"Sino ba namang bobo ang ma-i-inlove sa walang pusong kagaya niya?!" 'Yan lang naman ang mga katagang binibitawan ni Heart sa tuwing naiisip niya ang kaniyang walang puso daw na amo niyang si Harvey. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Heart 'pag nandoon na siya sa bahay ng mga Mendez?
★simula★
Morning!
"Buenos dias mi amor! Buenos dias mi amigos, amigas!" Bati ko sa kanilang lahat na nandito sa may karinderya namin.
"Buenos dias mi amor Hart!" Balik na bati sa akin ni Nell. Tsk! Hart! Palagi na lang!
"Magandang umaga Heart, nasaan pala mama mo?" Si Aleng Julie. Kaibigan ni mama, anak niya si Nell. Sila din ang mga kasama namin na nagpapalago ng karinderya na ito. Pero, hindi na malago ngayon. May nagbago kasi sa buhay namin kaya nagbago na din ang tingin ng iba sa amin.
"Papunta na po siya dito Aleng Julie, kasama niya po si Merien." Sabi ko, pagtutukoy sa kapatid kong si Merien.
"Ah, mabuti naman at papunta na din. Teka, kasama si Merien? Ayos na ba ang pakiramdam ng kapatid mo?" Tanong ni Aleng Julie.
"Maayos na po ang pakiramdam niya. Ayaw nga sana isama ni mama kaso lang nagpumilit at wala naman daw siyang gagawin doon kaya isinama na lang din ni mama kasi wala siyang makakasama doon." Sabi ko.
"Ganoon ba? Oh siya, nakapagpa-enroll na ba kayo? Balita ko tumataas na daw 'yung tuition fee ninyo. Bakit ba kasi doon kayo pinapasok ng Mama niyo eh kung pwede lang naman doon sa pinag-aaralan ni Nell. Maliit pa ang babayaran na tuition." Sabi niya.
Oo, nagmahal na nga ang tuition sa school namin. Tsk! Ang balita-balita ay dahil daw iyon sa utos ng anak ng may-ari ng school. Kasi, mag-aaral na din doon ang kung sino mang demonyito na 'yun! Lakas ng topak!
"Ok lang po, kakayanin namin iyon. Hindi pa nga kami nakapagpa-enroll baka sa katapusan ng Mayo na lang po."
"Mabuti naman kung ganoon. 'Di ko nga alam bakit doon pa kayo nag-aral eh." Sabi ni Aleng Julie.
"Ma, diba 'yun lang ang tanging hiling ni Tiyo Ivan? Na maranasan ng mga anak niya na makapag-aral sa magandang paaralan na kailanman 'di niya naranasan? Atsaka limited lang kaya ang courses doon sa paaralan na pinag-aralan ko." Pagsingit ni Nell. Oo limited! 'Yung napili kung kurso wala sa paaralan nila Nell.
"Oo nga eh. 'Yun na nga. Hiling niya pero 'di man lang niya hinintay na matupad ang hiling niya pareha lang sila ng tatay mo." Sabi ni Aleng Julie.
Wala na rin kasi ang asawa ni Aleng Julie. Namatay ito dahil sa malubhang sakit sa baga.
"Okay, lang po. Sabi kasi ni papa sa'min na kahit wala na siya ay tatandaan lang namin na nandiyan lang siya palagi para sa amin. Nandito lang siya sa puso namin. Kaya kayo din Aleng Julie, 'wag kayong magtampo diyan kasi nararamdaman ko din na nandiyan lang din palagi asawa niyo, sa puso niyo." sabi ko. Ang bilis magbago ng atmosphere dito.
"Oo na. Alam ko naman iyon, ang daya lang niya kasi sabi niya 'di niya kami iiwan 'yun pala 'pag sinasabi niya iyon. Alam na pala 'yung sakit niya, itinago pa." Sabi ni Aleng Julie ng may pagdadalamhati. Dalawang taon, dalawang taon na rin ang paghihinagpis ni Aleng Julie dahil sa dahilang sinisi siya ng pamilya ng asawa niya kaya 'di rin niya mapigilan na sisihin ang sarili.
"Ma, tama na po. Ang aga-aga nagd-drama kayo. Kay gandang sinag ng araw na siyang dapat nating bigyan ng tuon para sa magandang simula ng ating araw. Kaya, kung mararapatin ay magsisimula na tayo dahil marami pang customer ang paparating." Pag-agaw atensiyon ni Nell.
"Marami, sana nga marami na ang customer natin ngayon." Sabi ni Aleng Julie.
"Crash out niyo na po 'yung negative vibes na 'yan Aleng Julie. Paparating na po si Mama, 'pag nalaman ni mama na nag-e-emote na naman ang mga artista dito ay malamang 'di tayo noon pupurihin sa ating pag-arte ayys!" Sabi ko.
"Tama, si mi amor Ma. Start your day with a smile to make your day shine and brighter than yesterday. Oh diba English?! Galing ko na Ma no? 'Di kailanman naging sayang pagpapa-aral niyo sa akin. Hehe." Sabi ni Nell.
"Tsk, 'di daw naging sayang. Eh, nagc-cutting classes ka daw sabi ng adviser niyo. Tapos may magsusumbong na lang sa akin na anak ko daw andoon sa Jadestone University nag-aral. Sosyal, buti pinapasok ka ng guard doon." Sabi ng mama ni Nell.
"Aleng Julie, 'di naman 'yan sa gate dumadaan eh. Sa pader!" Sabi ko.
"Hart naman, it's hurt hehe. Sakit, tagos sa utak hehe. Bakit mo 'ko nilaglag eh para naman sa'yo pagpunta ko doon." Sabi niya. Loko! Tagos sa utak?!
