"Sino ang pipiliin mo, Ace. Kami ng magiging anak mo o si Ate Mira," putol ni Ashley sa sasabihin pang iba ni Ace.
"Ace, hindi mo na kailangang mamili. Binuntis mo si Ashley kaya pananagutan mo siya!"
Napako si Ammira sa kinatatayuan nang marinig ang usapan nila.
Tama ba ang narinig niya? Buntis si Ashley at si Ace ang ama?
Hindi na mapigilan ni Ammira na umeksena kaya pinaalam na niya ang presensiya niya.
"What the f*ck are you all talking about?" Hindi niya alam kung tama ba ang paraan ng tanong niya. May tama bang paraan kung nag-iinit na ang bunbunan niya sa mga narinig niya?
Sabay na napalingon silang lahat kay Ammira. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. Tumayo na rin si Ace na may pag-aalala sa mukha, tumayo rin si Ashley.
Humakbang siya para mapalapit sa mga ito.
"I am asking. Bakit walang sumasagot?" blangko ang expression ng mukha niya ng itanong iyon.
"Sit down, Ammira," utos ng ama niya.
"No, thanks, dad. I just want to confirm kung totoo ba ang narinig ko." Bumaling si Ammira sa nakayukong kapatid. "Ash, your pregnant." Hindi iyon tanong.
Umangat ang mukha ni Ashley at tumingin sa nakakatandang kapatid. May takot na bumalatay sa mukha nito.
Napataas ang isang kilay ni Ammira ng makita na ginagap ng fiance niya ang kamay ng kapatid niya.
Hindi na siya nagsalita at lumapit sa mga ito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ashley at isa rin kay Ace.
Napasigaw naman ang mommy Riz nila nang gawin iyon ni Ammira.
"Mga hayop pala kayo, eh. At ikaw higad ka..." sinabunutan niya si Ashley. Sumisigaw na rin ang mommy niya, habang si Ace naman panay awat sa kaniya.
Natigil lang si Ammira ng hinaklit ng ama niya ang braso niya saka ginawaran siya ng isang sampal na kinatigil ng lahat. Pagkalapat ng palad ng ama sa pisngi niya ay siyang pagtulo ng luha niya sa isang mata. Pero agad niya iyong pinahid, napakagat labi pa siya upang hindi tumulo ang nag-aabang na luha sa kaniyang mga mata.
"Buntis ang kapatid mo, Mira. Maghunos dili ka!" galit na sigaw ng ama niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. What the f*ck!
"Dad, talaga bang ako ang pagagalitan niyo?" matigas niyang tanong.
"Ammira, enough," saway ng mama niya.
Napatawa si Ammira. Bakit parang siya lumabas na kontrabida dito gayong siya itong niluko, trinaydor at ginawang tanga ng kapatid niya at ng fiance niya na kakapropose lang kahapon. Oo, inalok siya ng kasal ng boyfriend niya kagabi.
"Prank ba 'to?" natatawa niyang sabi.
"Ate..." akma sanang hahawakan ni Ashley ang kamay ng kapatid pero nilayo ni Ammira ang braso niya.
Umiling siya.
"Don't you ever touch me, Ash. You're a trash for me now. You're nothing but garbage," malamig niyang sabi.
Lumingon siya kay Ace at mariing tinitigan sa mga mata nito. Hindi kinaya ni Ace ang mga titig ni Ammira kaya ito na rin ang unang nagbawi ng tingin.
"Kailan pa, Ace? I want to hear your side at baka mapatawad pa kita kapag nagustuhan ko ang explanation mo," aniya.
Ayaw niya sanang pakinggan ang explanation ni Ace dahil alam niyang masasaktan lang siya. Pero ayaw niyang magmukhang mahina kaya titiisin niya.
"Ammira, it was just a one night mistake..."
"Kung talagang mahal mo ako kahit gaano ka pa kalasing makikilala at makikilala mo ang kasiping mo, Ace," putol niya sa iba pa sanang sasabihin ni Ace.
Dahil nahulaan niya kung kailan nangyari iyon. The night when they celebrated their 8th anniversary, together with their family sa isang resort. Iyong oras na lasing si Ace at naabutan niyang magkatabi ang dalawa.
And that happened two months ago. Ang akala niya wala lang iyon, pero may pakiramdam siyang may mali, pero wala naman siyang ebidensya dahil hindi naman nakahubad ang mga ito. At tipsy na rin siya ng mga sandaling iyon kaya natulog na lang din siya.
"Ate Ammira, it's my fault. I was too drunk at that time and..."
"Shut up, Ashley. I don't wanna hear your side dahil kahit pagbali-baliktarin ang mundo, malandi ka!" nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.
Tama nga, iyong mga panahon ngang iyon, kung saan lasing silang lahat at sinamantala ng dalawang hayop na nasa harap niya ngayon.
"Mira, watch your words..."
Bumaling siya sa mommy niya dala ang sakit na gumuhit sa mga mata ni Ammira.
"Mom! Bakit gan'yan kayo? Dinadagdagan niyo lang ang sakit na nararamdaman ko! Bakit ako pinagsasabihan niyo? Bakit hindi niyo sinabihan si Ashley na 'Watch who's d*ck you're enjoying'!" sigaw ni Ammira.
"Ammira, hayaan mo na lang sila!" saway ng ama niya.
She's out of control as of this moment. Lumulukob na sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya. She wants to hurt all the people around her. So that they can feel the same pain she's feeling right now.
She love Ace for the whole eight years of their relationship. She even gives her all, as in lahat. She even said her 'Yes' last night when Ace asked her to marry him. Pero ngayon, parang pinaglalaruan lang siya ng mga ito.
Dagdagan pa kung paano kampihan ng magulang niya si Ashley. Kaya warak ang puso niya. It seems like all of this is a big joke.
"Dad, let ate say what she wanted to say to me. I think I deserve all of this," humihikbing saad ni Ashley.
"And now you're playing victim, huh. I know you did it on purpose. You like, Ace. And stop denying it dahil kitang-kita ko kung paano mo titigan ang boyfriend ko noon pa man. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo na ako nerespeto. Kung bakit, you didn't fight your feelings. Akala ko mahal mo ako dahil ate mo ako. Kapatid mo ako, kadugo mo ako. Hindi ako makapaniwalang kasakasama ko pala ay ahas. Kapatid ko pala ay ahas..."
"Tama na Ammira. Masama kay Ashley ang ma-stress," pagtatanggol ni Ace.
"Wow huh! Protective kang gag* ka! Kung anak naman pala ang gusto mo, Ace. I can give you that naman, ah. Pero sabi mo nga saka na lang kapag kasal na tayo, dahil hindi ka pa ready. 'Yon pala sa kapatid ko pala gusto mong magkaanak," natatawang saad ni Ammira. Muli siyang bumaling kay Ashley. "Malaki ang kargada ng boyfriend ko Ash, maugat, mahaba at halata namang nag-enjoy ka. Walastik 'yan pagdating sa kama. Sana lang huwag siyang magsawa sa 'yo," dagdag pa niya saka tinalikuran na ang mga ito.
Pero bumalik siya ng may maalala. At muling hinarap si Ace.
"Lilinawin ko lang, Ace. Are you choosing her over me?" malamig niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ni Ace.
Nakita niya ang paghawak ng kapatid niya sa kamay ni Ace.
Malandi talaga!
Animo tinusok ng pino ang puso ni Ammira ng tumango si Ace. Napakagat labi siya. And then she smirks and nodded.
Saka walang imik na tumalikod at humakbang papunta sa kuwarto niya.
Pagdating niya sa kuwarto niya ay doon na bumuhos ng tuloy-tuloy ang luha niya. Doon na nag-animo sumabog ang puso niya at nabasag ng pino. Pakiramdam niya pati utak niya sasabog na rin dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Sumandal siya sa likod ng pintuan at dumaos-os paibaba. Hinang-hina ang mga tuhod niya.
Ginawa naman niya lahat, binigay niya lahat para lang maging kontento si Ace sa kaniya. Para maging sapat siya.
Bumuo na rin sila ng pangarap para sa kinabukasan nila. Sa loob ng walong taon, si Ace na ang naiimagine niya na kasabay niya sa pagtupad ng pangarap niya. Ang magiging ama ng mga anak niya. Ang magiging kasama niya hanggang sa pagtanda. Pero mukhang hindi na siya ang kasama ni Ace na tutupad ng binuo nilang pangarap. Kun'di sa pinakamamahal niyang kapatid. Sa nag-iisa niyang kapatid.
At ang pamilya niya na inaasahan niyang dadamay sa kaniya ay wala na rin sa kaniya. Lahat na kay Ashley na. Lahat inagaw ni Ashley sa kaniya.
Paano pa niya ipagpagpapatuloy ang buhay niya? Wala siyang masasandalan, wala na nga rin siyang kaibigan dahil lahat ng attention niya ay nasa boyfriend niya at nasa pamilya niya.
Niyakap ni Ammira ang tuhod niya at humilig roon habang patuloy pa rin sa paghikbi. Sa pagkakataong ito, sarili na lang niya ang meron siya.
Tumayo siya saka humakbang patungo sa bedside table niya kung saan nakapatong ang tatlong picture frame nila ng pamilya niya at ni Ace kasama siya.
Pareho silang nakangiti ni Ace habang nakatitig sa camera. Ang masasayang ngiti nila ay animo nagbigay kulay sa kanilang paligid.
Ang isang larawan naman ay larawan nila ni Ashley, na halatang mahigpit ang yakap sa isa't-isa habang nakapikit at animo ninanamnam ang pagmamahal sa isa't-isa. At ang family picture nilang buong pamilya na nakangiti at halatang masayang pamilya.
Dinampot niya ang tatlong larawan at dinala sa basurahan. Wala na siyang pamilya simula ngayon. Wala na ring Ace sa buhay niya. She is now completely alone and broken.
Ano nga bang ginagawa sa basag na bagay? Kung hindi itatapon, ay iiwan. Iyon ang nangyayari sa kaniya ngayon.
Tinungo niya ang walk-in closet niya at pumunta sa kinalalagyan ng kaniyang safety volt. Aside sa bank savings niya ay may cash savings din siya sa safety box niya. May mga alahas rin doon. Ipon niya iyon para sana sa bubuuing pamilya nila kasama si Ace. At balak niyang kunin lang iyon sa oras na magipit sila. Pero naglaho na lahat ng pangarap niya.
Kinuha niya ang anim na bundle ng pera na may 100 thousands per bundle na nagkakahalaga ng 600 thousands. At isang box ng mga gold na collection niya na nagkakahalaga rin ng million-million. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit siya may ganoon kalaking pera. Her family is a billionaire. She also owns a small cafeteria as her past time. Pero nasa kompanya ng pamilya niya siya nagtatrabaho.
Nilagay niya iyon sa sling bag niyang itim. Pagkatapos ay lumabas na siya ng walk-in closet na bitbit iyon. Naligo siya at nagbihis.
Gusto niyang umalis at pumunta sa lugar na walang nakakaalam at nakakakilala sa kaniya. Gusto niyang takasan ang sakit. Gusto niyang lumayo sa mga taong nagdulot sa kaniya ng sakit na nararamdaman niya ngayon.
Hindi na siya nagdala ng ibang mga gamit. Dahil mas lalo lang makakadagdag sa bigat na nararamdaman niya.
Bumaba na siya ng hakdan. At habang humahakbang pababa ay naririnig niya ang halakhakan ng mga tao sa baba.
Mas lalo lang sumikip ang puso niya. How can they manage to laugh as genuinely as that knowing that they cause pain on her? Nagawa nilang magsaya habang siya nagluluksa. Gano'n na ba siya ka walang kwenta sa mga ito?
Pinilit niyang ignorahin ang halakhakan nila at nagtuloy sa pagbaba.
"Saan ka pupunta, Mira?" Isang baretonong tinig ang narinig niya na nagpatigil sa kaniya nang tuluyan siyang nakababa. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Nakita rin niyang nakatitig sa kaniya ang mga mata ng mga naroon.
"Ako na ang mag-a-adjust dad, total masaya na kayo. You even didn't bother how painful I've been through. So stop asking like you care about me. Because the truth was revealed a while ago, that all of you see me as nothing. And to be equal, I also see you as nothing but a stranger," lakas loob niyang sabi.
Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang ama dahil mabilis na siyang humakbang palabas. Narinig pa niyang tinawag siya ng mga ito pero hindi na niya ito nilingon.
Muli na namang tumulo ang luha niya pero pinahid niya iyon agad.
Tinungo niya ang kotse niya, pero napatigil siya ng may kademonyuhang pumasok sa isip niya nang makita ang kotse ni Ashley katabi ng kotse ni Ace.
Tumungo siya sa dulo ng garage kung saan naroon ang isang metal baseball bat.
Bumalik siya sa kotse niya at pinasok ang sling bag niya sa loob. Saka hinarap ang kotse ng kapatid at ng ex niya. Saka buong lakad na hinampas ang kotse ng mga ito. Tumunog pa ang alarm ng kotse nila pero sinabayan niya lang ng sigaw ang tunog niyon at buong gigil na pinaghahampas ang bintana ng kotse ng mga ito. Pati katawan ng kotse, kaya nayupi-yupi na ang mga iyon.
She know they can buy again a new car but the thing is, those cars are the latest unit and expensive one at wala nang katulad niyon dahil isang modelo lang iyon lalo na kay Ace na sa Singapore pa binili.
Habang kay Ashley ay hindi niya maalala dahil regalo iyon ng daddy niya sa kapatid. Basta ang alam niya mahalaga iyon kay Ashley and out of the market na ang modelong iyon.
Hindi puwedeng sila masaya habang siya nagdurusa sa mga kademonyuhan nila.
Bago pa makalabas ang mga ito ay sumakay na siya sa kotse niya saka umalis na sa tinuring niyang comfort zone niya. Iyon pala impyerno.
Itutuloy...