WARNING: (R18) STORY WITH MATURE/EXPLICIT CONTENT (WILD FANTASY SEQUEL) Mula pagkabata ay si Lana lang ang babaeng pinangarap ni Marius. Iyon ang dahilan kaya hindi niya ito iniwan at nagawa niyang mahalin ang anak nito na si Andrea. Pero gumuho ang lahat sa kaniya nang piliin ni Lana si Andrew, ang ama ni Andrea. Nilamon ng galit ang dibdib ni Marius para kay Andrew at pinagplanuhan niya ang paghihiganti rito sa pamamagitan ni Samantha, ang napakagandang bunsong kapatid ng lalaki. Ang paibigin, iwan at saktan si Samantha, iyon ang totoong plano niya at hindi kasama roon ang ma-in love sa dalaga.
"NINONG MARIUS!" iyon ang pamilyar subalit maliit na tinig na narinig ni Marius habang naglalakad siya sa isang mall. Pagkagaling kasi niya sa trabaho ay dito siya nagtungo para bumili ng mga kailangan sa isang bookstore.
"Ninong! Ninong Marius!" noon na nga sinimulang hanapin ng binata ang tinig na talagang nagdala ng kakaibang haplos sa damdamin niya.
"Andrea?" nang mamataan ang isang batang ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya at nagmula sa loob ng isang toy shop ay maluwang na napangiti ang binata. "Andrea, baby!" aniyang tumalungko at mahigpit na ikinulong sa mga bisig niya ang batang babae na sa loob ng buwan ay pinananabikan niyang makita pero pinipigilan niya.
"Sinong kasama mo?" ang agad niyang naitanong nang bumitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya ang bata.
"My Tita Sam!" ang masiglang sagot ng bata saka nilingon ang likuran napinanggalingan nito kanina.
Noon mabilis na parang huminto ang mundo ni Marius nang mamataan ang aminin man niya o hindi ay siyang pinakamagandang mukha na nasilayan niya. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang totoo at ayaw niyang magsinungaling sa sarili niya, o mas tamang sabihing hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya.
Napakaganda nito sa suot na simpleng tan na t-shirt at kulay lumot na walking shorts na ang haba ay parang binigyan lang siya ng pagkakataon mamalas ang pinakamagaganda at makikinis na hita at mahahabang binti na nakita niya sa buong buhay niya.
Maganda, napakaganda. At lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya dahil sa brown at kulot nitong buhok. Matangos ang ilong, makipot na labi na pinahiran ng manipis na lipstick at makinis at maputing kutis. Napansin niyang malaki ang pagkakahawig nito kay Andrea kaya agad na nagkaroon ng paghihinala ang binata.
"Hello" ang dalaga nang makalapit ito sa kanya.
Sa simpleng outfit nito ay talagang parang nawawala na siya sa sarili niya. Napakaganda ng katawan nitong balingkinitan at bumagay sa taas nito na marahil ay nasa pagitan ng five-six to five-eight. Naka-doll shoes lang ito pero matangkad itong tingnan dahil sa mahahaba nitong binti na perpekto ang hugis.
Mabilis na gumana ang isipan ni Marius. Ngumiti siya sa babae saka inilahad ang kamay rito. "Hi, Marius, Ninong ako sa binyag ni Andrea" pagbibigay alam niya saka hindi napigilang bigyan ng isang marahang pisil ang maliit at malambot na kamay ng babae.
Tumawa ito ng mahina saka sa matalinong paraan ay binawi ang sariling palad mula sa kaniya. "Sam, Samantha Scott. Kapatid ako ni Andrew, nabanggit na nga ni Lana sa akin ang tungkol sa'yo at masaya akong makilala ka" naramdaman niya ang sinseridad sa tono ng magandang babae at lihim na ikinatuwa iyon ng binata.
"Di ba Ninong Marius my Tita Sam is beautiful?" si Andrea na kinabakasan ng pagmamalaki sa tono.
Narinig niya ang pino ang mahinang tawa na pinakawalan ni Sam at nagustuhan niya iyon. Pagkatapos ay nakangiti niyang hinarap muling si Andrea saka sinagot ang tanong nito. "Yes, very beautiful baby, magkamukha kayo kaya pareho kayong maganda" pagsasabi niya ng totoo.
Sa sinabing iyon ay agad niyang binigyan ng isang malagkit na titig si Sam na nakita niyang naging dahilan ng mabilis na pag-ilap ng mga mata nito kasabay ng mabilis na pamumula ng mga pisngi. Noon agad na sinamantala ni Marius ang pagkakataon.
"Pauwi na ba kayo?" aniyang nanatiling kay Sam nakatingin.
Nakita niyang kumibot ang makikipot at mapupulang labi ni Sam. "A-Actually kakain kami ni Andrea, nagugutom na raw siya eh."
Parang musika sa pandinig ni Marius ang narinig niyang panginginig sa boses ng magandang babae kaya muli sinamantala na naman niya iyon. "Good, nagugutom rin ako. Okay lang ba kung sasama ako sa inyo?"
Si Andrea ang mabilis na sumagot sa tanong niyang iyon nang may excitement sa tinig. "Yes Ninong!" anito.
Tumawa ng mahina si Marius saka tinitigan muli ng malagkit si Sam. "Well?" aniya sa tono na alam niyang mababalisa ng husto ang babaeng kaharap at hindi nga siya nagkamali.
"O-Okay" anitong tipid siyang nginitian pagkatapos.
Sa isip ni Marius habang sinisundan niya sa paglakad ang magtiyahin ay unti-unti naring nabubuo sa isipan niya ang isang plano na alam niyang magtatagumpay siya.
"Gaganti ako Andrew. At titiyakin ko na masasaktan ka sa gagawin ko" ang likurang bahagi ng isipan niya.
"MABUTI naman at pumayag ka nang makipagkita sa akin ngayon" si Lana na maganda ang pagkakangiting iniabot ang wedding invitation kay Marius.
Ngumiti ang matalik na kaibigan niya saka iyon tinanggap. "Mahalaga sa akin ang pinagsamahan natin Lana. Mahal ko din si Andrea, enough na ang lahat ng iyon para isantabi ko ang kung anumang nararamdaman ko para sa iyo" sagot ni Marius.
Nagkibit ng balikat niya si Lana saka tumawa ng mahina. "May makikita kang mas higit sa akin, alam ko iyon. Mabait ka at gwapo, matalino, ang lahat nalang nasa iyon, siguro hindi lang talaga natuturuan ang puso kaya hanggang doon lang ang kaya kong ibigay para sa'yo" sagot ng dalaga.
"Partner ko pala ang kapatid ni Andrew?" amusement ang naramdaman ni Lana sa sinabing iyon ng matalik niyang kaibigan.
"Oo," aniyang dinampot ang tasa niya ng kape saka humigop. "nasabi nga niya sa akin na aksidenteng nagkita pala kayo noong isang buwan?"
Tumango-tango si Marius. "Oo, napakaganda niya. Kamukhang-kamukha ni Andrea" hindi nakaligtas sa pandinig ni Lana ang matinding paghanga sa tono ng pananalita ni Marius.
"Crush mo?" tukso ni Lana nang hindi makatiis.
Noon siya tinitigan ng tuwid sa mga mata ni Marius. "Okay lang ba kung pormahan ko siya kung sakali? What do you think? Bilang hipag niya, gusto mo ba ako para sa kanya?"
Pumalatak si Lana. "Huwag kang sa akin magpaalam, kay Sam mo sabihin iyan," aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik.
Mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Marius saka inubos ang lamang kape ng tasa nito. "I have to go, may tinatapos pa kasi akong trabaho" anitong tumayo na pagkatapos.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho," paalala pa niya na tumayo saka hinalikan sa pisngi ang binata.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Marius.
Umiling siya. "Mamayang kaunti, susunduin ako ni Andrew" sagot niya.
Tumango lang si Marius saka na siya iniwan.
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...