"Sinabi ko bang pumunta ka doon?! Tsk, Nay Julie anak niyo po may singko." Sabi ko na ikinasimangot ng Nell. Tumawa naman si Aleng Julie.
"Yieeee nanay nga din tawag mo kay Mama eh. Atsaka wala akong singko no, diyes meron aanhin mo ba? Kung gusto mo sayo na lang. " pagsingit ni Nell. Kailan ba 'to titino?!
"Uyy Nell, 'wag mo ngang inisin si Heart atsaka hayaan mo siyang tawagin akong nanay ayaw mo ba noon magkapatid kayo? Kaya Aleng Julie na lang tinatawag sa akin kasi nangingialam ka eh." Sabi ni Aleng Julie. Oo, nanay naman talaga tawag ko sa kaniya pero palagi na lang akong kinukutya ng Nell na 'yan at ipinagsasabi pa sa ibang mga kaklase niya. Lakas ng topak eh.
"Magandang umaga sa inyo." Bati ni mama. Andito na din sila.
"Magandang umaga po sa inyo." Si Merien. Kapatid ko.
"Magandang umaga." Sabay na bati nila Nell at Aleng Julie.
Nag-usap pa sila bago mapagdesisyunan na i-open na ang karinderya.
"Heart!" Sigaw ni mama.
"Bakit ho?"
"'Di ka pa ba mag-eenroll? Kung magpapaenroll kana ay ipa-enroll mo din si Merien ah?! Samahan mo siya dahil bago pa lang siya doon sa school niyo. At ikaw Merien, 'wag kang lumayo sa ate mo ah? Bago ka pa lang doon." Sabi ni mama.
"Ma, sa katapusan na lang po ng Mayo." Sabi ko.
"Anong sa katapusan na lang? Mas mabuti 'yong maaga pa na-enroll kana. Ang tagal na kaya ng registration para sa enrollment nitong taon. At sasabihin mong sa katapusan na lang?! Kung kailan malapit na talaga magsisimula ang klase, doon pa kikilos?! Heart naman eh, kung gusto mo ako na lang ang pupunta mamaya doon." Sabi ni mama.
"Ma, okay lang po ba kung 'di muna ako mag-aral this school year?" Tanong ko. Sobrang laki kasi ng tuition eh. 60 thousand pesos every semester per student. Tapos dalawa kami. Paano na lang din 'yung gastusin namin sa araw-araw? 'Di pwede na iasa na lang namin sa karinderya.
"Heart naman! Bakit? Alam mo naman na last degree na lang tapos susuko ka na?! Heart naman, alam mo naman na pangarap namin 'yan para sa inyo eh." Sabi ni mama.
"Ma, t-transfer na lang po ako ng school?"
"Hay naku! Saan naman?! Eh, dalawang university lang ang nandito sa lugar natin at 'yung iba naman ay sobrang layo na. Heart, alam naman natin na ang kinuha mo ay wala 'yan sa kabilang university eh."
"Ma, 'yung scholarship na in-offer sa akin ni uncle John?"
"Heart, sa US 'yon kaya mo ba?" Tanong ni mama.
"Ma, ganito na lang. Para 'di na kayo magagalit. Magwo-working student na lang po ako. Sige na po. Para naman may maitutulong din ako atsaka dalawa na kami na doon magc-college oh. Atsaka ngayon po ay kailangan din natin mag-ipon para sa kalusugan ni Merien at lalo na sa inyo. Ma, promise 'pag 'di ko kakayanin na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ay susuko din ako. Ma hayaan niyo sanang makatulong din ako sa inyo. Kasi ang kita po sa karinderya na 'to ay 'di pa rin sapat. At 'di naman natin 'tong pwedeng isara na lang ng tuluyan. Kasi ito ay matagal na din ninyong pinapahalagahan." Sabi ko. Palagi kasi nilang iniisip 'yung responsibility nila bilang mga magulang. At dahil doon, ayaw nila kaming nahihirapan. Pero, ngayon pa lang nahihirapan na ako. Hindi dahil sa hirap ng buhay kundi sa hirap ng nararanasan ng mga magulang namin para lang mabuhay kami ng masaya at makapagtrabaho ng maganda.
'Di man lang nila iniisip mga sarili nila. Ang iniisip lang nila ay kapakanan namin. Nahihiya ako sa sarili ko dahil 'di ko man lang sila natulungan.
Tiningnan ako ni Mama.
"Sige, papayag ako. Pero 'pag 'di mo kaya, titigil ka sa pagwo-working. Hayaan mo na lang si Mama ang humanap ng paraan, okay?" Sabi niya na ikinangiti ko. Ngumiti din siya pabalik.
"Okay Ma. Salamat." Sabi ko.
"Lika nga dito. Malaki na panganay namin. Ang bilis ng panahon. G-graduate ka na, malapit na. Si Merien, college student na din. Sayang lang--"
"Ma naman eh, akala ko kami lang ang 'di natatanggap sa pagiging artista 'yun pala 'yung 'di tumatanggap sa acting skills namin ay 'di rin magaling sa pag-acting haha." Sabi ko.
"Heh! Marunong ka na ah?"
"Oo naman! Tinuturuan mo eh! Hehe joke lang!" Natatawa kong sabi, tumawa na lang din si Mama.
"Sa dinami-daming nilalang dito sa mundo, pusa pa nakahuli sa puso ko." - Aldrian. Catherine is a simple girl from a simple family. She is a pet lover, and also a hater. Cat hater. She loves animals and has different collection of it. She loves so much puppies and hates the most is Cat. She is a cat bully. While Aldrian is a cat lover. He own and have a different collection of it, different breeds. He hate dogs/ puppies not until he fall in love with a puppy lover. Ano kaya ang mangyayari'pag nagtagpo ang landas nilang dalawa?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?