Get the APP hot
Home / Romance / CRAVE (FILIPINO)
CRAVE (FILIPINO)

CRAVE (FILIPINO)

5.0
70 Chapters
8.3K View
Read Now

About

Contents

STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT [R18]: (FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY SEQUEL) Hindi pinangarap minsan man ni Jenny sa buhay niya ang maging kabit pero nangyari parin iyon. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumayo upang makalimot nang malaman niya ang totoo. But life is full of surprises dahil muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Jason. Si Jason, ang lalaking unang umangkin ng lahat ng kaya niyang ibigay, at sa pagkakataong ito aware si Jenny na ang desire niya para sa dating nobyo ay mas matindi, at ganoon rin naman ito sa kaniya. The reason why she is so ready to get burned. Masyadong malakas ang pangangailangan nila para sa isa't-isa that can even happen kahit sa simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata.

Chapter 1 MISTRESS

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?" bakas sa tono ng pananalita ng ina ni Jenny na si Weng ang pag-aalala habang inaabala ng dalaga ang sarili sa pag-e-empake ng ilang personal na gamit na dadalhin niya.

Tumango si Jenny saka tinitigan sandali ang kaniyang ina bago ipinagpatuloy an ginagawa. "Sandali lang ho ako doon, mga dalawang linggo, magpapalipas lang ng sama ng loob," aniyang mapait pang ngumiti pagkatapos.

Noon ginagap ng nanay niya ang kaniyang kamay saka iyon marahan na pinisil. "Wala kang kasalanan, biktima ka rin," ang makahulugan nitong winika habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Sa ginawing iyon ng kaniyang ina ay mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang napaiyak. Mabilis naman siya niyakap ng nanay niya saka pagkatapos ay naramdaman na niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang likuran.

"Magiging maayos rin ang lahat. Tama rin ang naisip mo na magbakasyon muna, kahit papaano makakatulong iyon para sa muli mong pagbangon," anitong saka siya pinakawalan at nakangiting pinagmasdan. "Hindi pa huli ang lahat para sa iyo, maganda ka at matalino, may maganda at matagumpay na negosyo, makakakita ka ng lalaking deserve mo," payo sa kaniya ng kaniyang ina.

Hindi sumagot si Jenny sa sinabing iyon ng kaniyang nanay.

Naniniwala naman siya doon.

Pero siguro nga dahil sa nangyari kailan lang ay nasasaktan parin talaga siya. At iyon ang dahilan kung bakit mas pinili niya ang umalis muna ng Maynila at magbakasyon sa isang tahimik na lugar katulad ng Baguio City.

"Kung kailangang I-extend mo ang bakasyon mo, walang problema. Ang importante sa akin, maging maayos ka," pagpapatuloy ng nanay niya.

Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya.

"Magpapahanda na ako ng pananghalian, o siguro mas maganda kung sa pagkakataong ito ay ako ang magluluto para sa iyo?" sa tono ng pananalita ni Weng ay hindi napigilan ng dalaga ang tumitig sa ina.

Mabilis na naramdaman ni Jenny ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng kaniyang mga mata dahil doon. Kasabay ang tuluyan na ngang pagbalong ng kaniyang mga luha.

"Nay," aniyang mahigpit na yumakap sa kaniyang ina pagkatapos.

Noon hinaplos ng nanay niya ang kaniyang likuran. Maswerte siya na sa kabila ng lahat ay nagagawa parin siyang unawain ng kaniyang ina. Pero hindi naman niya ginusto ang lahat. Dahil kung tutuusin sa loob ng kulang isang taon hindi niya inakala na ang lalaking itinuturing niyang nobyo ay may asawa at anak na pala. Sa madaling salita naging kabit siya.

Tama, hindi niya alam pero isa pala siyang kabit. At nagagalit siya hindi lang kay Ryan kundi mas higit sa sarili niya, dahil nagawa siya nitong lokohin nang hindi man lang niya namamalayan.

Si Ryan ay nakilala niya sa isang seminar na dinaluhan niya sa Batangas mahigit isang taon narin ang nakalilipas. Manager ito sa hotel kung saan ginanap ang seminar.

Mabait si Ryan kaya naman hindi naging mahirap para sa kaniyang ang pagkatiwalaan ito. Bagay na hindi niya madaling gawin dahil sa nakita narin niyang karanasan ng nanay niya sa kaniya mismong ama. Dahil katulad niya, ang ina niyang si Rowena ay biktima rin ng tatay niya na nagpakilalang binata pero may pamilya na pala.

Anak siya sa labas.

At dahil nga ayaw niyang sundan ang yapak ng kaniyang ina katulad narin ng madalas na ipaalala ni Rowena sa kaniya, iningatan niya ang sarili niya. Pero hindi niya natupad ang bagay na iyon, dahil noong kolehiyo siya, may isang lalaking minahal siya ng labis kaya nagawa niyang ibigay ang virginity niya rito.

"Magsabi ka nga ng totoo sa akin anak, may nangyari ba sa inyo ni Ryan?" nang ina niya na tinitigan siya ng tuwid sa kaniyang mga mata.

Mabilis at magkakasunod na ipinilig ni Jenny ang kaniyang ulo. "Wala po," pagsasabi niya ng totoo.

Bukod sa lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae noong nasa kolehiyo pa siya ay si Ryan lang ang sumunod na naging nobyo niya. Pero hindi katulad ng nangyari noong una, sa pagkakataong ito ay hindi siya pumapayag na may mangyari sa kanila ni Ryan. Bagay na labis niyang ipinagpapasalamat.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nasasaktan parin siya bukod sa katotohanan na mahal niya si Ryan ay nagagalit rin siya sa sarili dahil kahit wala siyang alam at kung tutuusin ay biktima rin siya, naging kabit parin siya at muntik nang makasira ng pamilya.

Kahapon lang niya nalaman ang totoo. Laking pasasalamat nalang niya at hindi eskandalosa ang asawa ni Ryan na si Miriam. Pinuntahan siya nito sa kaniyang bakeshop saka kinausap, noon nga niya nalaman ang totoo.

Limang taon na palang kasal si Ryan kay Miriam at mayroon nang dalawang anak. Matapos malaman ang totoo ay agad niyang tinawagan ang lalaki. Sa simula ay ayaw nitong umamin sa kaniya. Pero dahil narin sa pagpupumilit niya ay nagawa rin nitong sabihin sa kaniya ang totoo.

Labis na sama ng loob ang naramdaman ni Jenny. Mahal niya si Ryan pero malaking kasalanan ang ipagpatuloy ang lahat ng mayroon sila. At kung sakaling nagkataon sana na nalaman niya sa simula pa lang ang totoo, hindi niya papasukin ang ganoon.

"Mabuti naman kung ganoon, tama ang ginawa mo dahil mas higit sa kaniya ang pwedeng magmahal sa iyo. Kung saan magiging masaya ka," ang nanay niya habang tinutuyo ang basa niyang mukha.

Tumango si Jenny saka nakaramdam ng agarang pagluluwag ng kalooban at pag-asa sa sinabing iyon ng kaniyang ina. "Salamat nanay," ang tanging nasambit niya.

*****

MABIGAT ang buntong hininga na pinakawalan ni Jason habang nakatitig sa lapida ng puntod ni Ara.

"Ara, alam ko masaya na kayo ni Daniel. Tama lang na hindi ko ipinaglaban ang totoong nararamdaman ko para sa'yo, dahil sa huli, hanggang sa kabilang buhay kayong dalawa rin pala ang magkakasama," ang kabilang bahagi ng isipan ni Jason habang tahimik na pinagmamasdan ang pag-aalab ng kulay putting kandila na sinindihan niya.

"Gusto kong maging masaya, pero nagiging mahirap iyon para sa akin kasi nararamdaman ko na palaging may kulang. May hinahanap ako na hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung ano. May hinahanap ako na tila ba naiwala ko noon at parang pinanghihinayangan ko ngayon at hindi ko matukoy kung ano iyon," pagpapatuloy niya saka hinaplos ang kulay puting lapida.

Ilang sandali lang ang pinalipas ng binata at umalis narin siya doon. Dumaan lang siya sa puntod ni Ara at sinadya talaga niya iyon sa bayan ng San Ricardo. Bumiyahe siya ng kulang dalawang oras para lang kausapin at dalawin ang matalik na kaibigan niyang isang taon naring patay at nakalibing doon.

Noong college sila, unang kita palang niya kay Ara ay nagustuhan na niya ito dahil bukod sa katotohanan na maganda ito ay talagang mabait ang dalaga. Kasama niya si Ara na student assistant sa library at iyon ang naging simula ng pagiging malapit nilang dalawa na sa huli ay nauwi sa matalik na pagkakaibigan.

Pero iba ang nangyari sa kaniya, na-inlove siya kay Ara. Ang masakit nga lang ay hindi sila pareho ng nararamdaman, dahil si Daniel ang nasa puso nito, at huli na nang malaman niya ang tungkol sa lihim na relasyon ng dalawa.

Namatay si Daniel dahil sa malubhang karamdaman. Leukemia. Pero siguro ganoon talaga ang totoong pagmamahal dahil nanatili ang pagmamahal ni Ara para sa yumao niyang isa pang matalik na kaibigan. At iginalang niya ang katotohanang iyon, pero sa kabila ng lahat ay nanatili siya sa tabi ni Ara. Hindi niya ito iniwan, kaya labis niyang dinamdam ang pagkawala nito.

Sinubukan niyang ibaling sa iba ang nararamdaman niya para kay Ara. Marami siyang naka-date at isa sa mga iyon ang totoong hindi niya nakalimutan. Hindi niya alam kung bakit pero sa paglipas ng mahabang panahon, may mga pagkakataon na bumabalik parin ang mga alaala nilang dalawa sa isipan niya.

Kahit hindi niya aminin iba ang kaligayahan na ibinibigay sa kaniya ng mga ngiti at kislap ng magaganda nitong mga mata. At init naman kapag naaalala niya kung sa papaanong paraan nito isinuko sa kaniya ang lahat ng paulit-ulit. At aminado siya na hanggang ngayon ay sumasagi parin ang lahat sa isipan niya. Kahit matagal na panahon narin ang nakalilipas.

"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero alam mo kahit minsan hindi nawala ang kaibigan mo sa isipan ko. At may bahagi dito sa puso ko ang tila ba nagsasabing hanapin ko siya, dahil kailangan niya ako," muli ay ang kabilang bahagi ng isipan ni Jason habang naglalakad siya palayo sa lugar na iyon.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 70 FRATERNAL TWINS   02-14 13:56
img
32 Chapter 32 TORN
03/10/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY