In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspian, that wasn't the case. Exchanging wedding vows doesn't guarantee that they will love each other forever. Marriage doesn't guarantee love. And love isn't always enough.
SIMULA
How can you be sure that you love someone?
Kapag ba nararamdaman mo ang mga paru-paru sa iyong tiyan? Kapag ba tumitibok ng mabilis ang iyong puso? Kapag ba masaya ka kapag nakikita mo siya?
O kapag kaya mo siyang bitawan sa panahong ayaw na niyang kumapit?
Sinuklay kong muli ang aking itim na buhok gamit ang aking mga daliri. Iginala ko ang paningin sa mga taong nakasuot ng magagarbong damit at muling pinasadahan ang suot kong white off shoulder dress na abot hanggang tuhod. Ayos naman siguro ang suot ko, no?
Nasa labas pa rin ako ng simbahan , hindi makapagdesisyon kung papasok na ba ako o huwag nalang. Hindi ko alam ngunit para bang ang bigat sa pakiramdam at may kung anong pumipigil sa akin.
It's been 6 years, I think?
Time....really does fly. I was starting to hope that it would pass by a little slowly. Time really does fly by regardless of whether you hold on to it or have it pass by really quickly.
Nakabalik ako sa ulirat nang makarinig ng tunog ng sasakyan at hiyawan ng mga tao. Napalingon ako roon at tama nga ang hinala ko, narito na ang ikakasal.
" Aiana! "
Sinalubong agad ako ni Leasley, ang ikakasal. Malawak ang kaniyang ngiti nang makitang naroon nga ako , na para bang mas excited pa siya sa pagdating ko kaysa sa sarili niyang kasal. Inalalayan siya ng bride's maid para hindi niya maapakan ang mahabang wedding gown.
Noong una ay ayoko talagang pumunta dito ngunit hindi niya ako tinigilan sa pangungumbinsi. Ayoko rin namang maging masama ang loob niya sa akin dahil noong kasal ko ay siya ang pinakamaagang pumunta .
Ngumiti ako nang matamis at pinasadahan siya ng tingin. She is wearing a European style wedding dress with a bouquet of flower in her hand. It suits her very well.
" Ang ganda mo, " komento ko.
Natatawa siyang umirap. " Huwag mo nga akong bolahin! "
Umiling ako at tumawa bago nagpasyang mauna na sa loob dahil magsisimula na ang kasal.
Saktong pagkaupo ko sa pinakagilid ay nag-umpisa ng maglakad ang mga officiants, ring bearer, at kung ano -ano pa. Hindi ko na binigyang pansin ang mga iyon dahil ang pinakahihintay ko ay ang ikakasal. Panghuli ay pumasok ang pinakamagandang bride.
I'll pass her that title now.
Hindi ko maiwasang mag-init ang sulok ng aking mga mata habang pinapanood siyang naglalakad sa altar.
Parang kahapon lang, magkasama kaming kumakain, natutulog, pupunta sa school at nagrereview tuwing may exam. Parang kailan lang noong sinabi niyang hindi siya mag-aasawa kahit kailan.
Napatawa ako sa aking isip. Mabilis talagang lumipas ang panahon.
Kasama na roon ang pagmamahal.
Sana lang.. sana lang ay manatili ang pagmamahal nila habang-buhay. Sana ay makayanan nilang harapin ang mga pagsubok. Sana ay hindi sila sumuko sa isa't isa. Sana lang ay hindi sila dumating sa puntong maiisipan nilang maghiwalay....katulad namin.
"We are gathered here in the presence of God, family, and friends to unite Leasley Ravea and Maximilian Gastrell in holy matrimony. " Panimula ng pari. Tahimik lang na nakikinig ang mga tao roon.
Happines and love was very visible on the bride and groom's eyes.
Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko iyon nasundan dahil todo iyak ako. Grabe, Aiana, hindi naman ikaw ang ikakasal!
Nagpalitan rin sila ng vows, rings, at pagkatapos ay muling nagsalita ang pari. Tahimik ang lahat, at seryosong nakikinig sa kaniyang sinasabi.
" Maraming nagtatanong sa akin ng "father, what is the secret of a succesful marriage?" panimula niya na siyang nakaagaw ng atensyon ko.
I smiled remembering that I was one of the woman who asked him that question. I was full of curiosity back then.
" Love. Mahalin niyo ang isa't isa nang walang katapusan. Marriage...It is not always roses and butterflies. Marriage is not a noun; it's a verb. It isn't something you get but it's something you do. It's the way you love your partner every day." Ngumiti siya habang ako ay tahimik lang na nakikinig. " A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person."
Bahagya akong napailing, tanda ng hindi pagsang-ayon. Mali ka, father. It isn't always love. Love isn't always enough to keep a marriage succesful.
Kahit paulit-ulit na piliin ko ang taong mahal ko, kung hindi niya naman ako pipiliin, anong magagawa ko? Paano kung ako lang ang lumalaban?
Sa huli, ako lang ang talo. Ako lang ang masasaktan habang umaasang pipiliin niya rin ako kahit anong mangyari.
Hindi palaging pagkapit ang sagot.
Ngunit hindi rin dapat palaging pagbitiw ang solusyon.
Nasaan ako?
Pagkatapos ng kasalan ay nagsitayuan ang mga tao upang magpicture taking at makihalubilo .Tumayo na rin ako at lumapit sa nagkukumpulang mga tao roon. Ayoko namang maging kj. This is a happy day.
" Mrs. Cameron! "
Napapikit ako sa itinawag ni father sa akin. Hanga rin ako sa kaniya dahil nakikilala niya pa ang mukha ko gayong isang beses lang kaming nagkita. Siya ang nagkasal sa amin ng asawa ko.
Napapikit ako sa hiya. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya . Hindi rin naman lingid sa kaniyang kaalaman ang nangyayari sa amin ng asawa ko.
Asawa ko. Napatawa ako sa naiisip. Asawa mo pa rin ba, Aiana?
" Hello po, father. " I awkwardly smiled at him.
Malawak ang kaniyang ngiti ngunit hindi ito maitatago sa kaniyang mata na naaawa siya sa akin.
Tumingin siya sa likod ko na para bang may hinahanap. " Hindi mo ba kasama si Caspian? " tukoy niya sa asawa ko.
Malapit sila sa isa't isa dahil pamangkin niya ang asawa ko. Isang beses lang kaming nagkita dahil umalis siya sa bansa ng ilang taon. I think, kakauwi niya lang noong nakaraang buwan.
Umiling ako. " Hindi po, father. Baka po busy.." palusot ko.
Well, totoo namang busy siya. Busy sa ibang babae.
Iwinaksi ko ang nasa isipan. Hindi dapat nito masira ang araw ko. Hanggang dito ba naman?
Malungkot siyang ngumiti sa akin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap. He patted my back and somehow, I found comfort. Parang gusto ko tuloy umiyak ngunit nakakahiya naman lalo na dahil hindi kami close.
" Malalagpasan niyo rin yan, hija " payo niya.
Tumango nalang ako bilang sagot, hindi nakumbinsi sa sinabi niya. Hindi na ako umaasang malalagpasan pa namin ito. Hindi na ako umaasang magiging maayos pa ang lahat dahil kahit katiting na pag-asa ay wala akong maramdaman. Alam kong kapag patuloy akong umaasa, patuloy rin akong masasaktan.
Ano nga ba ang pinakamasakit sa lahat? Ang magmahal, ang umiyak, ang umintindi, o ang umasa?
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam na dahil marami pa raw siyang gagawin. Tinanguhan ko na lamang siya at nagpasalamat . Kahit papaano ay bumuti ang nararamdaman ko. I hope we'll meet again some other time.
Nakipag-usap pa ako sa ibang taong naroon ngunit nakakawalang gana dahil palagi nilang tinatanong ang asawa ko. Kung bakit hindi ko raw ito kasama at bakit pagod ang mukha ko. Nahiya tuloy ako dahil baka iniisip nilang hindi naging maganda ang pagsasama namin, which is true.
Napahawak tuloy ako sa mukha . Do I look like a mess? Probably yes.
Pumunta muna ako sa banyo at nagretouch man lang para magmukha akong tao. Ayokong magmukhang mahina at kawawa sa paningin ng lahat. Kahit papaano ay ayokong mawala ang dignidad ko.
Pagkatapos makipagplastikan, este makipag-usap sa mga tao ay nagpaalam na ako. Hindi na ako nakapag paalam kay Leasley dahil hindi ko siya mahanap sa gitna ng napakaraming tao. Itetext ko nalang siya na uuwi na ako.
GUMAGABI na ngunit patuloy akong naglalakad sa gilid ng kalsada pauwi. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipang maglakad imbes na mag taxi.
Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin... kaso lang, nasa Maynila pala ako. Napahagikhik ako sa naiisip.
Hinawakan ko ang aking batok at inikot ang ulo para maibsan ang pagod na nararamdaman. Pagod na pagod na ako. Physically, emotionally, and mentally.
" Shit! " Napamura ako nang biglang umulan ng malakas. Hindi ko inaasahang uulan at ganoon pa kalakas! Wala pa akong dalang payong! At wala pa masyadong sasakyan! At bakit kasi hindi ko dinala ang sasakyan ko?!
Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masisilungan. Pumasok ako sa pinakamalapit na convenience store upang hintayin munang tumila ang ulan. Ayokong magpaulan at baka magkakasakit ako dahil may pasok pa ako bukas sa trabaho.
Paulit-ulit kong iniuntog ang ulo sa pader. Ang bobo mo kasi , Aiana! Kung sana ay nagtaxi ka nalang at nakauwi ka pa ng mas maaga!
Ayoko namang tawagan si Caspian dahil ang tanging isasagot niya lang ay " I'm busy." He's always busy. At hindi ko alam kung busy ba siya o wala talaga siyang oras para sa akin.
Bumuntong hininga ako at bumili nalang ng cup noodles habang naghihintay na tumila ang ulan. Umupo ako at sinimulang kainin ang binili habang nakadungaw sa labas. Somehow, the view is very relaxing. It calmed my mind and heart.
Rain makes me feel less alone. All rain is falling apart
It makes me feel good to know I'm not the only thing that falls apart . It makes me feel better to know other things in nature can shatter. I'm not alone, after all.
I was busy eating when I heard a song in the convenience store. I smiled upon hearing the lyrics.
"It could change, but this feels like
Like the calm before the storm
Not that I don't wanna try
But I've been here before"
Humigop ako sa sabaw ng cup noodles habang nakikinig . Kahit papaano ay nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.
"Friend's in town, phone's at home
I tell myself it's fine
Can't remember how you taste
Slept alone too many nights"
I smiled sadly at the lyrics.
I slept alone too many nights.
That song really suits me, huh?
" Where did we go wrong? I know we started out alright
Where did we go wrong? I swear I knew we'd last this time"
Naubos na ang kinakain ko ay hindi pa rin talaga tumitigil ang ulan. Napatingin ako sa aking relo, alas syete na. Isang oras na akong naghihintay dito. Baka hinahanap na ako ng asawa ko.
Napatigil ako sa pag-iisip nang mapagtanto kung anong kahibangan ang iniisip ko. Ikaw, Aiana? hinahanap?
Mapakla akong tumawa. Bakit nga ba ako nag-aalala rito kung gabihin ako sa pag-uwi? Wala namang maghahanap at mag-aalala sa akin .
Umiling na lang ako at nagpasyang lumabas. Medyo humina naman ang ulan ngunit mababasa pa rin ako nang husto kung sakaling uuwi na ako.
Bahala na nga!
Ipinatong ko ang bag ko sa ulo at ginawang payong iyon bago tumakbo pauwi. Mapait akong tumawa habang tumatakbo. Nagmukha tuloy akong tanga.
Habang nagpapaulan ako rito upang makauwi sa kaniya ay baka sarap na sarap na sila ng babae niya sa pag-ungol sa kama.
I was soaking wet when I arrived home. Napansin kong nakauwi na rin siya dahil nakabukas ang ilaw at pintuan. Tumutulo ang ulan mula sa damit ko nang umapak ako papasok sa loob.
Nanginginig akong napayakap sa sarili. I bit my lower lip, trying to stop myself from calling his name whenever I come home from work. It's not the same anymore. And it will never be.
Nakita ko ang nakapatong na towel roon kaya dali-daling kinuha ko na . I covered it on my body and I immediately felt the warmth.
Humugot ako ng malalim na hininga, pinapakalma ang sarili.
Longing and bitterness was all I felt at that moment. Usually, kapag umuuwi ako ay sasalubungin ako ng asawa ko sa isang mahigpit na yakap at halik sa labi.
Now, I wonder where it all went wrong?
Napaangat ako ng tingin nang makarinig ng yapak. Lumipat ang tingin ko sa hagdan, bumaba roon ang isang matangkad na lalake.
My husband, with his white v-neck shirt and enigmatic black shorts , showed up in front of me. His thick brows furrowed as he eyed me from head to toe. Pansin kong basa ang kaniyang buhok kaya marahil ay kakatapos niyang maligo.
Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Tanging pagdampi lang sa tuwalya sa buhok ang tanging gumawa ng tunog.
Kasama ko siya, ngunit pakiramdam ko ay ang layo layo namin sa isa't isa. It feels like there was a thick wall built between us.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya at umupo sa sofa. Tahimik siyang sumandal roon at pumikit.
Doon ko napagtanto na hindi ko na siya kilala. At kahit kasama ko pa siya, hindi na ako masaya.
V.E.N.I.C.X.X.E
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!