Rome Saavedra never wanted anything else in his life but to please his surrogate father, the man who kept and fed him when the world itself turned its back on the bastard that he is. Para gawin iyon ay kailangan niyang tanggalin ang kahit anong bumabalakid sa plano nito, ang isakatuparan ang isang misyong buong buhay niyang pinaghandaan at ipinangakong gawin. Armed with skills and a hunger to be loved back, Rome pointed his sniper gun at the old man who was silently drinking his coffee while reading the early newspaper. It was such a beautiful morning. Pero paano kung kakalabitin na lang niya ang gatilyo ay biglang bumukas ang pintuan ng pinagkukublihan niyang kwarto kasunod ng mahigpit na pagyapos sa kanya ng basang-basang si Margaux Montenegro - ang anak ng milyonaryong dapat niyang paslangin? Which of the two will die first? The old man whom the 'bastard' was aiming to shoot? Or the warrior's heart that doesn't mean beating for anyone at all? **** ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or any information storage and retrieval system, without the author's permission, except where permitted by law. This is a work of fiction. Names characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events is purely coincidental. ISBN: 978-621-96523-0-8 epub:978-621-96523-1-5 But what if the door of the room he was hiding in suddenly opened? Surprised by what happened, he wasn't able to take his eyes off of the beauty that instantly appeared on that door. Ladies and gentlemen, meet Margaux, the only woman in this world he wasn't supposed to love at all.
"SHOOT!" MUNTIK MADAPA si Margaux nang mabali ang takong ng kanyang high heels. Cursing, she took her shoe off and inspected it. Kung mamalasin nga naman.
Tired from a long flight and with her pair of favorite shoes hanging in her left hand, she continued dragging her baggage against the marble floor of Montenegro Corporation.
Ang totoo ay hindi na niya alam kung may paglalagyan pa siya ng dagdag na disappointment sa kanyang katawan. Getting there had been a bitch enough-hours of sitting inside a plane, over-priced taxis, and an excessive amount of traffic that is only available in the streets of Manila.
Naipilig ni Margaux ang kanyang ulo nang maalala ang paghambalang ng mga usisero sa kalsada kanina. Paano nga ba niya makakalimutan ang pinagsasabi ng napagtanungan niya?
"May binaril po, Ma'am!" the witness excitedly reported. Nainip kasi siya sa tagal ng usad ng sasakyan, nagtawag tuloy siya ng street vendor. "Ang galing nga noong eksena! Parang pelikula-"
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng lalaki, nang yamot na pagsarahan niya ito ng bintana. Sumasakit na ang likod niya sa pagkakaupo sa taxi. May nagbarilan daw sa gitna ng highway. Ano namang pakialam niya roon? The only thing she cared about was meeting her papa. Marami na siyang problema para isipin pa ang naganap.
'This is not happening.' Napabuntong-hininga si Margaux oras na marating ang huling pinto sa pasilyo. Trying to calm herself, she stared at the grandiose door and took a deep breath. Medyo matagal na panahon na rin mula nang huli siyang tumayo sa mismong lugar na 'yon. Weird, pero wala pa ring nagbago sa nararamdaman niya kahit ilang taon na ang nagdaan- nakakanerbiyos pa rin.
She then released her breath in a thin whistle, pouting a little while still staring at the door. Kinakabahan siya. Hindi 'yon maitatago ng panlalamig ng kanyang mga daliri.
Nang pakiramdam ni Margaux ay nakapag-relax na siya nang kaunti ay mabilisan niyang inayos ang kanyang palda. She smoothed her palm over the creases of her skirt. Pinasadahan niya rin ng mga daliri ang kanyang nakalugay na buhok, bago siya mahinang kumatok.
"Papa?" Wala siyang nakuhang sagot.
"Papa? Can I come in?" Still no answer.
"Pa?" Kumatok siya ulit, pero wala pa rin.
Sinipat niya ang kanyang suot na relo at napakunot-noo nang makita ang oras. Alas-kwatro pa lang ng hapon. It was still office hour.
Curious na dinikit niya ang kanyang tainga sa pintuan. Biglang nawala ang kanyang kaba nang makarinig ng mga kaluskos mula sa loob ng k'warto. She knew it-her papa was inside.
Ilang minuto muna siyang nag-isip kung ano ang mas magandang gawin. Galit ba ang kanyang papa sa kanya? Sana naman hindi kasi wala pa naman siyang sinasabi rito kung bakit siya umuwi.
