An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the Ten Kingdoms. Will she be successful in finding the three monsters and finally fulfill the prophecy? Or will the effort be wasted? *** Extraordinary and fearless, Hurricane Thurston decided to go on an adventure to find the three monsters. Together with her protector, Simone, they face challenges that would eventually shake the world of the Ten Kingdoms. Lives will be sacrificed and secrets will be revealed. As they discover powers that they never knew existed before, will Hurricane, Simone and the three monsters be able to face the danger that awaits them? Or will Hurricane be able to change the ending that the prophecy has declared? DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY
Extraordinary and fearless, Hurricane Thurston decided to go on an adventure to find the three monsters. Together with her protector, Simone, they face challenges that would eventually shake the world of the Ten Kingdoms. Lives will be sacrificed and secrets will be revealed. As they discover powers that they never knew existed before, will Hurricane, Simone and the three monsters be able to face the danger that awaits them? Or will Hurricane be able to change the ending that the prophecy has declared?
This story is purely fictional.
---
Pahina 1
Hurricane Diaz
Who's worth it?
Tanong sa sarili ng babaeng nakaupo sa railing at nakatanaw ang bughaw nitong mga mata sa mga nagtataasang buildings ng siyudad. Hinahangin ang paalon at tsokolate nitong buhok. Nakanguso naman ang manipis at mapulang labi. Kinurot niya ang may katangusang ilong. Nang umaraw ay hinagip niya ang dulo ng sarili niyang buhok at napangiti nang makita ang paghalo ng kulay pula sa kulay tsokolate niyang buhok.
Ang sinumang makakikita rito ay mabibighani. Ang kagandahang taglay nito ay hindi maihahalintulad sa iba. Tinagilid niya ang ulo niya nang makarinig ng kaluskos at isinawalang-bahala lamang 'yon at bumuntong hininga.
"Hindi ka ba nagsasawa sa kasusunod sa akin?"
"...."
Gaya ng dati ay hindi ito sumagot. Lumundag siya at lumapat nang swabe ang mga paa sa semento. Pinasok niya ang parehong kamay sa bulsa ng suot niyang black leather jacket at nagsimulang tahakin ang labasan ng rooftop.
Nang makalabas ng elevator ay automatic na napunta ang mga mata ng lahat sa napakagandang dilag.
"Good Morning, Miss Hurricane." Tipid na tango ang ibinalik niya sa mga ito. Habang naglalakad ay napadaan siya sa parke at may nakitang matandang ginang na tila nagku-kwento tungkol sa tatlong halimaw.
Naupo siya sa ilalim ng puno malapit sa matandang ginang na nagku-kwento sa mga bata. Nakatingin siya sa kalangitan habang nakikinig sa kwento nito.
"Taun-taon ay nagsa-salinlahi ang henerasyon ng tatlong halimaw sa magkakaibang nayon na lingid sa kaalaman ng lahat. Ang unang halimaw ay may kakaibang kamay na kayang magpaguho ng kahit anong pader. Ang kamay nito ay may kakaibang hasang at hindi mapapantayan ang lakas ng normal na kamao. Isang pitik lamang nito ay kaya nang pumatay. Ang pangalawa naman ay may kakaibang paa na kayang tumalon nang napakataas at ang lakas ng sipa ay napakalakas. At ang pangatlo ay may bilis na parang hangin at kayang kumuha ng buhay ng walang nakakapansin."
"Waaaah! Ang galing! E nasaan sila?" tanong ng batang babae na nasa tatlong taong gulang.
"Hindi ko rin alam, mga bata at nakakalungkot ang kanilang mga sinapit."
"Bakit po?" tanong ng iba pang mga bata.
"Dahil ang turing sa kanila ay sumpa na nagbibigay malas sa kanila."
"Wala pang kahit na sino ang nakakuha ng loob ng tatlong halimaw. Marami ang may gustong kumuha sa mga ito dahil sa mga taglay nitong kakayanan at marami ring tumutugis sa kanilang mga buhay."
"Ayon sa alamat, ang sinumang makakukuha ng tiwala o loob ng mga ito ay paglalaanan nito ng kanilang mga buhay at po-protektahan hanggang kamatayan."
"Nandiyan ka lang pala! Mga bata? Kailangan nang umalis ni Lola ah?" ani ng mga nagdatingan na nurses mula sa isang mental institution.
"Di pa tapos magkwento si Lola!" angil ng mga bata.
"H'wag kayong magpapaniwala sa sinasabi-"
"Sandali.." tumayo ang dalaga mula sa pagkakasandal sa puno. Lumapit ito sa ginang at bahagyang yumuko at ni-lebel ang mukha sa ginang.
Hindi makagalaw ang dalawang lalaking nurse na nakahawak sa magkabilang braso ng ginang at lahat sila ay nakatulala sa kanya.
Pinakatitigan niya ang ginang na nakatulala sa kanya.
"Interesado ako sa mga halimaw na tinutukoy mo, ginang. Saan ko sila matatagpuan?"
"T-Teka lang Miss. H-hindi totoo ang-"
"Wala namang mawawala e. Maaari niyo po bang sabihin kung nasaan sila?"
"Para saan iha? Gagamitin mo sila?"
"Hindi, pero ang kakayahan nila oo."
"Sa masama?"
"Sa mga masasama."
"Hindi mo alam ang gusto mong pasukin.."
"Desidido akong malaman." Nagtagisan ng tingin ang dalawa at napangiti ang ginang.
"Kung ganoon ay bisitahin mo ako." Napangiti ang dalaga dahil sa nakuhang sagot mula sa ginang at lalong lumitaw ang angking ganda nito.
"Asahan ninyong darating ako." Yumuko siya sa ginang at nakapamulsa na humakbang paalis. Pinagmasdan ng ginang ang papalayong bulto ng dalaga. Ang presensya ng dalaga ay nagbibigay ng kaginhawaan at para bang ang lahat ng pakiusap nito ay mabilis na makukuha at walang intensyon na masama.
"It is just a myth. Stop whatever you are planning." Malamig na sambit ng isang boses na nakakubli sa madilim na poste.
"Gaya ng sinabi ko kanina, wala namang mawawala at isa pa, hawak ko ang kalayaan ko." sagot ng dalaga na patuloy na naglalakad.
"Tss. "
"Sumuko ka na lang para wala ka nang po-problemahin. Ako ng bahala sa pamilya ko. Hindi mo na kailangang sundan ako."
"....."
"Don't treat me like a fragile princess cause I'm not." malamig na sambit ng dalaga. Hindi na muling nakaimik ang kanyang bantay na nagtatago sa dilim.
~¤~
"Hanapin mo ang taong ito. Siya ang makakatulong sa iyo." Binasa niya ang kapirasong papel na iniabot ng ginang sa kanya at tumango. Titig na titig ang matanda sa kanya.
"May ipapakiusap sana ako kung makakarating ka man sa lugar na 'yon."
Tagaktak ang pawis at dumausdos ang dalaga sa pader at inihinagis ang gloves. Agad niyang sinalo ang paparating na bottled water.
"Thanks."
"Hindi ka ba magpapaalam sa kanila?" Napanguso ang dalaga at napalunok.
"Hehehehe. About that.."
"...."
"Pwede bang secret na lang 'to? Hehehe."
"...."
"Woi." Lumabas mula sa dilim ang lalaki at seryoso ang napakagwapo nitong mukha. Simula nang magka-muwang siya sa mundo ay lagi itong nakabantay sa kanya. Naglakad ito patungo sa kanya nang walang nililikhang kahit na anong ingay. Iniiluhod nito ang isang tuhod at ni-lebel ang mukha sa mukha ng dalaga at masuyong hinawakan ang pisngi nito.
"Then tell me why. Why do you have to go to that damn unknown island?" mahina at may kalamigan nitong tanong at inilapit ang mukha sa dalaga.
"Ah...eh...umh." hindi malaman ng dalaga ang sasabihin at kung saan titingin. Nagpapasalamat siyang madilim dahil sigurado siyang pulang pula na ang mukha niya.
"Hmm?" napasinghap siya nang maramdaman ang ilong nito sa pisngi niya.
Napapikit nang mariin ang lalaki at nagpipigil na mahalikan ang dalaga. Nakababaliw ang halimuyak nito at parang mawawala na naman siya sa sarili. Lumayo siya rito at napabuga ng hangin.
"I'll come with you anywhere. Even in hell. "
~¤~
"Don't give me that look." marahang ani ng dalagang si Hurricane at ininom ang basong naglalaman ng whiskey.
"We can take care of this, Mom. H'wag niyo nang isama si Cane." mahinahong aniya ni Thunder.
"Where's the thrill with that, Kuya Thunder?" nakangusong ani ni Hurricane at nginitian ang ina at ama. Halatang hindi rin sang-ayon sina Rain at Storm.
"Enough baby climates." napasimangot ang magkakapatid at napangiti si Eros sa 'endearment' ng asawa sa mga anak.
"This is a part of our trainings!" halata ang excitement sa mga mata ng nag-iisang bunsong prinsesa nila. Hindi maiwasan ng kanilang ina na makita ang sarili sa bunso nilang anak na babae at napangisi na lamang.
"Haha. Wala kayong dapat ipag-alala dahil ako si Hurricane Henderson Thurston at sisiguruhin kong hindi kita bibiguin, Mom. Tama lang na ipagkatiwala sa akin ang Henderson Famiglia, ang Mafia Henderson." Seryosong pahayag ng dalaga sa harap ng kanyang mga magulang at kapatid.
"That's my daughter." may pagmamalaking turan ng kanilang ama. Mas lalong napuno ng kumpyansa ang dalaga dahil walang kapantay ang saya kapag nakikita niya ang masayang mukha ng kanyang pamilya. Pati na rin ang di matutumbasang tiwala ng mga kanilang mga magulangna ipinapakita sa kanya dahil alam ng mga ito ang kakayahan niya.
"Fine. But Cane, kung kailanganin mo ng tulong o may mangyayari, isang tawag mo lang darating kami." seryosong bilin ni Storm.
"Ikaw ang nag-iisang babae naming kapatid at alam mo namang di ka namin hinahayaang magasgasan kahit kaunti. Tss, Simone." Magkasalubong na kilay na ani Rain at sa isang iglap ay nasa tabi na ng dalaga ang tinawag nitong Simone.
"Yes, Young Master Rain."
"Guard her well." nangungunang sagot ni Thunder at tiningnan siya nang masama ni Rain.
"That's my line, bro!"
"Tss."
"So it is finally declared. Thurston Organization is mine." Ani ni Thunder.
"Yeah and Gangster World is mine." Sagot naman ni Storm.
"And the whole Mafia Council is mine." Pahabol naman ni Rain.
Nagpakawala ng buntong hininga ang dalagang si Hurricane at nakangiting tumayo.
~¤~
Nakapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsang umalis ng silid ang dalagang si Hurricane matapos makapagpa-alam. Sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang walang grupo na hawak tulad ng mga kuya niyang may mga malalakas na gangmates. Sobrang protective ng mga kuya niya at ng mga ka-gangmates nito at napapabuntong-hininga na lamang siya dahil hindi niya gusto ang pakiramdam ng ganoon minsan. Pero ipinagpapasalamat pa rin niya ang pagmamalasakit ng mga ito.
Kaya naman labis siyang natuwa nang marinig na siya na ang susunod na mamumuno ng Henderson Mafia - ang nangungunang pinaka-maimpluwensya at makapangyarihang 'Mafia' sa buong mundo.
HENDERSON UNIVERSITY
"Wala ka naman palang kwenta eh! H'wag kang maangas! Sisigaan mo pa kami? Ano, nasaan ang tapang mo?!" sigaw ng isang lalaki sabay sipa sa kaaway nito.
Saglit na sinulyapan ni Hurricane 'yon. Normal na para sa kanya ang ginagawa ng mga kamag-aral niya. Nakita niya ang mukha ng binubugbog ng mga ito at isinawalang bahala.
"Ang ganda niya talaga!"
"I love you, Cane! Please be my girlfriend!"
"Cane~"
Napahinto na naman siya dahil sa nagbubugbugan sa hallway. Hindi naman blangko ang maganda niyang mukha at hindi rin nakakunot ang noo. Hindi rin mukhang galit basta nakatingin lang siya sa mga ito. Sinamantala niya ang pagkatulala ng mga nag-aaway at nilagpasan ang mga ito.
Habang naglalakad siya ay nakasunod ang tingin ng mga estudyante sa kanya. Kahit wala itong ginagawa ay napapahinto lagi ang lahat. Napakamisteryosa kasi nito.
May lumipad na kutsilyo patungo rito at mabilis na sumulpot si Simone na parang hangin at sinalo iyon.
"Salamat, Simone." nakangiting pasasalamat ni Hurricane at nagpatuloy sa paglalakad.
Normal na ang mga ganoong pangyayari dahil ang mga nag-aaral sa Unibersidad ay mga Mafia Heir, Mafia Heiress, Assassins, Reapers, Gangsters, mga kilalang anak ng mga politiko, mayayamang pamilya at mga kick-out students.
"Mas lalong nagiging aggressive ang mga nasa paligid." umupo siya sa sanga ng puno. Hindi nagpapakita si Simone pero kapag nalalagay sa panganib ang buhay ni Hurricane ay bigla itong sumusulpot.
"And you are always careless." Natawa nang mahina si Hurricane nang mahimigan ang inis sa boses ni Simone.
"You're always there naman to protect me right?"
"...."
"You're not cute, Simone!"
"...."
"Haaa! Kailangan ko makakilala ng mga taong mapagkakatiwalaan. This world is getting wild." Nakatulalang ani niya sa kawalan.
She's aware of everything. Kahit pa walang sabihin ang pamilya niya sa kanya at kahit na hindi ipaliwanag ng mga ito sa kanya ay naiintindihan niya. Ganoon sila ka-amazing. Natawa siya sa naisip niyang iyon. She loves her family so much. Hindi ito nagkulang sa kanila ng pagmamahal.
'They are the best'
Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng ginang.
'Hindi naman ito mukhang baliw pero bakit naroon siya?'
Hurricane's Point of View
Wala mang pruweba na may nage-exist na ganoong lugar ay gusto ko pa ring magtungo. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang pwersangnagtutulak sa akin na magtungo roon. Siguro ay talagang nasa dugo na talaga namin na sumuong kahit na mapanginib. Di ko mapigilang hindi mapangiti.
At isa pa, mas lalong nadagdagan ang kuryusidad ko noong magkausap kami ng ginang na 'yon. Ano ba ang gusto kong mangyari? Gusto ko lang naman makilala ang mga halimaw na tinutukoy nito at...
"Where are you going?" tanong ni Simone. Seryoso ko siyang tiningnan kaya mas naging seryoso ito. Palagi naman siyang seryoso, pero kapag nagseryoso na ako mas doble ang sa kanya.
Ngayong nakikita ko siya sa harapan ko ay di ko maikakaila ang gandang lalaki nito. Maraming nahuhumaling sa kanya at kahit kalian,di ko pa siya nakitang ngumiti o tumawa sa iba.
Ipinakita ko sa kanya ang papel na may pangalang ibinigay ng ginang sa akin. Ito raw ang makatutulong sa amin para makarating sa lugar na 'yon. Napabuntong hininga siya at tumango kaya tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad. May naabutan na naman akong nag-aaway. Pinulot ko ang maliit na bato at pinitik ko sa aking mga daliri. Tumama 'yon sa nakataas na braso ng lalaki kaya hindi natuloy ang tangka nitong sapakin ang lalaking nerd.
"Aaaaah! Shit! Who do that?"
"D-Dumudugo ang braso mo, boss!"
"May bumaril! Hanapin niyo!"
"Bakit wala tayong narinig na putok?"
"Tanga! Di mo ba alam ang salitang 'silencer'?! Gunggong!"
"Umaagos ang dugo!"
Sumandal ako sa punong malapit lang sa mga ito habang nanonood. Nakaawang ang bibig ng nerd na mukhang nakita ang ginawa ko. Ayos lang naman sa akin na mag-away away ang mga nasa lugar na 'to kapag alam kong parehong mali ang mga pinaglalaban nila. Kung ganoon ay hindi ako nangingialam. Kung mangingialam man ako ay kapag nasa ganitong sitwasyon...hindi tama.
"Hurricane Diaz?! I-Ikaw ba ang may gawa no'n?" gulat na tanong ng pangalawang nakapansin sa akin. Natawa ako sa isip ko nang banggitin nito ang pangalan ko. Walang nakakaalam ng pagkatao ko rito. It was my Mom's brilliant idea.
DIAZ.
I know very well the history of that surname.
"Simone.."
"Tss." Wala pang ilang segundo aywalang malay na ang mga ito.
"Mr. Nerdy Outsider, be careful next time." kita ko ang gulat sa mga mata nito.
"H-How?"
"Hula ko lang. Kung anuman ang pakay mo rito, mag-iingat ka dahil sa susunod, baka hindi ka na suswertihin." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran na namin ito.
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?