/0/33196/coverbig.jpg?v=7e217fe65b12556a6280cfbd56da5568)
"`Di ba kapag mahal mo, hahabulin mo..."
"`Di ba kapag mahal mo, hahabulin mo..."
PROLOGUE
NAPALUNOK AKO NANG GAGAPIN ni Kim ang mga kamay ko na nakalapag sa mesa. Napatitig ako roon saka nag-angat ng mukha. Nasa isang sikat na restaurant kami ngayong gabi. Bago siya magsalita ay malapad na ngumiti muna siya sa akin.
"I'm so excited to see you tomorrow at the altar. Wearing..."
Pinutol ko ang sasabihin ni Kim sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo ko sa mga labi niya. Sinundan ko `yon ng matamis na ngiti. "Sshh. Enough of exchanging sweet words. Reserve them for tomorrow."
"You know these sweet words won't ran out. I love you, Seb..."
"I love you, too..."
Pagkatapos no'n ay kinintalan ko siya ng halik sa gilid ng kanyang mga labi at lumunok. Sobrang saya ko, dahil sa wakas, ikakasal na kaming dalawa. Sa loob ng ilang taong paghihintay, heto na, mangyayari na. Ilang oras na lang.
Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang tulog ko mamaya dahil tulad ng palagi ay siya lang ang nasa isip ko-si Kim.
Kung sa mga pelikula, ang mga babaeng malapit nang ikasal ay sobrang saya ang nararamdaman, ganoon din ang mga lalaki. Ganoon din kami. O kaya mas doble pa ang sayang nararamdaman namin.
Ilang taon din kaming nagplano para sa aming dalawa. It's now a relief. Pero mas excited ako sa susumunod pang buwan at taon na kasama si Kim.
Pagkatapos naming kumain ay marami pa kaming napagkuwentuhan. Kung ano-ano lang. Kalahati yata ng pag-uusap namin ay nauuwi sa titigan. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang babaeng niyaya kong pakasalan. Noong araw na nakita ko siya ay alam ko nang nag-iisa siya, na bukod tangi siya. Na walang ibang babae na makakapagpasaya sa akin kundi siya lang.
Sobra ko siyang nari-respeto at walang oras o minuto ang lumilipas na hindi siya sumasagi sa isip ko.
She's the one, she's really the one.
Wala akong ibang babaeng hihintayin sa altar kundi si Kim lang. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi siya. Masasabi kong napakasuwerte ko sa kanya dahil sa maraming bagay at um-oo siya sa alok kong kasal sa kanya.
Noong um-oo siya, walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo. Bukas nga ay kasal na namin. Hindi na yata ako makapaghintay. Daig ng excitement ko ang pagdalaw ng antok ko sa `kin. Hindi ko yata magagawang ipikit ang mga mata ko dahil nangangamba akong baka paggising ko ay late na. O `yong... ayaw kong ang bride ko pa ang maghintay sa akin sa simbahan.
Hinatid ko si Kim sa bahay nila. "Tumawag ka kapag nakauwi ka na, ha?" paalala niya sa akin nang makababa na siya ng kotse.
"Opo," sagot ko at ngumiti. Gumanti rin siya ng ngiti sa akin.
Nang makarating nga ako ng bahay ay tumawag ako. Sumagot agad siya. "Nakauwi ka na ba?" Iyon ang bungad sa akin ni Kim.
Humugot ako nang malalim na hininga. Marinig ko lang siya ay para nang nagpa-flashback sa utak ko ang magandang mukha niya. Napakaganda ni Kim. At araw–araw akong in love sa kanya. Alam kong ganoon din siya sa akin. Nararamdaman ko `yon. "Nandito na," sagot ko. "Matulog na tayo." Pero sa tingin ko nga ay hindi ko kayang matulog. I wanted to sleep but I doubted if I could.
"I love you," sabi pa niya.
"Mahal na mahal kita. Hindi na talaga ako makapaghintay sa sasabihin mong 'I do.'
"Yes, I do," natatawang wika ni Kim.
Tumawa rin ako. "You really are excited, huh?"
"Of course. Matagal nating hinintay `to, `di ba? I can't wait, baby."
"Me, too."
Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang tawag dahil ayaw daw niyang makita ko siyang may eyebags bukas. Pero ako heto, nakatitig lang sa puting kisame na animo ay nakapinta sa kisame ng kuwarto ko ang magandang mukha niya. Nakangiti siya sa akin.
