/0/26933/coverbig.jpg?v=cae2b2399e6b2388f04314426e7073d9)
Kaela was broken and shattered after her ex- boyfriend betrayed her. Sa sobrang kabiguan ay umakyat siya ng Penang Hill para wasakin ang Locks of Love kung saan nakalagay ang pangako nila ng dating nobyo sa isa't isa. Sa malas naman ay agaw-eksena siya sa pagwawala niya. Mabuti na lang at nandoon ang guwapong host na si Braydon Reolonda para i-comfort siya. Naging permanenteng parte na ng buhay niya ang lalaki na di daw siya iiwan hangga't hindi siya nakaka-recover. Hindi naman malabong matulungan siyang maka-recover ng binata sa kabiguan niya. Pero di kaya mas matinding heartbreak ang mararanasan niya sa mga kamay ni Braydon? Maniniwala pa ba siya sa forever o sisigaw ulit siya ng "WALANG FOREVER!"?
Di mawala-wala ang ngiti sa labi ni Kaela nang i-zipper ang maleta niya. "I am all set," deklara niya.
Nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng kuwarto niya ang kaibigan at kasama sa apartment na si Kathryn sa Tampines, Singapore. "Sigurado ka na ba sa plano mo? Nag-resign ka na lang at di sa Pilipinas ka magtatrabaho? Hindi ka na magre-renew?"
"Oo," aniya at tumango. Mula college ay magkaibigan na sila at ito din ang nagsama sa kanya sa pagtatrabaho sa Singapore bilang nurse sa ospital sa naturang bansa. Limang na taon na sila sa Singapore at biruan nga nila ay di sila mapaghihiwalay.
"Pag-isipan mo muna habang nasa bakasyon pa kayo ni Gardo sa Malaysia. Pwede mo pa namang bawiin ang resignation mo. Mas maganda pa rin naman ang kita dito kaysa sa Pilipinas," anang kaibigan niya.
Umupo siya sa kama at tipid na ngumiti. "Ito na ang sorpresa ko kay Gardo. Sabi niya maganda naman ang takbo ng restaurant niya sa amin sa Tarlac dahil madaming turista. Gusto kong malaman niya na handa na akong magsimula ng bagong buhay kasama siya. Alam mo naman na pangarap talaga namin na sa Pilipinas bumuo ng pamilya."
Ilang beses na siyang inuungutan ng nobyong si Gardo na umuwi na ng bansa. Magkababata sila pero nang pareho na silang nagtatrabaho sa abroad ay saka siya nito niligawan. Kada buwan ay nagpupunta ito sa Singapore para lang makasama siya. Dalawang taon na silang magkasintahan at nang isang taon lang ay natapos na ang kontrata nito sa Malaysia. Umuwi ito magtayo ng restaurant sa Pilipinas. Niyaya siya nitong umuwi sa Pilipinas pero gusto pa niyang makapag-ipon para sa pamilya niya. Siya ang breadwinner at pinatapos pa niya ng pag-aaral ang bunso niyang kapatid na si Mavy.
"Naku! Ang hirap naman kapag kalaban ang pag-ibig," nanghahaba ang ngusong sabi ng kaibigan.
"Naipa-package ko na ang mga gamit ko. Parating na rin ang bagong makakasama mo dito sa apartment. You will be okay. Oras na para makahanap ka na rin ng love life," patukso niyang sabi dito.
"Ikaw ba sigurado sa desisyon mo? Iiwan mo na talaga ang buhay mo dito sa Singapore?" tanong ulit ng kaibigan nang papasok sila sa Changi Airport kung saan may flight na siya patungong Penang, Malaysia kung saan sila magkikita ni Gardo.
"Hindi naman na ako bumabata, Kat. Nasa Pilipinas na ang buhay ni Gardo. Saka sa palagay ko magpo-propose na siya sa akin kaya sa Penang niya ako niyayang magbakasyon. Hindi ba doon ko siya sinagot?" aniya at hinawakan ang mga kamay ng kaibigan. "Excited na talaga akong pumunta doon."
"Kung saan ka masaya. Basta maid of honor ako, ha?"
"Siyempre naman. Mami-miss kita," sabi nito at niyakap ang kaibigan. Madami na silang pinagsamahan at ngayon lang sila magkakahiwalay.
"At kapag oras na para isuko ang Bataan, tawag ka lang sa akin para mabigyan kita ng tip," sabi nito at kinindatan siya.
"Baliw ka talaga. Di ko naman kailangan ng tip." Hindi ko isusuko ang Bataan hangga't di pa kami kasal ni Gardo. Pangarap kong maging virgin bride."
Noon pa man ay gusto na ni Gardo na may mangyari sa kanila pero matigas ang tanggi niya. Sa huli ay nirespeto iyon ng kasintahan niya. Kaya naman alam niyang si Gardo talaga ang lalaki para sa kanya.
"Oo na. Ikaw na ang matimtimang birhen sa isip, salita at sa gawa," sabi nito at bahagya siyang itinulak. "Pasok ka na. Baka maiwan ka pa ng flight mo."
Sa sobrang excitement ni Kaela ay hindi siya nakaidlip man lang sa isang oras na biyahe papuntang Penang, Malaysia. Sa isang hotel sa Georgetown sila tutuloy ni Gardo na malapit lang sa heritage sites at wall paintings. Isang linggo silang magbabakasyon doon. Wala itong kaide-ideya na uuwi na siya kasama nito sa Pilipinas matapos iyon.
She was excited. Miss na miss na niya ang nobyo. At higit sa lahat, gusto niyang balikan nila nang magkasama ang Penang Hill. Isang iyong popular na tourist spot sa isla. Sa tuktok kasi ng burol niya ito sinagot. Nasa tuktok din ng burol ang patunay sa walang hanggan nilang pag-iibigan – ang Locks of Love. Sa Locks of Love ay isinusi sila ang pangako nila sa isa't isa. Hangga't di nawawala ang padlock na naglalaman ng mga pangalan nila ay di mawawala ang pag-iibigan nila. Gusto niyang balik-balikan ang lugar na iyon. At lalong magiging espesyal ang lugar na iyon oras na mag-propose ito sa kanya. Malapit na rin siyang maging Mrs. Gardo Cerdan.
Pagdating ng airport ay Penang ay tinawagan agad niya ang nobyo.
"Gardo, hello! Nasa Penang na ako. Nandito ka na rin ba?" tanong niya at luminga sa paligid.
Nagpunta si Yngrid sa Camiguin para mag-relax kasama ang mga kaibigan. Umaasa siya na sa loob ng tatlong araw na bakasyon ay may mababago sa kanyang boring na buhay. Kasama na sa misyon niya ang makatagpo ng isang hot at guwapong lalaki na magbibigay ng kulay sa kanyang monotonous na buhay. Enter Kenji Matsunaga – ang fashion model na crush na crush niya. Ito ang sumagip sa buhay niya matapos siyang malaglag sa pool. Those three days in Camiguin with him was perfect. Hanggang malaman na lang niya na si Kenji pala ang boyfriend ng mortal niyang kaaway na si Margaret Choi. Habang friendzoned lang ang ganda niya. Pero nang makita niyang umiyak si Kenji dahil kay Margaret, alam niyang gagawin niya ang lahat para di na lumuha pa si Kenji. At iyon ay sa piling niya. Ipaglalaban niya si Kenji kahit na nga ba hindi siya ang mahal nito?
Misyon ni Cattleya Bautista sa pagpunta sa Germany na kumbinsihin si Liam Aramis na pumirma ng kontrata sa El Mundo Football Club. Kung hindi niya ito mapapapirma ay huwag na lang daw siyang umuwi ng Pilipinas ayon sa pinsan niya na manager ng club na si Pierro Dantes. Pero di lang basta ayaw pumirma ni Liam sa kontrata. Hindi na ito iginalang ang pagiging assistant manager niya. Pinaghinalaan pa siya nito na handang ialay ang katawan at puri niya dito para lang makumbinsi itong pumirma ng kontrata. Sa huli ay wala na siyang mapagpipilian kundi hamunin ito sa isang beer-drinking contest. Kapag natalo siya, hindi na niya ito kukulitin pang pumirma sa El Mundo FC. And she also owed him a passionate night together. Sa kamalas-malasan ay natalo siya. Di na nga siya makakauwi ng Pilipinas ay nanganganib pa ang puri niya.
Jaidyleen realized that she was leading a boring life. Lumilipas ang panahon na wala siyang ginawa kundi magtrabaho at pagsilbihan ang kanyang pamilya. Pero nang maaksidente siya, saka lang na-realize ni Jaidyleen kung ano ang nami-miss niya sa buhay. Ang una niyang naisip gawin—magpakasaya sa isang football match at halikan si Angel Aldeguer, ang paborito niyang half Spanish-half Filipino football player. From a staid and serious woman, she transformed herself into a certified fangirl. Ang akala niya ay ayos lang iyon. She was just a girl having fun. Wala rin namang nakakaalam. Hanggang isang araw ay natuklasan ni Jaidyleen na isa si Angel sa magiging estudyante niya sa language class. Hindi lang puso niya ang namemeligro kundi pati ang trabaho niya at ang reputasyon na matagal din niyang iningatan. Pero paano niya mapipigilan ang sarili na ma-red card kung isang ngiti lang ni Angel sabay sabing, ‘matanda ka” ay off-side na ang puso niya?
Sworn enemies. Iyan ang taguri nina Zafira at Greco sa isa’t isa. Para kay Greco, hindi siya magandang impluwensiya sa kababata nitong si Charishma na matalik naman niyang kaibigan. Hindi daw maganda ang family background niya dahil ang ama niya ay isang sikat na archaeological looter. Kaya nga kahit minsan ay di sumagi sa isip niya na magustuhan ito kahit pa guwapo ito at matalino. Lalaitin lang nito ang pagkatao niya. Kaya nagulat na lang siya nang biglang i-anunsiyo ni Greco sa lahat na girlfriend na siya nito. Hanggang alukin siya nito na maging totoong girlfriend nito. Sasakay ba siya sa kalokohan nito o bibigyan niya ang sarili ng pagkakataon na maranasang maging totoong girlfriend nito?
Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him. Hindi niya matatagalan ang kaarogantehan nito. “Hey, wait!” Nagulat siya nang humarang sa harapan niya si Lucian. “Yes?” “I am still your prize.” Hinapit nito ang baywang niya. Magkadikit na ang katawan nila at gayundin ang mga mukha nila. “Be my date.”
Masaya na si Aurora sa simpleng buhay niya sa Isla Juventus. Kahit na malayo sa sibilisasyon, walang kuryente, walang radyo o telebisyon ay kuntento na siya. Isa siyang mabait na anak na handang magpakasal sa lalaking pinili ng ama niya. Subalit nang dumating sa buhay niya ang guwapong estrangherong si Alvaro, parang naisip niya na parang may kulang sa buhay niya. Misteryoso ito at nagmula sa mundo na hindi kailanman niya binalak na puntahan – ang magulong lungsod ng Maynila. Nabuhay ang kuryosidad niya at kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya, parang sasabog ang puso niya. Iniwan na daw nito ang magulong buhay sa Maynila at gusto na daw nito ng bagong buhay kasama siya. Subalit paano kung sumabog sa harapan niya ang misteryo ng pagkatao ni Alvaro at nakatakdang guluhin ang tahimik na buhay niya sa isla?
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
"Huwag mong hayaang tratuhin ka ng sinuman na parang tae!"/Natutunan ko iyon sa mahirap na paraan. Sa loob ng tatlong taon, tumira ako sa aking mga biyenan. Hindi nila ako tinuring na manugang kundi isang alipin./Tiniis ko ang lahat dahil sa asawa kong si Yolanda Lambert. Siya ang liwanag ng buhay ko./Sa kasamaang palad, gumuho ang buong mundo ko noong araw na nahuli kong niloloko ako ng asawa ko. Kailanman ay hindi ako naging napakasakit ng puso./Upang makapaghiganti, isiniwalat ko ang aking tunay na pagkatao./Ako ay walang iba kundi si Liam Hoffman—ang tagapagmana ng isang pamilyang may trilyong dolyar na mga ari-arian!/Ang mga Lamberts ay lubos na nabigla pagkatapos ng malaking pagbubunyag. . Napagtanto nila kung ano ang naging kalokohan nila para tratuhin akong parang basura./Lumuhod pa ang asawa ko at humingi ng tawad. /Ano sa tingin mo ang ginawa ko? Binawi ko ba siya o pinahirapan siya?/Alamin mo!
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Maglakbay pabalik sa sinaunang Prime Martial Mundo mula sa modernong edad, natagpuan ni Austin ang kanyang sarili sa isang mas batang katawan habang siya ay nagising. Gayunpaman, ang binata na tinataglay niya ay isang kahabag-habag na baliw, nakakapanghinayang! Ngunit ito ay hindi mahalaga dahil ang kanyang isip ay maayos at malinaw. Taglay ang mas bata at mas malakas na katawan na ito, lalabanan niya ang kanyang paraan upang maging Diyos ng martial arts, at pamunuan ang buong Martial Mundo!
Pagkatapos ng high school, tinraydor ni Horace ang kanyang ex-girlfriend sa ospital. Doon niya nalaman ang totoong pagkakakilanlan mula sa kanyang inang-ampon. Mula noon, nagbago ang kanyang buhay at umangat siya sa lipunan. Lahat ng gustong umapi sa kanya ay binigyan niya ng leksyon! Sa buong mundo, wala nang mas mayaman pa sa kanya. At doon, naiwan niya ang kanyang sikat na kasabihan: "Huwag mong subuking pantayan ang aking allowance gamit ang iyong taunang kita."