Zyra Cybelle Aragon, the broken-hearted writer and Xyrus Trevino, the No Girlfriend Since Birth future CEO of a large company met unexpectedly. Xyrus, in order for him to get rid of his ultimate admirer grabbed Zyra to pretend to be his girlfriend and Zyra who does not really care about other's life beacause of her break-up just go with the flow and did not take it seriously. Until one day they found themselves slowly and deeply longing, wanting and falling for each other. But Zyra is afraid to fall in love again and Xyrus is afraid to be attached to someone else because of his childhood trauma that made him wounded and lonely for a long time. Can they still resist their feelings and stay in their comfort zones? How can two wounded hearts overcome their ko fears and find a way to a happy ever after.? Can they heal each other's wound and be the perfect lead roles in their own love story?
ZYRA
Love, they say is the most wonderful feeling a human can ever feel. But together with this beautiful feeling is the inevitable pain.
It's you who will decide: if love can make or break you!
Kaya pala ganito na lang ako ka miserable ngayon. Maybe because I chose to be like this. Kahit anong sulsol ko sa sarili na magpakatatag at lumaban. Nadadaig pa rin ako sa sakit at bigat na aking nararamdaman.
Hindi ko pa rin alam kung paano at saan magsisimula ulit. Tapos na ang break na hinigi ko sa aking boss. Isa akong writer at tatlong buwan na ang nakaraan ng humingi ako ng break.
Bukod sa walang magandang istorya akong nabubuo ay wasak pa rin ang puso ko pati na yata kaluluwa. Sobrang sakit na di ko alam kung kailan maglalaho. Gumuho ang aking mundo.
Pati ang aking career na ilang taong pinaghirapan ay nalagay sa panganib. Apektado ito dahil sa nangyari ngunit sapat na ba ang tatlong buwan para maghilom ang sugat na aking tinatamasa ngayon?
Nasabunutan ko ang aking sarili at hindi ko napigilang umiyak na naman. Paulit-ulit na lang na ganito ang nagaganap. Ganito na lang ako palagi tuliro, iyakin, bugnutin at wala ng pakialam sa mundo.
"This is not me! I'm braver and tougher than this. Pero ang sakit sakit pa rin talaga!"
Nagsimula akong maging ganito nang niloko ako ng aking kasintahan. Tatlong taon ang ginugol ko para sa lalaking yon. Pero sa isang iglap ay iniwan lang niya ako at ipinagpalit sa iba. Ganoon lang kadali sa kanyang iwan ako.
"God, ang hirap mag move-on! Paano ba dapat? Ba't yong iba napakadali lang para sa kanila? While me... still broken and wounded till now."Sigaw ng aking utak.
Sa di malamang dahilan ay tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili.
"Pangit ba ako? Ano ba'ng kulang at mali sa akin? Why am I not enough to make him stay? Sana sinabi niya kung anong ayaw niya sa akin, puwede ko namang baguhin.Hindi yong ipagpalit na lang niya ako ng basta- basta. I don't deserve this."
Natigil ang aking pagmumuni muni ng may kumatok sa pinto.
"Ate, may bisita ka!" ang aking nakababatang kapatid.
"Bisita? sino naman kaya?"
Hindi ako sumagot sa halip ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito.
"Surprise! Ay, zombie!"Sigaw ng aking kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Anica. Natawa ang aking kapatid at iniwan kami. Di matawaran ang gulat sa mukha ni Anica nang makita niya ang aking itsura.
"Ani!"Sinalubong ko siya ng yakap at doon ako nag-iiyak na parang bata sa kanyang dibdib. Inapuhap naman niya ang aking likod.
"Ssh, its ok."Iginiya niya ako papasok sa aking kuwarto at naupo kami sa may sofa.
Ang aking kuwarto ay nahahati sa tatlong division. Mayroon ditong mini living room-dito ako nanonood ng movies at mga palabas, main bedroom, at ang pinakapaborito kong lugar ay ang aking writer's hide-out.
Naka sound proof ang aking hide-out kung tawagin para sa tuwing magsusulat ako ay hindi ako madi-distract. Pero mayroon namang intercom para kahit paano in case of emergency ay matatawagan nila ako. Connecting doors lang ang daanan para sa mga division na yon. Mahilig kasi akong maglagi sa loob kaysa gumala sa labas. Mas gusto ko sa tahimik na lugar kung saan malaya kong mapapagana ang aking imahinasyon.
"Ani, gusto mo ba ng meryenda? Doon tayo sa hideout ko, may laman pa naman ang mini ref ko doon." Yaya ko sa kaibigan nang makapasok na kami.
Umiling ito."Wag na, frenny. Dito na lang tayo. Friend, anong trip to? Malayo pa ang halloween para sa costume party." Nakangiti pa siya at sinilip silip ang aking mukha.
"May pa friend friend ka pa, eh, kung makapanglait wagas naman," sabi ko na bahagya pa siyang inirapan. Tumawa lang siya ng bahagya habang di pa rin maipinta ang mukha na nakatingin sa akin.
"Friend, naman, kasi tingnan mo ang sarili mo para kang zombie talaga. Kulang na lang sayo ay ang mga dugo kunyari sa damit at mukha mo. Hahaha!" Tumayo ito at kumuha ng suklay sa ibabaw ng aking vanity mirror. Pagkatapos ay umupo sa aking likuran."Susuklayan kita ha? Sabog na sabog ang buhok mo. Naliligo ka pa ba sa lagay na to, Zi? Hahaha!" tumawa ulit ito.
Bully talaga! naisip ko."Hahaha!" Ginaya ko kunyari ang pagtawa niya."Naliligo pa naman ako kaso tinatamad na akong mag-ayos, tsaka nandito lang naman ako sa loob ng kuwarto ko."
"Hanggang kailan mo naman balak na magtago dito sa lungga mo, friend? Akala ko noong sinabi mo na gusto mo ng break ay magbabakasyon ka. Akala ko pa nga nag out of the country ka. Eh, nandito ka lang naman pala."
Bumalik na siya sa harapan ko pagkatapos suklayin ang aking magulong buhok."Ano ang gagawin ko? Di ko alam kung saan magsisimula ulit."
Napayuko ako pagkatapos sabihin yon. Kung alam ko lang, eh, di sana masaya na ako ngayon. But I am still broken and wounded until now! Nakakatakot pa lang magmahal ng sobra. Nakakasira ng matinong pag-iisip.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya."Zi, you need to move on. Sabi nga nila, move on move on din pag may time."
"Kung ganoon lang sana kadali yon di nakawala na ako dito di ba?"
"Kaya nga, pakawalan mo na siya. Ganito yan dapat matanggap mo na wala na kayo at hindi na kayo para sa isa't-isa. Pag natanggap mo na, pakawalan mo na siya at ipaubaya. Pagkatapos move forward without looking back. Acceptance, letting go, and moving forward without looking back, ang susi diyan,"mahabang paliwanag ni Anica sa akin.
Of course, alam ko naman lahat ng yon. Para saan pa at naging writer ako kung di ko alam ang mga yon. Pero napakahirap pala i-apply sa tunay na buhay. Mahirap diktahan ang pusong sugatan. Mahirap buuin agad ang pusong nawasak.
Sumandal sa sofa si Anica na animoy napagod sa ginawang paliwanag.
"The boss'es are looking for you, Zyra Cybelle. Tapos na ang hiningi mong break. Your fans and followers are waiting for your new masterpiece. Palibhasa, pati cellphone mo naka-off kaya di mo yan alam."
I deeply sighed out of desparation."Paano kaya ako makakabuo ng isang magandang kuwento, kung ang sarili kong kuwento ay wasak na wala pang magandang ending?"
"So hahayaan mo na lang na masira ang career mo dahil sa ugok na yon? Ano reresbakan na ba natin?"biro niya pa. "I'm telling you, Zi pag nalaman niya na ganyan ang ginagawa mo, pagtatawanan ka niya. Gusto mo bang mangyari yon?"
Pagtatawanan? Ang kapal naman niya kung ganoon."Of course not! I worked hard for it."
Pilit kong ipinaglaban ang aking carreer kahit pa ayaw ni daddy. At sa edad na 24 ay isa na ako sa mga in demand writers sa publishing na pinagtatrabahuan ko.
"Then, ayusin mo ang sarili mo. Hindi ka na teen-ager, friend. Ikaw si Zyra Cybelle Aragon, isa sa pinaka in- demand na writer ng ating henerasyon. Your personality brings courage, hope and love to the people you inspired."
"Na broken hearted at wasak na wasak sa ngayon,"dugtong ko na napatingin sa kawalan.
Napangiti ang aking kaibigan at bigla na lang akong niyakap."Ganito pala ma in - love ang pinakakamahal naming si Zyra. Napakasuwerte naman ng mga lalaki sa iyo."Kumalas siya sa pagyakap sa akin at seryoso akong pinagmasdan."Pero mas masuwerte kami sa iyo, Zi. Mahal na mahal ka namin. Kung nawala man siya sa iyo, nandito pa naman kami. Its not the end of the world."
Napaiyak na naman ako matapos marinig ang madamdaming mga salita ni Anica. Naghatid iyon ng kaginhawaan sa aking puso. Pero iba ang luha na ito, may kasama na itong tuwa. Naramdaman kong hindi na ako nag-iisa. Ever since, the break up happened ay sinolo ko ang lahat. Nasa malayo ang parents namin although aware ito sa mga kaganapan sa aming buhay ay wala silang masyadong time para sa amin.
Ang aking kapatid naman ay masyado pang inosente para sa ganitong sitwasyon. Ayaw ko ring ipakita sa kanya ang aking kahinaan kasi ako ang ate, dapat makita niya na malakas ako palagi. Ako dapat ang huhugutan niya ng lakas. Kaya naman, nagkulong na lang ako sa kuwarto at pumapanhik lang sa kusina para kumain kapag wala ng tao.
Ako naman ang humawak sa kamay ng kaibigan. "Thank you so much, Ani."
"Tsk! no worries friend. So, aayusin mo na ang sarili mo, ok? This is not you kasi. Don't lose your identity because of someone who is not deserving for your love. Ang kilala kong Zyra, ay yong tahimik lang kunyari pero may binabalak na sa isip niya. Silent but dangerous. Hahaha!"
Napangiti ako kahit paano."Para naman akong kriminal sa description mong yan. Oo na, aayusin ko na ang sarili ko pero pakisabi muna sa kanila, wala pa talaga akong naisip na isulat sa ngayon."
Tumayo si Anica at iginiya ako palabas sa veranda ng aking kuwarto.
"Sige na, ako na muna ang bahala sa mga boss natin. Dadaanin ko na lang sila sa aking charm. Sa ngayon, tapusin na natin ang pagiging zombie mo. Kailangan mo ng harapin ang Haring Araw. Hahaha!"
Bully talaga ito at for the first time after that heartbreaking scene happened, ay napatawa ako.
"Sana nga ito na ang umpisa ng paghihilom ng mga sugat."And at that moment, nasilayan ko ang pagsibol ng bagong umaga. Sinalubong ko ang maliwanag na sikat ng araw.
"Zi, life is beautiful like us,charot."biro niya."We just need to focus on the bright side of it. Kaya wag na wag mo nang sasayangin ang iyong mga luha para sa mga walang kuwentang dahilan.We are born to rule the world," sabi niya na animoy dinadama ang init na bumabalot sa aming balat.
Napatingin ako sa langit sabay ng isang malalim na buntung-hininga. "Kung puwede ko lang gawan ng magandang kuwento ang lahat, di sana wala ng masasaktan."
Inakbayan ako ni Anica."Simulan mo na ngayon sa sarili mong kuwento, Zyra Cybelle."