A minute later and she was already back to knocking at the door impatiently. Darn etiquette and everything else she learned from school! Kailangan niya ang kanyang ama ngayon.
"Shit!"
Then it happened. Lumagutok ang seradura at bahagyang bumukas ang pinto. Mayamaya pa ay isang estraghero ang sumilip sa makitid na siwang ng pintuan.
She was caught like a deer with headlights. Tuloy ay naibaba niya bigla ang kanyang braso.
"H-Hi?"alanganing bati ni Margaux. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nauutal. There was something about the man staring at her. Sobrang lamig ng mga mata nito- nakakapanginig.
"Nandiyan ba si Papa? C-Can I come in?"
Hindi sumagot ang matangkad na lalaki. Bagkus ay nanatili lang itong pailalim na nakatingin sa kanya habang nagkakamot naman siya ng pisngi.
"I'm Margaux Montenegro, Alejandro's daughter." Inabot niya ang palad dito at pilit ngumiti. She would appreciate a polite handshake, kaso ay ni hindi natinag ang kanyang kaharap. Patamad na tinignan lang nito ang kamay niya, bago binalik ang titig sa kanyang mukha.
'Aba't! Sino ba ito?' Sa ikalawang pagkakataon ay napapahiyang binawi ni Margaux ang kanyang palad. Pagkatapos ay taas ang isang kilay na sinuyod niya ng tingin ang lalaki.
Black leather shoes, denim jeans, white tee with their company logo printed across his chest. Iyon lang ang mga napansin niya, pero napatango siya. The mysterious man was far from looking bad. Kahit medyo nakatago ito ay nadama niya ang kakaibang dating ng binata. He was incredibly masculine and...
'Amber-eyed?' Napakurap si Margaux. Bihira kasi sa bansang 'yon ang may ganoong klaseng mga mata. Tila gawa sa apoy ang mga mata ng binata, kabaligtaran 'yon sa napakalamig nitong dating.
"Umh. So you're from our Maintenance Team? Anong pangalan mo?" Kusang kumilos ang kamay ni Margaux para hawiin ang sariling buhok at kapagkuwa'y ipitin 'yon sa likod ng kanyang tainga. Huli na nang matigilan siya at nagtatakang napatingin ulit sa kaharap. Jesus! Nagpapa-cute ba siya talaga sa harap nito? Oh please! Sana hindi.
Naghintay siya ng reaksyon ng kaharap.
At naghintay pa.
At naghintay pa rin makalipas ang ilang segundo hanggang sa tuluyan nang natunaw ang kanyang ngiti at napataas pang lalo ang kanyang kilay. "Hindi mo ko kilala, 'no?"
Hindi pa rin sumagot ang misteryosong lalaki. Napapalatak tuloy si Margaux. Ito siya, ang anak ng may-ari ng kumpanya pero harap-harapang binabalewala ng kung sinong herodes na taga-Maintenance Department lang nila.
"Move your ass, Mr. Deadpan. I'm sending you to HR." Tinalikuran na niya ito. Nakakailang hakbang na siya palayo nang matigilan siya at inis na mapalingon.
"Didn't you hear me? Sundan mo 'ko sa HR. And please naman, have some courtesy to carry my baggage! Kanina pa ako nauubusan ng-" Natigilan ang pagsigaw ni Margaux nang sa wakas ay kumilos ang binata. Kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata ay ang mabilis na pagkalat ng lamig sa kanyang katawan. Seeing the rest of the stranger was way far from what she readied herself for.
Salo ng lalaki ang dumudugong tagiliran nito habang hirap na nangunguyapit sa pader papalapit sa kanya. He was severely wounded. Tumutulo ang dugo nito sa sahig sa bawat hakbang nito.
"Oh my God..."
Tuloy ang paglapit nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mukhang lethargic na ang estranghero nang itaas nito ang kamay, at sa laking gulat ni Margaux, ay hablutin ang kanyang balikat.
Lumapat ang duguang palad nito sa kanya. Akmang sisigaw si Margaux nang walang babalang mawalan ng ulirat ang lalaki at tangayin siya ng bigat nito pabagsak sa sahig.
She could have screamed when his weight pressed on her.
She could have waddled out of his hold and escaped.
She could have done a lot of things other than pathetically lying under his half-dead body while screaming, "Saklolo!"
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.