Get the APP hot
Home / Romance / Until We Meet Again
Until We Meet Again

Until We Meet Again

5.0
24 Chapters
849 View
Read Now

About

Contents

Ang magkaroon ng childhood bestfriend ang isa sa maganda at hindi natin makakalimutan na pangyayari sa ating buhay ng ating pagkabata. Yung halos araw-araw kayong magkasama sa paglalaro. Sabay kayo nangangarap sa buhay ng mga nais niyong mangyari kasama ang pangako na magkasama niyo ito tutuparin. Pero paano kung dumating ang isang bagay na hindi niyo inaasahan na magkalayo kayo ng landas? Yung taong nakasanayan mong laging kasama ay biglang umalis? Paano ang mga pangako niyo sa isa't isa? Aasa ka pa bang muli kayong magkikita?

Chapter 1 BRACELET

PATRICIA'S POV

"Oh my God! Papictureeeee po!!"

Para akong baliw na nagsisigaw dito sa gitna ng mall dahil sa nakita ko. Nga pala, nandito ako ngayon sa SM Calamba. Sabe nila may mall tour daw ang isang sikat na loveteam na iniidolo ko sakto naman nagpunta ako.

"Hi, kumusta? Sure, nasaan phone mo?" sabi ni Ate Kath sabay abot ng phone ko with matching nginig pa ng kamay. Sobrang speechless talaga ako. Unexpected ika nga nila. Finally, may picture na ako kasama nila. Ganito pala talaga ang feeling.

AHHHHHHHHHCCKKKK!!

"Hoy, Patchot!! Gumising ka na dyan tanghali na." narinig kong sigaw ng Nanay ko.

What the heck! Panaginip lang pala. Nanlulumo akong bumangon at inayos ang aking higaan.

"Ito na po, Ma." sagot ko naman kay Mama.

Ako nga pala si Patricia Jhoy Letran, 7 years old. At 'yong tumawag sa akin kanina, nanay ko yun, Gabriela Jacquelyn Letran. Ganda ng tawag niya saken di ba? Patchot.

"Magandang buhay, universeeee!!" pagbati ko sa kanila habang bumababa ako ng hagdan.

"Hoy, Patchot," tawag saken ni Mama, "Bilisan mo na dyan, kumain ka na at sasamahan mo pa ako."

"Saan po, Ma?" tanong ko naman sa kanya.

"Dumating na kase yung bestfriend ko galing Paris. Tagal na naming hindi nagkikita tsaka gusto ka makilala," sagot naman ni Mama. Kaya naman dali-dali ako sa pagkain ng tanghalian at naligo na.

Pagkatapos ko maligo ay deretso na ko sa pamimili ng susuotin kong damit. "Eto kaya bagay kaya 'to saken, kulay pink na may mga flowers at butterflies? Hmmmm". Ilang minuto ang aking itinagal sa pagpili ng damit na susuotin ko.

"Patchoottt!!! Ano ba ang tagal mo naman pumili ng isusuot?!" So, ayan na naman ang sigaw ng aking ina.

"Eto na po, maaaa!!" Hayst eto na nga lang. Girly ng dating ko. Si mama kasi ih madaling-madali parang mawawalan ng relief. Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako.

"Ma, ano tara na? Ganda ko ba dito?"

"Oo naman,Patchot. Ang ganda ng ayos mo," tuwang-tuwa na sabi ni mama.

"Aba, ang ganda ng ayos ng anak ko ngayon ah. Pitong taon pa lang pero nagdadalaga na," biglang sabe ni Papa. Siya nga pala si Primo Ace Letran, ang aking napakagwapong tatay. Pangalan pa lang nakakakilig na.

"Papa minsan lang ako mag-ayos. Pagbigyan niyo na." Nakasimangot pa ko niyan.

"Hay nako kayong dalawa itigil niyo na 'yan. Tara na, Patreng. Primo ikaw muna bahala sa bahay." Bilin ni Mama kay Papa.

"No problem, love," sabay halik sa noo ni Mama. Oh di ba, nakakakilig sila?

-

Nakarating na kame ni Mama sa bahay ng kaibigan niya. Hindi man lang sinabe ni Mama na maglalakad kame dahil malapit lang pala, pande ayos pa ko ng sarili ko. Pagkapasok pa lang ng gate, napanganga na agad ako sa ganda ng bahay. Grabe mansion ba ito? Ang daming sasakyan, ang ganda ng garden. Mapapa "oh my God" ka na lang talaga.

"Good afternoon, Ma'am. Kayo po ba si Ma'am Gab? Nasa may pool area po sina Maa'am Athena." Wow, may maid pa.

"Sige po. Salamat." Pagpasok sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha. Sobrang lawak. Tapos may hagdan pa na parang pangpalasyo. Grabe naman talaga sa yaman.

Pagkadating namin ng pool area ay nakita kong excited na tumakbo si Mama palapit sa kaibigan niya. Ay! Ma kasama mo anak mo. Nakalimutan mo yata ako.

"OMG, Gab! I miss you," sabay yakap nila sa isa't isa. Nakita ko may katabi itong lalaki na mukhang asawa niya. Infairness, ang gwapo rin.

"Kenji, long time no see. Akalain mo nga naman ang tadhana, kayo pa rin nagkatuluyan," bati naman ni Mama sa asawa ni Tita Athena. Naks, tita daw. Pamangkin ka, Patreng?

"Oo nga pala. Isinama ko anak ko para Makita niyo. Anak, halika.", tawag saken ni Mama. Busy pa ko sa pagtitig sa pool, Ma eh.

"Good afternoon po," bati ko sa kanila.

"Napakagandang bata naman. Ano name mo?" sabay kurot sa pisngi ko.

"Patchot po," sagot ko naman. Mas kilala kase ako sa tawag na Patchot, si Mama kase.

"Kanino pa ba yan magmamana syempre sa magandang nanay," sabay tawa naman ni Mama, "Nasaan nga pala anak niyo?" tanong ni Mama.

"Nasa kwarto pa. Bababa na rin 'yon mamaya," sagot naman ni Tito Kenji.

"Ma'am, Sir, handa na po ang meryenda," sabay dating naman ng katulong nila.

"Sige, Manang. Patawag na din si Karl." Niyaya na rin kami ni Tita Gab.

Nandito na kame sa dining area nila. Hala, ang daming pagkain. Baka naman sabihin niyo ngayon lang ako nakakita ng ganito. May kaya rin naman pamilya ko, hindi lang ganito kagrabeng yaman. Laking-laki ng bahay nila. Huwag nilang sabihin na silang tatlo lang nakatira dito. Maya-maya pa may nakita akong batang lalaki na pababa ng hagdan. Ang gwapo ha, kamukhang-kamukha ng tatay.

"Oh anak, nandyan ka na pala. May papakilala ako sayo." Lumapit naman ang batang lalaki. "Ito nga pala si Tita Athena mo. Bestfriend siya ng Mommy mo since highschool. At eto naman anak niya, si Patchot." Ang pakilala samen ni Tito Kenji.

"Good afternoon po." Hindi lang gwapo, ang hinhin pa. Bakla ba 'to? Hay nako Patreng kung ano-ano pinag-iisip mo.

Habang abala sina Mama sa pagkekwentuhan, naisip ko na manood na lamag ng tv. Tamang-tama nanonood din si Karl. 'Yong panonood namin nauwi sa paglalaro. May pagkasalaw rin naman palang tinatago 'tong lalaking na 'to. Siguro nahihiya lang siya sa una. Dahil summer daw ngayon kaya naisip nila na dito sa Pinas magbakasyon. Ngayon lang daw siya sumama sa mga magulang niya dahil namiss din naman daw niya itong Pilipinas. Sa sobrang saya ng paglalaro namin ay hindi namin namalayan na gabi na pala. Kaya nagpasya na si Mama na magpaalam.

"Sana dumalaw ulit kayo sa susunod ha?"sabe ni Tita Gab.

"Oo naman, Gab. Para naman masulit ang pagbabakasyon niyo dito. Oh anak, magpaalam ka na sa kanila," sabay tawag saken ni Mama .

"Ba-bye po, Tita, Tito at Karl. Masaya po ako na makilala kayo."

"Sige, ingat kayo pauwi." Ang bilin naman ni Karl with matching kaway pa yan.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY