Nagmumula ang Isang nakakatakot na tawag at misteryusong nilalang sa likod ng nakaraan. It will be cause of deaths for those students group at Aglae University. Is it just a group? What If, suddenly a girl from nowhere appeared! Masulosyunan kaya nila lahat ang paghihirap na kanilang pag-dadaanan? Lalo na kung palagi nalang makakita ng unknown vision? Let's met Cassidy Cohen, transferee student. But when she moved of this School, a traumatic tragedy would happen that she did not expect to had in her life. Together with her classmates and the others, each of them would risk their lives in order to survive.
'Unseen, Unheard, but always near; In the end, life is stronger than death.'
Of course death should be feared, but waited with certain wonder, to die was a step across a threshold into a new world.
We are scared of death, sino ba namang hindi matakot mamatay! Baliw lang ang hindi matatakot sa kamatayan lalo na kung papaslangin ka sa karumal dumal na paraan. Sometimes, we should take risks for the own good of others, but that's not mean you will trust her/him with all your heart, nobody knows what she's thinking towards you, nobody knows what he thinks about you.
Remember; Don't trust anyone. Maybe someday she will be your most enemy, but if you got a lucky choice! then that was your blessing, but then if you got to be wrong, then that was your choice pick, and no ones to be blamed. May kasabihan; mas mainam na tayo'y mag-iisa, kisa nagpapasok ng hindi natin pa lubusang kilala, know that person first, before give your trust. May iba nga matagal na silang magkakilala subalit wala palang alam kung ano ang naging nakaraan niya, hindi naman natin kailangang halungkayin pa ang nakaraan ng isang tao at buhay niya kasi privacy niya na iyon at wala na tayong paki roon.
It's just that- you'd better also keep your privacy and don't tell anyone, especially your trust.
Note; This Journey has so many mystery, and I was Inspired by the movie I've already watched this past few months, but this story is my original creation and not copied by that movie I mentioned. If you encounter some grammatical errors, then- I'm Really sorry...This is my second novel.
***
"Hello? S..sino to!" Kina kabahang bigkas ng dalaga sa kabilang linya ng kanyang cellphone.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, nitong mga huling nag daang araw ay may panay tawag sa kanyang cellphone at telepono. Dahil busy siya sa kanyang trabaho sa pagiging Call Center Agent niya sa opisina bilang Manager ay hindi niya na pagtuunan ng pansin ang naturang tawag. Ngunit, nang masagot niya kanina ang kanyang cellphone ay walang sumasagot sa kabilang panauhin. Tanging kaloskos lamang at parang may tumatangis na babae ang kanyang narinig.
Pa-unti unti ng gumapang sa kanyang katawan ang matinding kaba at pagkatakot ang patuloy na paghihinagpis ng babae sa kabilang linya. Kalaunan ay may narinig siyang tunog ng bakal na parang hila hila ito na kung sino.
Hmmmn! Hmmnn!
kumakabog sa matinding kaba ang dibdib ng dalaga habang tutop niya ang kanyang bibig para pigilan ang impit na iyak dahil sa matinding pagkatakot. Sa pagkakataong ito biglang napasigaw ang babae sa kabilang linya nang tawag na parang kinakatay ito sa matinding sakit.
Tsssh- Tsssh- Tsssh. Tunog ng isang bagay na parang may nilalagari. Dumaan ang katahimikan, wala na siyang babaeng narinig.Tulala siya sa kawalan at pinatay ang tawag. Akala niya yun lang ang matatanggap mula sa kanyang cellphone subalit nabitawan niya dahil sa gulat nang may ma received siyang video clip!
Kahit nanginginig pa ang kanyang mga kamay ay mas pinili parin niyang pindutin ang 'Open Video' at ganun na lamang ang pag baliktad sa kanyang sikmura nang masaksihan niya ang babaeng buhay na binabalatan ito habang naka gapos ang kamay at paa, patiwarik. Napatakbo siya sa comfort room saka humawak sa cubicle habang panay pa rin ang pagbawas sa matinding pagkadiri ng kanyang nasaksihan.
Nang siya'y natapos na ay tumingin siya sa salamin,
nagpupunas ng mukha habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa sobrang takot, maingat na bumalik siya sa kwarto na nakapikit ang mga mata habang kinakalikot niya ang kanyang cellphone. Ayaw niyang panoorin ito ulit.Tagumpay namang na close niya ang video clip subalit may natanggap na siyang mensahe.
[From unknown number]
YOU WILL BE THE NEXT.
Binalibag niya bigla sa kabilang dulo ang cellphone at namumutla na ang kanyang mga labi sa matinding kaba, nababaliw siya kung ano ang kanyang gagawin.
"Hindi yan totoo. Hindi yan totoo. Hindi yan tot- "
Naputol ang paulit ulit na pagbigkas ng dalaga dahil may biglang nag bukas sa kanyang pinto. Humanap siya ng pamalo at nakita niya naman ang isang baseball bat na gamit gamit niya minsan pag nag lalaro or mag outing sila kasama ang kanyang mga Empleyado.
Napalinga linga sa kanyang buong silid. "S-sino yan? H-hindi magandang biro ito." Sigaw niya pero wala siyang ni kahit sino ang umimik. May biglang kumalabog sa kanyang banyo kaya maingat niya itong tinungo roon at naabutan niyang naka bukas na ang banyo.
Nangangatog man ang kanyang mga kamay na humawak sa siradora ng pinto, pumasok siya at sinilip sandali ang loob. Nang wala siyang makita ay akmang lalabas na ang dalaga subalit may biglang naglalagari sa kanyang likuran.
At ganun na lamang ang kanyang nasaksihan at namimilog ang mga mata saka napasigaw dahil biglang may pumulupot na bibe wire sa kanyang liig. Dilat ang mata ng dalaga na naka lambitin sa kanyang banyo habang lubog naman sa kanyang lalamunan ang mga tinik.
Malademonyong mga ngiti ang pinakawalan ng isang nilalang habang tinitigan ang babaeng walang buhay sa sariling banyo at naliligo sa kanyang sariling dugo. "I enjoy this kind of game! I like it..." Bulong ng Isang Hindi pa kilala habang dinidilaan ang mga dugong umaapaw sa katawan ng bangkay na kanyang biniktima.
Nakakatakot ang kanyang mga paningin, kulay pulang mga mata at maitim na mga ngipin, bestida naman niya'y lagpas talampakan ang haba, kahit malayo siya nakatanaw ay kitang kita niya sa kanyang dalawang mga mta ang lahat na pangyayari na siya ang may kagagawan.
"La la la la la, Hmnnnnnnmnm. Konting tiis nalang," Umaawit siya habang ninanamnam ang kakaibang saya na kanyang naramdaman, walang halintulad ang sobrang saya. Nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa. Walang makakatakas sa kanyang mga paningin, kahit saang lupalop kapa tatakbo, mahahanap at mahahanap ka parin.
Hahamakin ang lahat, dahil lamang sa isang makasalanang nakaraan.
Hindi mapigilang tingnan niya ang kanyang sariling repleksyon.
"Maganda talaga ako! hehehe!!!"
Parang baliw na kanyang sambit habang nakaharap sa malaking salamin at sinusuri ang kabuuang katawan at mukha. Walang makakapantay sa kanyang kagandahan, mapula ang labi, mapilantik na mga mata, matangos ang ilong, at higit sa lahat mala porselanang kutis.