Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / My Little Cell
My Little Cell

My Little Cell

5.0
15 Mga Kabanata
97 Tingnan
Basahin Ngayon

A successful and renowned doctor has her life revolve around her career only. Having a child is something she dislikes the most. On the contrary, her married sister is incapable of childbirth and is infertile. She was chosen to be the egg cell donor and was promised of a two-million cash and she has no custody of the child, which was something she was happy about. Seven years later, she dealt with something that changed her life and heart. Will it change her as a whole?

Mga Nilalaman

Chapter 1 Prologue

𝘏𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘯𝘰𝘺𝘪𝘯𝘨.

"Ayoko sabi, e!" Bulalas ko at malakas na napahampas sa mesa na nasa harapan ko.

I glared at my sister with great anger and contempt. This transpired her countenance to frown, as her eyes began to bleed with tears. Her husband, startled by what I did, stared at me with his widened eyes.

"Adeline, please. Ikaw nalang ang pag-asa ko," mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa niya na pilit inaabot ang mga kamay ko.

Agad ko namang kinuha ang mga kamay ko mula sa mesa nang muntikan na niyang maabot ito.

"Bakit ba ako? Ate, napakaraming pwedeng maging donor," turo ko sa pinto habang pasigaw siyang kinakausap.

Humagolhol ito habang nakaupo. Hinagod naman ng asawa niya ang likod niya at pinatahan ito. Nakita ko na nilisan ng mga luha niya ang kaniyang mga mata na tila tumatakas mula sa pagkakakulong.

"Kasi kapatid kita. Ikaw ang pinakamalapit sa dugo ko. S-sa ganitong paraan mararamdaman ko pa rin na anak ko ang mabubuo," umiiyak na pagpapaliwanag niya habang ako ay hindi pa rin natitinag.

I laid my eyes on her with void of emotions. I shifted my gaze at her husband who crafted this ideation of having me as their egg cell donor. My sister was waiting for my response, hopeful. My eyebrows met another as I diverted my sight towards her with the ceaseless volition of cajoling me.

It angers me the most that they chose me.

"You're pathetic," I concluded mercilessly.

"Don't you ever talk to her like that! Alam mo ang kondisyon niya! Doktor ka niya!" Mabilis na napatayo ang asawa ni ate at sinigawan ako buhat ng galit niya at nanggigil akong dinuro, nandidilim ang mga mata niya habang lumakas ang paghagolhol ng kapatid ko.

I crossed my arms and heaved as I, with no hints of compassion, persisted to possess my sight at them.

"Is that how you convince a woman to be your egg cell donor?!" Sigaw ko pabalik na naging dahilan ng pagtigil niya.

Hinila ng kapatid ko ang sisid ng damit ng magaling niyang asawa kaya bumalik ito sa pagkakaupo.

The prints of his vexation was left drawn in his set of eyes. I can perceive my reflection in them, as dark as the starless sky the night has the capacity to proffer. They surely do not know when to stop. I am suppressing myself from the temptation of giving in to their favor, which I oppose strongly.

"Dalawang Milyon," maikling sambit ni ate at pinunasan ang mga mata niyang basang-basa na sa pagpapaiyak ko sa kaniya.

She snuffles and wipes the fluid emanating out of her nose.

"Dalawang Milyon para sa egg cell mo," seryoso nitong saad.

I remained silent. Pinagmasdan ko ang mga mata, ilong at mga pisnge nito sa magkabilang bahagi ng mukha niya na namumula dahil sa kakaiyak na parang kamatis. I chuckled having in mind that it caused her so much of her tears to fight just for her lifetime desire of experiencing the taste of motherhood.

The taste of hell.

"Ate..."

"Pinapangako ko na wala kang magiging responsibilidad sa bata. Alam ko namang ayaw mo maging ina at ayaw mo sa responsibilidad. Hindi ka magiging parte ng buhay niya at sa'yong-sayo ang kalayaang gusto mo pati na ang dalawang milyon. Adeline, maawa ka na," pagputol nito sa sasabihin ko, nababalot ang tono niya ng pananabik at pagnanais na makumbinsi ako.

Hindi ako makatingin. Their additional offer is too convincing. No obligations, no annoying child but there is a two-million cash.

I'm not saying yes. I'm not saying yes.

"Deal."

Napangiti si ate habang muling nag-uumpisang mamuo ang mga luha sa pares ng namamaga niyang mata. Napatakip naman siya ng bibig habang hindi makapaniwala na nakuha na nila ang loob ko. Napahawak sa ulo ang asawa niya na may ngiting kasinlapad ng lupa na bumabalot sa mundo.

"Adeline, we owe you the world," her husband uttered, beginning to become emotional.

I rolled my eyes heavenwards. Their felicity ushered me to be pulsated by disgust. I covered my face and began to again roll my eyes. They hugged each other as if they have won in a lotto. Being a parent will not do you any good in life but rather drag you to the lowest ebb worse than what the underground has.

"Ugh! Let's just get this over with!" Mahina akong napahampas sa mesa at tumayo.

Umalis ako mula sa pagkakaupo at tinalikuran ko sila habang padabog ang bawat yapak ng paglakad ko. Hindi ko gusto na may sinumang nilalang na magmula sa akin. Pero ito ako ngayon, magkakalat ng lahi.

"Adeline, salamat. Alam kong nandidiri ka sa reaksiyon namin pero wala kang ideya kung gaano mo kami napasaya. Salamat, doktora,"nagiging emosyonal na naman si ate.

Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko sila nilingon. Walang tingin mula sa akin ang dumapo sa kanila. Ayaw kong makita ang mga luhaan nilang mga mata dahil nakakaramdam ako ng pandidiri. Hindi na ako nag-abalang tumugon at tuluyang pinihit ang pinto. Nang mabuksan ko ito, agad akong lumabas at inayos ang maong kong jacket habang mabilis naglakad palabas sa kompanya nila.

I walked through the hallway with each of my step hastened to shorten the duration of myself walking. The cold breeze kissed my face the moment I step under the sun filled with power in its flame. Few strands of my hair were driven away from my cheeks and flew along the breeze together with its coldness.

Tutungo na sana ako sa kotse nang biglang may humawak sa kaliwang kamay ko. Agad akong napalingon at isang matandang babaeng pulubi na nanlilisik ang mga mata ang marahang nakahawak sa akin. Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero masyado siyang malakas.

Ang gitna ng bawat mata niya ay puti habang pinapalibutan ng itim. Bilang doktor, alam kong Cataract ito.

Kulay putik ang kaniyang kumukulubot na balat at masyado siyang payat. Madumi ang suot niyang itim na damit na may lumang maroon na hood na suot-suot niya. Habang kasingputi ng mga ulap ang buhok niya.

"Huwag mong ibigay ang 'yang itlog mo!" Nanlilisik ang mga mata nito habang dinidiin ang bawat salita niya.

Natawa ako sa terminong ginamit niya. Nakita ito ng nanlalaki niyang mga mata. Napalitan ng inis ang bakas ng mukha niya. Kaya mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kaliwa kong kamay. Tumigil ako sa pagtawa dahil dito at nababahala siyang tiningnan sa mga mata.

"Huwag na huwag mong ibibigay. Huwag...huwag...." Naiiyak niyang saad at mahina akong hinila.

Hindi ko alam paano niya nalaman ang bagay na ito. Labis ko itong ipinagtaka pero hindi na ako umusal ng salita. Ginamit ko ang buong lakas ko upang mabawi ang aking kamay.

"M-makinig k-ka! Maawa ka sa b-bata!"

Tumigil ito sa pag-iyak at tumingala sa akin.

"My egg cell, my choice," usal ko at inirapan siya. Napahawak ako sa kaliwang kamay kong namumula nang matanggal ito sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"At isa pa, paano mo nalaman ang bagay na 'yan?" Naiinis kong saad sa matanda na nakaupo sa lupa.

Matalim ang tingin niya sa akin na parang sinasakal ang leeg ko kaya ilang beses akong napalunok. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko at ang ginaw sa paligid dahil sa hindi pangkaraniwang titig nito.

Muli itong umiyak. Ang hagolhol niya ay para bang namatayan siya ng mahal sa buhay. Tumingin ang mga taong nakapalibot sa amin. Agad ko naman siyang sinenyasan na tumigil. Dumami ang mga taong tumingin sa amin. Siguro inaakala nila na pinapaiyak ko ang matandang 'to.

"Ano ba? Ba't ka ba umiiyak?" Pabulong kong saad na naiinis. Nakakunot ang noo ko at bahagyang sumilip sa gilid upang malaman ko kung may tumitingin pa ba sa amin.

Agad itong tumigil sa pag-iyak na para bang walang nangyari. Nakakakilabot ang matanda. Para bang may problema siya sa pag-iisip.

"Pitong taon mula ngayon, may batang babaeng suot-suot ang pulang bestida niya. Sasamahan niya ito ng maitim na sapatos at ngiti. Ito ang sandaling may papatak na tangan ang pananambitan at sakit na papasanin mo sa bawat paghinga mo," mahabang litanya nito na ang mga mata nitong may Cataract ay nakadapo lamang sa akin.

Tumawa ako nang malakas at napalakpak pa. This old lady has the nerves to create a joke. So much for wasting my time.

"Ugh, you're wasting my d*mn time," saad ko at agad napatingin sa relo.

"Huwag mong balewalain ito, babae."

Bigla itong umubo at parang napapaos sa bawat pag-ubo niya. Tinitigan ko nalang siya. Hindi ko alam kung magi-guilty ba ako dahil wala akong ginagawa kahit doktor ako.

"Huwag m-mong ibigay," pagkatapos niyang umusal ng salita ay umubo na naman siya.

I looked at my wristwatch again to be conversant of the recent time. She persisted on coughing, struggling as she thrived the hardest to eradicate what's within her. Yet I am mindful of the fact that no seconds must be squandered as my function and roles are extended further, which was the fruition of my blood and sweat.

"None of your business, old Lady," I uttered with no hints of emotions emanating from my tone and facial countenance.

Tumalikod ako at nag-umpisang maglakad papalayo. Rinig na rinig ko pa rin ang bawat pag-ubo niya. Napapikit ako at napahinga nang malalim habang naglalakad papalayo. Nang makarating na ako sa sasakyan ko ay agad lumabas ang driver ko at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat.

Agad naman itong tumakbo papunta sa driver's seat, batid niya ang pagmamadali ko. Kaya wala siyang inaksayang segundo at pinaandar ang kotse.

"To the Hospital," walang-gana kong saad at nakita ko namang tumango ang driver.

"Ma'am, mukhang hindi po maganda ang umaga natin diyan," pagbasag ng driver ko sa namumuong katahimikan habang abala sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Sinabi mo pa," I heaved and surrendered my back to the support of the car seat.

"Ngiti lang po, ma'am. Maikli lang ang buhay at hindi pa matutukoy ang katapusan nito," saad nito at tiningnan ako sa pamamagitan ng rear-view mirror.

Bigla niyang itinigil ang sasakyan na naging dahilan ng pagkauntog ko sa harapan.

"W-what happened?" My eyebrows met one another as I attempt to know the rationality of this sudden pause.

He laid his vision on me, petrified. His sweat began to stream profusely that smooches every inch of his skin with his set of eyes filled with anxiety and charade which I lost the capability to ascertain the rationality of it.

"Mukhang may nabangga ako, ma-ma'am," nanginginig niyang saad habang nakakunot ang noo't nababalisa.

Napatampal ako sa noo ko.

"Bakit ba kasi hindi ka nag-ingat? Tingnan mo habang wala pang mga tao, dali!" Utos ko sa kaniya na agad niyang sinunod.

He went outside the car and I was left inside alone, with my heart thumping against its cage. My heartbeat was louder than any sound gleaned by my ears.

Napakamot siya sa ulo niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Could this day get any worse?

Hindi ako nakapagpigil at bumaba sa sasakyan. He looked at me with fear that seems to melt my feet in any moment of the day. I left the door of the car opened as my body was now shackled by tension I lost control over.

Napansin ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang takot ay bumabakas sa mukha niya.

Pumunta ako sa harapan ng kotse. Ikinagulat ko ang nakita kong duguan. Her body was lying lifeless on the ground yet her blood that escaped from her cries for help. The dark-red tint of the fluid emanating from her caused my soul to grasp guilt as an emotion or more like an art crafted by my conscience.

"A-adeline," nanghihina nitong usal habang nakapikit ang mga mata.

"Letsug*s, buhay ka pa niyan?" Gulat kong tugon na mas kinikilabutan sa kaniya.

Siya ang matandang nakausap ko kanina.

"Huwag....huwag.... m-mong ibigay....." Inusal niya muli ang mga sinaad niya kanina.

"Mamatay ka na nga---" Bigla itong tumayo na naging dahilan ng pagsigaw ng driver ko.

Labis din ang pagkagulat ko na nagdulot ng paghakbang ko paatras.

Ngumisi ito sa akin habang umaagos mula sa ulo niya ang dugo at tinapunan ako ng tingin ng kaniyang nanlilisik na mga mata.

"Adeline,"

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Adeline,"

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY