Laine, the music club president who had a trauma on her past and promised herself to never ever date a man again. Rei, a varsity player who needs to join an organization as what their professor told them.
LAINE'S POV
Kasalukuyan kong hinihintay si Dan dito sa coffee shop malapit sa university namin, 30 minutes na akong naghihintay pero ayos lang dahil baka na-traffic lang siya o kaya ay moay emergency na inuna.
Dahil sa boredom ay nilabas ko ang sticky notes ko at nagsulat na lamang doon, balak ko nang sagutin ngayon si Dan dahil ilang buwan na rin naman siyang nanliligaw sa akin. Mabait siya at maalaga, magkasundo rin sila ng kapatid ko na si Shaira.
Doon sa unang sticky note ay isinulat ko ang gusto kong sabihin sakan'ya dahil hindi nagkasya ay doon sa pangalawa ko itinuloy na isulat iyon.
Sa pangatlong sticky note ay sinabi kong mahal ko rin siya, hindi ko lang maipakita dahil hindi naman ako ganoong tao.
"Hmm, paano kaya kung isulat ko-
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumawag si Dan at kaagad ko namang sinagot 'yon.
"Hello? Saan ka na? Hinihintay kita kanina pa. Hmm may sasabihin din sana kasi ako- Hindi niya na ako pinatuloy, "Sorry Laine, mukhang hindi na tayo magkikita ulit. Babalik na ako ng U.S." At agad niya nang binaba ang linya niya.
Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Babalik siya ng U.S? Ganoon na lang lahat ng 'yon? Pagkatapos ay ano? Maiiwan akong mag-isa rito? Hindi! Hindi pwede! Hahabulin ko siya!
Agad akong umalis ng coffee shop at nag-iwan sa counter ng 500 bilang bayad ko.
REI'S POV
Sinukbit ko na ang bag ko dahil tapos na ang training habang naglalakad papunta sa mga team mates ko ay naka-receive ng text message kay Coah na sa coffee shop malapit dito sa university na lang daw kami magkita kita.
Agad kong binulsa ang phone ko at tumakbo papunta kina Iza. Inakbayan ko siya at sinabi sakanila ang sinabi ni Coah, "Guys! Sa coffee shop na lang daw natin hintayin si Coach." Tumango naman silang lahat at sabay sabay na kaming pumunta roon.
*****
Nang makarating kami ay agad akong naghanap ng table para sa amin. Nakuha ng atensyon ko ang isang table kung saan may mga gamit pang naiwan doon.
Paglapit ko ay mayroong sticky notes doon at ballpen. Inilagay ko ang bag ko at umupo atsaka binasa ang mga nakasulat doon.
The first time I saw you sa intrams ay ang cute mo talagang tignan, kaya nga naging crush kita eh! Hahahaha!
Hindi ko alam pero noong naging close tayo ay napakasaya ko talaga.
Hindi man pareho nang akin ang tingin mo sa'kin naging okay na akong maging magkaibigan tayo.
Bahagya akong natawa dahil napaka-corny nang nagsulat nito, ang cringe. Binuklat ko ang susunod na page, mayroon pang nakasulat doon.
And noong time na tinanong mo ako kung pwede mo ba akong ligawan ay napaka-saya ko talaga!
Ikaw ba naman ligawan ng long time crush mo, sinong hindi kikiligin at magiging masaya, hindi ba?
Nandoon ka noong mga panahon na walang wala ako, noong mga panahon na gusto ko nang sumuko. Noong mga panahon na sabi ko ay hindi na ako makikipagkaibigan sa kahit kanino.
Binago mo 'yong buhay ko! Iniba ang perspective ko sa mga lalaki.
Nang buklatin ko ang pangatlong page ay maiksi na lamang ang nakasulat.
Huwag mo akong iiwan ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawalan ako ng kaibigan at malapit nang maging boyfriend na katulad mo!
I love
Iyon na lamang ang nakasulat doon, mukhang hindi na natuloy pero bakit niya naman iniwan ito rito? Napagtawanan ko tuloy siya!
"Rei, ano 'yan?" Tanong ni Iza nang makalapit siya sa table namin.
"Ah. Wala!" Aning ko naman.
"Ikaw ha! Kanina pa kita tinititigan mula roon sa counter habang umoorder sina Yana, nakita ko may hawak kang sticky notes tapos ballpen." Pagtawa niya, "Kailan ka pa nahilig gumamit nang mga 'yon? Cringe ha!" Dagdag niya pa.
Tumayo naman ako at ipinatong ang kamay ko sa mesa habang tinititigan siya.
"Hayaan mo na, kapag nakita mo 'kong gumagamit no'n ibig sabihin sinusulat ko na 'yong confession note ko sa'yo!" Kinindatan ko siya at tumawa nang bahagya.
Tinulak niya ako at tumawa na lang din, "Loko ka talaga ah!"
"Tapos na ba kayong maglandian?"
Boses ni Coach 'yon ha! Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakatayo roon si Coach habang nakapamewang pa.
Nakataas ang kilay niya, "Ikaw, Rei. Noong nakaraan ang nilalandi mo 'yong anak ko!" Bulyaw sa akin ni Coah.
Saktong dumating naman si Yana at ang iba naming team mates.
"Ayan kasi! Napakalandi mo. Pwe!" Bulyaw naman ni Yana at umakto pang duduraan ako pero kaagad kong tinakpan ang bibig niya.
Tumawa naman ang iba naming mga kasama.
"Oh siya siya! Anong inorder niyo?"
Tanong ni Coach sakanila.
Nagkibit balikat silang lahat, "Coach. Ano ba naman kasing oorderin namin dito? Kape at tinapay nanaman?" Sabat ko naman.
"Ikaw ba kausap ko ha? Rico?!" Agad niya akong kinutusan at napakamot na lamang ako.
"Tara na kayo, doon na lang tayo sa bahay. Paglulutuan ko kayo ng pancit canton. Ano gusto niyo 'yon?" Pang-aasar ni Coach at agad namang naglakad palabas ng coffee shop.
"Ano ba 'yan! Kayo kasi eh!" Angal ko naman at tinuro ko silang lahat.
Bilisan niyo na!
Ikaw kasi ang tagal tagal mo sa counter hindi ka pa umorder!
Eh bakit ako? Mukha bang may pera akong pangkain sainyo?
May pangbili ka ng album tapos pangkain wala?
Eh ano bang pake mo? Kung may pera lang ako pinag-aral pa kita eh!
Bulungan at asaran nila sa likod ko, napatawa na lang ako at naglakad na rin palabas.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...