Kunin ang APP Mainit
Home / Makabago / Paalam, aking hindi mapaglabanan na pag-ibig
Paalam, aking hindi mapaglabanan na pag-ibig

Paalam, aking hindi mapaglabanan na pag-ibig

5.0
1 Kabanata/Bawat Araw
71 Mga Kabanata
23.1K Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Tatlong taon na ang nakalilipas, tinutulan ng pamilya Moore ang pagpili ni Charles Moore na pakasalan ang kanyang pinakamamahal na babae at pinili si Scarlett Riley bilang kanyang nobya. Hindi siya mahal ni Charles. Sa katunayan, kinasusuklaman niya ito. Hindi nagtagal pagkatapos nilang ikasal, nakatanggap si Scarlett ng alok mula sa kanyang pinapangarap na unibersidad at tumalon dito. Pagkaraan ng tatlong taon, nagkasakit ng malubha ang pinakamamahal na babae ni Charles. Upang matupad ang kanyang huling kahilingan, tinawagan niya si Scarlett at binigyan siya ng isang kasunduan sa diborsyo. Labis na nasaktan si Scarlett sa biglaang desisyon ni Charles, ngunit pinili niyang pakawalan siya at pumayag na pirmahan ang mga papeles ng diborsyo. Gayunpaman, tila sinadya ni Charles na ipagpaliban ang proseso, na iniwan si Scarlett na nalilito at bigo. Ngayon, si Scarlett ay nakulong sa pagitan ng mga kahihinatnan ng pag-aalinlangan ni Charles. Makakawala kaya siya sa kanya? Maiisip kaya ni Charles ang kanyang tunay na nararamdaman?

Chapter 1 Ang Pagbabalik ni Scarlett

POV ni Scarlett:

Muli akong tumingin ng oras at bumuntong hininga. Isa't kalahating oras na ang nakalipas mula nang lumapag ako, at nawalan na ako ng bilang kung ilang beses akong tumingin sa relo. Hindi ko makita ang aking asawa na si Charles Moore. Inaaasahan kong nandito siya sa airport para sunduin ako.

Pero kasama niya siguro ang girlfriend niya ngayon... Ako ay napailing at hindi napigilang ngumiti nang mapait nang maisip ito. Dahan-dahan, hinila ko ang sarili at bagahe palabas ng pinto.

Tatlong taon na ang nakalipas mula noong ikasal kami ni Charles. Ngunit di nagtagal matapos ang aming kasal, nakatanggap ako ng magandang balita mula sa aking pinapangarap na unibersidad sa ibang bansa. Tinanggap ako sa isa nilang programa, kaya't iniwan ko muna siya dito habang ako naman ay nag-aaral.

Tatlong taon na kaming hindi nagkikita. Habang malayo ako, inilaan niya ang oras niya sa babaeng minamahal niya nang totoo.

Sa wakas, natapos ko na ang pag-aaral ko at nakabalik na sa sariling bansa. Gusto ko nang wakasan ang aming pekeng kasal. Napagdesisyunan ko na panahon na upang itigil ang pag-asa sa mga bagay na kailanman ay hindi mangyayari.

Habang nasa taxi pauwi, nagpadala ako ng mensahe kay Charles: "Kailangan nating mag-usap."

Hindi nagtagal, nakarating na ako sa aming tahimik at abandonadong bahay. Itinabi ko muna ang bagahe at tumuloy sa sala. Pagkatapos, naupo ako sa sofa at naghintay.

Inaalikabok at amoy kulob ang loob. Mapapansing walang tumira sa bahay na ito sa mahabang panahon. Ang litrato ng aming kasal at nakasabit pa rin sa dingding. Labis akong nasaktan at nalungkot nang makita ang paligid.

Tiningnan ko ang aking cellphone. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Charles. Malaki ang tyansang hindi siya uuwi ngayong gabi.

Gayunpaman, nanatili akong nakaupo at nilunod ang sarili ko sa mga agam-agam. Ilang sandali lamang ay may narinig akong kotseng huminto sa labas. Napatayo ako sa aking kinauupuan at nakaramdam ng mabilis na pagkabog sa aking puso. Ako pa ba ay umaasa ng kahit ano mula sa asawa kong walang puso?

Siguro.

Siguro hindi.

Ngunit sa huling sandali, itinikom ko ang aking bibig at pinagdikit ang mga nanginginig na kamay. Pinaalalahanan ko ang sarili, "Nandito ako para wakasan ang lahat."

Ilang sandali lamang, umikot ang door knob at dahan-dahang bumukas ang pinto. Binuksan ni Charles ang ilaw, at ang bumbilya ay naghulma ng isang matangkad na anino niya sa pasilyo.

Pumasok na siya.

Nakasuot siya ng maitim na amerikana at sa ilalim nito ay puting kamiseta. Bagama't kitang-kita ang pagod sa kanyang mukha, hindi maitatanggi na ubod siya ng guwapo. Ang ilong niya ay matangos, at ang mga pisngi niya ay kapansin-pansin.

Hindi pa rin siya nagbabago. Kahit ilang dipa ang layo namin, ramdam ko pa rin ang lamig ng kanyang tingin.

Humakbang siya patungo sa'kin. Pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko sa bilis ng pagtibok. Hindi ako makapaniwala na muntik ko nang makalimutan kung gaano siya kaguwapo. Mukha siyang anghel na hindi nababagay sa mundo ng mga mortal. Mayroon siyang alindog na kayang pasukuin ang sinuman.

Ang panahon ay nagbigay sa kanya ng mas makatangging-paningin at panalong anyo. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi kaya naman iniwas ko ang aking tingin.

Lumapit si Charles sa sofa at naupo. Ako naman ay umupo sa tapat niya.

Tiningnan niya ako nang mariin gamit ang kanyang malamig at matalas na mata. Ang una kong naisip ay ibaba ang aking ulo at iwasang tumitig sa kanya, pero pinilit kong itaas ang aking baba. Nakita ko ang aking repleksyon sa kanyang madilim na mga mata.

"Bumalik ka." Saad niya sa karaniwang monotono. Ito sana ay makakapagpa-inis sa akin kung hindi ko lamang siyang kilala.

"Oo?" kalmadong sagot ko.

"Kaka-email lang sa'yo ng abogado ko." Niluwagan ni Charles ang kanyang kurbata habang nagsasalita. Dahil dito, ang matikas niyang dibdib ay bumakat sa kanyang damit.

"Sige. Titingnan ko." Napalunok ako at itinago ang aking reaksyon upang manatiling walang emosyon.

Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang email. Agad kong nakita sa inbox ang isang email na may subject na "Divorce Agreement". Kahit na inaasahan ko ito, nakaramdam pa rin ako ng kirot sa puso ko. Mabilis at nakakagulat ang sakit. At dahil dito, sandaling nawala ang pagkahumaling ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Sige. Pipirmahan ko." Itinabi ko ang telepono ko at muling humarap sa aking magiging ex-husband. Sa ilang sandali lamang, hindi na siya magiging akin. Hindi bale, naging maayos naman ang pagpapapanggap ko bilang "Mrs. Moore". Ngunit kailangan na itong magtapos ngayon, at kailangan ko nang alisin si Mr. Moore sa aking mundo.

"Ayaw mo bang basahin muna ang kasunduan?" tanong ni Charles.

"Hindi na kailangan. Sigurado naman akong magiging patas ka sa ex-wife mo." Isang pilit na ngiti ang bumuo sa aking labi.

Ex-wife. Malapit na akong maging ex-wife niya, ngunit hindi ako sigurado kung matatanggap ko bang matawag na ganito.

"Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko sa'yo ang bahay na ito sa Garden Street. At ang apartment sa bayan-"

"Kailan?" bigla kong tanong.

"Ano?" Sumimangot at tumingin si Charles sa aking nang mapanuri.

"Kailan natin pipirmahan ang mga papeles?" mahina kong tanong.

Bahagyang ibinaba ni Charles ang tingin. "Iskeskedyul ko sa abogado ko."

"Sige. Hihintayin ko ang tawag mo."

Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, muling tumingin siya sa akin.

"May sakit si Rita. Gusto ko lang tuparin ang huling kahilingan niya."

Isinara ko ang aking kamao at lumunok. Tila may nakabara sa lalamunan ko.

Tinutupad lang ni Charles ang huling huling hiling ni Rita? Napakagaling na tao!

Pero kailangan ba niyang gawin iyon sa aking kapahamakan?

Sa totoo lang, wala akong karapatang masaktan dito. Pagkatapos ng lahat, isa lang akong huwad na Mrs. Moore. Peke. Pamalit. Panakip-butas.

"Naiintindihan ko." Tumango lang ako, kahit sa totoo lang, puno ang loob ko ng mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

"Kung kailangan mo pa ng iba, ipapasama ko na lang sa abogado ko sa kasunduan."

"Hindi, ayos lang ako. Sapat na sa'kin kung ano ang nakasulat sa kasunduan." Kahit masakit, pinilit kong ngumiti.

"Bisitahin mo si Rita bukas." Tumayo si Charles at nagsimulang humakbang patungo sa akin.

Matibay ang huling sinabi niya. Hindi niya ako iniimbitahan upang makita ang babae niya. Bagkus, inuutusan niya ako.

Ano ba ang tingin ni Charles sa akin? At bakit ko dapat makita ang babaeng niya? Gusto lang ba niyang dagdgan ang sakit ng sugat ko?

"At bakit ko gagawin 'yon?" Tinanong ko siya ng seryoso.

"Ayokong sisihin niya ang sarili niya sa paghihiwalay natin. Sabihin mo sa kanya na may mahal kang iba. Tiyakin mo na ang desisyon nating tapusin ang kasal ay walang kinalaman sa kanya." Huminto siya sa harapan ko at mariing tumitig sa aking mga mata.

"Ayun lang ba? Walang problema."

Gusto kong tumanggi. Bakit ba sobrang hirap siyang tanggihan? Kailangan niya lang tumingin sa aking mga mata at susuko na lang ako nang walang laban.

"Salamat. Susunduin kita bukas."

"Huwag na. I-text mo na lang sa akin ang address at pupunta ako."

Tumingin si Charles sa akin nang huling beses at nagsimulang maglakad palayo.

Pinanood ko ang kanyang papalayong anyo habang ang mga luha ay bumubukal sa aking mga mata. Itinago namin ang aming kasal nang tatlong taon. Walang nakakaalam dito maliban sa aming pamilya at malalapit na kaibigan. Ilang buwan na ang nakalimupas mula nang iulat ng media ang engagement nina Charles at Rita. Maging ang mga larawan ni Rita habang sinusukat ang kanyang wedding gown ay kumalat sa Internet. Kay ganda ng kanilang tambalan!

Ilang gabi kong tinitigan ang mga larawan na iyon. At sa bawat pagkakataon, awtomatikong lumilipat ang tingin ko kay Charles. Noong mga panahong iyon, naisip ko na hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na hangga't kasal kami, may pag-asa pa ring mamahalin niya ako at magiging totoo ang relasyon namin. Minahal ko siya at sapat na 'yon.

Hindi ko naisip na kailangan niya rin akong mahalin pabalik at hindi lamang saglit. Kay tagal kong pinangarap na mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Tatlong taon ang sinayang ko kakahintay sa kanya. Kahit malayo kami, sinikap kong ipakita ang pagmamahal at malasakit ko sa kanya. Subalit wala akong natanggap na kapalit. Isang araw, nagising na lang ako at hinayaan kong durugin ako ng katotohanan.

Nang araw na iyon, namatay ang dating Scarlett na malambing at mapagmahal. At mula sa kanyang bangkay ay bumangon ang bagong Scarlett. Ngayon, nakasuot siya ng baluting napakakapal na walang espada o sibat ang makakasira.

Hila-hila ang mga maleta, umakyat ako sa kuwarto at nagsimulang ilabas ang aking mga damit. Pagkatapos, naligo ako at nagpalit ng pangtulog. Kung titingnan, tila hindi nagalaw ang silid mula noong ako ay umalis. Walang kahit ano ang nabago sa puwesto, ni kulubot sa kumot. Halatang hindi namalagi si Charles dito kahit isang gabi. Marahil nandoon siya sa ibang lugar, kasama si Rita.

Hindi ko mapigilang mapangiwi nang maisip ito. Pumunta ako sa balkonahe upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa aking pagkagulat, nakita kong nakaparada pa rin ang kotse ni Charles sa daanan.

Bakit nandito pa rin siya? Hindi ba nagmamadali siyang umalis kanina para makabalik sa mahal niyang Rita?

Habang nakatitig ako sa sasakyan at lumilipad ang isip, biglang tumunog ang telepono ko. Tumatawag ang matalik kong kaibigan na si Tiana. Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Uy, Tiana!" bati ko sa kaibigan.

"Gaga ka! Maligayang pagbalik!"

"Salamat."

"Nasa business trip pa rin ako. Pasensiya na hindi kita nasundo sa airport kanina."

"Okay lang. Dapat naman talagang inuuna ang trabaho."

"Mamalagi ka na ba rito, o aalis ka agad ulit?"

"Dito muna ako sa ngayon."

"Aba, ayos! Halika't magtrabaho sa TV station namin. Bagay ka rito. Nagtapos ka sa kursong media, maganda ang boses mo, at napakaganda mo. Sigurado akong mamahalin ka ng mga tao. Sinasabi ko sa'yo, bagay na bagay ka rito. Ano sa palagay mo?"

"Bakit hindi?" natatawa kong sabi.

"Nakausap mo na ba si Charles?" Bigla na lamang humina ang kaninang masiglang boses ni Tiana. Para bang tinatantya niya ang magiging reaksyon ko.

"Oo." Muli kong tiningnan ang sasakyan ni Charles na nakaparada.

"Sinabi niya ba sa'yo ang tungkol sa babae niya?"

"Oo."

"Hay nako. Ang kapal ng pagmumukha niya! Sino ba siya para sabihan ka tungkol sa ahas na 'yon?"

"Relaks ka lang, Tiana. Alam mo bang sinabihan niya akong bisitahin si Rita bukas? Pumayag naman ako."

"Ha? Anong sabi mo? Pumayag kang makipagkita sa babaeng umagaw ng esposo mo? Scarlett, nababaliw ka na ba? Inakit ng babaeng 'yon ang asawa mo, at hinimok ang asawa mong makipaghiwalay sa'yo. Di ko talaga alam kung bakit siya nag-aaksaya ng lakas. Hindi siya tinanggap ng pamilya Moore para kay Charles sa loob ng tatlong taon. Bakit sa tingin niya tatanggapin na siya ngayon?" Halos sumisigaw na si Tiana sa kabilang linya.

"Tapos na ang usapan. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat." Ngumiti ako nang bahagya.

"Kakalimutan mo na lang ang lahat? Scarlett, mahal mo pa rin siya, hindi ba?"

Hindi ako sumagot. Aminado ako sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Walang segundong hindi ko siya inisip.

"Hoy, Scarlett!" Bigla akong natigilan nang marinig ang sigaw ni Tiana.

"Pagod na ako, Tiana. Bukas na lang ulit tayo mag-usap. Sana'y magkita tayo ulit."

Agad kong ibinaba ang telepono bago pa makasagot si Tiana at huminga nang malalim. Hanggang ngayon ay nakaparada sa labas ang sasakyan ni Charles, at mukhang wala siyang balak umalis. Pero ano nga ba ang paki ko?

Sa isang iglap, tila bibigay na ang katawan ko sa pagod. Bumalik ako sa kuwarto at nahiga. Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatitig sa kisame, naghihintay na dumapo ang antok. Ilang sandali pa, may narinig akong katok sa pinto.

Kinusot ko ang antok sa mata, bumangon mula sa pagkakahiga, at binuksan ang pinto. Nadatnan kong nakatayo si Charles sa labas.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Kabanata 71 Nasa Ilalim Ng Panganib   Ngayon00:05
img
15 Chapter 15 Halik
28/03/2025
18 Kabanata 18 May Lagnat
29/03/2025
20 Kabanata 20 Pag-inom
31/03/2025
23 Chapter 23 Magulo
31/03/2025
27 Chapter 27 Pagpapala
31/03/2025
28 Chapter 28 Lasing
31/03/2025
33 Kabanata 33 Ikaw Iyon
01/04/2025
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY