Get the APP hot
Home / Romance / Love Is Not Blind (Filipino)
Love Is Not Blind (Filipino)

Love Is Not Blind (Filipino)

5.0
47 Chapters
3.6K View
Read Now

About

Contents

"Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad. Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang "Cameron" ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya. Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito.

Chapter 1 Time of his life

Cameron was having the time of his life. Tatlong naggagandahang kababaihan na parang diyosa ang nakapaligid sa kanya – a blonde, a brunette and a redhead. Lahat ay nagkokompitensiya para makuha ang atensyon niya sa dance floor. He couldn't bear to make these pretty women's hearts. Isa lang sa mga ito ang pwede niyang makasama sa gabing iyon.

"So who's the fairest of them all?" tanong ni Reyli, ang Latin singer na kaibigan ng pinsan niyang si Shei. Naimbitahan siya sa yacht party nito na puno ng sikat na mga tao mula sa entertainment industry. Pero may mga katulad din niyang businessman na naroon para mag-relax at i-enjoy ang company ng naggagandahang mga babae. Iyon naman ang perfect na gawin sa megayatch ni Reyli na naglalayag sa Carribean Sea.

"I haven't decided yet. They are all goddesses."

Lahat naman ng klaseng babae ay naaakit sa kanya. Of course, he was Cameron Duarte of Duarte International Bank. Sa edad na thirty-two ay nagawa niyang palaguin ang bangkong itinayo ng lolo niya. Sa kabila ng economic crisis sa maraming bansa ay hindi siya nabili ng ibang bangko. Nakapag-invest pa siya sa mga tamang negosyo at bansa kaya naman lalo siyang namayagpag. He was almost at the top of the world.

Tinapik nito ang balikat niya. "By the way, Shei called from Oslo. She wants you to call her hotel room." Itinuro nito ang isang pinto. "There's a phone in that stateroom."

Tinungo niya ang eleganteng cabin. Walang signal sa bahaging iyon ng karagatan kaya satellite phone lang ang pwede nilang gamitin. Nasa Oslo, Norway ang pinsan niya para sa isang conference kaya hindi ito nakapunta sa party.

"Hey, cuz! Balita ko pinagkakaguluhan ka ng mga girls diyan," bungad nito.

"What else is new? Lagi namang ganoon ang reaksiyon ng mga babae sa akin. Don't tell me magsusumbong ka kay Mama?" Gusto ng Mama niya na maghanap na siya ng matinong babaeng pakakasalan. But he was still

enjoying his life. So many girls, so little time. Malayo pa sa isip niya ang magpakasal.

"No. Remember I want to ask you a little favor?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi ba nandito na nga ako sa party. Ako ang representative mo?" Iyon yata ang

pinakamagandang pabor na hiningi sa kanya ng pinsan niya.

"No. I want you to check on Mitos."

Kumunot ang noo niya. "Mitos?"

"Yes. Iyong staff ni Reyli. 'Yung cute."

Walang bukambibig ang pinsan niya tuwing manggagaling sa yate ng kaibigan nito kundi si Mitos. Minsan nga ay dumudugo na ang ilong niya. Guwapo daw kasi ito, simpatiko at mabait. Kahit ang mga foreigner ay naaakit dito dahil exotic ang kaguwapuhan nito dahil sa pagiging Filipino.

Hindi naman nalalayo ang kaguwapuhan nito sa kanya, aaminin niya. Pero hindi niya ito gusto ang pakikipagkaibigan nito sa pinsan niya. May pagka-mayabang kasi ito at mukhang hindi nagseseryoso sa babae. Baka mamaya ay akitin nito ang pinsan niya. Kokontra agad siya dahil sasaktan lang nito si Shei. Lalaki siya kaya alam niya ang gawain ng kapwa-lalaki. He was master player himself. Kaya alam na niya ang likaw ng bituka ng mga lalaking katulad nito.

"What do you want me to do with him?"

"Tingnan mo lang kung may babaeng umaaligid sa kanya."

"And..." Mukhang may iba pang pabor na hihingin ang pinsan niya. Hindi lang basta tingnan si Mitos.

"Akitin mo ang sinumang babaeng lalapit sa kanya."

"Ano?" bulalas niya at muntik nang maibagsak ang hawak na awditibo. "Are you crazy? Why would I do that?"

Hindi sa di niya kayang mang-agaw ng babae mula sa ibang lalaki. He could do that effortlessly. Pero bakit gagawin niya iyon para kay Shei?

"I just want to protect Mitos. Hindi ko gusto ang mga babaeng umaaligid sa kanya."

Kumunot ang noo niya. "Shei, are you in love with him?"

"No! We are just friends!" maagap nitong wika. "Concern lang talaga."

"Matanda na siya para malaman ang gagawin niya."

"Kuya, please! Just do me a favor. Naalala mo na hindi mo sinipot sa date ang babaeng inirereto niya sa iyo at ako ang gumawa ng paraan para hindi ka mapagalitan ni Tita?" paalala nito. "Nagsinungaling pa ako para sa iyo."

"Alright! I'll see what I can do." Pero wala siyang planong manghimasok sa buhay ng Mitos na iyon.

Palabas na siya ng stateroom nang di sinasadyang may masipa siya. Isang panlalaking wallet na kakalat-kalat sa sahig. Dinampot niya ang wallet at binuklat. Tumambad sa kanya ang picture ng isang magandang dalagita. Sa palagay niya ay wala pang eighteen ang babae sa picture. Mahaba ang buhok nito na kulot. Maganda ang ngiti nito at matangos ang ilong. Mukhang sa manyika ang mga mata nito na malaki at mabilog na napapalamutian ng mahahabang pilik-mata.

Nakanganga lang siya habang nakatitig sa picture. The woman in the picture looked so innocent. Ibang-iba sa mga kababaihang nakilala niya. Ito ang tipo ng babae na gugustuhing protektahan ng kahit sinong lalaki. Sino 'to?

Bumukas ang pinto ng stateroom at pumasok si Mitos. "Excuse me, Sir Cameron. Sa akin po 'yang wallet."

"Sa iyo?" tanong niya at tiningnan ang picture ng babae.

"Opo. Naiwan ko po kaninang tumawag si Miss Shei."

Magkasalubong niyang hinugot ang isa sa ID na nakasuksok doon at ID nga nito ang nandoon. Inabot niya dito ang wallet. "Here."

Abot-tainga ang ngiti nito nang mabawi ang wallet at hinaplos pa ang picture na nandoon. "Thank you po, Sir."

Tumango siya. Saka niya naalala ang bilin ni Shei. Na bantayan niya kung may babaeng umaaligid dito. Mukhang espesyal ang babaeng iyon para dito.

Sino ang dalagitang nasa picture nito? Ano ang relasyon ng mga ito?

Nagdadalawang-isip siya kung itatanong iyon kay Mitos habang palabas ito ng silid nang makarinig sila ng malakas na pagsabog. Yumanig ang yate.

"Ano iyon?" tanong niya.

"Galing sa pantry," sagot nito at tumakbo agad sa direksyon ng kusina. Subalit malaking apoy na ang sumalubong sa kanila. At mabilis iyong kumakalat sa yate.

Nagkakagulo na ang mga tao. May mga nagsisigawan at nagtatakbuhan. Hindi na makontrol ng staff ang mga ito. Naging mabilis ang kilos nila ni Mitos. Tinungo agad nila ang kinalalagyan ng lifevest. Ipinamigay agad niya ang mga lifevest sa mga natatarantang guests. Ang iba kasi ay nagtalunan na sa tubig. Ni hindi na mahintay ibaba ang lifeboat. Nilalamon na ng apoy ang yate. Parang wala nang

ligtas na lugar nang mga oras na iyon.

Isa lang ang nasa isip niya. Ang iligtas ang lahat ng kaya niyang iligtas.

"Sir Cameron," tawag ni Mitos sa kanya at inabot ang lifevest. Saka niya na-realize na iyon na ang pinakahuling lifevest sa lalagyan.

Isinuot niya iyon. Pagkasuot niya ng lifevest ay itinulak siya nito. Nadapa siya at narinig niya ang ng metal sa ulunan niya. Napaigik naman si Mitos na nasa ibabaw niya. Ito ang tinamaan ng metal na dapat ay tatama sa kanya.

"Mitos, are you okay?"

Nakapikit ito at bakas sa mukha ang matinding sakit. "O-Okay lang ako..." Subalit halata namang nasaktan ito.

Bumangon ito at dali-dali niyang inalalayan sa pagtayo. "Kailangan na nating makaalis dito."

Inalalayan niya itong tumao at nagimbal nang makita na mistulang impyerno na ang barko. Lumakas ang tibok ng puso niya. Malapit na silang abutin ng apoy. Nararamdaman niya ang init. Nang tingnan niya ang dagat ay malalaki ang alon. Nagsisimmula na ring tumagilid ang nagliliyab na sasakyan. Lulubog na iyon. Nang mga oras na iyon ay parang wala na siyang ibang tatakbuhan.

Hinawakan niya ang braso ni Mitos. "Tumalon na tayo."

Bahala na. Diyos na ang bahala sa buhay nila.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 47 Epilogue   04-15 00:11
img
7 Chapter 7 The Client
04/04/2022
12 Chapter 12 The Gang
04/04/2022
15 Chapter 15 Faker
04/04/2022
20 Chapter 20 Backstage
04/04/2022
21 Chapter 21 Bidding
04/04/2022
26 Chapter 26 "Mitos"
04/04/2022
27 Chapter 27 Eron
04/04/2022
34 Chapter 34 Janice
04/04/2022
36 Chapter 36 Reunited
04/04/2022
39 Chapter 39 Sampid
04/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY