Shane Chrystelle Sandoval is an introvert type of girl. She preferred to be alone and talk less to other people most of the time. Living a happy and contented life. But she hates promises, cheesy words and anything that is related to romantic shits, because of her father who left their family for another girl. She saw how it affects her mother and witnessed her struggle. Since then, she has made a promise that she will not engage herself in a thing called "love". Then she met Lance Buenavista, the man who changed everything. The one who ruined her peaceful life. He shed light on her darkest state, and promised her so many things. Slowly, the wall that she built to protect herself crashed down. For once, she took a risk and drowned herself to his promise of love with her. Little did she know, Lance has been running away from something in the past that will destroy their present.
Umihip nang malakas ang hangin, dahilan para liparin ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang ayusin dahil paniguradong magugulo lang naman ito uli.
Tahimik akong nakaupo at nagbabasa sa damuhan ng school field ng may bigla akong narinig na nagsalita.
"Hi, Shane!"
Mula sa librong aking binabasa ay umangat ang aking tingin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang sophomore high school student na nakatayo sa harap ko. Alanganin itong ngumiti, sabay lahad ng kanyang kanang palad na bahagya pang nanginginig. "A-Ako nga pala si L-Lester."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo."
Halatang natigilan siya nang dahil sa sinabi ko. Bakit? Eh, totoo naman.
Napakurap siya bago muling ngumiti. Pansin ko rin na may kung ano siyang tinatago mula sa kanyang likod. "Oo nga naman. Pero gusto ko lang sana-"
Humihikab na sinara ko ang librong binabasa. Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at pinagpagan ang likod ng aking kulay maroon at checkered na palda. "Pasensya na, ha. Mag-aaral pa kasi ako. If you'll excuse me."
Nagsimula na akong humakbang paalis at hindi na siya muling nilingon pa. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo ay muli siyang sumulpot sa harap ko.
Tumungo siya bago dahan-dahang nilabas ang kanyang kaliwang kamay na kanina pa nakatago mula sa kanyang likod. Mas lalong kumunot ang noo ko nang bumungad sa 'king paningin ang tatlong tangkay ng pulang rosas.
"P-Para sa 'yo. Sana t-tanggapin mo," nauutal niyang saad.
I rolled my eyes. Sinasayang ng lalaking 'to ang oras ko.
Pilit ko siyang nginitian ng mag-angat siya ng tingin sa 'kin. Pero pakiramdam ko ay tila ngiwi ang kinalabasan nito. "Pasensya na. Pero wala kasi akong balak na magsayang ng oras para magtapon. Kaya kung ako sa 'yo ay sa iba mo na lang ibigay 'yan."
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dali-dali kong nilisan ang lugar na 'yon. I know that what I said is too much. Pero paniguradong higit pa roon ang mga salitang mabibitiwan ko sa oras na magtagal pa ako.
Habang naglalakad ay hindi ko napigilan ang mapailing. Punong-puno kasi ng kulay pula ang paligid.
Bawat estudyante na nakakasalubong ko ay may dala-dalang rosas o di kaya ay tsokolate. Ang ilan naman ay magkahawak-kamay, magkaakbay o kaya ay masayang nagkukuwentuhan.
Poor people. Paniguradong sa bandang huli ay iiyak lang naman sila.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapatingin ako sa kulay pulang tarpaulin na nakadikit sa stage.
HAPPY VALENTINES DAY ❤
Gusto kong matawa. Bakit ba nila pinaglalaanan ng panahon ang okasyon na 'yan? Eh, normal na araw lang din naman ngayon.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang maramdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa 'kin. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa tumuon ang aking mga mata sa main building.
Then there I saw a guy, leaning his back against the wall with his arms folded in front of his chest. Medyo malayo ang distansya naming dalawa at nakasuot siya ng salamin.
Pero kahit gano'n ay nasisiguro kong sa 'kin siya nakatingin.
Nathalia Sarmiento is enjoying her peaceful and simple life to the fullest. She's just one of those ordinary teenagers, who wishes to graduate from college to help the people she treated as her real parents. Everything seems to be perfect. She had a bunch of good friends, loving parents and beautiful life. Not until her eighteenth birthday comes. She's about to go home when suddenly, a black van stopped right in front of her. Before she could even react, a group of men came out and took her away. The next thing she knew is that she arrives from a familiar mansion. Then, as she finally met the one who abducted her, the realization hit her hard. She was kidnapped by the mafia boss.
It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first love and lose their child. She has already moved on and become a successful real estate agent now. She's been doing well and able to pick up the shattered pieces of her broken heart with the help of her two guy friends whose always there by her side—Ralph and Dylan. Still, for the past six years, her heart has been locked up. Giving no chance for every man who wish to enter and melt down the ice surrounding it. But when the time comes that she's finally ready to give herself a chance to fall in love for the second time, Lance came back with those sweet words and promises again. In a snap, the memories from their past haunt her down again. With this, Shane is more than determined to get rid of him in her life and will not let herself fall on the same trap. Not until she found out what really happened six years ago.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.