Get the APP hot
Home / Romance / Conquering the Pirate Lord
Conquering the Pirate Lord

Conquering the Pirate Lord

5.0
46 Chapters
950 View
Read Now

About

Contents

Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia's most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him. Hindi niya matatagalan ang kaarogantehan nito. "Hey, wait!" Nagulat siya nang humarang sa harapan niya si Lucian. "Yes?" "I am still your prize." Hinapit nito ang baywang niya. Magkadikit na ang katawan nila at gayundin ang mga mukha nila. "Be my date."

Chapter 1 CPL: 1

"Pasensiya na po, Ma'am Jeremie. Hanggang ngayon hindi pa rin po bumabalik si Ma'am Abbie mula sa bakasyon nila."

Humawak siya sa railing ng verandah ng suite ng kuwartong inookupa niya sa cruise ship at anumang oras ay aalis na sila sa international port ng Hong Kong para ikutin ang iba't ibang mga bansa sa Southeast Asia. Pero wala pa rin doon ang isipan niya dahil inaalala pa rin niya ang nakababatang kapatid na si Abbie na nasa Pilipinas.

"Kailan ba ang balik nila ni Monty?" tanong niya.

"Hindi po sinabi, Ma'am. Mukha nga pong nag-enjoy sila doon sa Bukidnon. Sariwa po kasi ang hangin doon."

Parang ayaw niyang maniwala na mae-enjoy ng half-brother niyang si Monty o ng asawa nito na si Dara ang pagbabakasyon sa probinsiya. They were city slickers. Hindi mabubuhay ang mga ito nang di nakakalanghap ng polluted na hangin. At di rin niya alam kung bakit isinama ng mga ito si Abbie. Her sister was just thirteen. Di nito kasundo ang half-bother niya at ang asawa nito. Kaya nag-aalala siya kung bakit isinama pa ng mga ito si Abbie. Masisira ang pag-e-enjoy ng mga ito kung may karay-karay na bata. Isipin pa ng mga ito na pabigat si Abbie.

"Okay lang ba si Abbie? Wala ba siyang sakit?" paniniyak niya.

Nang huli silang magkita ni Abbie nang graduation niya sa Michigan ay namumutla ito at parang laging sumasakit ang ulo. Ang sabi nito ay baka dahil lang sa period nito dahil nagdadalaga na ito. Pero iba ang hinala niya. Di niya maiiwasang mag-alala dahil malapit silang magkapatid sa isa't isa at malayo pa siya dito. Nakiusap siya kay Monty na ipa-check up ito pero ang sabi ay wala naman daw sakit si Abbie.

Oras na umuwi siya ng PIlipinas ay ipapa-check up agad niya si Abbie. Kundi lang marami pa siyang inayos na papeles bago siya nakauwi ng Pilipinas ay marami ay naharap na sana agad niya ang kapatid niya.

"W-Wala po, Ma'am," tanggi ng katulong.

Huminga siya nang marahan. "Sige. Basta kapag dumating na sila, tawagan or i-text mo lang ako." At iniwan niya ang roaming number niya dito. "Huwag mong kalimutan o wala kang pasalubong sa akin."

"Opo, Ma'am."

"At kung anuman ang mangyari diyan, ipaalam mo sa akin."

Mahabang sandali niyang tinitigan ang malawak na dagat. Gustong-gusto na niyang makita ang nakababatang kapatid. Malapit siya dito kahit nine years ang gap nilang dalawa. Pangarap nitong maging ballerina. Subalit nang mamatay ang Mama niya noong edad katorse siya ay ipinadala siya sa boarding school. Kaya sinusulit niya ang bawat bakasyon para makasama niya ito. masama ang loob niya sa Papa niya dahil sa malayo siya pinag-aral samantalang kailangan siya ni Abbie. Ihinahanda siya nito sa pagtulong sa pamamalakad ng Essence Textile.

Nilabanan niya ang pangungulila dahil alam niyang para sa pamilya din nila ang ginagawa niya. Mas mabilis siyang makakatapos ng pag-aaral at mas mabilis niyang makakasama si Abbie.

Tiniis din niyang tumigil sa pag-aaral kahit nang mamatay ang Papa nila nang nakaraang taon. Isang taon na lang naman at ga-graduate na siya. At ngayong graduate na siya, iikot na sa Pilipinas ang buong buhay niya. Di na siya malalayo pa sa kapatid niya. Kailangan lang niyang tapusin ang cruise na iyon.

Pagpasok niya ng kuwarto ay nagulantang siya nang makita kung gaano kagulo ang paligid. Naghambalang ang mga damit kung saan-saan ay nag-aagawan sa isang pirasong nightgown ang kambal na sina Kae at Katie.

"Sa akin 'to! Ito ang isusuot ko sa welcome party!" wika ni Kae.

"Ako ang magsusuot nito. Di na ito kasya sa iyo dahil tumaba ka na," kontra naman ni Katie.

"Ikaw ang tumaba. Di dahil kambal tayo, pakiramdam mo babagayan ka na ng damit na 'to. Akin 'to! Akin!"

"Bitiwan nga ninyo iyan!" saway niya sa dalawa. "Damit lang pinag-aawayan pa ninyo. Parang mga bata! Madami naman kayong damit." Isa-isa niyang dinampot ang damit na nalaglag sa sahig. "Umayos nga kayo."

Kaklase niya ang mga ito sa boarding school. Ipinatapon doon ng amang Congressman para daw maturuan ng grace, poise at tamang asal. Ilang beses nang naparusahan ang mga kambal noong nasa boarding school dahil sa pakikipag-away. Subalit kahit ayaw sa mga ito ng ilang kaklase niya ay nakasundo niya ang mga ito. They were a breathe of fresh air. Kaya kahit na maka-graduate sila sa boarding school at nagpatuloy ng pag-aaral sa magkakaibang unibersidad ay di nawala ang komunikasyon niya sa mga ito. And she treasured them as her friends no matter how insane they are.

Noong isang buwan na ang nakakaraan nang i-set ng mga ito ang cruise na iyon. Ayaw sana niya dahil gusto niyang sa Pilipinas na dumirekta para masimulan na ang pagtatrabaho sa kompanya. Di lang siya makatanggi dahil ang mga ito na ang nagbayad para sa kanya. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang magandang gesture ng mga kaibigan na gusto lang siyang makasama.

"Sino ang mas bagay sa amin na magsuot nito?" tanong ni Kae habang pareho pa ring di pinapakawalan ang damit.

"Wala! Walang pagbabagayan niyan. Pag di kayo titigil, di na ako sasama dito. Tutuloy na ako ng Pilipinas," banta niya.

Sabay na binitiwan ng mga ito ang damit at saka pinag-aayos ang kalat ng mga ito. "Aayos na po," sabi ni Kate. "Ano bang problema mo at parang nasa kabilang dagat ang isip mo?"

"Hindi ko pa rin ma-contact si Monty. Hindi daw alam sa bahay kung kailan siya babalik. Gusto ko lang naman makausap si Abbie."

"Masyado kang maraming iniisip," sabi ni Kae. "Kuya mo na mismo ang nagsabi na magbakasyon ka muna at mag-relax. Hayaan mong gawin din iyon ni Abbie. So let's enjoy and have fun. Meet the boys."

"Boys," usal niya kasabay ng buntong-hininga. Wala sa plano niya na manlalaki sa trip na iyon. Relax maybe but boys were not part of her plans.

"Oo kailangan mo ng spice sa boring mong buhay. Ni minsan hindi ka pa nagka-crush man lang. Wala ka nang inisip kundi ang kompanya ninyo. I am sure hindi mo pinangarap na pakasalan ang kompanya ninyo," sermon ni Kate.

Iwinaksi niya ang kamay. "Naku! Sige na mamili lang kayo ng damit diyan. Huwag na ninyo akong intindihin."

Nagkatinginan ang dalawa at ngumisi. "Mukhang alam na namin kung kanino babagay ang dress na pinag-aawayan namin kanina," sabi ni Kae at sa kanya natuon ang pansin ng dalawa.

Umugong ang sigaw niya nang daluhungin siya ng dalawa.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 46 CPL: Wakas   03-06 11:55
img
1 Chapter 1 CPL: 1
17/04/2022
2 Chapter 2 CPL: 2
17/04/2022
3 Chapter 3 CPL: 3
17/04/2022
4 Chapter 4 CPL: 4
17/04/2022
5 Chapter 5 CPL: 5
17/04/2022
6 Chapter 6 CPL: 6
17/04/2022
7 Chapter 7 CPL: 7
17/04/2022
8 Chapter 8 CPL: 8
17/04/2022
9 Chapter 9 CPL: 9
17/04/2022
10 Chapter 10 CPL: 10
17/04/2022
11 Chapter 11 CPL: 11
17/04/2022
12 Chapter 12 CPL: 12
17/04/2022
13 Chapter 13 CPL: 13
17/04/2022
14 Chapter 14 CPL: 14
17/04/2022
15 Chapter 15 CPL: 15
17/04/2022
16 Chapter 16 CPL: 16
17/04/2022
17 Chapter 17 CPL: 17
17/04/2022
18 Chapter 18 CPL: 18
17/04/2022
19 Chapter 19 CPL: 19
17/04/2022
20 Chapter 20 CPL: 20
17/04/2022
21 Chapter 21 CPL: 21
17/04/2022
22 Chapter 22 CPL: 22
17/04/2022
23 Chapter 23 CPL: 23
17/04/2022
24 Chapter 24 CPL: 24
17/04/2022
25 Chapter 25 CPL: 25
17/04/2022
26 Chapter 26 CPL: 26
17/04/2022
27 Chapter 27 CPL: 27
17/04/2022
28 Chapter 28 CPL: 28
17/04/2022
29 Chapter 29 CPL: 29
17/04/2022
30 Chapter 30 CPL: 30
17/04/2022
31 Chapter 31 CPL: 31
17/04/2022
32 Chapter 32 CPL: 32
17/04/2022
33 Chapter 33 CPL: 33
17/04/2022
34 Chapter 34 CPL: 34
17/04/2022
35 Chapter 35 CPL: 35
17/04/2022
36 Chapter 36 CPL: 36
17/04/2022
37 Chapter 37 CPL: 37
17/04/2022
38 Chapter 38 CPL: 38
17/04/2022
39 Chapter 39 CPL: 39
17/04/2022
40 Chapter 40 CPL: 40
17/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY