Paano kapag nalaman mo na may pagkakautang ang iyong magulang sa iyon Ex-boyfriend? Anong gagawin mo? Ganito ang nangyari kay Jasmine, ang kompanyang inalagaan ng pamilya nila ay nalaman nalang niya na nabaon na pala sa utang. At sa taong hindi niya inaakala na magkakautang sila. Her Ex-boyfriend Jarred Raqueza. Wala siyang nagawa kundi ang kausapin ito. Para maisalba ang kompanya nila, ay nagkaroon sila ng kasunduan ni Jarred Raqueza na magiging katulong niya ito sa bahay niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Anong mangyayari sa kaniya? Bilang isang Engineer magiging katulong siya. At akala ni Jasmine magiging maganda ang trato sa kaniya. Pero hindi pala. Dahil ang layunin ni Jarred ay maghiganti sa kaniya.
- Jasmine Point Of View -
Minamaneho ko ang Mitsubishi na napundar ko. Masaya ako kasi kahit papano may nakikita akong bagay na pinaghirapan ko. Papunta ako ngayon sa Birthday Party ng aking kaibigang si Celine Lagrado. It's her 21st birthday. Gaganapin iyon sa mismong mansyon.
Yes, mayaman ang magulang ni Celine. Negosyante. Maging ang mga kamag-anak niya negosyante rin. Tiningnan ko ang oras sa suot na Rolex. It's already 6:30 in the evening. Alas-syete magsisimula ang Party.
Nang marating ko ang mansyon ay agad kong ipinasok sa loob ng compound ang aking Mitsubishi at ipinark sa tabi ng mga nakaparadang sasakyan sa harap ng mansiyon. Madami nang nakaparadang sasakyan sa labas. Na marahil pag-aari ng mga mayayamang negosyante na imbitado sa Party na ito.
Iniangat ko ang suot na gown. Kulay beige iyon na humakab sa aking katawan. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad patungo sa entrance ng mansyon.
Naririnig ko ang malamyos na musika Mula sa aking kinaroroonan na nagmumula sa loob ng mansyon. Nang marating ko ang entrance ay pumasok ako at nakita ko ang mga nagkakasayahan na mga bisita habang hawak ang kanilang mga wine glass habang nakaupo sa kani-kanilang mesa.
Marami na ang tao sa loob ng mansiyon at nagkakasayahan. Iginala ko ang paningin sa loob ng mansyon. Napaka-ganda at napakagarbo ng Party. Punong-puno Ng bulaklak at dekorasyon ang bawat paligid. Talagang makikita na pinaghandaan ang okasyon. Nilinga ko ang paligid baka sakaling makita ko ang hinahanap ko.
"Jasmine!" narinig kong tawag sakin.
Dumako ang paningin ko sa aking kanan at nakita ko ang kanina ko pa hinahanap. Kumakaway siya. Kasama niya sa mesa si Vicky. Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.
"You look gorgeous in your dress." puri niya sakin habang sinusuyod ako ng tingin.
"Thankyou Samatha. Ikaw rin naman e, bagay na bagay sayo ang suot mong gown. Mas lalo kang gumanda." wika ko. Samantha is a Beauty Queen. Sumasali siya sa mga Beauty Contest noong college days nila and until now.
"Thankyou so much!" Tiningnan ko si Vicky na tahimik lang na nakaupo habang iniinom ang laman ng hawak niyang wine glass.
"Nandito ba si Oliver?" out of nowhere kong tanong.
"Yes, and kasama niya si Jarred." wika ni Vicky.
Natigilan ako. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ang lakas ng epekto sakin kapag nababanggit ang pangalan niya. Jarred is my Ex-boyfriend. Ngumiti ako kay Vicky.
"Mabuti naman kung ganun." Sabi ko.
"Oh hayan pala sila!" wika ni Samantha. Biglang akong nanlamig. Nakatingin sina Vicky at Samantha sa likod ko. Hindi ko alam kung haharap ba ako o mananatali nalang na nakatingin ng diretso.
"Jasmine you're here." wika ni Jarred. Mas lalong hindi ako nakakilos sa aking kinauupuan. Nanindig ang balahibo ko sa pagkakasabi niya ng aking pangalan. Kalaunan lumingon ako.
"Hi Jarred." yun lang ang lumabas sa bibig ko. Tinitigan niya ako ng ilang segundo hanggang sa binalik niya ang tingin kay Vicky.
"Sige guys. Haunting lang kami ng chiks sa labas." wika ni Oliver. Ramdam niya ang tensyon na namamagitan sa amin ni Jarred. Bumuntong-hininga si Samantha.
"Nakita ko sa mga mata niya ang galit, Jasmine." wika niya.
Sumang-ayon naman si Vicky. Napangiti ako ng mapait. I know, nasaktan ko siya ng sobra sa ginawa ko apat na taon na ang nakararaan. My parents are manipulative. Kaya wala akong nagawa kundi sundin sila.
And I'm so happy kasi successful na siya. He deserves everything right now. May girlfriend na kaya siya? Oo naman meron. Sa gwapo ba naman imposible namang wala, wika ng isang bahagi ng isip ko. Bigla akong nasaktan sa isiping iyon. I still love him, I really love him.
NATAPOS ang Birthday Party around 9 in the evening at heto ako ngayon pauwi na sa condo. Nakahiwalay na ako sa mga magulang ko. I prepared to be independent. Noong una ay ayaw nila, subalit napapayag ko rin sila kalaunan.
Nitong mga nakaraang araw napansin ko na parati silang balisa. Kapag tinatanong ko sila kung bakit. Lagi nilang sagot na may problema lang sa negosyo. Nagmamay-ari kami ng pagawaan ng kape. Kilala na sa buong Pilipinas ang produkto namin.
Nang marating ko ang condo ay bumaba ako at binuksan ang gate. Bumalik ako sa sasakyan at ipinasok ang Mitsubishi sa loob at ipinark iyon sa gilid. Lumabas ako sa sasakyan at nagtungo sa condo. Umakyat ako sa pangalawang palapag kung saan naroon ang aking kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nahiga sa kama.
Biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa tabi ko. Dinampot ko iyon at tiningnan ang caller. Si Mom ang tumatawag. Pinindot ko ang accept botton at nilagay ko sa aking taenga. Nakarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. Kinabahan ako. Anong nangyayari?
"Mom, what's wrong?" tanong ko. Mukhang wala siyang balak magsalita. Nakarinig ako ng nabasag. Napatayo ako. Magsasalita na ulit sana ako ngunit nagsalita na ang si Mom.
"Hija, can you please come here?" wika niya. Nasa boses niya ang pagkatakot at lungkot. Hindi kaya patungkol ito sa kompanya?
"Ano yung narinig kong pagkabasag Mom?" tanong sa kaniya.
"It's your Dad. Basta pumunta ka nalang dito anak, please." wika niya tsaka ibinaba ang telepono.
Wala na akong sinayang na oras. Bumaba ako ng kwarto at tinungo ang aking Mitsubishi. Sumakay ako at inilabas iyon. Tinahak ko ang daan pauwi sa bahay. May kalayuan iyon sa Condo niya. Kinakabahan ako.
Ano kayang nangyayari? Bakit nagbasag ng baso si Dad? Kilala niya ang Ama, mahinahon ito. Kapag ganun ang nangyari, ibig sabihin may problema siya. Malaking problema.
NANGINGINIG ang kamay ko na nakahawak sa manibela. Halos hindi ako makapag-concentrate buong byahe. Nang malapit na ako sa bahay ay hindi ko napigilan ang bumuntong-hininga. Ipinark ko sa gilid ang Mitsubishi. Napansin ko na walang gwardiya na nagbabantay. Off ba ni Manong Garry?
Bumaba ako ng sasakyan at tinungo ang gate. Bahagya iyon nakabukas kaya itinulak ko. Pagkapasok ko ay isinara ko ang gate. Tinungo ko ang loob ng bahay at umakyat sa pangalawang palapag. Nilakad ko ang kinaroroonan ng kwarto nina Mom and Dad na nasa pangalawang pintuan. Bahagya iyon nakabukas kaya tinulak ko papasok ang pinto.
Nang makapasok ako ay tumambad sa aking harapan ang nagkandapira-pirasong baso sa sahig. Nakita ko sina Mom and Dad na nakaupo sa kama. Nakayuko si Dad, samantalang nakatalikod naman si Mom sa kaniya sapo-sapo ang mukha niya habang impit na umiiyak. Mukhang hindi ata napansin ni Dad ang aking pagdating sa lalim ng kaniyang iniisip.
"Dad." wika ko. Agad na nag-angat ng mukha si Dad mula sa pagkakayuko. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot na parang nawalan ng isag mahal sa buhay. Nilapitan ko siya at umupo ako para magpantay ang aming paningin.
"Hija, I'm sorry. I'm really really sorry." wika niya sakin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa kaniyang hita.
Biglang nagtubig ang aking mga mata. Hindi ko mapigilang mapaluha sa lungkot na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Masayahin ang aking Ama. Matapang, ni minsan hindi kakikitaan ng pagkahina. Pero sa mga pagkakataong ito, dito ko napagtanto na kahit gaano ka man kalakas.
Darating din ang panahon na makakaramdam ka ng panghihina. Nakita kong lumapit sa kinaroroonan ko si Mom. Umupo din siya at niyakap ako tsaka umiyak sa aking balikat. Umiyak siya ng umiyak.
"Ano bang nangyayari Mom and Dad. Nalulugi ba ang kompanya?" tanong ko.
Tiningnan nila ako ng makahulugan na para bang sinasabi ng mga mata nila ang sagot sa aking tanong. Hindi ko na napigilan ang lumuha. Pero gusto ko parin marinig yun sa bibig nila na mali ako. Na mali ang iniisip ko. Kaybigat lang isipin na ang negosyong minahal ng aking magulang ng mahigit dalawang dekada ay mawawala na sa kanila. Hindi, hindi yun mangyayari.
"Oo anak. Nalulugi na ang kompanya at nagkadautang-utang tayo." wika ng aking Ama.
Sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung paano iaabsorb iyon sa isipan ko. Parang huminto ang lahat ng bagay na nakapaligid sakin. Na sana panaginip nalang ang lahat at magising ako na ayos lang ang kompanya. Maganda ang takbo ng benta.
Pero hindi. Nasa reyalidad ako, lahat ng mga narinig ko ay totoo na hindi panaginip lang. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Dahil mas pinili ko ang gusto ko kaysa pamahalaan ang kompanya namin. Hindi ko na naiwasan ang umiyak. Hinagod ni Mom ang likod ko na wari'y sa ganung sa paraan maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"I'm sorry Mom, Dad. Kung pinili ko lang sana na pamahalaan ang negosyo edi sana kasama niyo akong isinasalba iyon." wika ko at patuloy parin sa pag-iyak.
"No anak. Wala kang kasalanan. Mahal mo ang ginagawa mo ngayon at doon ka masaya." wika ni Mom.
Lumingon ako sa kaniya, nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa mga sinabi. Ito ang isang bagay na ipinagpapasalamat ko. Ang nabiyayaan ako ng magulang na maunawain. Niyakap niya ako.
"Malalampasan natin to anak, basta kumapit lang tayo sa isa't-isa at siguradong maisasalba natin ang kompanya."
Niyakap ako ni Dad mula sa likuran. Oo, tama si Mom malalampasan namin ito. Basta magkakasama kaming harapin ang pagsubok na ito. Pero kanino kami nagkautang? Humiwalay ako sa pagkakayak kay Mom. Tumayo ako at tumayo na rin siya. Umupo si Mom sa kama katabi ni Dad. Hinarap ko sila.
"Kanino kayo nagkautang Dad?" Mukhang nag-alinlangan pa sila kung sasagutin ang tanong ko o hindi.
Bakit parang may pakiramdam ako kung kanino sila umutang? Biglang bumilis ang tibok ng puso ng maalala siya. Sana hindi siya. Bumuntong-hininga muna sila bago nagsalita.
"Si Jarred hija. Jarred Raqueza."
Pakiramdam ko namanhid ang aking pakiramdam. Hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan. Bakit sa dinami-dami ng tao si Jarred pa? Napalunok ako. Anong gagawin ko ngayon?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?