/0/27049/coverbig.jpg?v=20220415102743)
I'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm Immortal. I waited for him to be reincarnated. I lived a hundreds of years. She's the Warrior's King. Ngayon, muling nagtagpo ang kanilang landas sa hinaharap. Ang hari ng isang malaking kaharian ay isa nang kilalang bilyonaryo at may - ari ng malaking kompanya. And he's name is Arrow Vanwood. The Great King.
Europe
800 years ago...
Isang madugong digmaan.
Walang tigil na labanan.
Mga katawang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling dugo. Dalawang araw na din at wala paring tigil na patayan sa panig ng dalawang kaharian. Lahat ay pawang may ipinaglalaban.
Mapapansin ang isang babaeng walang kahit anong takot sa kanyang mga mata. Patuloy sa pakikipag espadahan sa mga kawal ng kaharian ng Micandre. Siya ang bukod tanging nakapaslang sa halos ilang libong kawal ng Micandre.
Tinatawag ito sa pangalang Ara, she's the warrior's King. Siya ang pinakamalakas na mandirigma sa kanilang kaharian.
Kanang kamay siya ng hari, kung iisipin si Ara ay ipinanganak para protektahan ang sumunod na hari. Maliit pa lamang ay nabuhay na sa mundo ng karahasan.
Wala itong awang pinapatay ang mga kalaban na humahadlang sa kanyang dinaraanan papunta sa hari ng Micandre.
Ang ilan ay sugatan pero nagpapatuloy parin sa pakikipaglaban.
Ilang kawal na ba ang namatay sa digmaan. Iyon ay hindi na mabilang sa dami ng katawang nakahandusay sa lupa. Dumadanak ng dugo. At parehong wala nang mga buhay.
Malapit na namang magtagumpay ang Vanwood ngunit makikitang iilan na lamang silang nakatayo at patuloy na hinarap ang kamatayan. Parehong mga handang sagupain ang kanilang landas para maipagtanggol ang kanilang kaharian. Sigawan, hinagpis halo - halo ang mga dalamhati ng mga taong nagsakripisyo ng kanilang mga buhay. Tanging si Ara at ang mga kasamahan ang patuloy paring nakatayo at lumalaban. Determinadong ubusin ang lahat ng kalaban na nais din silang wakasan. Dahil iyon ang utos ng Hari ng Vanwood.
'Walang dapat matira' 'yon ang utos ng hari
'Wala akong dapat itira' sabi naman sa isip ni Ara habang humahampas sa mga kalaban ang hawak na espada.
Isa itong digmaan sa pagitan ng Micandre at Vanwood. Nais sakupin ng Micandre ang palasyo ng Vanwood upang sila ang tuluyang maghari.
Ang Vanwood ang pinakamakapangyarihan na kaharian at nais iyon mapasakamay ng hari ng Micandre.
Kaya pagsapit ng bukang liwayway ay nakahanda na ang mga kawal ng Micandre upang sakupin ang palasyo ngunit hindi nila inaasahang umulan ng napakaraming pana na may kasamang umaalab na apoy sa mga 'yon.
Isang ngisi ang lumabas sa labi ng hari ng mga Vanwood.
Napatay ni Ara ang hari ng Micandre wala itong kahit anumang tinamong sugat sa katawan kundi bahid lamang ng dugo sa suot na nakuha sa mga kawal na pinatay. Ilang mga buhay din ang tinapos ng espadang iyon.
Umalingawngaw ang malakas na sigawan tanda ng kanilang tagumpay. Itinaas ang mga hawak na espada sa ere at sumigaw pa muli ang mga kawal ng Vanwood na nanatili paring nakatayo. Tapos na ang digmaan.
Tumayo naman si Ara sa pagkakaluhod sa lupa sa harap ng palasyo.
Suot niya ang karaniwang armor ng isang kawal. Pumasok ito sa loob ng palasyo para ibalita sa hari ang kanilang tagumpay.
Binuksan ng isang kawal na nagbabantay sa harap ng malaking pinto ng makita ang magiting na mandirigma.
Pagkapasok sa loob ay tumambad sa kanya ang bulwagan. Sa harap niyon ang hari na nakaupo sa kanyang trono habang sumisimsim ng pulang alak sa hawak na kopita. Madiin ang pagkakatitig nito sa kawal na pumasok, si Ara.
Dahan - dahan at walang pag - aalinlangang naglakad palapit si Ara sa hari.
Limang metro mula sa nakaupong hari. Iniluhod ang isang paa at yumuko ito bilang respeto.
"Nais ko'ng ibalita ang ating tagumpay, Mahal na hari" magalang na turan ni Ara sa hari.
Sumimsim muna ito sa inumin bago nagsalita.
"Good. You may leave, Ara" tipid at may halog lamig na sagot ng hari.
Hindi na tumingala si Ara sa hari bagkus ay tumayo at muling yumuko bilang pamamaalam. Iniiwasan iyon ni Ara, ang pagsalubong ng kanilang mga mata. Hindi niya gusto ang mga matatalim na tingin ng hari sa kanya tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata.
Hindi alintana ni Ara ang duguang mukha. Mabilis na naglakad palabas sa bulwagan. Hindi nito napansin ang pag - igting ng panga ng hari na animo may lihim na galit dito.
Dumaan si Ara sa west wing. Nais dumiretso nang sariling kwarto si Ara upang magpahinga.
Ngunit malapit na siya'y sumalubong naman sa kanya ang reyna.
Si Reyna Elizabeth Vanwood. Ang lola ng hari.
Kahit may edad na'y taglay parin nito ang kagandahan. Subalit halata sa mukha ang pamumutla. May malubhang karamdaman ang Reyna.
"Ara" salubong nito sa dalaga.
"My Queen" sambit ni Ara
Akmang luluhod si Ara pero pinigil ito nang pagyakap ng reyna. Mahigpit na parang may nais iparating.
"I'm glad you're alive. Thank you for being safe. Thank you for protecting us and your King" madamdamin na ani nito kay Ara.
Napalunok si Ara. Ito ang unang beses na niyakap siya nang mahigpit at pinasalamatan ng Reyna.
"It's my duty to protect you and the king, My queen" sagot nito halos hindi mabuo ang boses.
Kumalas ang Reyna sa pagkakayakap pero nanatiling hawak ang mga kamay ni Ara. Tulad ng yakap nito kanina ay mahigpit din ang pagkapit nito sa kamay ni Ara.
"Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinili ko para protektahan ang hari, Ara" may ngiting nakapaskil sa labi ng reyna
"It was my pleasure, My queen" sabi naman ni Ara.
"Nag - iisang apo ko lamang ang hari, Ara. Gusto kong habang nabubuhay ka'y protektahan mo siya. Ipangako mong gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kung nabubuhay pa sana ang kanyang magulang ..." emosyonal na sabi nito. Hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil bumagsak na sa pisngi ng matandang reyna ang luha.
Nakapagtataka. Hindi kailan man naging ganito kaemosyonal ang Reyna. Dumaan iyon sa isip ni Ara.
Tumingin ang reyna nang diretso sa mata ng dalagang si Ara. Mahigpit na hinawakan nito sa kamay si Ara.
"Hindi ka maaaring mamatay, Ara. Habang nabubuhay si Haring Aro kahit pa sa kabilang buhay o sa hinaharap protektahan mo siya. Mabuhay ka para sa kanya..."
"Dahil ikaw ang magiting na kawal ng hari. Ang tadhana ang siyang maglalapit sa inyo. Ikaw ay para sa hari, ang lahat ay may hangganan, ngunit mamamatay ka't mabubuhay, ang buwan at taon ay mag - iiba ngunit ang tadhana ay hindi mababago. Sa araw na magtagpo ang inyong landas ng hari ay magpapatuloy ka sa iyong tungkulin"
Napakurap ng ilang beses ang dalaga. Nalilito, naguguluhan sa mga sinasabi ng reyna.
Ano ang nais nitong ipahiwatig sa kanya gayong buhay pa siya. Anong ibig sabihin ng sinabi nitong 'mamamatay at mabubuhay'.
Napalunok si Ara nais tanungin ang gustong iparating ng Reyna ng Vanwood. Mahiwaga ang bawat salitang binigkas nito.
"...You will live an eternal life" isang bulong na nagpahindik sa kanya. Parang isang malamig na hangin na biglang dumaan at nanindig ang balahibo ng dalaga.
Tumayo ang lahat na yatang balahibo sa katawan dahil sa mga salitang lumabas sa labi nito.
Pakiramdam ni Ara ay may ibig sabihin ang mga binigkas ng reyna. Kahit naguguluhan ay sumang - ayon ang dalaga.
Ilang araw pa'y nagdalamhati ang kaharian ng Vanwood dahil namayapa na ang mabait na reyna.
Lumisan ito sa mundo ng may ngiti sa labi.
-end of prologue-
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig, si Romeo Cordova dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya ay hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya ay panghambuhay na ay unti-unting nagbago dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan, at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan noon. Umalis na walang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dalang pagbabago ni Diego, sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang nilang gawin, makuha lamang ang nais na pag-ibig.
"Sir, hindi pa po siya patay. Gusto niyo bang sagasaan ko siya ulit?//"Gawin mo na."//Narinig ng bugbog at duguang si Rebecca ang utos ng asawa at nagngangalit ang kanyang mga ngipin.//Ang mag-asawa ay hindi pa natatapos sa kanilang kasal, at dahil dito, hindi sila nagkaroon ng anak. Gayunpaman, ang kanilang walang anak na pag-aasawa ay nagtulak sa kanyang biyenan na hindi lamang napagbintangan ang kanyang biyenan. niloloko siya ng asawa niya, pero gusto rin niyang patayin siya!//Puwede lang niya itong hiwalayan, pero heto, sinusubukang patayin siya...//Si Rebecca, na muntik nang makatakas sa kamatayan, ay agad na diniborsiyo ang walang pusong asawa at nagpakasal muli sa lalong madaling panahon.//Ang kanyang pangalawang asawa ang pinakaprominenteng lalaki sa lungsod ay nangako siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan para sa kanyang pakikitungo at ipaghiganti ang kanilang kasal! kapaki-pakinabang para sa kanilang dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon, nang humupa ang alikabok, hinawakan ng kanyang pangalawang asawa ang kanyang kamay at nagmakaawa, "Bakit hindi manatili sa akin magpakailanman?"
Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon.//"Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak.//Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya...//Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena.//"Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito.//Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay.//Ano ang pipiliin niya?