Get the APP hot
Home / Fantasy / Love Or Justice
Love Or Justice

Love Or Justice

5.0
5 Chapters
61 View
Read Now

About

Contents

A vampire and werewolf aren't be together. What if Ashina and Khalid are meant to be? Ang mga immortal at mortal ay hindi maaaring mag-sama sa isang lugar. What if werewolves are need to go in the world of human to get a justice because they know that some of vampires are in mortal world? Matinding galit at poot ang nararamdaman ni Ashina sa mga bampira dahil sa pagkitil ng mga ito sa mga taong-lobo. Paghihiganti lamang ang siyang susi sa kapatawaran. Ngunit paano kung ang mapait na kahapon ay mapalitan ng matatamis na kinabukasan? Kung saan ang paghahanap ng hustisya ay mapupunta sa pag-iibigan. Mapalambot kaya muli ni Khalid ang pusong bato ni Ashina?

Chapter 1 Pagkikita-kita muli ng tatlong lobo

ASHINA'S POV:

Tumunog ang telepono ko dahilan ng aking pagka-gising. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago sagutin ang telepono.

"Who's this?! Did you know what time is it?! It's already eight a.m. in the morning, what the fuck are you want!?" sigaw ko sa kabilang linya.

"Pasensya na Ash, I just want to inform you na you need to stop your hobby. Alam mong nasa mundo ka ng mga mortal, kailangan nating umayon sa pamumuhay na mayroon sila. Kahapon nakita kitang umaaligid sa mga gubat-gubat, stop na, okay?" she said.

"What the fuck!? Para riyan ay inising mo ako? I need to sleep, bukas gigising ako ng maaga, I promise, stop calling me I need some rest," I said.

"Shut the fuck up, goodnight, don't you dare to call me again Louve, isusunod kita sa mga hayop na napatay ko kagabi," ani ko rito ng akmang mag-sasalitang muli.

Natulog lang ako ng buong araw. Kapag nakakaramdam ng gutom ay gumigising ako at kumakain. Nasanay na rin naman ako sa pagkain ng tao kaya hindi na baguhan sa akin. Kailangan namin umayon sa kanila.

"Tao po?" sigaw ng kung sinong kumakatok sa pinto.

"Sino 'yan?" sigaw ko naman.

May kalayuan ang pinto sa may kusina kaya kung s'ya ay tao maaaring hindi n'ya ako marinig.

"Ashina, ako ito," Nagulat ako nang tawagin n'ya ang pangalan ko.

"Kilala n'ya ako?" tanong ko sa sarili.

"Sino 'yan?" tanong ko nang buksan ko ang pinto.

Tumambad sa akin ang babaeng sugatan na halos maligo na sa sariling dugo.

"Ashina, t-tulungan m-mo a-a-ako," Hirap na hirap itong humihingi ng tulong.

Tumingala ito sa akin at bahagyang nag-kulay abo ang mga mata n'ya.

I'm not aware na may pakalat-kalat na mga taong lobo sa mundo ng mga tao. Inilalayan ko s'yang makaupo sa isang couch at agad akong kumuha ng first aid kit para sa kan'ya.

"Kilala mo ako?" Walang emosyong tanong ko rito.

"Ashina, nakalimutan mo na ba ako?" Nanghihina pa den ito.

"Introduce yourself, I won't ask if I know your name," I coldly said.

"I'm Ylfa," Nagulat ako nang sabihin n'ya iyon.

"Ang akala ko ay pinatay ka na ng mga bampira noong huling laban, buti at nakaligtas ka," Hindi pa din ako makapaniwala, buhay s'ya.

"Ang akala ko rin ay mamamatay ako ng mga araw na iyon, malalim ang sugat ko at nag-aagaw buhay na rin ako ng mga panahong iyon, ngunit may isang matandang dalaga na tumulong sa akin, but she's not like us, pero napagaling n'ya ako," salaysay nito.

