Get the APP hot
Home / Romance / Finding Carrot Man 1: You're My Shining Star
Finding Carrot Man 1: You're My Shining Star

Finding Carrot Man 1: You're My Shining Star

5.0
43 Chapters
152 View
Read Now

About

Contents

Para kay Sunny Angeles ay itinadhana sila ni Carrot Man sa isa't isa. Nang unang beses silang nagkita ay ito ang nag-iisang nagbigay ng star sa kanya sa isang photo competition. Sumunod naman niya itong nakita nang minsang nagbubuhat ito ng gulay sa Mountain Province pero nagkasya na lang siyang kuhanan ito ng picture. Di niya inaasahan na kakalat sa internet ang kuha niyang picture. At ang masaklap, di na niya solo si Carrot Man dahil pinag-aagawan ito ng iba't ibang babae. Hanggang matunton niya ang binata sa bulubundukin ng Sagada. Ang masaklap lang ay idine-deny nito na ito ang hot na tagabuhat ng carrot na kinuhanan niya. Pero sinasabi naman ng puso niya na ito ang Carrot Man niya. No retreat, no surrender si Sunny dahil lkahit anong deny ng binata na ito si Carrot Man ay di naman ito pwedeng mag-deny na gusto nito ang halik niya. Pero paano kung namali pala siya ng Carrot Man?

Chapter 1 FCM1: YMSS 1

Hindi mapakali si Sunny Angeles habang naghihintay malapit sa entrance ng lumang Diplomat Hotel. Doon ginaganap ang photo exhibit kung saan kalahok ang larawan niya. Pasilip-silip siya sa labas habang kipit sa sarili ang poncho para labanan ang lamig.

Puno ng antisipasyon ang dalawampu't isang taong dalaga habang nakatingin sa driveway. Umaasa siya na paparada sa wakas ang isang pamilyar na sasakyan at bababa doon ang natatangi niyang bisita sa gabing iyon.

Napapitlag siya nang kalabitin siya ng kaibigang si Mea na kaklase niya sa De La Salle University at gaya niya ay kalahok din sa competition para sa mga amateur photographers. "Sunny, di ka pa ba papasok sa loob? Kanina ka pa wala sa picture-taking natin. Saka baka mamaya may magka-interes sa gawa mo. Malay mo kunin ka sa mga next event ."

Marahan siyang umiling. "O-Okay lang ako dito. May hinihintay lang ako."

Kumunot ang noo nito. "Boyfriend mo ba ang hinihintay mo?"

Umiling siya. "Hindi. Mommy ko."

Many men find her weird. Madalas din ay gusto niya ang mapag-isa. Kung hindi niya hawak ang camera niya ay may hawak siyang libro. Mas gusto niyang makipag-usap sa mundo gamit ang camera niya. Kaya naman kahit may gustong manligaw sa kanya, naiilang dahil may pagka-eccentric daw siya. At pawang mga kaibigan lang din niya na artist ang nakakaintindi sa kanya gaya ni Mea.

"Ahhh!" anito at tumango. "Akala ko naman magkaka-boyfriend ka na sa wakas. Pwede na kayong mag-date ng pinsan kong si Jeff. Single iyon at civil engineer pa. Gandang-ganda nga siya nang ipakilala kita dati."

Nakangiti na lang siyang umiling. "Saka na lang."

"Anong saka na lang? Graduate ka na. Twenty-two ka na rin. Pwede ka nang magpaligaw at mag-boyfriend. Ano pa bang hinihintay mo?"

Kimi siyang ngumiti. Mabait naman ang pinsan ni Mea na si Fernando at matalino pero pakiramdam niya ay may pagka-self-centered ito. Mas gusto nitong lagi na pag-usapan ang sarili o siguro dahil di naman siya gaanong nagsasalita at nagkukwento tungkol sa sarili niya. Pero di man lang nagtanong ang lalaki sa gusto niya sa buhay. Puro ito me, me, me, me.

At buong buhay niya ay wala na siyang ginawa kundi ang paikutan ng mga tao na puro mga sarili lang ang gustong isipin at siya ay kailangang sumunod at makinig lang sa mga ito. Nakita din niya kung paanong ang ina niya ay laging nakaabang at naghihintay sa kung ano ang gusto ng ama niya.

She didn't want to be a doormat wife or girlfriend like her mother. Mas gusto niya na may isang taong nag-aalala para sa kanya at susuklian ang pagmamahal na kayang ibigay. Isang taong makaka-appreciate sa kanya at sa art niya ang kailangan niya. Isang tao na iisipin naman kung ano ang magpapasaya sa kanya.

"Ngayon ko pa lang sisimulan ang career ko. Kaga-graduate ko pa lang. Gusto ko naman kapag nag-boyfriend ako, may stable na akong career," katwiran na lang ni Sunny sa kaibigan dahil ayaw niyang ma-offend ito kapag tinanggihan niya ang pinsan nito.

"Di pa naman boyfriend agad. Ligaw-ligaw. Date-date. You are missing a lot. Ay naku! Baka kagaganyan mo, tumandang dalaga ka lang."

"Ano ba? Bata pa naman tayo." Kumuha siya ng orange juice mula sa dumadaang waiter. "Mabuti pa balikan mo na lang ang boyfriend at family mo. Nakakahiya naman kung iiwan mo sila at ako lang ang kakausapin mo. Nami-miss ka na ng boyfriend mo." At napansin niya na patanaw-tanaw ang boyfriend nito.

"Sigurado ka na okay ka lang mag-isa dito?" paniniyak nito.

"Siyempre naman. Okay lang ako dito. Salamat."

Pinisil nito ang balikat niya. "Good luck sa atin. Sana manalo tayo."

At masaya na itong bumalik sa kulumpunan ng supporters nito. At sa harap ng picture na entry ni Mea ay may mga papel na bituin na. Bawat guest na papasok sa exhibit ay bibigyan ng isang star at ilalagay sa nagustuhang entry ng mga ito. Sampung porsiyento lang iyon ng tally ng votes at di naman malaking impluwensiya sa mananalo sa competition pero iba rin ang boost sa ego ng isang photographer kung marami ang may gusto sa gawa nito.

Pasimpleng inikot ni Sunny ang paningin sa kuwadro ng ibang kalahok. Pawang may star na ang mga ito. Ang iba nga ay tadtad pa ng star dahil talaga namang magaganda at kahanga-hanga ang kuha ng mga ito. O kaya ay hinakot yata ang buong baranggay pati ang buong college para iboto ang mga ito.

Dumako ang mga mata niya sa larawan ng isang babae na nakasalabay ang anak nito sa likuran, animo'y naglalaro ang mga ito sa damuhan. Sa likuran ng mga ito ay ang foggy na kabundukan ng Cordillera at unti-unting sumisikat ang araw.

And she loved the picture. That picture was her best. Nagdadala ng kaligayahan sa kanya ang larawan na iyon dahil na-capture niya ang kaligayahan ng isang ina na kasama ang mga anak nito. Pero wala iyon kahit na isang star.

Pumikit siya at huminga ng malalim. "Okay lang iyan. Ten percent lang naman iyan ng competition. May chance pa ako."

Hindi naman mahalaga sa kanya kung maraming star ang mga kalaban niya. Isang star lang ang kailangan niya. Isang star lang mula sa pinakamahalagang tao sa kanya. Sana lang ay dumating na ito.

Pero nagsisimula nang manigas ang kalamnan niya sa lamig habang nakatayo sa labas. Bumababa na ang fog at natatakpan na ang driveway pero di pa rin niya matanaw ang sasakyan na hinihintay niya.

Inilabas niya ang smartphone at tinawagan ang numero ng ina. Ring lang iyon nang ring. "Mom, please answer the phone," pakiusap niya at naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata.Fifteen minutes na lang at bibilangin na ang mga boto para sa pictures. She just wanted one star from her mother. "Come on, Mom."

"Hello!" paasik na sagot ng ina niyang si Mary Margaret. Sa background ay naririnig niya ang suwabeng jazz music at may mga taong nagtatawanan.

"What?! Why are you calling?" iritadong tanong nito.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 43 FCM1: YMSS (Wakas)   04-15 00:12
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY