/0/31167/coverbig.jpg?v=9a6e554bcaa7a45079ce24a6f2a592d4)
Celina Rose Montoya, the second princes of Montoya clan is desperately chasing to the man she crush on since she was young, Vincenzo Leonard Ferguson. A man who used her to avenge to her sister. And it too late for her to realize it when she was already drag into dark.
''Ang assumera mo naman, binigyan ka lang ng tubig tingin mo gusto ka na niya! Pwes itatak mo d'yan sa bobo mong utak na hinding-hindi ka niya magugustuhan dahil ako ang crush niya!'' Galit na sigaw ni Laira sa akin habang dinuduro nito ang noo ko.
''Kaya ito!!'' saad niya at mabilis na hinablot ang boteng tubig na hawak ko. Ibuhos nito ang tubig sa aking ulo na bahagya kong ikinatili.
Tumawa lang sila nang tumawa kasama ng kanyang mga kaibigan. ''Ayan para mahimasmasan ka sa kahibangan mo hahahaha!!!''
Hindi pa ito na kuntento dahil matapos ng kanyang ginawa at pinagsasabi saakin ay itinapon naman niya ang bote na wala ng lamang sa mukha ko bago sila tumalikod at lumabas ng banyo habang tumatawa parin.
Kinislot-kislot ko ang aking mata. Nararamdaman ko na naman ang panginginit ang gilid ng aking mata at pagkakaroon ng bukol sa aking lalamunan.
Sa ilang beses na ginawa nila ang ganoong pagtrato saakin ay hindi parin ako masanay-sanay.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kay Laira at galit na galit ito sa akin. Nagawa pa akong isugod dito sa banyo matapos namin ng P.E class para lang gawin ang mga ganoong bagay.
Siguro dahil na naman iyon kay Soren, siya lang naman ang kadalasang kinaiinisan sa akin ni Laira.
Si Soren bilang isang magaling na basketball player sa buong campus. Maraming mga kababaihan ang nakakagusto rito at inaamin ko rin na isa ako sa mga humahanga sa kanya.
Kaya kanina sobrang saya ko ng bigla na lang niya akong inabutan ng tubig pagkatapos naming maglaro ng valleyball. Hindi iyon nakaligtas sa mata ng mga kaklase namin at agad na tinukso kami sa isa't isa.
"Oh, anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Iya ng madatnan nito ang itsura ko na nakatayo sa loob ng banyo.
"H-hindi, ah." Tanggi ko kahit halata naman iyon sa aking boses.
"Sinungaling! Kung gano'n anong nangyari sa mata mong namumula? Nakadrugs ka gano'n? Tsaka bakit basang basa ka?" Sipat nito, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sakanya o hindi. Dahil tulad ni Iya ay kilalang-kilala ko rin siya. "Ano? Hindi mo sasabihin saakin?! Hello, nagtatanong kaya ako." Inip na sambit nito ng hindi ako sumagot.
"Si L-laira kasi," sumbong ko na parang siya ang aking mga magulang o guro.
"Aba't nagpapaapi ka na naman!" Inis na singhal nito sa akin at niyakap ako upang patahanin. ''Huwag kang mag-alala tuturuan natin ng leksyon 'yang bruhilda na 'yan." Saad nito habang tinapik tapik ang likod ko.
Sabi ko na nga ba, masamang magsumbong sa isang 'to.
Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan kaming sumilip ni Iya sa baba para tingnan kung nandoon ba ang aming target. Ang totoo hindi ko gusto ang ginagawa namin ngunit sadyang mapilit lang si Iya, kaya sinamahan ko na lang sa kalokohan niya, tutal para rin naman daw iyon sa akin.
At tama nga kami dahil kitang-kita namin mula rito sa taas ang mga pinaggagawa nina Laira sa baba o likod nitong paaralan. Hindi na ako nagulat ng makita silang nanonood ng kahalayan sa kanyang cellphone.
"Ang ganda naman ng tayming, saktong-sakto. Paniguradong naiinitan na ang mga iyan kaya kailangan natin silang bigyan ng pampalamig hahahaha." Mahinang tawa ni Iya habang nakadungaw sa tatlong babae sa baba.
Tiningnan ko muli ang dala naming balde na may lamang tubig at yelo ngunit ang tubig na pinagkuhaan ni Iya ay mula sa pinaglubluban ng isda kaya masangsang ang amoy nito. Ninakaw pa talaga namin iyon sa kusina ng canteen.
Napatakip na lang muli ako ng ilong at tiningnan si Iya.
"Sigurado ka ba dito, Iya? Parang sobra naman yata 'to." Tanong ko sa kanya.
"Loka! Ngayon na nga lang tayo gaganti sa bruhildang iyan makokonsensya kapa!" Inirapan ako nito at muling dumungaw.
Wala tuloy akong nagawa ng makitang hinahanda na niyang buhusan ang tatlo ngunit bago iyon ay tiningnan ko muna sina Laira na walang ka-malay malay sa aming gagawin at tuwang-tuwa pa sa pinanonood nitong porn.
"1, 2, 3, himasmasan time!" Aniya bago tuluyang ibinuhos ang tubig.
Isang matinis na sigaw ang aming narinig mula sa kanila kaya bago pa man nila kami makita ay mabilis na kaming tumakbo ni Iya mula sa pinakamataas na palapag ng paaralan pababa.
"Ang balde nga pala Iya, nasaan na?" Takang tanong ko ng makitang hindi niya iyon dala ng bumaba kami.
"Pinasunod ko na sa kanila." Kibit balikat na sagot niya.
"Ano? Tinapon mo rin sa kanila?!" Gulat na tanong ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya nang tumango lang ito.
"HAHAHAHAHAHA!!!"
Nang dahil doon ay mas lumakas pa ang tawa naming dalawa at halos gumulong-gulong na kami sa hallway, sumasakit narin ang tiyan namin sa kakatawa at halos kapusin na kami ng hininga.
Tumigil lang kami sa pagtawa ng biglang may tumikhim sa harapan namin. Kaya dali-dali kaming tumuwid nang tayo ni Iya.
"Good afternoon Mrs. Guillermo." Sabay na bati naming dalawa kay Mrs Guillermo, ang unang guro namin sa hapon.
"Anong pinagtatawanan ninyo?" Mahinang tanong nito.
Mahinang siniko ko si Iya senyales na siya ang sasagot sa tanong ni Mrs Guillermo.
"W-wala po ma'am, n-nagbibiruan lang kami ni Celina kanina..."
"Gano'n ba. Mabuti pa pumasok na kayo sa classroom niyo, pakidala na rin ito at may dadaanan lang ako." Habilin nito saamin ng librong hawak niya.
"Sige po ma'am." Sagot namin at mabilis na tumakbo sa loob ng classroom.
Kahit sa loob ng classroom ay hindi parin kami tumigil sa kakatawa haggang sa dumating si Mrs Guillermo at hindi namin inaasahang kasunod nito sina Laira.
Tuloy nangangamoy malansa ang buong silid kaya panay ang reklamo ng mga kaklase namin. Kahit pa nakapagpalit na sina Laira ng damit ay tila dumikit parin ang malansang amoy ng tubig sa katawan nila.
Habang ako at si Iya ay tahimik na bumungisngis sa dulo ng silid, tumigil lang kami nang sitahin kami ni Mrs Guillermo at tumingin ng masama sa amin sina Laira.
Natapos ang buong klase na puro reklamo ang natatanggap nina Laira sa mga kaklase namin dahil sa amoy nila, habang ang iba ay kunukutya sila na badjao o malansang isda.
Imbes na maging masaya ako dahil nakaganti din ako sa lahat ng ginawa niyang pambubully sa akin ay kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. Konsensya, yan ang naramdaman ko dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang nilalait at pinagtatawan.
Nang lingunin ko si Iya ay tahimik lang itong nakipagtarayan kay Laira sa pamamagitan ng kanyang pagtaas ng kilay at pag-irap dito.
Nang uwian na namin ay hinintay ko muna si Iya sa labas ng gate dahil may binalikan pa ito sa loob ng paaralan. Habang nagmamasid sa mga tao na nagsisidaan sa harapan ko ay nahagilap ng mata ko ang maliit na pusa sa gitna ng kalsada. Tiningnan ko muna ang magkabilang kalsada kung may dadaang sasakyan ba. Nang makitang wala naman ay mabilis ko itong nilapitan at kinuha.
Hinimas-himas ko muna ang ulo ng pusang itim na tila nawawala sa kanyang ina. Babalik na sana ako sa aking kinatatayuan kanina ng may bilang humablot ng kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib ng taong humatak sa akin at kasabay no'n ay ang mabilis na pagdaan ng motor sa mismong kinatatayuan ko kanina.
Pinaghalong takot at gulat ang naramdaman ko ng mga oras na 'yon, halos hindi ako makagalaw mula sa pagkakayap ng kung sino mang taong nasa harapan ko. Ngunit mas lalo pa akong natulala nang pakawalan na niya ako at makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Kasabay din no'n ay ang pagbabago ng naramdaman ko, tila hindi na ito takot o gulat dahil sa dobleng pagbilis nang tibok ng puso ko. Tumigil din ang pagkilos ng tao sa buong paligid at ang paghina ng tunog sa mga nagdaang sasakyan sa kalsada sa aking pandinig.
"Are you ok?" Tanong niya "Hey!" Pagtawag niya sa atensyon ko ng hindi ako sumagot sa kanyang tanong.
"O-oo." Utal na sagot ko habang tumatango-tango ngunit hindi ko parin maalis ang aking paningin sa maamo niyang mukha.
"Sa susunod huwag ka ng tatayo sa gitna ng kalsada." Pangaral nito na ikinatango ko lang ulit.
"Salamat," mahinang usal ko. Tumango lamang siya at ngumiti sa akin dahilan para lumabas ang dalawang biloy niya sa kanyang pisngi.
Lumagpas ang kanyang paningin sa likod ko. "Mama!" Masayang sigaw nito, dali-dali siyang tumakbo sa tarangkahan ng paaralan.
Tila mababali pa yata ang ulo ko kakasunod sa kanya ng tingin, haggang sa makita kong sinalubong ito ng yakap ni Mrs Guillermo.
"Hoyyy!" Inis na sigaw ni Iya ng makarating ito at ngayon ay nakatayo na sa harapan ko."Ano ba?! Hindi mo ba ako papansinin?kanina ka pa tulala d'yan!" Pagalit na sabi nito.
"Crush ko,'' nakangiting sambit ko habang tiningnan ang lalaking tumulong sa akin, imbes na sagutin si Iya.
"Huh? Sino? Si Soren?" Naguguluhang tanong ni Iya.
"Crush ko na yata siya." Pagpatuloy ko pa sa sinabi ko kanina. Sinundan ni Iya ang paningin ko hanggang sa pareho na kaming nakatitig sa lalaking tumulong sa akin.
At doon nagsimula ang lahat. Ang unang beses na nagkagusto ako sa taong ngayon ko lang nasilayan. Ang taong bumihag ng puso ko sa unang pagkakataon na hindi niya kailangan magpasikat para patibukin ng mabilis ang puso ko. Ang unang taong hinangaan ko sa simpleng pagsagip sa akin.
Crush at First sight yata ang tawag sa ganitong nararamdaman. O baka love at first sight.
"Ate, ate yung pusa ko po."
Doon lang ako nagising sa pagkatulala ng biglang may mahinang humila sa damit ko. Nang tingnan ko iyon ay isang batang babae na mukhang kanina pa nakatingala sa akin.
"Snatcher ka na pala ng pusa ngayon Celina," komento naman ni Iya.
Hindi ko ito pinansin at tiningnan ang bata na medyo maliit lang sa akin. Nakangiting ibinigay ko sakanya ang ang pusa niya.
"Salamat sa pusa mo." Pasasalamat ko dito na siyang ikinakunot ng noo niya dahil sa pagtataka.
"Di'ba po ako ang dapat na magpasalamat?" Inosenteng tanong niya.
Umiling naman ako sa tinuran niya. "Hindi. Salamat sa pusa mo kasi nakita ko true love ko." Pagkasabi ko no'n ay isang pukpok sa ulo ang natanggap ko. Nang tingnan ko kung sino ang may kagagawan niyon ay ang matalim na mga mata ni Ate ang bumungad sa akin.
Patay!
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"