"It's impossible Ylfa, kung hindi s'ya taong lobo, baka isa s'yang bampira na tinulungan ka," I sarcastic said.

"No she's not, maybe she's a good witch?" she sarcastic said.

"By the way, where's Louve? Kasama mo ba s'yang naligtas? O kasama rin s'ya sa mga napatay?" May pag-alala at halong lungkot sa tono ng boses nito.

"Buhay si Louve, naghahanap s'ya ng trabaho," ani ko dito.

"T-trabaho? Gaya nang panghuhuli ng mga ligaw na hayop sa gubat upang makain natin?" Binatukan ko naman ito.

"Gaga, hindi, nasa mundo tayo ng mga mortal, kailangan nating umayon sa kanilang pamumuhay. Paki-abot nga no'ng asul na likido sa may kanan mo, masyadong malalim ang mga sugat mo," I said.

Iniabot n'ya iyon sa akin.

"Dahan-dahan lang ha," pakiusap n'ya.

"Tsh," bulong ko.

"Waaaaaah, araaaay ko-shut up," putol ko dito at saka nilagyan ng damit ang bibig nito.

"Ash naman e, masakit," angal nito.

"It's not my fault, I'm not a doctor but I'm treating you as best as I can, so keep quiet," I coldy said.

Ylfa's POV:

"It's not my fault, I'm not a doctor but I'm treating you as best as I can, so keep quiet," she coldy said.

Wala na akong magawa kung 'di tiisin lahat ng sakit na nararamdaman at mararamdaman ko sa kada patak ng asul na likido sa aking balat.

Kung hindi ako nagkakamali iyon ang kalimitang ginagamit pag nang-gagamot. Madalas ko iyon makita sa mga ninuno namin noon.

"Alam mo ba-shh quite," putol nito sa sinasabi ko.

"Teka lang, mag hintay ka rito, may kukunin lamang ako," she said.

Ang laki ng pinagbago n'ya. Masayahin s'ya noon...... noong buo pa ang pamilya n'ya, noong buo pa ang lahi ng mga taong lobo. Pero dahil sa pagkakamatay ng mga magulang n'ya at kasabay nito ang pagkaubos ng lahi namin- unti-unti kaming naubos dahil sa mga bampira.

"Uminom ka muna," she said.

"Ano ito?" I curiously asked.

"Just drink it, it's not poison, tsk," she said.

Inamoy ko muna iyon bago inumin. Nakita ko ang pag-irap n'ya kasabay nito ang pag dilim ng paligid at unti-unti kong pagkahilo.

Napahawak ako sa ulo ko at inalalayan ang sarili ng magkaroon ng ulirat. Ang bigat ng ulo ko. Tangina ano ba 'yong pinainom sa akin ni Ashina.

"Kailangan mo ng umuwi," bulong ni Ashina.

"Basta kailangan mo ng umuwi, h'wag kang maraming tanong, umuwi ka na lang pagkatapos n'yan," dugtong nito.

Agad akong bumalik sa inuupuan ko kanina.

"Tsk," bulong ko.

"What did you do to me?" I asked.

"Nothing," she answered.

"Tsk, eh bakit ako nawalan ng malay kanina?" I asked.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo," she sarcastic said.

Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Ahhh," ani ko ng tignan ko ang katawan kong wala ng mga sugat.

"Ashinaaa!" sigaw na narinig ko mula sa labasan ng pinto.

Pumasok ito nang buksan ni Ashina ang pinto. Pareho kaming nagulat ng makita namin ang isa't isa.

"Ylfaaa!" sigaw n'ya.

"Louveee!" sigaw ko pabalik at saka kami nag-yakapan.

"Waaah i miss you," sabay naming saad na nananabik sa isa't isa.

"I'm just wondering kung mga lobo talaga kayo o hindi, dahil sa totoo lang sobrang ingay n'yo, para kayong mga nasisiran ng utak riyan," Biglang sulpot naman ni Ashina na may dalang pagkain.

"Hm ganon talaga, namiss ka na namin, at yung kaingayan mo," malungkot na turan ni Louve.

"Like our lola's said, lahat tayong mga taong lobo ay may ganitong ugali, kaya naging ganoon ako noon ay dahil marahil hindi pa ako nasaktan at natuto maging hindi ko pa alam yung mga bagay-bagay sa mundo natin. Ngunit ng masaktan ako at matuto, lahat tayo ay pupunta sa ganitong ugali, nasa dugo natin iyon," salaysay n'ya sa amin.

Marahil ay tama s'ya. Hindi namin naiintindihan 'yong kalagayan n'ya pero pare-pareho kaming nawalan.

"Pwede bang dito-oo na oo na, kumain na kayo," putol ni Ashina sa akin.

"Nga pla, maiba ako, ano bang nangyari sa 'yo kanina at halos maligo ka sa sarili mong dugo?" tanong n'ya.

"May iilan akong nakalaban na mga bampira," Patuloy pa din ako sa pagkain.

"Nga pala ano ito?" tanong ko sa kanila.

"Biscuit yan, isa sa mga pagkain ng tao," paliwanag ni Louve.

"Bampira? Ang pagkakaalam ko ay nasusunog sila sa sinag ng araw?" kuryosidad nitong tanong.

"Hindi na ngayon, simula ng magkawatak-watak ang lahi ng mga taong lobo, madaming nagbago sa lugar natin at sa mga bampira, naka-imbento sila ng isang mahika na maaari nilang magamit, hindi ko tiyak kong mahika nga iyon o engkantasyon o ano, madaming itinuro sa akin 'yung matandang dalaga na tumulong sa akin, pero isang gabi pag-gising ko wala na s'ya sa silid n'ya, duguan ang lahat ng k'warto, sa lawak ng kagubatan ay inabot ako ng umaga kakatakbo dahil natunton ako ng mga bampira gamit ang kanilang pang-amoy, naisip kong patay na ang matanda kaya ko ito iniwan pero nakokonsensya pa rin ako, she don't deserve that, patawarin n'ya sana ako," Malungkot na salaysay ko rito.

"Buti at nakatakas ka," singhal ni Louve.

"Kung sila ay bampira, ako ay lobo, mas mabilis ako sa kanila kahit madami sila," pag-mamayabang ko dito.

"Sa susunod dobleng pag-iingat na ang gagawin mo, pati ikaw, lahat tayo," paalala ni Ashina.

"Wala na ba talagang natitirang taong-lobo?" Walang ganang tanong ni Louve.

"We don't know, we don't have any idea about that, hustisya ang ipinunta natin dito, batay sa nasagap ko noon bago pa man nagkaroon ng gulo sa pagitan ng taong-lobo at mga bampira, ang ibang mga bampira ay naninirahan na rito, they have a proof kaya naniwala ako, at sila ang pumatay sa aking mga magulang, ngunit nasabi mo na marami na ang mga bampirang nakakagala sa kung saan kahit umaga, tiyak akong madami na sila rito," Ashina seriously said.

"Ang dami mo na rin palang nalalaman 'ukol sa kanila," seryosong sambit ko rito.

"Hmm, kailangan kong malaman ang mga dapat kong malaman," Walang emosyong turan n'ya.

"Ashina, hindi mo makakamit ang hustisya kung puro galit ang nasa puso mo," Louve said.

"Kung pagpapatawad ang pag-uusapan ayos lang, naghihilom ang mga sugat sa puso, kaya kong mag-patawad pero hindi ganoon kadali, at isa pa, sabihin nating madali mag-patawad, pero hindi madaling kumalimot," May punto s'ya doon.

Tila may kirot sa aming mga puso, hindi ko batid kung naaawa lamang ako kay Ashina o hindi pa talaga namin naiintindihan ang mga bagay-bagay dahil hindi namin nararamdaman 'yong nararamdaman n'ya.

"Maiba ako, nakahanap ka na ba ng trabaho?" she asked to Louve.

"Ah oo, pwede rin nating isama si Ylfa, total tatlong babae ang kailangan nila," Louve said.

Tumango-tango naman si Ashina.

"We need to hide our true identity," Ashina reminded.

"Paano kung maaamoy tayo ng mga bampira?" I asked.

Ashina go to her kitchen. After she back, ipinainom n'ya sa akin ang berdeng tubig.

"Hm what is it?" I asked.

"Para hindi ka nila maamoy," Louve said.

"Hmm okay," I said.

Inamoy ko muna ito bago inumin.

"Ang panget na nga ng amoy, ang panget pa ng lasa," reklamo ko.

Ilang saglit pa ay may kakaiba kaming naramdaman.

"Ano 'yon?" Louve asked.

"Shh quite," Ashina said.

Tumingin-tingin s'ya sa mga bintana.

"Close all windows and doors in this house," utos n'ya.

Nag-tinginan naman kami ni Louve bago kumilos.

"Nasundan ka nila," Ashina whispered.

"H-ha? P-paano? Hindi ba at may pinainom kayo sa akin upang hindi nila tayo maamoy at matunton?" Nanghihinang tanong ko rito.

"Shh, kailangan na nating umalis dito," Ashina said.

Nakakunot ang noo nito na tila nag-iisip.

"Ashina h'wag, ako na lang ang aalis, ako naman ang naamoy nila at hindi kayo," i suggested.

"Taong-lobo rin kami, kaya kahit na tumakas ka ay mag-iisip pa din ang mga 'yon na pumunta rito sa loob ng bahay upang mag-masid. Kung makakatakas ka, maaaring makatakas din tayo ng magkakasama," Louve said.

"T-tulungan n'yo kaya a-ako rito," buntong ni Ashina na hirap na hirap na sa pag pigil na mabuksan ang pinto.

Agad naman na pumunta roon si Louve para tulungan si Ashina habang ako ay pumunta sa kusina at naghanap ng maaaring pang harang sa pinto.

"Kaya n'yo pa ba?" i asked.

"Kung tutulungan mo kami, oo kakayanin namin," masungit na saad ni Louve.

"How can I make a trap if i'll help you? Kaya n'yo na yan, I'll make a trap for a while, just wait for it darling, trust me, effective 'to," I said.

"Oo na, sige na, kapag yan hindi effective, ikaw ipapalapa ko sa mga 'to," Ashina said.

"Ayaw, masisira kagandahan ko riyan, ang ganda-ganda kong lobo tapos ipapalapa mo lang ako sa kanila, hell no way!" ani ko habang ginagawa ang trap.

Ilang minuto pa ang tumagal at natapos na ang ginagawa kong trap. Nakita ko naman na hirap na hirap na ang dalawa sa pag-pigil na mabuksan ang pinto ng mga bampira.

"Pst," sitsit ko sa kanila.

Tumingin naman sila sa akin. Sumenyas ako sa kanila na ihahagis ko ang aking ginawa pagka-alis nila sa pinto ngunit hindi sumang-ayon si Ashina rito. Sumenyas naman ito na ilapit na lamang ang trap sa may pinto dahil akala n'ya ay mag bibigay suporta ito upang makatakas kami.

Hindi ako sumang-ayon sa sinabi n'ya. "Ash, tiwala na lang tayo sa kanya, h-hindi ko na kaya," bulong ni Louve.

Wala ng nagawa pa si Ashina kung 'di ang sumang-ayon sa plano ko dahil pati s'ya ay nahihirapan na.

"Wait lang," bulong muli ni Louve kaya napairap si Ashina.

"Hindi dapat nila tayo makilala," aniya kaya gumawa ito sa mahika niya ng isang kakaibang damit upang maging proteks'yon namin upang maitago ang totoo naming pagkatao.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY