Get the APP hot
Home / Adventure / Lightless Sunshine
Lightless Sunshine

Lightless Sunshine

5.0
44 Chapters
664 View
Read Now

About

Contents

At an early age, Sunshine experienced a horrible and traumatic event. Her mother was killed right in front of her. But life has to go on, and Sunshine continued to live with a guilt in her chest. Sunshine's biological father doesn't want her, and she was physically abused by her step-dad while also struggling with her trauma. She only has a brother and friends to keep her happy. And she also has him. Icarus was her bestfriend's older brother. He was always there for her. He was always there to make her smile, laugh, and happy. He was always there whenever she's sad and crying. He was her Knight in Shining armour, the one who protects her everytime and wipe her tears away. But an expected turn of events happened... Sunshine was once a beautiful, dazzling star that makes everybody's day lit up. She was a literal sunshine, because she gives light in a person's life. However... Betrayal, rejection, loss, hatred, and pain leads the light in her to become a gloomy. Her colourful life became achromatic. And her once bright existence turned into dull. She, the sunshine without light... A beautiful yet a Lightless Sunshine.

Chapter 1 Prologue

Prologue

I closed my eyes as the luminous light from the sun descended my face. Shining brightly at the same time warm. The air was fresh and cold that made me calm the heavy feeling I felt. The air was soothing on my skin, making me shiver.

Huminga ako nang malalim at ngumiti nang mapakla. Another day to suffer. When would it end? I looked at my side and noticed he was looking at me intently.

I arched a brow. "What?"

We were sitting on the wooden bench at the school's garden, kumakain. He shook his head and smirked. "Para kang baliw na ngumingiti diyan," he commented.

Ngumisi ako bago ko siya inakbayan. "Baliw naman talaga ako... baliw sa'yo."

Sabay kaming humagalpak ng tawa.

"Damn, Sunny..." Naiiling na aniya at tumungga sa royal na binili niya kanina.

My lips protruded as I looked at my softdrink. Coke naman ang binili ko. "Ubos na sa'kin."

"Here, you can have mine." Ibinigay niya sa akin ang sa kaniya na nangangalahati na kaya mabilis akong umiling at ngumiwi.

"Ew. May laway na 'yan, 'no. No thanks," I hissed, looking at it disgustingly.

Natawa siya sa sinabi ko at siya naman ngayon ang umakbay sa akin. "Wala namang virus ang laway ko, 'no? At saka mabango naman ang hininga ko," sabi niya at ipinaamoy pa talaga sa akin ang hininga niya.

Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang itinulak. Tumayo ako at inambahan siya ng suntok pero mabilis siyang nakaiwas habang tumatawa pa.

Indeed, his breathe was good but hell I would say it in front of his face. I will never ever give him the opportunity to tease me more. Paniguradong kapag aamin ako, aasarin na naman niya ako. Ang kapal pa naman ng isang 'to.

I rolled my eyes and threw him the empty plastic of coke. "Preece nga, ang dugyot mo, eh!" I hissed and stomped my feet.

I glared at him.

He smiled widely and brushed his hair upwards as he licked his bottom lip.

"Sorry," he made a peace sign.

Ngumuso ako at pinagpagan ang uniform na suot. "Tara na nga, late na tayo."

So far, the heavy feeling I felt earlier ease a little. All thanks to him. Tinapos na niya ang natitirang fudgee bar bago tinungga ang natitirang royal. He threw it on the trash bin before pulling his bag from the chair.

Kinuha rin niya rin ang shoulder bag ko roon at ibinigay sa akin. I rolled my eyes and said, "Bitbitin mo nalang."

I heard his groans in protest pero wala naman nang sinabi at binitbit na lamang ang bag ko.

Ngumisi ako habang sabay kaming naglakad sa hallway patungo sa room namin. Preece and I were classmates. Nag cut lang kami kanina kasi sinabi kong nagugutom ako. And he's actually hungry, too kaya sumabay na rin siya sa akin. But I'm doubtful of that. For sure, alibi lang niya iyon para samahan ako.