Nakatulog pa rin ako. Nagising ako ng alas singko. Ilang oras lang yata ang tulog ko. Bago ako bumangon ay tumitig muna ako sa larawan niyang nakapatong sa mesang nasa tabi ko. "This would be our unforgettable wedding, baby," pagkausap ko sa larawan ni Kim. Kuha iyon noong nagbakasyon kami sa Boracay.
May sorpresa ako pagkatapos ng wedding ceremony namin mamaya. Pagkatapos mismo ng kasal namin ay tutulak kami sa Hawaii para sa honeymoon namin. Iyon ang hindi niya alam dahil ang alam niya lang ay doon kami tutuloy sa bahay na regalo ni Papa para sa amin.
Mabilis akong naligo, nagbihis, at bumaba na.
Pagdating namin sa simbahan ay marami na ang mga tao. Kasama ko sina Mama at Papa.
Halos lahat ng kaibigan namin ni Kim ay inimbitahan namin. Gusto namin, ang lahat ng taong naging parte ng relasyon namin ay makasaksi sa pagselyo ng pag-iibigan namin. Ilang minuto lang ay dumating na si Kim. Mas lumapad ang ngiti ko. Humugot ako nang malalim na hininga. Ni hindi ako mapakali dahil excited talaga akong makita siya nang malapitan at gustong-gusto ko na siyang halikan.
Tumunog na ang kampana.
Nagsimula na.
Nagsimula nang maglakad ang mga ring bearer at flower girls. Sunod-sunod na `yon. At ang pinakahihintay ng lahat-lalo na ako ay ang wife-to-be ko. Napakaganda niya sa suot niya. Mas lalong tumingkad ang ganda niya dahil sa tamis ng ngiti niya... pero agad din namang napalis ang ngiti niyang iyon.
Kumunot-noo ako. Nahulog ang hawak niyang bouquet. Tumulo ang mga luha niya, umiling-iling at pagkatapos ay tumakbo palayo. Parang nagtalo-talo ang iba't ibang tanong sa utak ko. "Kim! Kim!" Halos mamaos yata ako sa kakatawag sa kanya. Hindi ko siya magawang habulin dahil parang tinakasan ng lakas ang mga binti ko.
NAGING MAINGAY ANG PALIGID pero nawala agad iyon sa pandinig ko.
Namanhid ang puso ko at dumaloy iyon sa mga ugat ko na naging sanhi nang panghihina ko. Napaluhod na lang ako sa carpeted na sahig. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Para akong nabingi at tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko, ang paglunok ko, at maging ang pagpatak ng mga luha ko sa sahig na animo para akong nasa pelikula na pulos slow motion habang pinatutugtugan ng madramang kanta.
Parang hindi pa tumitimo sa isip ko ang nangyayari. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung anong tanong sa utak ko ang uunahing sagutin ng utak ko, o kaya'y ni isang tanong ay wala akong kayang sagutin. Para akong tinarakan ng punyal sa dibdib, at agad na hinugot iyon sa akin. Para akong binunutan ng pakpak at ngayon ay hindi ko na magawang gumalaw para lumipad. Para akong kinunan ng tubig sa katawan hanggang sa makaramdam ako nang labis na pagkauhaw. Parang... ah, hindi ko na kaya.
Sabik. Nagtatanong. Gulong-gulo. Hindi alam ang gagawin. Umiiyak.
Ni hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay ako lang ang tao sa simbahan, kinakausap nila ako pero ni isang salita ay walang pumapasok sa radar ko. Naramdaman ko ang mahigpit na mga kamay na humawak sa kamay at balikat ko. Itinayo ako ng kung sino. Walang rumirehistrong pangalan sa isip ko. Hinahawakan ako ng lalaking katabi ko-sigurado akong ano mang oras ay puwede akong bumagsak at hindi ko na ulit alam kung paano pa ang bumangon. Pakiramdam ko ay sobrang hina ng katawan ko. Para akong lantang gulay... walang imik, hindi ko kayang gumalaw, walang buhay. Animo halaman na ilang araw nang naghihintay ng tubig-ulan para mapawi ang uhaw.
Paunti-unti ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil hindi talaga ako makarinig. Sumigaw ako pero ni sarili kong boses ay hindi ko marinig. Sumakit na ang lalamunan ko pero ni isang salita ay wala akong kayang pakinggan.
Sobrang kunot na ng noo ko nang humarap sa akin si-Mama. Sa wakas ay nakaalala na rin ako. Nagsasalita siya, pero wala akong marinig. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "Mama..." sambit ko. Naririnig ko na ang sarili kong boses pero napakahina niyon.
"Kaya mo `to. Malakas ka. Umalis na muna tayo rito," sabi ni Mama. Medyo malinaw na sa ngayon ang mga sinasabi niya. Nakakarinig na rin ako pero mahina. Sobrang hina.
Inakay ako ni Papa, hanggang sa makarating kami sa kotse.
"Ano'ng nangyari, `Ma?" tanong ko, hindi maalis ang titig sa kanya.
Hindi sumagot si Mama. Tumulo lang ang mga luha niya. Niyakap niya lang ako nang sobrang higpit. Nang kumalas ako, umiling ako na parang matatanggal na yata ang ulo ko sa sobrang pag-iling.
Humawak ako sa ulo ko, pababa sa tenga ko. Kumikirot ang ulo ko, ayaw kong makarinig ng kahit na ano. Sumikip ang dibdib ko kaya napahawak din ako roon. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Hindi maampat ang mga luha ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
Hindi ko rin kayang ipaliwanag ang mga nararamdaman ko sa ngayon. Isang bagay na kinaiinisan ko dahil ayaw ko ng mga bagay na ganoon. Gusto ko, lahat ng bagay ay napapaliwanag sa akin sa tuwing naguguluhan ako.
Pero ang taong dapat na makasagot at may kayang magpaliwanag sa akin sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung nasaan. Saan ba siya nagpunta? Tinakasan ako at hindi ko alam kung nasaan na siya.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang maiinit na kamay na humawak sa bagsak kong mga palad. Napatitig ako roon. Saka nag-angat nang mukha...
Dalawampung taong inalipusta ni Brenna ang ampon niyang magulang. Nang dumating ang tunay nilang anak, pinalayas siya papunta sa mga biyolohikal niyang magulang - akala nila'y dukha. Ngunit kabilang pala sila sa pinakamataas na lipunang hindi maabot ng pamilyang yumao. Habang naghihintay ng kabiguan, nataranta sila nang malamang si Brenna pala ay: dalubhasa sa pandaigdigang pananalapi, henyong inhenyera, kampeon ng karera... Lubog pa kaya sa lihim ang kanyang tunay na kakayahan? Nang iwan siya ng nobyo, nakilala niya ang kambal nitong kapatid. Biglang dumating ang ex-nobyo, nagkukumpisal ng pag-ibig...
Si Lenny ang pinakamayamang tao sa kabisera. Siya ay may asawa, ngunit ang kanilang pagsasama ay walang pag-ibig. Isang gabi, hindi sinasadyang nakipag-one night stand siya sa isang estranghero, kaya napagpasyahan niyang hiwalayan ang kanyang asawa at hanapin ang batang babae na kanyang nakasiping. Nangako siyang pakasalan siya. Ilang buwan pagkatapos ng diborsyo, nalaman niyang pitong buwang buntis ang kanyang asawa. Niloko ba siya ng kanyang asawa?/Hinahanap ni Scarlet ang kanyang asawa isang gabi at sa hindi inaasahang pag-iibigan ng dalawa. Hindi alam kung ano ang gagawin, tumakbo siya sa takot, ngunit kalaunan ay nalaman na siya ay buntis. Nang handa na siyang magpaliwanag kung ano ang nangyari sa kanyang asawa, bigla na lang itong humiling sa kanya ng hiwalayan./Malaman kaya ni Lenny na ang kakaibang babae na kanyang nakasiping ay talagang asawa niya? Higit sa lahat, ang kanilang walang pag-ibig na pagsasama ay magiging mas mabuti—o mas masahol pa?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Pinatayo si Linsey sa tabi ng kanyang nobyo upang tumakbo kasama ang isa pang babae. Galit na galit, hinablot niya ang isang hindi kilalang tao at sinabing, "Magpakasal tayo!" Kumilos siya nang walang pag-aalinlangan, huli na napagtanto na ang kanyang bagong asawa ay ang kilalang-kilalang bastos, si Collin. Pinagtawanan siya ng publiko, at kahit ang kanyang runaway ex ay nag-alok na makipag-reconcile. Pero nginisian siya ni Linsey. "Ang aking asawa at ako ay labis na nagmamahalan!" Akala ng lahat ay nag-ilusyon siya. Pagkatapos ay ipinahayag si Collin bilang ang pinakamayamang tao sa mundo. Sa harap ng lahat, lumuhod siya at itinaas ang isang nakamamanghang singsing na diyamante. "Inaasahan ko ang ating walang hanggan, hoeny."
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP