ayaw niyang magmura. Nangako siya sa nanay niya na siya magmumura dahil gusto nitong maging iba ang buhay niya kaysa sa mga kapitbahay nila. Gusto daw nito na maging pino siyang kumilos kaya doon din siya nito pinag-aral. Pero ngayon ay parang gusto na niyang magsisi.

Sana sa state university na lang siya nag-aral. Sana ay kasama na lang niya ang mga kaibigan niya na bukod sa tanggap siya at nakaka-relate siya ay di siya mamaliitin. Wala siyang makakasamang kumain ng isaw sa school na iyon. Lalong walang bibili ng masasarap na pastillas na gawa ng nanay niya. Kung wala siyang mabebentang pastillas, di niya alam kung saan siya kukuha ng baon.

Nagulat siya nang magsalita ang lalaki sa tabi niya. Mukhang kapapasok pa lang nito sa classroom. "Pabili ng pastillas. Isang balot."

"Ha?" usal ni Patrice at natigagal sa lalaki.

Cute. Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Di dahil maliit ito dahil matangkad ito. Sa palagay niya ay nasa sixteen lang ito gaya niya pero parang poste na ang tangkad nito. Nasa 5'9" marahil ito at makisig ang tindig kahit na white T-shirt at pantalong maong lang suot nito. Naka-brush up ang buhok nito. Nakangiti ang mapupungay nitong mata at matangos ang ilong nito. Tumigil ang mundo niya nang ngumiti ito at sumilay ang dalawang malalim na dimples nito sa magkabilang pisngi.

Pero wala siyang oras para matulala sa lalaking ito na di niya alam kung saan nanggaling. Guwapo ito at mukhang maamo ang mukha pero ganoon din naman ang ibang kaklase niya na nanghahamak sa kanya ngayon.

"Bibili ka?" tanong niya sa lalaki.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 48 WAGW (Epilogue)   04-15 00:11
img
img
Chapter 3 WAGW 1
07/04/2022
Chapter 4 WAGW 2
07/04/2022
Chapter 5 WAGW 3
07/04/2022
Chapter 6 WAGW 4
07/04/2022
Chapter 7 WAGW 5
07/04/2022
Chapter 8 WAGW 6
07/04/2022
Chapter 9 WAGW 7
07/04/2022
Chapter 10 WAGW 8
07/04/2022
Chapter 11 WAGW 9
07/04/2022
Chapter 12 WAGW 10
07/04/2022
Chapter 13 WAGW 11
07/04/2022
Chapter 14 WAGW 12
07/04/2022
Chapter 15 WAGW 13
07/04/2022
Chapter 16 WAGW 14
07/04/2022
Chapter 17 WAGW 15
07/04/2022
Chapter 18 WAGW 16
07/04/2022
Chapter 19 WAGW 17
07/04/2022
Chapter 20 WAGW 18
07/04/2022
Chapter 21 WAGW 19
07/04/2022
Chapter 22 WAGW 20
07/04/2022
Chapter 23 WAGW 21
07/04/2022
Chapter 24 WAGW 22
07/04/2022
Chapter 25 WAGW 23
07/04/2022
Chapter 26 WAGW 24
07/04/2022
Chapter 27 WAGW 25
07/04/2022
Chapter 28 WAGW 26
07/04/2022
Chapter 29 WAGW 27
07/04/2022
Chapter 30 WAGW 28
07/04/2022
Chapter 31 WAGW 29
07/04/2022
Chapter 32 WAGW 30
07/04/2022
Chapter 33 WAGW 31
07/04/2022
Chapter 34 WAGW 32
07/04/2022
Chapter 35 WAGW 33
07/04/2022
Chapter 36 WAGW 34
07/04/2022
Chapter 37 WAGW 35
07/04/2022
Chapter 38 WAGW 36
07/04/2022
Chapter 39 WAGW 37
07/04/2022
Chapter 40 WAGW 38
07/04/2022
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY