Get the APP hot
Home / Romance / Hiding The CEO's Twins
Hiding The CEO's Twins

Hiding The CEO's Twins

5.0
60 Chapters
10.8K View
Read Now

About

Contents

Shanbri is just a simple girl but her boyfriend Kenji Yael is a billionaire CEO. Despite that, they still love each other unconditionally. Until one day, Shanbri found out that Kenji Yael is already engaged to another girl. Shanbri got hurt so she decided to leave her boyfriend and go to a far place but before that, she gave herself to Kenji Yael as a token of her love for him. Later she found out that she got pregnant with Kenji Yael's child but she decided to hide it from him. But, after 4 years they saw each other again because Kenji Yael will be the new boss of Shanbri. Will they clear the misunderstandings in their past? Will Kenji Yael know the secret of Shanbri? Will they fight for their love? And, finally have a happy ending with their twins.

Chapter 1 DATE

CHAPTER 1: DATE

SHANBRI POV

Sunday ngayon at nandito kami ngayon ni Kenj sa mall. Magd-date raw kami dahil dalawang araw rin kaming hindi nagkita kasi busy siya sa office at ako naman ay busy rin sa work.

Nagtatrabaho ako sa isang kompanya dito sa Maynila. Gusto sana ni Kenj na sa company na niya ako magtrabaho pero ayaw ko dahil baka mahuli kaming dalawa doon at pag tsismisan pa siya ng mga tao.

Simple lang ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap sakto lang.

Parehong public teacher ang parents ko pero hindi ako sumunod sa yapak nila dahil iba ang gusto kong tahakin na landas.

Anyway, magkahawak kamay kami ni Kenj habang naglilibot sa mall. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao lalo na ng mga kababaihan. Ano pa nga ba eh palagi naman ganyan kapag kasama ko si Kenj.

Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo talaga ang boyfriend ko. Matangkad, moreno, matikas ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahahabang pilik mata, mapupulang labi at ang pinaka paborito ko sa lahat, ang kulay abo niyang mga mata. May lahi kasi siyang German kaya ganoon ang kulay ng mga mata niya.

Hay napaka perfect talaga ng boyfie ko ewan ko ba kung ano nagustuhan nito sakin hehe.

Maganda naman ako. Iyon ang sabi ng nanay ko hehe. Hindi ako katangkaran at mayroon akong mahabang itim na itim na buhok hanggang baywang. Singkit ang mga mata ko at mayroong kissable lips. Iyon ang sabi ni Kenj. Pinaka paborito niya raw ang labi ko kaya gustong gusto niya akong halikan hehe. Simple lang akong manamit. Pulbo at liptint lang ang nilalagay ko sa mukha ko. May kaputihan ako at tama lang naman ang katawan.

Nagkakilala kami ni Kenj sa company niya noong nag intern ako doon. Siya ang CEO at may-ari ng kumpanya oh diba ang yaman ng boyfie ko hehe.

Pero hindi pera niya ang nagustuhan ko ha. Minahal ko siya kasi maalaga siya sakin kahit na masungit siya minsan ay lagi naman niyang pinaparamdam na mahal niya ako at hindi niya ako hinusgahan kahit magkaiba kami ng estado sa buhay.

Ayon sa mga empleyado sa kumpanya niya ay playboy daw si Kenj at hindi nagseseryoso sa mga babae. Paiba-iba raw ang girlfriend nito pero ni isa ay wala raw siyang pinakilala sa pamilya niya at sa mga kapwa niya businessman. Mga kaibigan lang niya ang nakakaalam ng kanyang mga fling dahil pare-parehong playboy ang mga ito.

Noong una ay nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba si Kenj o hindi dahil narin sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. Baka kasi ay pinaglalaruan niya lamang ako at hindi niya seseryusohin. At ako pa talaga ang nagpakipot sa kanya noh haha.

Pero hindi tumigil si Kenj sa panliligaw sa akin. Kahit na patago ito dahil ayaw kong may makaalam na iba lalo na sa kumpanya ay pinatunayan niya na seryoso siya sa akin. Nagbago ito at palagi akong pinapadalhan ng bulaklak at tsokolate. Pinapadalhan niya rin ako ng pagkain araw araw dahil ayaw niya raw na magutom ako.

Kung minsan naman ay pinapatawag niya ako sa opisina niya at doon sabay kaming kumakain ng lunch. Hindi naman ito madalas dahil ayaw kong magtaka ang kanyang secretary at kumalat pa ito sa kumpanya.

Malapit na ang 1st anniversary namin at ang nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang aking bestfriend na si Trish at ang parents ko. Ang alam lang ng mga kaibigan niya ay may nobya ito ngunit hindi nila ako kilala kahit ang pangalan ko dahil ayaw kong ipasabi kay Kenj. Noong una ay ayaw niyang pumayag gusto niya akong ipakilala maging sa pamilya niya pero kalaunan ay napilit ko rin siya.

Ayaw ko lang kasing malaman ng mga kaibigan niya at ang pamilya niya na nakikipag relasyon siya sa hindi niya ka-uri. Hindi pa ako handa sa ngayon. Gusto ko pang maging successful at kapag nakamit ko na iyon ay papayag na akong ipakilala niya. Sana ay kami parin pagdating ng araw na iyon.

Hay... Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip.

"Babe, our anniversary is approaching. Where do you want to celebrate?" malambing na tanong sa akin ni Kenj.

"Ahmm, kahit saan nalang ang importante magkasama tayo hehe," pa cute ko namang sagot sa kanya at kinuwit ang aking kamay sa kanyang braso.

"No, I want it to become memorable because it's our 1st anniversary," pagtanggi niya at inayos ang aking buhok na nagulo na pala. Kinilig naman ako doon hehe.

"How about we go out of town?" suhestiyon niya at nagningning ang kulay abo niyang mata.

Agad naman akong napailing. "Huwag na dito nalang. Alam ko namang busy ka sa trabaho at maging ako ay busy rin sa work," tanggi ko. Alam kong marami siyang ginagawa sa office dahil siya ang CEO ng company nila.

"It's okay. My assistant is here and you can file your leave. Come on it's just three days babe if you want," Pagpupumilit naman niya sakin. Nagpuppy eyes pa siya. Minsan lang mag ganito si Kenj dahil kadalasan ay seryoso ito.

"Huwag na, dito nalang tayo Kenj," sabi ko at napasimangot naman siya.

"Fine, if that's what you want," pagsuko niya pero humaba ang nguso niya.

"Ah Kenj kain na tayo gutom na ako eh hehe," pag-aaya ko sa kanya para maiba na ang usapan namin.

"Alright. Where do you want to eat?" tanong niya sa akin at agad na nagningning ang aking mga mata.

"Mcdo hihihihi," excited kong sagot sa kanya at nag puppy eyes.

"Again? You're always eating there. It's not really healthy babe," sita sa akin ni Kenj. Ayaw niya kasi akong kumain sa fastfood dahil hindi daw ito healthy ayon sa kanya.

"Sige na please. Doon ang gusto ko eh. Please babe?" pagpipilit ko sa kanya. Sigurado akong hindi niya ako matatanggihan lalo na't tinawag ko siyang babe. Hindi ko kasi siya tinatawag ng ganun kasi masiyadong cheesy kaya minsan ay nagagalit siya sa akin kasi sa pangalan lang niya ko siya tinatawag.

"You really know my weakness babe," sabi niya at napailing pa.

"Hehe payag kana babe?" tanong ko ulit sa kanya at sinabit ang aking braso sa kanyang leeg.

"Okay, I'll agree in one condition," sabi niya at tinitigan ang aking labi. Oh no! Mukhang alam ko na ang gusto niyang mangyari.

"S-sige a-ano ba i-iyon?" utal kong tanong sa kanya at medyo kinabahan.

"Kiss me first," at may sumilay na ngisi sa kanyang labi. Napatingin naman ako sa paligid at pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Agad ko namang inalis ang aking braso sa kanyang leeg. Baka masabihan pa kami ng PDA dito.

"H-ha? Dito? Ang dami kayang tao. Mamaya nalang Kenj," nahihiyang sabi ko sa kanya. Feeling ko namula iyong pisngi ko.

"Okay. No kiss, no mcdo," at parang inaasar niya pa ako. Nainis naman ako sa kanya.

"Tsk. Bahala ka nga diyan. Kung ayaw mo ako nalang mag-isa ang pupunta," sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Pupunta na akong mcdo bahala siya sa buhay niya.

"Wait babe! I'm just kidding okay," paghabol niya sa akin at hinapit ako sa baywang. Sabi ko na, hindi niya rin ako matitiis eh. Ngumiti naman ako iyong ngiting tagumpay haha.

"So, payag kana na sa mcdo tayo kakain?" tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Fine, fine. You're my queen kaya ikaw ang masusunod," sagot niya at napabuntong hininga na lamang.

___

Alas syete na ng gabi at napagdesisyunan naming umuwi na ni Kenj. Napagod na rin kasi kami dahil naglaro pa kami sa timezone at nanood ng sine.

Hinatid na niya ako sa apartment na inuupahan ko.

"Thanks sa paghatid Kenj," sabi ko sa kanya.

"You're always welcome babe. Hindi mo ba ako papapasukin sa loob," tanong naman niya habang nakangisi.

Kinabahan naman ako dahil doon. Napakapilyo talaga ng boyfriend ko.

"A-ahmm h-hindi na baka p-pagod kana," utal-utal kong sagot sa kanya.

"I told you just live with me." Nakangisi parin siya.

"Ayoko nga!" Napasigaw ako sa sinabi niya. Agad ko naman itong binawi.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi pwede ano nalang ang sasabihin ng iba," kinakabahang sagot ko.

"I don't care," matigas na sabi ni Kenj.

"Kung wala kang pakialam ay ako mayroon napag-usapan na natin ito Kenj." Matagal na kasi niya akong niyayaya na tumira sa condo niya pero ayaw ko. Hindi pa naman kasi kami kasal kaya ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin diba.

"Haha. Just kidding. You're so serious babe." Napatawa naman ang loko at iiling-iling pa. Hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Tss. Sige na nga umuwi kana. Magpahinga kana alam kong pagod ka na." Tinutulak ko na siya papuntang kotse niya.

"Alright, alright you don't need to push me." At kusa na siyang lumapit sa sasakyan.

"I'm going," paalam niya at pinatunog na ang kanyang kotse.

"Sige. Magiingat ka," sabi ko at kinawayan siya.

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan kaya tumalikod na ako at akmang papasok na ng apartment ng bigla niya akong tinawag.

"Babe!" habol niya sa akin at nilapitan.

Nagtataka ko naman siyang tinignan. Ano na naman kayang problema nito.

"I forgot something," sabi ni Kenj.

"Ano yu-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong hinalikan sa labi. Nabigla naman ako sa ginawa niya.

"Bye babe! I love you. Dream of me." Sabay kindat niya sa akin. Tumakbo siya sa kanyang kotse at agad itong pinaandar at tuluyan ng umalis.

Hindi na ako nakasagot at naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Loko loko talaga iyon paano nalang kung may nakakita sa amin. Nakakahiya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 60 HAPPY ENDING   09-05 13:55
img
1 Chapter 1 DATE
07/04/2022
2 Chapter 2 LEAVE
07/04/2022
6 Chapter 6 EXPLANATION
07/04/2022
7 Chapter 7 CONFUSED
07/04/2022
8 Chapter 8 ASAWA
07/04/2022
9 Chapter 9 BABE
07/04/2022
10 Chapter 10 TALK
07/04/2022
11 Chapter 11 SHOCKED
07/04/2022
12 Chapter 12 TRUTH
07/04/2022
14 Chapter 14 JEALOUS
07/04/2022
15 Chapter 15 FATHER
07/04/2022
17 Chapter 17 KISS
13/04/2022
19 Chapter 19 FAMILY DATE
19/04/2022
20 Chapter 20 WAIT
21/04/2022
22 Chapter 22 MARRY HER
03/05/2022
25 Chapter 25 I WANT YOU
20/05/2022
26 Chapter 26 FAMILY TIME
22/05/2022
27 Chapter 27 BAD NEWS
26/05/2022
28 Chapter 28 BABALA
29/05/2022
29 Chapter 29 PLANO
04/06/2022
35 Chapter 35 TOYSTORE
02/11/2022
36 Chapter 36 THE WEDDING
02/12/2022
39 Chapter 39 REJECTED
10/02/2023
40 Chapter 40 ONLY YOURS
16/02/2023
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY