Kunin ang APP Mainit
Home / Iba Pa / THE CRUEL WORLD
THE CRUEL WORLD

THE CRUEL WORLD

5.0
5 Mga Kabanata
7 Tingnan
Basahin Ngayon

Siya ay may pinagdaanan mula noon sa buhay niya, pati na rin sa pag-ibig ay bigo siya. Umabot sa punto na ayaw niya nang magmahal at nagdesisyon na tumanda nalang mag-isa, ngunit sa di inaasahan may dadating pa pala, siya na kaya? o isa na namang mananakit sa kanya?

Mga Nilalaman

Chapter 1 THE CRUEL WORLD

"Tama na...tama na...ano ba" sigaw ni Mama "Damian, papa mo 'yan wala kang respeto" ani ni Mama habang umiiyak.

"Kailangan ko ba kayong respetuhin kung mga iresponsable kayong magulang? ha?" sigaw ni Damian.

"Hazna, tumawag ka na ng pulis" mangiyakngiyak na pag mamakaawa na tumawag na ng tulong ang ate ko.

Nagkakagulo si Mama, Papa, at ang kuya ko. Dahil dito ay namumuo ang galit, takot, at pangamba sa kalooblooban ko.

"Tama na, Damian. Hindi ka ba naaawa kay Mama? tumigil kana" sigaw ko pa pero tila wala itong narinig at patuloy na hinahamon ng suntukan ang ama namin.

Mabilis na kumaripas ng takbo ang dalawa kong ate para humingi ng tulong sa pulis. A minutes had passed a police car stop in front of our house, iniluwal nito ang apat na pulis.

"Misis, nasan po ang anak niyo?" the police asked my mother calmly.

"Nasa loob po, sir" my mother answer while wiping her tears

"Hijo, labas ka dyan" the police man shouted

"Misis, ano po ba ang simula ng gulong ito?" one of the police man ask my mother again.

"Hindi po kasi siya makuntento sa pagkain binigay sa kanya, kinuha niya pa yung pagkain na para sa asawa ko sana kaya sabi nong isa kong anak na kainin nalang ng papa niya yung ulam na dapat ay sa kanya bali itong ama nagtanong kung nasan yung para sa kanya eh ang sabi nitong anak eh nasa kuya nila" kwento ni Mama sa mga pulis.

"Tapos ano pa po?"

"Eh bigla nalang nainis sinira yung aparador at saka hinamon itong ama niya ng suntukan pero bago pa yan ay sinampal niya muna itong kapatid niyang babae" sabi ni Mama

"Hijo, wala ka bang trabaho sa ganyan mong edad?"

"Wala" nagmistulang tupa itong si Damian.

"Hindi ka ba broken hearted?"

"Hindi 'yan broken hearted, sir. To be honest may girlfriend po 'yan" singit ni Hazna ang ate kong sinampal ni Damian.

"Kaunting bagay lang ang pinag-aawayan niyo. Kung nakukulangan ka sa pagkain eh 'di magtrabaho ka nang masustintuhan mo 'yang sarili mo, hindi 'yong inaasa mo lahat sa magulang mo. Hindi ka ba nahihiya ang laki laki mo na at kalalaki mo pang tao, wala kang respeto. Alam mo ba iyang magulang mong hindi pabata iyan, naiintindihan mo ba?"

"Yes, sir"

"Kung kailangan mo ng tulong sa trabaho pwede ka namin hanapan ng trabaho o matulungan" sabi nong isa pang police "kung ayaw mo ng tulong namin, maging mangingisda ka nalang o hindi kaya'y maging construction worker? oh hindi kaya ay maging tricycle driver. Sobrang daming trabaho ang pwedeng pasukan mo, tatamad tamad ka lang kasi gusto mo yung nakahanda na agad sa hapag. Puro babae kasama mo sa bahay kaya naghahari-harian ka dito, wala ka bang mahanap na katapat mo at mga babaeng kapatid at papa mo lang yung inaapi mo?" anas ng isa pang police tila ba hinahamon so Damian.

Napailing nalang ako habang tulala sa kawalan at nakikinig lang.

"Pusasan niyo na ito" utos nong isa

Matapos pusasan ay dinala nila ito sa police car, nauna yung tatlo dahil may tinanong pa ang isang police at saka kinuhanan ng picture ang mga sinirang gamit ni, Damian. Matapos iyon ay tinanong niya ang magulang ko.

"Mister at Misis, sa inyo po nakatira itong anak niyo, kayo rin po ang magulang kayo na dapat ang bahalang dumisiplina sa kanya"

"Paano namin didisiplinahin, sir? bata pa lang ay ganyan na ang pag-uugali niya, pilit naming disiplinahin pero ayaw magpadisiplina lalo pa at malaki na siya't may lakas kompara sa lakas ko, sir. Patanda ako nang patanda" saad ng aking ama.

Umiiling-iling ang police saka lumabas na ng bahay.

Anim kaming magkakapatid, yung isa ay may asawa na habang kaming lima ay nasa pudir ng magulang ko. I must say that my life never been easy especially when there's a greedy and hypocrite inside your house. Awang awa ako sa magulang ko. My parents doesn't deserve this kind of pain, if only I know that my life will be this miserable I would rather not see the sunlight than to live this miserable unwanted life. Mahirap lamang kami, my father is motorcycle driver while my mother is housewife. Walang suporta ang aming natatanggap galing sa mga kapamilya namin tanging si Papa lang ang nagtataguyod sa amin. I am tired of my life. I am tired of being me. Kung pwede kong kitilin ang sarili kong buhay ay gagawin ko.

"Ma...Pa...punta lang muna ako kay ate, doon lang muna ako" basag ko sa katahimikan namin habang nagpapaunahan sa pagbagsak ang luha ko.

"Ano? anong gagawin mo doon? magiging pabigat?"

"Ma..."

"Hindi, dito ka lang"

I wanted to say that I am scared it really scared me, my brother is kinda psychopath dahil siguro 'yung kaibigan niya ay mga may sira sa utak. It's not contagious pero pwede siyang maimpluwensyahan. I was afraid what will happen next marahil sabi ng dalawa kong kapatid na twelve hours lang ang itatagal nito sa kulungan. Paano kung gumanti siya? we did nothing wrong on him but I am kind of scared. Nagbanta na siya, pano kung totohanin niya?

"Mamaya, pag matulog na tayo, dalhin niyo lang yung kutsilyo natin sa kusina dahil hindi tayo nakakasiguro sa gagawin niya." my mom said

"Daig pa natin yung wanted na sinusugod ng mga police ah"

"Mabuti na ang mag-iingat, binantaan na tayo"

Sino ang matutuwa sa kalagayang ito? sobrang hirap, puno ng takot, pangamba, at galit. Takot na baka isang araw gumising ako sa dugong bumabaha sa paligid ko, pangamba na baka totohanin ni, Damian, ang mga sinabi niya, at galit dahil wala siyang kwentang anak at wala siyang kwentang tao, ang dapat na mamatay dito ay siya, siya lang. Kating kati ako sa araw ng paghagarap namin, sa araw na malakas na ako at may sapat na kakayahan para labanan siya, sisiguraduhin kong patutumbahin ko siya, gagantihan ko siya. Dahil sa kaganapang ito, nagudyok na dapat ay tatagan ko ang loob ko. Ipaglaban ko ang karapatan namin, people should be fair. Gagantihan ko siya sa paraan na alam ko at tiyak na tutumba siya.

"Kahit anong mangyari ay, kuya niyo parin iyon"

I gulped when I heard those words coming out from my mother. Kuya? kapatid?

"Kuya? as far as I know wala akong kuya, Ma. Baka ampon mo iyon, baka lang naman, masyadong demonyo baka pamangkin ni satanas? o baka naman anak ni satanas? pero sana 'no sunduin na siya, gusto ko talaga mamatay na siya, sa nalalapit kong kaarawan yun yung hihilingin kong mamatay na si..." I cut my words when my mother shouted

"Mamatay man iyang kuya mo, kuya mo parin siya. Kamuhian mo man siya, kuya mo parin siya. Kapatid mo siya kaya kahit anong pagkakamaling gawin niya dapat matuto kayong magpatawad kahit hindi ito humihingi ng kapatawaran galing sa inyo."

Napailing ako sa sinabi ni Mama, hindi ako nagpapatawad, walang dapat patawarin, kahit mamatay siya ay ikakatuwa ko pa.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY