Get the APP hot
Home / Romance / Forgotten Misery
Forgotten Misery

Forgotten Misery

5.0
44 Chapters
953 View
Read Now

About

Contents

Aubrielle De Guzman is giving all her best just to gain her father's love and approval. She always make sure that she's at the top of their class, not getting higher than one mistake in any exam, and be the best daughter everytime that they have a family gathering. Gagawin niya ang lahat para sa ama kahit ang ipakasal siya nito sa lalaking hindi niya kilala. Hanz Aiser Cruz is a well-known CEO in automotive industry. He's the only son of Golem and Asyana Cruz. If there's something that he has the same with Brie, it is being lack of a father's attention. He will also do everything para ipagmalaki siya ng kaniyang ama, even that everything means turning his life into unrealistic story. Akala nila ay pagpapakasal ang solusyon para makuha na nila ang atensyon at pagtanggap mula sa kanilang ama. Not until the one fell in love and the other one regret the decision that he made. Hanggang kailan mo isisisi sa taong naghahanap lang rin nang pagmamahal ang pagmamahal na hindi maibigay sa'yo ng iba? Paano kung huli na ang lahat at nakalimutan ka na niya?

Chapter 1 Prologue

"Why is it hard for you to love me? Wala ka namang mahal na iba diba? Kasi kung meron, sana matagal ka nang umalis kahit pa kasal tayo."

He looks so shock, siguro ay hindi niya inaasahan na iiyak ako sa harap niya para lamang itanong kung bakit hindi niya ako kayang mahalin. Nakakaawa ka Aubrie, kailangan mo pa laging magmakaawa para mahalin ka. Matagal na kaming ganito pero kahit kailan ay hindi ako nanumbat, hindi ko ipinapakitang napapagod na ako sa mga ginagawa niya sa akin, ngayon pa lang. Sobra na kasi, ang sakit na.

"I never asked your whereabouts and never asked the password of your phone kasi alam ko'ng magagalit ka lang."

"I never demand any attention from you. Sapat na sa akin yung kasabay kang kumain kapag umaga o gabi."

"Hindi ako nagtanong kapag may kasama kang babae, kahit pa sobrang sweet niyo. I know that you don't want to cheat kahit pa--"

"SHUT UP!" Ang sigaw ni Hanz ang nagpatigil sa mga panunumbat ko sa kanya pero hindi ko ito pinansin.

"--kahit pa napilitan ka lang ikasal sa akin. Ginawa ko ang lahat pero kahit kailan ay hindi mo ako tinanggap, kahit kailan ay hindi mo ako binigyan nang pagkakataong mas magpakilala pa sa'yo. Inalisan mo ako ng karapatan sa lahat kahit pa ang mahalaga lang sa akin ay iyong mahalin, tanggapin at kilalanin mo ako." Pagpapatuloy ko sa aking sinasabi habang umiiyak. Pinipilit ko'ng lakasan ang aking loob at ipagpatuloy ang mga gusto ko'ng sabihin, baka kasi ito na ang huli. "Hanz, akala ko kaya ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Aubrie, gawin mo ito para sa Papa mo. Kailangan maging proud siya sa'yo kahit sa ganitong paraan lang.' Pero hindi ko naisip na sa umpisa pa lang ito na rin ang gusto ko. Ang tagal na kitang minamahal, sana napag bigyan mo man lang ako kahit sa pagiging tapat mo lang.

Lumipat ang tingin ko sa magulong cover ng kaniyang kama. Napaiyak ulit ako, pero ngayon ay mas malakas na. Mas ramdam ko yung sakit at pagkakapahiya. Ipinilit ko pa kasi, matagal na naman niyang sinasabi na hindi niya ako kahit kailan mamahalin. "Masyado akong naniwala na hindi mo ako kayang lokohin. Akala ko puwede pa, na kaya pa." Sabi ko na lamang sa kanya at tumayo na ako. Hindi ko na kaya, ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang namin kung iyon lamang ang problema niya.

"Brie, no." Mababa yung boses ni Hanz, ibang-iba sa boses niya kanina nang sumigaw siya. "Let me explain this. Walang nangyari, nagising ako na nadito na si Ruth sa kwarto at--"

"Stop," Mas nasaktan ako nang marinig sa kanya ang pangalan ng ibang babae. Kahit kailan kasi ay wala siyang nababanggit na pangalan ng ibang babae kahit pa nag iinuman sila ng kanyang mga kaibigan. Sasabihin niya lang ay, 'hindi ko na sila maalala'. Naiisip ko na biruan lamang nila iyon kaya hindi ko siniseryoso. "Ruth pala ang pangalan niya. Maganda siya at mukhang mahal ka rin." Sabi ko na lamang at tumalikod na ulit. Dumiretso ako sa kwarto para kuhanin ang mga gamit ko, umiiyak man ay mas pinili ko na lamang magmadali.

"Let's talk about this Brie. Paano yung kasal natin? Sila Papa?"

"Ako na ang bahalang magpaliwanag kung iyon lamang ang problema. Pagod na ako Hanz, akala ko ay kaya ko pa."

Sila na lang lagi ang iniisip ni Hanz, kaya siguro nahihirapan siyang makipaghiwalay sa akin. Malaki kasi ang expectation sa kanya ni Tito, at ang marriage namin ang isa sa naging ticket para mas maging credible siyang tagapagmana. Dali-dali na ako'ng lumabas at sumakay sa taxi. Narinig ko pang tinawag niya ako pero mas pinili ko'ng lakasan ang loob ko upang hindi lumingon at bumalik sa kanya. Tapos na siguro ang kwento namin dito, kailangan ko na lang tanggapin na hindi ako ang para sa kanya.

Sumakay ako ng bus pagdating ko sa terminal. Pupunta muna ako sa rest house nina Agatha, ang nag iisa ko'ng kaibigan. Pinsan ko rin si Agatha sa mother side, matagal nang wala si Mommy dahil sa sakit kaya si Daddy na ang nag alaga sa akin mag isa for 10 years. I am now 19 years old, too young to be married. Sabi sa akin ni Agatha ay always welcome ako sa rest house nila, hindi naman iyon alam ni Hanz kaya may time ako para mag isip nang maayos. Natawa na lang ako ng pilit, for sure naman na kahit alam ni Hanz kung nasaan ako ay hindi niya ako susundan.

Pagka-upo ko sa tabi ng bintana ay nakatulog ako agad, siguro ay dahil na rin sa pagod. Nagising na lamang ako nang marinig ko'ng nagpapanic ang ibang pasahero at sumisigaw si Manong na tumalon raw kami sa bintana. Hindi ko siya naintindihan agad, naramdaman ko na lamang na tumabingi ang bus at dire-diretso palusong. May mga sumasabog at hindi ko alam kung saan iyon, naliliyo na ako. Napatakan ako ng maleta sa ulo pero bago pa iyon ay naramdaman ko na ang mismong pagsabog malapit sa puwesto ko.

Kung ito ang buhay na inilaan sa akin ng Diyos, malugod ko ito'ng tinatanggap.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 44 Epilogue   01-03 18:02
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY