Blaire Ellis Jimenez, a strict cold hearted CEO of Jimenez Group of Company. She has a beauty of a goddess and a body to fantisize for. Sa edad na 32 ay isa na sya sa mga kilalang entrepeneur sa larangan ng business world. Wala na syang oras pa sa tinatawag nilang lovelife dahil para sa kanya ay sagabal lamang ito. Blaire already learned from her first boyfriend. Growing up in a luxurious life, she thought that money can buy her everything and yet, she is lonely. Kenley Jewel Cohen, a hardworking teen. 22 years of existence. An intersex. She run away from her family dahil hindi nya gustong magpakasal para lang sa pansariling interes ng kanilang kumpanya. She works a lot of job to afford her own education. What would happen if these two met in Heaven's bar? Idagdag mo pang they're both drunk and sober.
Third Person's PoV:
"Goddamn it! Anong klaseng trabaho 'to?!" Tanong ni Blaire sa kanyang empleyado. Mababakas ang galit sa kanyang magandang mukha.
"M-Ma'am, a-ayan po 'yung inuutos nyo." Ramdam na ramdam mo ang panginginig ng babae sa bawat salitang kanyang binibitawan. Well, nahuli kase ng isang araw ang pagpasa nya. Kahapon ang deadline ngunit ngayon nya lamang yun nasubmit.
"Bullshit! Anong araw ang sinabi kong deadline ha? Ang dali-dali lang ng trabaho mo pero hindi mo magampanan ng maayos! Mygoodness!" Eksklamaha ni Blaire na masama na ang timpla. She's really mad right now.
Akmang magsasalita pa ang babaeng empleyado upang magrason nang magsalita muli si Blaire.
"I don't want to hear any of your damn excuses. I don't want to see your face in my company ever again. Get out! You're fired!" Halos manlamig ang babaeng empleyado sa kanyang narinig. Ngunit wala na syang magagawa pa kung hindi ang umalis. Mangiyak-ngiyak syang lumabas ng CEO office.
Marami ang nakakita sa kanya ngunit ni isa ay walang nagsalita. Nanatiling tikom ang kanilang bibig. Ipinagpatuloy nila ang kanilang trabaho na para bang walang nakita. Well, mahirap na at baka pati sila ay matanggalan rin ng trabaho. This is a normal scenario in Jimenez Group of Company.
Sa kabilang banda, sa loob ng office ni Blaire...
"Bwiset na mga taong ito! Tsk stupid people!" Saad ni Blaire habang minamasahe ang kanyang noo. Technically ay sumakit iyon dahil sa nangyari. She's quite a perfectionist when it comes to work. Scratch that, halos sa lahat pala ng bagay.
She's Blaire Ellis Jimenez, 32. Isa na sya sa mga kilalang successful na entrepreneur sa larangan ng business. Sikat ang kanilang pamilya dahil sa madami nitong ari-arian. Masasabi na ngang swerte kung makapasa ka sa kanilang job interview. Marami ang naghahangad na makapasok sa company nila dahil na rin sa mataas na sahod at maraming benefits.
"Oh Cous, umagang-umaga pa lang pero mukhang stress ka na ah." Bungad ni Ash, ang kanyang pinsan at president din ng JC o Jimenez Company.
Blaire just rolled her eyes sa itinuran ng kanyang pinsan. "Kung wala ka namang magandang sasabihin, pwedeng bang umalis ka na lang dito?"
"Chill Cous. Relax. Galit na galit gustong manakit?" Natatawang saad ni Ash. Mas lalong nangunot ang noo ni Blaire sa kanyang narinig. "Pinipilosopo mo ba ako?"
"Hindi. Ngiti ka naman dyan. Bahala ka, mabilis mangungulubot ang mukha mo." Napailing na lang ang dalaga sa sinabi ng kanyang pinsan. Wala talagang magandang lumalabas sa bibig nito.
"Umalis ka na nga rito. Shoo! Ginugulo mo ang trabaho ko." Masungit na saad ni Blaire habang tinataboy si Ash.
"Hay nako, hahanapan nga kita ng jowabells at nang sumaya-saya naman ang buhay mo." Ash said ngunit sinamaan lamang sya ng tingin ni Blaire.
Ayaw nya sa mga ganitong bagay. Yeah, she's not getting younger and sooner or later ay kailangan nya talaga ng makakasama sa buhay pero hindi pa ito sumasagi sa kanyang isipan.
"Kidding aside. Anyways, ikakasal na pala si Red at naisipan namin na maghost ng bachelor's party sa bar ni Rachelle. Kase alam mo na, last day na ng pagiging single nya. We hope na makapunta ka." Hindi na nagulat si Blaire sa kaniyang narinig. She has friends and Red is one of them. Matagal na itong may boyfriend kaya hindi na nakapagtataka kung ikakasal na sya.
"Pag-iisipan ko yan." Ang tangi nyang naituran bago bumalik sa kanyang pagtatatrabaho. Maya-maya pa ay umalis na rin si Ash matapos nitong makapag paalam.
-----------------
Kenley Jewel Cohen was running late that day. Ngayon kasi nakaschedule ang interview sa kanyang bagong inapplyan. Marami na syang napasukan na trabaho just to support her own living.
Kung tutuusin ay hindi na nya kailangan pang maghanap ng trabaho dahil ang pamilyang Cohen ay mayroong sariling kumpanya. But she runaway from them.
Ayaw nya. Ayaw nyang magpakasal lalo na sa taong hindi nya mahal. Nakilala nya na ang taong dapat nyang papakasalan. Oo nga't gwapo ito pero walang spark. And for sure ay magfefreak out ang isang yun kapag nalaman nyang may extra package si Kenley.
"Whooo! Buti naman at tamang-tama lang ako sa oras." Saad nya sa sarili habang nakatingin sa suot na relo. Isang simpleng slacks at polo ang kanyang suot. Pang professional kumbaga.
"Ahm... Good day po, ask ko lang po kung saan pupunta yung mga mag-aapply?" Tanong ni Kenley sa taong nasa lobby. She decided na magtanong-tanong sa mga naroroon. The girl smiled at her at itinuro ang daan. Nagpasalamat si Kenley atsaka tumuloy sa nasabing lugar.
F A S T F O R W A R D
Kenley's PoV:
Tuwang-tuwa ako ngayon. Ikaw ba naman yung matanggap sa trabaho. Wala eh. Nadaan ko sa charms ko. Just kidding.
Syempre, naimpress sila sa resume ko. Well, marami na kasi akong experience sa work kahit ganto pa lang ang edad ko.
"You're probably the one we're looking for." Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng babaeng nag-interview sa akin kanina.
Mabuti na lang talaga at may trabaho na ako ngayon. Sa lunes na ang start ko. Nagresign kasi ako sa dati kong work. Ang manyak kasi nung boss ko. Di ko keri. Kaya ayun, nagresign ang ate nyo. Sana naman ay mabait ang boss ko ngayon.
Agad kong tinawagan si Farrah, ang bestfriend ko para ipaalam sa kanya balita. Para ko na rin syang kapatid. Isa sya sa mga taong tumulong sa akin dati.
"Hello Farrahbells! Owemji, natanggap ako sa inapplyan ko!" Excited kong saad sa kanya. I heard she giggled from the other line.
"Owemji! Congrats Kenleybells. Nako, kailangan nating magcelebrate. Bilisan mong umuwi para makapagready na tayo." Magiliw nitong saad.
We decided na sa bar na lang mag-celebrate. Well, Farrah is what you called the party-goer-girl. Paminsan-minsan lang naman ako kung sumama sa kanya. Kapag nasa mood ako.
"Mygosh, ang daming mga papi ngayon. Anong meron? Nagbibigay ata ng biyaya si San Pedro, girl!" Saad ni Farrah nang makapasok kami sa loob. High Class bar ito kung kaya't walang masyadong gulo. Agad na umorder kami ng tequila. Ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng pait sa aking lalamunan.
Damn. Hindi ako gaanong sanay sa ganitong inuman. Baka malasing ako agad.
"Pumili ka riyan, Kenleybells. Baka nandyan na yung soulmate mo." She said na para bang nag-aalok lang ng paninda sa palengke. Napailing na lang ako sa aking narinig.
"Sus. Hindi naman ako naniniwala sa ganon. Bahala sila riyan." I said.
"Dito ka muna ha, sasayaw lang ako. Baka mamaya ay may mabingwit akong pogi." Paalam sa akin ni Farrah at tuluyang humalo sa mga taong nagpaparty.
I just hope na hindi ako mag-uwi ng lasing nito.