Si Hera at Apollo ay naging magkaibigan. Apat silang magkakaibigan, si hera, apollo, maia at eris. Ang pagkakaibigan ay hindi matitibag ngunit sa pagkakaibigan nila may namumuo nang lihim na pagtingin si Apollo kay Hera. Araw, araw ay may nagcoconfess kay Apollo at araw araw may umiiyak dahil sa kaniya. Sa paglipas ng mga buwan, umamin si Apollo kay Hera at sinabi nito na liligawan niya ito. Lingid sa kaalaman ni Hera, si Apollo ay nanliligaw na kahit hindi pa siya umaamin rito. Isang araw nagkaroon ng aksidente na kung saan kinakailangan dalhin si Apollo sa ibang bansa upang doon magpagamot ngunit hindi ito alam ni Hera. Inakala ni Hera na si Apollo ay patay na. Pagkalipas ng panahon si Apollo ay bumalik sa Pilipinas upang balikan si Hera. Lingid sa kaalaman ni Hera, siya ay nagtatrabaho sa kumpanya ni Apollo. Kinalaunan napagdesisyonan nilang dalawa na magkabalikan at maging masaya muli.
Kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan siya namang walang tigil ng pagluha ko. Hanggang ngayon andito pa din yung sakit. Panghabang buhay na sakit na mararanasan ko.
I was staring the drops of the rain. Everytime na umuulan, umiiyak ako. Nakikisabay ang ulan sa nararamdaman ko. Atleast alam ko na may karamay ako.
"Nak? Tara lunch na tayo." lumapit siya saken nakita niya akong umiiyak kaya pinunasan ko yung luha ko. "Your crying again? Sorry hindi alam ni mama kung paano pagagaanin yung loob mo. I know na masakit hanggang ngayon anjan pa rin yung pain." malungkot si mama dahil nakikita niyang malungkot ako. Ayokong nakikita ako ni mama na ganito ako but everytime na umuulan she knows that I am crying. She knows that I am in pain.
"Alam mo nagluto ako ng favorite mo, guess what is it?" masiglang sabi niya, she's trying na paaganin ang atmosphere.
I smile "Ofcourse my favorite Putchero." sabi ko. Tumayo na kami ni mama at pumunta ng kusina para kumain. Si papa nakaupo na don. Hinihintay niya kame.
"Hello my beautiful daughter, look andami namin niluto ni mama mo para sayo." masaya niyang sabi.
"Thank you." yun na lang nasabi ko then kumain na kame.
Napakaswerte ko sa magulang ko. They know kung anong magpapasaya saken and alam din nila kung ano makakapagpasakit saken but they always choose kung paano nila ako papasiyahin.
Weekends ngayon so walang work. Nakatambay lang ako sa kwarto. Tumila na din yung ulan and tumigil na din ako sa pag iyak. Nabusog ako hindi ako tinigilan nila mama hanggat hindi ako nakakarami ng kain.
8years na ang lumipas simula nang mangyari ang lahat ng yon. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari.
Takot ako, sa lahat ng pwedeng mangyari nung araw na yon. Takot ako, na lapitan ka nung araw na yon dahil hindi ko kakayanin, hindi ko kakayanin na makita kang ganon. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa lahat.
Nagring yung phone ko. Tumatawag si Lia. "Hello?" I said.
"Hello te, alam mo na ba? may bago daw tayong boss. Sabi nila lalake daw. Sana naman pogi para pag ano majowa ko na. Sa tingin mo kaya pogi?" malanding sabi niya. Aynako naman talaga tong si Lia. Basta talaga pagdating sa lalaki ambilis.
"Bat ako tinatanong mo, wala nga akong alam na may bago palang boss. Te parehas lang tayong walang alam. Sa monday na natin malalaman kung sino man yan." Sino naman kaya yung bagong boss daw. Sana babae na lang kesa lalaki.
"Pusta ko kung sakaling lalaki yon hindi pwedeng hindi magkagusto sayo yon. Baka Hera yan. Mahaba ang buhok. Mamigay ka naman ng buhok te hahahaha." Biro niya saken. Pero totoo yon halos ata lahat ng lalaki sa Work ko nagkagusto na saken. Pero sorry hindi ako interesado sa kanila.
"Tigil tigilan moko te. Wala ako sa mood makipagbiruan." Napabuntong hininga na lang ako.
"Umiiyak kapa rin ba? Umuulan kanina so definitely umiyak ka kanina." Kilala niya talaga ako. Kameng dalawa yung close sa work. Work friend ko siya. Kinwento ko sa kaniya yung nangyare saken. That is why, she knows na hindi ako interesado sa mga lalaki na nagkakagusto saken.
"As always, andito pa din ung pain Lia. Kahit naman kase gustuhin kong mawala ayaw naman. Hindi ko kaya. Lagi kong naaalala yung pinagsamahan namin dalawa." napabuntong hininga na lang ako. para na naman akong naluluha habang nagkukwento kaya pinunasan ko.
"Paano naman namin kaming nakapaligid sayo na laging nag aalala? Hera, alam kong mahirap pero kailangan mo magmove forward. Hindi naman siguro panghabang buhay yang sakit na meron ka." Tama siya, lagi kong iniisip sina mama at papa sa tuwing nakikita nila akong umiiyak. Tinatry ko naman itago pero kilala nila ako.
"Hindi pa ako ready para sa ganon Lia, hindi siya madaling kalimutan. He is my everything. My world. Halos ibigay ko na sa kaniya lahat para mapasakin lang siya pero hindi e. hindi ko siya pwedeng angkinin kahit kailanman kase alam kong hindi siya naging sa akin." Now, I am crying sliently ayokong marinig niya na umiiyak ako.
"Sorry Hera, pero for your own good naman to. Sana mapagisipan mo din. Step by step natin kung paano ka magheheal." everyone is trying to help with the pain I have. But myself is not cooperating with them. May part pa din sa puso ko na he loved me more than friends and one day we will meet again. Kaya hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa din yung memories na meron kaming dalawa.
"Yeah, I know." I need this for myself. Hindi panghabang buhay na ganito ako.
"Call me again pag may desisyon kana. bye. take a rest." binaba na niya yung call.
I'm staring at the ceiling of my room. Iniisip ko kung ready na ba ako o hindi pa. Hera you need this. Everyone will help you.
"Lia, I'm ready not totally but uuntiin kong iaccept sa sarili ko lahat lahat." Tinawagan ko agad si Lia about my decisions.
"I'm happy for you sis. Tutulungan kita, namen nila tita at tito na magheal ka." masaya siya and alam ko din pag binalita ko ito kina mama at papa mamaya mas masaya sila.
"Ma, pa. I'm ready." nakakunot noo silang dalawa na tumingin sa akin. Iniisip nila kung anong sinasabi ko. "I'm ready." ngumiti ako sa kanilang dalawa tsaka nila narealize yung pinahihiwatig ko sa sinasabi ko. Naibaba ni mama yung kutsara at tinidor at Napatayo siya at pumunta saken hinug ako. Si papa hindi pa rin maka imik, gulat pa din siya.
"Happy ako para sayo anak." naluluha si mama. Lagi niya kasi akong pinupush noon pero lagi kong umaayaw kase takot din ako pero ngayon ready na ako.
Sunday ngayon nagdecide ako na magsimba. I know God will help me kung paano magheal sa pain na meron ako. Ako lang mag-isa sina mama at papa busy sabi nila pagpray ko na lang daw sila.
After ng misa, umuwi na din ako agad. Tinapos ko yung ibang paperworks ko. Ayokong matambakan ng mga paperworks.
"Uy te, parating na daw yung bagong boss natin, magretouch na tayo." Kinikilig siya ngayon. Halatang excited na makita yung bagong boss namin. Ako ang wish ko sana maging mabait lang yung boss namin sa amin.
"Te, Bat ganyan naman yung mukha mo. Mag ayos ka nga parang hindi ka excited. Ito oh, mag ayos ka." Binigay saken ni Lia yung pang retouch niya. Dala ko lang kase is liptint at pulbo lang. Hindi ako mapag ayos na tao sakto lang hindi ganon ka over.
Nag ayos na ako ginamit ko yung hiniram ni Lia na pangretouch. Simple lang, hindi rin naman kase ako haggard fresh pa naman ako.
"Guys paki ayos na yung mga tables niyo dyan tsaka na kayo pumunta sa conference room. In 10 minutes andito na yung bago natin boss." sabi nung head namin. Tinignan ko yung lamesa ko kung may kalat. Wala naman masyado, konti lang din kase gamit ko sa table ayoko ng maraming kalat.
"Tara na Hera, Punta na tayo, tinatawag na lahat." tsaka na siya na una. Niligpit ko na yung pinaggamitan kong pangretouch tsaka ko nilagay sa bag.
Tumakbo na ako papuntang conference room. Medyo malayo lang ng onte sa pwesto ko.
"Aray!" napaupo ako sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko. Yung pwet ko ang sakit.
"Miss, are you okay? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Let me help you." Nilahad niya yung kamay niya. Inabot ko yung kamay ko sa kaniya tsaka niya ako tinulungan na tumayo.
Napatitig na lang ako sa kaniya. Antagal kong hinintay na makita ka ulet. 8years bago kita nakita ulit. Hindi ko alam anong gagawin ko or kung anong sasabihin ko. I was shocked at this moment.
"Hi, are you okay?" bigla siyang naging cold. Binitawan na din niya yung kamay tsaka siya naunang pumasok sa conference room.
Buti na lang wala yung mga kasamahan ko, mga bodyguard niya lang yung nakakita.
Pumasok na din ako, tumabi ako kay Lia. "Te, antagal mo, san kaba galing? tignan mo yung head nating bakla nakatingin na ng masama sayo." bulong niya sakin.
"Ano, nagcr pa kasi ako." bulong ko, hindi na din ako umimik.
"Goodmorning everyone let's welcome our new Boss Mr. Apollo Ashford L. Gomez." nagpalakpakan ang lahat. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Nahihiya ako. My love, my universe, my tangi. Namiss ko siya.
Tinignan niya lahat except sakin parang hindi ako nageexist sa mundo niya. Nakakasakit na parang wala lang ako sa kaniya.
"Hello, to every one of you. It's nice to see you all. I hope we can get along with each other." napakafluent naman pag eenglish niya. Ang professional niya din tignan.