Napangiti ako.

Pagkapasok pa lang namin ng classroom, agad na nagtagpo ang mata namin ni Dori. Her eyes slightly widened and her lips part open.

Inilingan ko siya at sinenyasang huwag mag-ingay. She nodded quickly. May professor sa harap at nagdi-discuss.

Tumingin ako sa likuran ko at tiningnan si Preece. He was calmly standing behind me with his hands inside his pocket. Compose na compose na animo hindi kami tumakas kani-kanina lang.

I tugged his uniform.

"Oh?" His brows shot up.

"Pasok na tayo," pabulong kong saad.

Tumango siya at dumukwang para tingnan ang teacher sa harapan ng mga estudyante.

"Tara," he said, pulling me with him. Ang balak ko sana ay papasok nalang kami kapag nakatalikod na ang T.L.E teacher namin pero mukhang 'di ko na maawat si Preece sa pagpasok.

Umikot nalang ang mga mata ko. Ma'am Montes arched us a brow when we entered the classroom. Wala siyang ibang sinabi, siguro nasanay na. I sat beside Dori and Preece sat in front of us. Nasa likurang bahagi kasi kami ng upuan.

"Get one whole sheet of paper," sabi ng guro namin at umupo sa table na nasa gitna.

Agad na nag ingay ang buong classroom. Ang iba ay tumayo pa para humingi ng papel. At dahil good student ako, isa rin ako sa naghingi. I only brought shoulder bag kasi.

"Koy! Pahingi!" sigaw ko sa lalaking kaklase ko na may isang pad ng papel.

Halos maubos na ang papel niya nang humingi rin ang mga kaklase namin. "Ano ba 'yan?! Wala ba kayong pera pambili!?" reklamo nito habang nagbibigay ng mga papel.

I heard Dori's giggles. Nang lingunin ko siya ay may isa rin siyang pad na papel. But unlike the others, secured na ang papel niya. May pangalan nang nakatatak bawat pahina nito.

Natawa ako. "Buraot ka." Mahina ko siyang sinabunutan.

She pouted. "Mahal kaya ang papel ngayon," Niyakap niya ang kaniyang papel at inirapan ako.

"Oh, eto, Sunny." Aaron, our room president, handed me a paper.

"Thank you, Aaron." I thanked him and smiled slyly. "May extra ballpen ka?"

He nodded and smiled. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at ibinigay sa akin. "Eto,"

"Thank you ulit! Isusuli ko nalang 'to sa'yo mamaya." That's a lie. Nauubos ko nalang ang tinta nito pero nakakalimutan ko pa rin isauli.

"Okay." Kibit balikat nito at bumalik na sa kinauupuan.

"Pst." I called Preece attention and poked his shoulder.

He looked at me over his shoulder and his brows shot up. "Bakit?"

"May papel ka na?" I smiled sweetly. I wiggled my brows, giving him a sign.

Naiiling na ngumisi siya sa akin. "Oo na, papakopyahin na kita," mahinang saad niya.

"Great!" I cheered and giggled.

Nang magsimula na ang quiz ay pasimple akong tumitingin sa papel niya. May itinabon naman siyang notebook doon para hindi kami makita ni ma'am.

Our professor excused herself out of the room and everyone merrily exclaimed. Nagsimula nang magpasahan ng mga answers.

I laughed. Gosh, really, high school life is amazing.

Ang ingay ng buong klase, kaniya kaniyang mga rants at sigawan. May kumakain, nagbe-braid ng hair, nag aagawan ng gitara, may mag ba-basketball na wala namang bola, may nag e-ML, Facebook, pictures and tiktok.

Kaunti lamang ang nagbuklat at nagbasa ng libro.

Hapon na nang matapos ang klase, all the students gathered on the baseball ground to have a flag retreat. Si Dori ay halos 'di na makita ang mukha sa dami ng libro na hawak.

"Tulungan mo kaya ako, Sunny!" she grunted.

Ngumiwi ako pero tumulong pa rin naman. "Bakit kasi kailangan mo pa itong dalhin pauwi? Pwede mo namang iwan ang mga ito sa classroom natin," suhestyon ko. But since she's Gebby the Dori she is, may rason talaga siya.

"Duh! Para mag study!" she rolled her eyes. Umikot rin ang mata ko. See what I mean?

Matapos ang seremonya. Sinamahan ko si Dori pumuntang senior high school building. Hati kami ng dala sa mga libro niya. I don't know what's the use of these all. Hindi naman namin ito magagamit lahat talaga. Our professors were there to discuss at ang need lang ng libro is para sa manual talaga.

"Hi, Sunny!" bati sa akin nang ibang nasa higher grades. I think they're seniors.

I gave them a small smile. "Hello po."

"Si Icarus ba ang hanap niyo?" tanong noong isa sa kanila.

"Opo," sagot ni Dori habang inililibot ang paningin.

"Kasama ang mga pinsan niya, naglalaro sa covered court," saad nito at tumingin ulit sa akin.

I mentally rolled my eyes.

Simpleng tango lang ang sagot namin at nagpasalamat bago kami pumuntang covered court. It took us 10 minutes to arrive. Ang lawak kasi ng school namin.

Hingal na hingal at pinagpapawisan na ako. Nakakapagod maglakad. Si Dori ay mukhang okay pa naman siya. Namumula lamang ng kaunti ang kaniyang balat.

"Kuya Icarus!" Dori exclaimed when she saw her brother.

I rolled my eyes as I heard that name.

Icarus- her brother glanced at our direction with his face full of sweats.

Napalunok naman ako nang makita ang tagaktak na pawis nito na naglalakbay sa kaniyang matipuno at morenong balat.

He jogged towards our direction and for some reason, my heart jumped.

I silently gasped and blinked my eyes.

Shit, Icarus. Why do you have this kind of effect on me, huh?

"Dori, uuwi ka na?" masuyong sabi nito sa kaniya. His voice was hoarse and so manly.

"Yep! Sasabay ka ba sa'kin?" Dori said.

Ngumiwi si Icarus at lumingon sa mga pinsan nitong kalaro sa basketball. His face was apologetic.

"I'll call manong to fetch you up. I'm sorry, baby. May practice pa kami ngayon," anito.

I mimicked his words silently. I really don't like him and I don't know why.

Dori smiled and nodded like a good girl. "Okay po."

He kissed her head before messing her hair. Nagtama ang mga mata namin at tinaasan ko siya ng kilay. At eto na naman, ang puso kong parang gustong kumalawa sa aking dibdib.

He scoffed before he turned his back.

Napamaang naman ako.

This old grumpy ugly Icarus! Ang sungit! Akala mo naman gwapo! Ha! Kahit average nga lang hindi siya papasa, eh.

Maganda lang ang kulay ng mata niya pero pangit siya!

I glanced at him, he was wearing a Jersey shirt and shorts pero 'di iyon partner. He's tan unlike his cousins na parang mga porcelana sa puti. He also has a body to, well, admire?

Nevermind.

I rolled my eyes, annoyed of him. The guts of that guy to even scoffed at me, eh ako na nga ang tumutulong sa kaptid niya!

Kung di lang talaga siya gwapo, naku!

Geez, I forgot. Pangit siya, Sunshine! Pangit! Period!

"Ano ba 'yan, Dori. Eto lang ba ang ipinunta natin dito?!" I yelled. Ang layo nang nilakad namin para lang hanapin ang kuya niya at magtanong?

At nakakainis pa dahil inismiran pa ako nito. The audacity of that Icarus!

Parang wala lang naman kay Dori ang rants ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Preece is waiting outside the campus. Libre niya raw tayo ng shake," aniya at nagkibit balikat.

Napamaang naman ako at nakaramdam ng tuwa. Sa isang iglap, nawala ang inis ko sa kuya niya na parang araw-araw may dalaw sa sobrang sungit.

-

Nagliwanag ang aking mukha sa saya nang marinig ko ang sinabi ni Dori. Parang kanina lang naiinis ako dahil sa kuya niya na pangit at snob, ngayon ang tuwa ko na. Wala eh, libre raw. At para sa mga buraot na kagaya ko, langit na iyon.

Food is life but food na libre is lifer.

"Talaga?" natutuwang tanong ko at napatalon sa galak.

"Yep!" she grinned and wiggled her brows.

"Tara, bilisan na nating maglakad!" wika ko at hinatak na siya para mapabilis ang paglalakad namin.

Naabutan namin si Preece na nakatayo sa gate ng school. Complete uniform pa rin ang loko at may bag pa sa likuran. Pinabitbit namin sa kaniya ang mga librong hawak. "Goodness! Ang bigat nito!" reklamo pa nito at ngumiwi.

Bumungisngis naman kami ni Dori at nag fistbump. Preece groaned and rolled his eyes. Nagkatawanan kami.

Pumunta kami sa mga stall ng street foods at mabilis akong tumusok ng fishball. Ang daming pagkain ang nakahilera sa harapan namin. Klase-klaseng mga masasarap na pagkain.

"Shake mo, Sunny," saad ni Preece sa aking tabi at ibinigay sa akin ang shake na libre niya. Nagpasalamat ako bago iyon tinanggap.

Bukod sa aming tatlo ay may mga estudyante ring kumakain kagaya namin. Basta talaga street food, kahit mayayaman dinadayo ang mga ito. Nagtagal pa kami ng ilang sandali sa mga stalls na naroon, nalilibang sa mga pagkain at sa kuwentuhan. This is what I like every end of the class, ang mga pagkain sa labas. And of course, libre!

I giggled and forgot the time. Hindi pala dapat ako magtagal. I went home late nang matapos na kami. Wala pa naman si papa nang makarating ako kaya nakahinga ako nang maluwag.

Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng bahay bitbit ang maliit na bag na nakalambitin sa aking noo. I feel so tired and exhausted. Gusto ko na lamang matulog at magpahinga. But I know that's impossible. Hindi naman kasi ako prinsesa na pagsisilbihan. Mahirap lang kami.

"Sunshine!" My eyes automatically rolled as soon as I heard my step-father's voice.

Tamad akong lumingon sa kaniya at ngumiti nang maliit. "Papa," I acknowledge and bowed my head.

Lumapit ako at magmamano na sana ako sa kaniya ngunit isang sampal sa mukha ang natanggap ko.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong umuwi ka nang maaga?!" singhal niya.

Nanatiling nakabiling ang aking mukha sa gilid, ninanamnam ang hapdi at kirot nang pagkaktama ng kaniyang palad sa aking balat.

Nangingilid ang luha sa aking mata. "I'm sorry po." hingi ko ng paumanhin.

Hindi naman sobrang lakas ng kaniyang pagkakasampal sa akin pero iba ang dulot nito sa akin.

Hindi lang balat ang sinasaktan niya, pati na rin ang aking batang puso.

"Letse!" mura niya. "Sige na, mag bihis ka na at magsaing." galit na sabi ni papa bago tumalikod at umalis.

I gulped down my sobs and blinked my eyes to prevent my tears from falling.

Nahuli kong nakatingin sa akin ang kapatid kong lalaki sa sala. I arched him a brow before smiling.

"Ate, ayos ka lang?" tanong ng grade five kong kapatid na si Seth. He was three years younger than me.

Ngumisi ako at umiling.

Initsa ko sa kaniya ang bag ko bago ako umakyat ng kwarto. "May mga pagkain diyan sa loob. Kunin mo lahat," I said before closing the door shut.

Naligo ako saglit bago nagbihis ng komportableng damit. Kagaya nang sinabi ni papa, nagsaing ako ng kanin. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay para hanapin si papa. I immediately saw him sitting in front of our house. May tindahan kasi roon at tambayan na rin ng mga tao.

Lumapit ako sa kaniya. "Pa, pahingi akong pera," I said. "Bibili po ako ng ulam natin," dagdag ko.

Tiningnan niya lang ako ng ilang saglit bago dumukot ng pera sa kaniyang pitaka. He gave me 500 pesos and I thanked him before going back to house. Tinawag ko si Seth para samahan akong bumili ng karne at para na rin taga bitbit ng mga bibilhin ko.

"Anong gusto mong bilhin?" tanong ko nang makarating na kami sa malapit na palengke sa lugar namin.

"Bili tayo ng ice-cream, ate." wika niya.

"'Yon lang?"

"Oo,"

"Okay. Ice cream it is." I shrugged my shoulders.

Naglibot pa kami ni Seth para mamili ng karne at mga sangkap nito bago namin napagpasyahang tumigil at umuwi na.

Nang makauwi sa bahay ay dali-dali akong nag open ng YouTube para tingnan ang mga luto na gusto kong subukan.

I watched the full video on how to make an adobo before deciding to cook it myself.

"Seth, tawagin mo na si papa. Kakain na tayo."

"Okay!" masiglang sagot ni Seth at patakbong lumabas ng bahay para tawagin si papa.

Hindi rin nagtagal dumating na si papa na may hawak pa ng tako sa kaniyang kamay. "Anong niluto mo, Sunshine?"

"Adobo po." sagot ko. "Kain na po tayo."

Maliit na tango lang ang sagot ni papa bago umupo at sumandok ng kanin. Nilagyan niya rin ang mga plato namin ni Seth ng kanin bago kami kumain.

Papa often hurt me physically and emotionally pero mabait naman siya. He's actually a very thoughtful man. Kahit na minsan binubogbog niya ako, kahit kailan hindi ako nakaranas ng gutom sa piling niya.

After our dinner, tinulungan ako ni Seth para magligpit.

Huminga ako nang malalim habang naghuhugas ng pinggan. I started feeling guilt. Galit, panghihinayang, at pagsisisi ay bigla kong naramdaman-no-and not that I wasn't bringing it to me every time. It has always been there. The guilt was always here in chest.

My heart suddenly tightened.

I blew an air from my mouth and tried to divert my attention on the dishes I was cleaning. Naglinis muna ako sa buong kusina bago bumalik sa sariling kwarto at binuksan ang cellphone.

I opened my facebook account and as usual, maraming notification ang lumabas. I opened it one by one until my fingers stopped when I pressed the message from Preece.

From: Pareng S.

N

andito ako sa labas ng bahay niyo.

Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Shit. Seryoso ba siya?

Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at ayun nga siya, nakatayo sa harap ng aming bahay habang may hawak na cellphone sa kaniyang kamay at nakatingin rito dahilan para maaninag ko ang kaniyang mukha.

Kumuha ako ng isang jacket sa cabinet bago kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

"What are you doing here this night?" My forehead creased.

He smiled at me. "May sasabihin lang ako sa'yo."

My brows shot up. "Oh? Ano 'yun? Pwede mo naman sigurong e chat sa akin, 'no?" sarkastikado kong saad at ngumuso.

He chuckled. "I came here to invite you sana," sabi niya na may ngiti pa rin sa labi.

"Invite saan?"

"May family gathering kami next week sa ancestral house. Isasama kita. Nakapagpaalam na ako kay mommy na isasama kita and she agreed."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit? Family nga 'di ba? Bakit mo' ko isasama?"

"Basta."

I crossed my arms around my chest and shook my head. "Ayoko."

Bumusangot ang pangit niyang mukha-alright, ang gwapo niyang mukha. He pouted. "Sunny..."

Umiling ulit ako. "Ayoko. Sabihin mo muna kung bakit mo'ko isasama."

Mas lalo siyang ngumuso.

"Sige na! Sabihin mo na." pagpupimilit ko.

I watched him licking his lower lip as he brushed his hair up and disheveled it.

Habang hindi pa siyang nakakasagot ay lihim kong pinagmasdan ang kaniyang itsura. He was wearing a plain gray pajama and a hoodie jacket, siguro ay galing pa sya sa kanilang bahay at pumunta lang rito. Kahit balot na balot ang katawan, napakagwapo pa rin niya sa aking paningin.

He has a pointed nose, define jaw, and thin red lips. His brows was thick and dark, sloping downward to an annoyed expression pero namumungay m naman ang mata niya.

"Ipagpapaalam naman kita sa papa mo kaya hindi mo na kailangang isipin 'yun. He'll probably say yes." saad niya.

"Kasama ba si Dori?" I asked.

Umiling siya. "May lakad sila next week."

Napaisip ako ilang sandali. I sighed and nodded. "Sige, sama ako. Basta ikaw magpaalam sa akin kay papa, ha? You know him."

Nagliwanag ang kaniyang mata nang marining ang positibo kong sagot. Sunod sunod siyang tumango at napasuntok pa sa ere.

"Great!" he exclaimed. "Ako'ng bahala magsabi kay tito. Ipagpapaalam kita. Thank you so much, Sunshine!"

I giggled.

"Gawa mo rin ako nang project, ha? " I took advantage of the situation. For sure, papayag itong si Preece. Ako pa ba? No one can resist me.

"Sure!" he smiled widely.

I giggled and took his hand for a shake. "Mabilis ka naman palang kausap, eh." I said.

"Thanks, Sunny!" I didn't expect what he did next.

Namalayan ko nalang ang sariling natulala sa kawalan. My heart was beating so fast and loud the moment his lips pressed against my cheek.

Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata.

I heard him laughing his ass off.

I glared at Preece before kicking his foot. "Preece! Ang baboy!" I shouted and flew off my punch on his abdomen.

He groaned as he stopped, siguro nasaktan sa suntok ko. Eh, mahina lang naman iyon.

"Sunny!"

"Serves you right, virus!" I stuck my tongue out.

Mabilis akong tumalikod at patakbong pumasok ulit ng bahay. Naririnig ko pa rin ang mahihinang daing at reklamo niya.

Napasandal ako sa pintuan at napahawak sa aking dibdib.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 44 25   05-24 06:55
img
1 Chapter 1 Prologue
11/04/2022
2 Chapter 2 One
11/04/2022
3 Chapter 3 Two
11/04/2022
4 Chapter 4 Three
04/05/2022
6 Chapter 6 Four
04/05/2022
7 Chapter 7 Five
04/05/2022
8 Chapter 8 Six
04/05/2022
9 Chapter 9 Seven
04/05/2022
10 Chapter 10 Eight
04/05/2022
11 Chapter 11 Nine
04/05/2022
12 Chapter 12 Ten
04/05/2022
13 Chapter 13 Eleven
04/05/2022
14 Chapter 14 Twelve
04/05/2022
15 Chapter 15 Thirteen
04/05/2022
16 Chapter 16 Fourteen
04/05/2022
17 Chapter 17 Fifteen
04/05/2022
18 Chapter 18 Sixteen
04/05/2022
19 Chapter 19 Seventeen
04/05/2022
20 Chapter 20 Eighteen
04/05/2022
21 Chapter 21 Nineteen
04/05/2022
23 Chapter 23 Twenty
04/05/2022
29 Chapter 29 Twenty one
04/05/2022
36 Chapter 36 Twenty Two
04/05/2022
39 Chapter 39 Twenty Four
04/05/2022
40 Chapter 40 24.1
04/05/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY