Susukatin ng tatag ng pagkakaibigan ng isang sikat na Kpop Idol nung makabuntis ang isa sa pinakasikat nilang myembro at hindi lang pa talaga kung sino 'yong nabuntis nito. Ang babaeng 'yon ay si Hye Ran Ji lang naman, o mas kilala bilang Hera, ang pinsan ng leader ng grupo nila na isa sa tagapag mana sa pinakamalaking kompanya sa Asia na isa ring heiress ng isang kilalang clan. Maayos pa sana ang lahat hanggang madiskubre ng grupo ang pinakaiingat-ingatang sikreto ni Hera.
Hera's POV
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Bagot kong tanong kay Treshia pero ang magaling kong kaibigan hindi man lang ako pinansin. Tutok na tutok kasi siya sa pintuan.
Napahilamos nalang ako ng mukha't hindi ko maiwasang hindi mainis! Kanina pa kasi kami dito at nasa bar pa talaga na pagmamay-ari nina Treshia kaya duble 'yong ingay. Malayo kasi 'to sa mga bahay-bahay kaya kahit dumugo pa mga tainga namin dito, walang may-care!
It's her 20th birthday, by the way, and she's expecting for her special guests daw. Ewan ko kung gaano ka special ang mga 'yon at kailangan isang oras silang ma-late. Talaga lang naman!
Busy akong tao kaya ayaw kong sinasayang oras ko. I could have finished a lot of paper works by now, geez!
Napaikot nalang ako ng mata saka nagkalumbaba sa counter. Walang gana kong tinignan si Ben habang nag mi-mix ng drinks. Siya ang sikat na bartender dito sa bar nina Treshia na patay na patay sa kanya. Ako lang may alam niyan talaga. Hindi nga niya alam na alam ko.
Reading people is just one of my hobbies. I just have these weird assumptions which turns out to be true at some point.
"Oh gosh! They're here!"
Bahagya kong tinakpan magkabila kong tainga nang biglang tumili si Treshia na agad din namang sinundan ng iba. Inis akong tumingin sa pintuan at napataas nalang ng kilay nang makita ko ang EcZo.
Sila 'yong sikat na boy band na may isang dosenang miyembro na na paused ang kontratra sa management nila dahil sa isang scandal kaya naideport sila pabalik dito sa Pinas para tapusin nalang muna ang kanilang pag-aaral. We actually study on the same school and in the same section but in different rooms. They're not Filipinos but all of them grew here at dito sila nabuo bago sila nagdebut sa Korea.
Napakurap-kurap lang ako saglit saka muli ng tumalikod nang marealize kong wala pala akong pakialam sa kanila.
"Where's Treshia?" Rinig kong tanong ni Yi kasabay ng paghinto ng tugtog.
Agad na kumaripas sa pagtakbo si Treshia papalapit sa kanila't pautal-utal na nagsalita.
"W-welcome!"
Napangiwi nalang ako't ang sarap i-blade ng mukha niyang namumula habang kausap si Sunho, 'yong pinsan kong hindi ko feel na siyang leader ng Eccentric Zodiac.
We used to be close when we were kids but things happened and we grew apart, something I don't really give a damn about.
Napairap nalang ako saka ko tinungga ang inaamag kong apple juice. Tinignan ko ulit sila at napansin ko agad 'yung babaeng kasama ng isa sa mga miyembro nila na si Yohanne.
Her name's Nic. Short for Chronicles Ivana Marcos, Yohanne's girlfriend or how shall I say this? Girlfriend on camera?
Well, they think they can fool everyone but not me. I know showbiz too well. Artists' lives are just like those Telenovelas you watch on TV--scripted. Maybe not all, but most, and these two are one of them.
Iiwas nalang sana ako nang mamataan ko si Eun sa tabi ni Sunho habang nakatingin kina Nic at Yohanne.
Also, that flower boy seems to like Nic as well. At least 'yon 'yong napapansin ko. He's Yohanne's younger brother and also one of EcZo's members.
"And why did the music stop? TURN IT BACK ON!" Sigaw ni Yi at nagsimula na namang tumugtog 'yung music.
Uminom lang ulit ako ng isang basong juice at tatayo na sana para lumabas nang may biglang nagpatong ng braso sa balikat ko.
Muntik ko pa talagang itong mabaliko buti nalang at agad ko siyang nakilala.
"Hi, gorgeous." Nakangisi niyang bati kaya bahagya akong napangiwi.
This man right here is the great Jongmin Kim. Ang dakilang play boy sa grupo nila. Hindi ako madaling ma-attract sa isang lalaki pero sadyang ma-karisma ang isang 'to.
Nakasuot pa talaga siya ng pulang tuxedo ng walang polo pan-ilalim kaya lantad na lantad 'yong maskulado niyang dibdib. Kung makangiti pa siya, nang-aakit talaga, eh, ano ba!
Pero syempre, behave akong babae at may boyfriend na ako kaya bahala siya diyan.
"Hello." Agad kong sabi saka ko inalis ang kamay niya.
"Alone?" Tanong niya.
"Nope! I had a friend with me."
"What a shame. Anyway, I have to show you something."
Nabigla ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa isang room at natulala nalang nang tumambad ang EcZo pagkabukas niya ng pinto. Unang hinanap ng mga mata ko si Sunho pero wala siya at 'yong iba.
"Why did you drag me here?" Bulong ko pero nginitian niya lang ako't muling hinila papasok.
"Guys! I found our last player." Panimula niya kaya nilingon kami nung iba. Iginiya niya pa ako palapit sa mga ito saka ipinaupo sa sofa kaharap nina Soo, Yi at Seiji.
Pakiramdam ko tuloy ang init-init ng inuupuan ko! Nakakatense pa silang lahat at ang po-pormal ng kanilang mga suot-suot na tuxedo habang 'yong sakin, mamahalin din naman pero mukha paring basahan tsk!
"Are you sure she agreed?" Tanong ni Soo habang nakatingin sa akin which made me feel really uncomfortable adding the fact na nakahawak parin si Jongmin sa kamay ko!
Sa kanilang lahat, si Soo ang pinaka-savage at pinaka-straight forward. I don't know any of them personally but since famous sila, naririnig ko ang tungkol sa kanila kung saan-saang bahagi ng school. He's the fourth youngest member of the group and is one of the lead vocalist in general.
"Oo nga, hyung. Mukha kathing hindi thiya umiinom," sabat naman ng bulol na si Seiji na nasa sofa kaharap ng sa amin.
Siya ang pinakabata sa kanilang lahat na isa sa pinakamatangkad. Hindi ko naman siya trip pero siya talaga ang pinaka-gwapo, taga niyo pa sa lahat ng bato sa earth! He looks more like a god and is really talented. Bawas pogi points lang talaga pagiging bulol niya hmm!
"I'm sorry but I don't drink." Prente kong sabi saka pasimpleng hinila kamay ko which made Jongmin pout. Cute siya pero nakakadiri ew!
"I can't find anyone suitable for this position other than you..." he stopped for my name.
"Hera."
"Oh, Hera. You looked like you don't know us so let us introduce ourselves. I'm Jongmin Kim but you can call me Min. This is Taesoo Do," turo niya kay Soo na malimit lang na tumango. "This is Yi Cheng Wu," turo naman niya kay Yi.
Ngumiti lang siya kaya ngumiti narin lang ako.
"Seiji Oh, our youngest..." turo niya rin ay Seiji saka nginuso ang dalawang lalaki na nag-uusap malayo sa amin. "The tall one is Chanseol Park and the short one is our eldest, Xyler Kim."
Tumango-tango nalang ako as if hindi ko sila kilala. Well, ngayon ko lang din naman nalaman complete names nila. Might still the same thing.
"So, as I was saying, I can't find anyone suitable to be here with us and besides, you're the prettiest among the crowd." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Hindi ko kasi 'yun inaasahan.
Hindi ako nag-ayos ngayon, sino niloko niya? Ang sabihin niya kamo ako lang ang mukhang walang alam dun na pwede lang nilang ma manipulate para pagtakpan ang kung ano mang kababalbalan ang gagawin nila ngayon dito.
"That still won't change the fact that she doesn't drink, Min." Sabat ni Soo. "Just let her go and just think of another game."
"I already told Eun and Cheon to get the materials, and besides, gusto ni Eun na magpakasaya lang tonight. You know what he's been through. Let's just support him."
"And you think this will heal his... pain?" Humina sa huli ang boses ni Soo at mukhang narealize niya na nandito pala ako.
Nagpeke lang siya ng ubo saka tumayo't naglakad palabas. "Bahala kayo diyan. Malalaki naman na kayo!"
Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala.
"We'll join her then." Aniya Xyler na kakaupo lang sa sofa sa kanan ko.
Just when I thought I'm already safe!
"You won't leave us hanging, right?" Si Chan na papaupo lang din katabi ni Xyler. "Hindi ka naman siguro nang-iiwan ng buhay."
Oo, pero nang-iiwan ako ng patay! Problema ko lang kung saan kayo ididispose kung sakali mang atakihin ako ng topak!
Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa isipan ko. Ang seryoso kasi nila habang nakatitig sa akin. Nakakaintimidate lang, friends! Saan ba kasi 'yong magaling kong pinsan nang makaalis ako dito ng hindi sila nao-offend. Aish!
"The game is very simple." Sabi ng kapreng si Yi. "It won't take long."
Siya pinakamatangkad sa kanila which makes sense kung bakit kapre tawag ko sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung ano siya sa grupo nila. Baka balete lang na decoration sa likuran 'pag may performance sila, ahe~
"I really don't drink, I swear! Aside from the fact that I am a health conscious freak, my alcohol tolerance is also as low as ffff--" Tumigil ako't ngumiti ng plastic.
"Well, one shot won't make you drunk." Sabat naman ni Chan na katabi lang ni Xyler.
Siya ang pangalawang kapre ng grupo nila. Wala rin akong alam sa isang 'to talaga aside sa siya ang lead rapper nila.
"Just what the hell is this game?" Untad ko nalang bigla. "Let's just get this over with so I can leave!"
"It's called beer pong." Panimula ni Xyler na muntikan ko ng ikina-stroke.
I haven't played this game yet but I saw Treshia doing this before and it didn't end well! Gusto ko nalang sanang mag back-out pero kasi nag didiscuss na si Xyler sa mechanics. Ayaw ko rin namang maging bastos.
Beer pong is played by two teams in which each team takes turn throwing a table tennis ball into the other team's cups. So, kapag ako 'yong player at pumasok 'yong bola ko sa cup ng kalaban ko, iinumin niya 'yong content na nasa loob nito pero kapag kaming dalawa ang naka-shoot, mag reretry kami pareho. Either way, this is still a very bad idea!
Nakakahiya na kasing umatras, eh, may pa let's get this over with na kasi ako!
"Eh, bakit kailangan anim tayo? This game only need two pairs. And besides, Soo won't join which makes our number uneven." Tanong ko para kumplikahin sana sila nang biglang magbukas 'yong pintuan at iniluwa sina Eun at isa pang member nila na 'di ako masyadong pamilyar habang may dala-dalang cups at pingpong ball.
He must be Cheon.
"Perfect." Sabi ni Xyler saka tumayo. "Help me with the table, Chan!"
Tumayo rin naman agad si Chan saka tinulungan nga siya sa pag-arrange sa table na gagamitin.
"What did we miss?" Tanong ni Cheon habang nakatingin sa akin. "And who do we have here?"
"She's Hera." Sagot ni Min. "She's replacing the king of kill joys."
"Oh! I kinda see that coming," nakangiti niyang sabi. "I hope you enjoy our company."
Tipid lang akong ngumiti. Umalis lang din naman siya agad para tulungan 'yong iba kasama sina Min at Yi kaya si Seiji nalang 'tong kaharap ko ngayon hanggang sa naupo si Eun sa tabi niya.
Tulala ito't parang ang lalim-lalim ng iniisip. Soo mentioned something about his pain a while ago. It must be something related to his brother and his girlfriend o baka kinakabag lang talaga siya. Who knows?
Hindi ko na siya ganung pinansin. Tinawag na rin naman kami ni Xyler para simulan na ang laro.
36 cups per group ang starting. Buti nalang din at one after another 'yong ball throwing para daw matagal para matapos at dahil si Eun ang katunggali ko at isa siyang bangag, lagi siyang sumasablay sa pag-shoot ng bola.
I'm kinda used of hiting things in bullseye kaya hanggang halfway na ng laro, hindi parin ako nakakainom. Ang iingay na nilang lahat lalo na sina Eun at Chan. Lagi pa nila akong tinatanong ng mga bagay na hindi ko naman alam saka sila nagtatawanan.
"C'mon, Yi! Ito naaa ang tamang orass para malaman ng lahat kung sino masmagaling sa atin mag raaaappp!" Paghahamon ni Chan nang magharap silang dalawa sa table. May paduro-duro pa siya kay Yi gamit ang bola.
"Ha! Mabilis ka lang mag rap 'pag Korean pero bulol ka 'pag Englishhhh!! Ako kahit Chinese, mabilis pareeennn! Clear as kresstal pa diction wow!" Pagyayabang naman ni Yi na akala mo'y hindi pa gumewang-gewang.
Natawa nalang ako saka napaikot ng mata. Iiwas nalang sana ako ng tingin ng mamataan ko si Eun sa likuran ni Yi habang malungkot na nakatulala.
Ang laki pa ng tawa niya kanina tapos bigla-bigla nalang mag-eemote. See? Making yourself drunk won't make you forget about your problems and pain at kapag nasobraan pa, hangover resulta. Sasakit pa ulo mo. Hindi naman kasi mababago ng alak ang kung ano mang nangyari, eh.
Maya-maya lang ay tinawag na naman ulit ako ni Min for my turn kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa saka naglakad sa papunta sa harapan ng lamesa.
Thirteen cups nalang ang naiwan sa kabila ka habang eighteen pa sa amin. Naisipan ko tuloy na itapon 'yong iba, total basag na naman 'tong mga kasama ko. Pero kasi si Min lagi lang nakatingin sa akin. Tsk!
"Ready?"
Sinulyapan ko lang si Eun saka tumango.
"Yiehhh! Go, Eun! Kaya mo 'yan! Dapat mapainom mo si Hera kahit isang shot langggg!"
Biglang sigaw ni Min na agad din namang sinundan ng hiyawan nung iba.
"Whooo! Go Eun! Kahit bangag ka, sayo aprin ako chi-cheer!" Sigaw din ni Yi na sinabayan pa talaga ng palakpak.
Ngumisi lang si Eun na akala mo'y nanalo na. Confident din naman akong hindi ako sasablay kaya nginisihan ko rin siya pero ewan ko lang o iningkanto ba ako o umilag ba 'yong bola o baka 'yong baso at for the first time in forever, I missed a shot!
Napangiwi ako't napatakip nalang ng bibig nang makita ko ang bola ni Eun na pumasok sa isang baso sa aking harapan!
"Woah!! Finallyyyy!" Sabay nilang sigaw.
Agad din nila akong nilapitan para kumpermahin kung pumasok nga ba talaga ang bola saka ito itinaas ni Xyler at inabot sa akin.
"You're so lucky your first alcohol shot is with us," sabi niya pa sabay abot ng baso sa akin.
"You think?" Sarkastiko kong sabi tapos padabog na kinuha 'yong baso.
Tinignan ko muna silang lahat at parang abang na abang sila na inumin ko ito. Napaikot nalang ako ng mata saka inamoy 'yong alak bago ito ininom ng isang lagukan.
"Congrattttsssss!!" Sabi pa ni Cheon.
Sarkastiko akong ngumiti't pilit na pinipigilan ang sarili kong hindi mapangiwi. Pakiramdam ko masusuka ako't sobrang pait nito. Ramdam ko rin ang mabilisang pag-init ng dibdib ko kaya agad akong naupo.
"Are you okay?"
Tumingala ako't nakita ko si Eun.
"Here," sabi niya't nag-abot ng baso.
"I had enough!" Inis kong sabi kaya bahagya siyang napaatras.
"I-it's lime. It'll help you get rid of the alcohol's nasty taste."
"Oh," sabi ko nalang saka pahiya-hiyang kinuha 'yong baso. "Sorry."
"It's okay," ngumiti siya't umupo sa tabi ko. "Do you mind if I sit here?"
Tumango nalang ako. Wala naman na akong magagwa't umupo na siya bago nagpaalam, ahe!
Nagpakilala lang siya ng pormal bago niya ako tinanong ng kung ano-ano. Nadala narin naman ako sa pag-uusap namin at hindi talaga siya nawawalan ng topic hanggang sa turn na naman naming dalawa't sumablay ulit ako.
"Whoooo! It looks like the tables have turned!" Sigaw ni Yi. "Pumapalya na ata tayo, Hera?"
"Manahimik kang kapre ka kung ayaw mong tumilapon palabas ng bintana!" Banta ko pa sabay inom ng alak.
"Hahaha omg! Nakakatakot pala this girl," rinig ko pang sabi ni Min na agad rin naming napa-peace sign nang samaan ko ng tingin.
Agad akong bumalik sa upuan ko't napapikit nalang. Nagsimula na kasi akong makaramdam ng pagkahilo.
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Ang totoo kasi talaga niyan, second time ko ng uminom. How else would I know na mababa alcohol tolerance ko if first time ko palang ngayon?
"Ayos ka pa ba?"
Tumingala ako't muling nakita si Eun.
"Sa tingin mo?!" Usal ko. "Mahina ako sa mga ganito which is funny because it's my only weakness."
"Only weakness, ah?" Pangiti-ngiti niyang sabi saka muling naupo sa tabi ko. "That's interesting."
Napataas nalang ako ng kilay, "'wag mo akong minamanyak, ah!"
"Huy! Hindi, ah. Naimpress lang naman ako sa sinabi mo," numipis labi niya. "Halos kasi lahat kahinaan ko."
Numipis narin lang labi ko nang mag-krus siya ng paa. 'Yong pambabae!
Mali ata ako. Mukhang kuya niya ata trip niya't hindi 'yong girlfriend nito ahe ahe!
"Babakla-bakla ka kasi hmm!" Bulong ko.
"Huh?"
"Wala! Sabi ko penge niyan," tinuro ko 'yong basong hawak niya.
"But it's alcohol."
"Yeah, whatever!"
Hindi ko na inantay na ibigay niya ito't agad ko ng kinuha saka nilagok lahat.
"Woah! Akala ko ba kahinaan mo?" Mangha niyang tanong.
"Weaknesses can be strengths when you learn how to overcome them," pangiwi-ngiwi kong sabi. "Kuha ka pa nga dun! Total hinilo niyo naman na ako, lubus-lubusin nalang natin 'to!"
Napailing-iling nalang siya saka tumayo't kumuha ng isang bote at isang Chanseol Park hmm.
"Oh? Bakit kayo-kayo lang dito? Sali niyo naman ako!" Bungad niya't kinuha ang bote kay Eun. Siya na rin ang nagsalin nito sa mga baso naming gagamitin.
Ngayon ko lang napansin malayo pala kami sa iba. Andun kasi silang lahat nakaupo sa mahabang sofa kaharap ng TV habang kaming tatlo naman nasa may bintana na.
Anak ng kagang 'yan! Nakakapangatlo palang ako, eh. Hindi ko inaasahang ganito pala ako kahina sa alak!
Nag-usap lang kaming tatlo't ewan ko lang kung ano ng naging topic namin at tawa lang ako ng tawa. Para din kasing timang 'tong dalawang kasama ko. Inom lang din ako ng inom hanggang sa bumagsak ako sa tabi ni Eun. Magkatabi lang kasi kami.
"Ang saya palaaa 'pag ganito langggg!" Pilit kong inangat ulo ko para tignan si Eun. Nakatingin lang din siya sa baso niya't pinaikot-ikot ang alak sa loob. "Pero 'yon nga lang. Hindi ka parin nakakalimoooot!"
"Hahahaha 'yan kashiii! Alam mo naman na sanang hindi pwedeng maging sayo, pinipilit mo parin!"
Napakurap-kurap ako nang tignan ako ni Chan. Halatang lasing narin siya't namumula na mukha niya. Pinagpapawisan rin siya kahit ang lamig-lamig naman ng aircon. Kami naman ata lahat!
"Mabuti pa ata 'tong si Hera! Hindi namomroblema sa love life."
Ewan ko kung bakit pero ngumiti ako't tumango, "oo namaannn! Mga kagaya ko kasseee," tinuro ko pa sarili ko. "Simple lang pero hindi basta-bastanggggg naiiwannn! Alam mo kung bakeeett?!"
"Eh bakit nga ba?" Tanong ni Eun.
"Kaseee..." Tamlay akong umupo saka pagewang-gewang na tinuro sarili ko, "kasi pumapatay akooo!"
"HOLY MOTHER OF NATURE!"
Sabay kaming napalingon na tatlo sa likuran nang may biglang sumigaw. Napangiti agad ako nang makita ko kung sino.
"HI, INSANNNNN!" Masaya kong sabi saka kinawayan si Sunho na ngayo'y nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
Kita kong natigilan din 'yong ibang nanunuod ng movie. Lahat din sila nakatingin kay Sunho saka sa akin tapos kay Sunho ulit. May sinabi siya pero hindi ko na naintindihan at muli na akong bumagsak sa sofa. Mabigat na mga mata ko pero pilit ko paring mamulat para makinig.
"Well, yeah! She's just my cousin who happens to be one of our grandpa's heir!"
Rinig ko naman na napamura 'yung iba.
"Sinong nagpasimuno nito?" That's probably Yohanne. Agad naman nilang tinuro si Min kaya natawa ako. Ewan ko kung anong nakakatawa dun pero feel ko lang talagang tumawa.
Ugh! Pull yourself together, Hye Ran!!
"Ay, hi ulit insan!" Masaya kong bati nang maaninagan ko si Sunho sa harapan ko.
"And you! Kailan ka pa natutong uminom?" Gigil niyang sabi.
"Ngayon lang! Tinuruan ako nina Min, eh," tumawa ulit ako, taena. Nakakatawa lang talaga kahit hindi ko alam kung bakit. "It was them who insisted."
Nasampal nalang ni Sunho ang sarili niyang noo.
"This will going to be a mess again!" Frustrated niyang sabi. "I can't call even one of my drivers to get you home since they're way too loyal to grandpa. He's probably gonna kill both of us if he knows!"
"Eh, h-hindi ko naman maalalang pinagbawalan niya tayong uminom, ah?!" Depensa ko. "Besides, I'm already on a legal age-aray ko naman!"
Napahimas nalang ako sa noo nang mabilisan siyang lumapit saka ako pinitik.
"What was that for?!"
"For being dumb!" Untad niya. "Hindi nga tayo pinagbawalan and yes, you're already legal so sana naman pumasok sa isip mo na kapag nalasing ka ng sobra, maraming pwedeng mangyari sayo! At least drink responsibly afghjkl-"
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan. Sobrang antok ko na kasi't pakiramdam ko naduduling na ako't ang dami ng Sunho na nasa harapan ko ngayon.
"Why won't we just bring her to our place?" Boses 'yon ni Yi.
"Yeah! That might work but we're all dead by tomorrow. Alam mo namang sa iisang bubong lang tayo ng managers natin, eh. Ayaw kong mainvolve pinsan ko dito sa atin. Alam niyo naman ang sitwasyon, 'di ba?"
"Ahhh!" Nagtaas ako ng kamay. "Can anyone just take me to my condoooo?"
"But we only rode with our managers in one van, hyung. Except for Eun," turo ni Chan sa kanya.
"But I'm already drunk, hyung. I can't drive at this state," reklamo nito.
"But you're the most careful driver among all these little shits, Eun," untad ni Sunho. "As this point, ikaw lang maaasahan ko."
"Wow, ah!" Bulong nilang lahat kaya natawa ulit ako.
"Ang w-weak niyo pala ahahahaha," kantyaw ko pa.
"Nagsalita," rinig kong tawa ni Eun. "Fine, fine."
'Yun lang ang narinig ko saka ko naramdaman ang pares ng kamay na umalalay sa akin patayo.
"Thanks, Eun. I'll make it up with you tomorrow."
Napakurap-kurap nalang ako nang muli kong marinig si Sunho. 'Di ko man lang namalayang nakapasok na pala ako sa loob ng isang kotse.
"Shet strawberry," bulong ko nang maamoy ko ang freshener. Rinig ko namang may pumasok sa kabilang pintuan at nagsara naman ito agad.
"So? Where do you live?"
Tanong ni Eun pero hindi ko siya sinagot. Ewan ko't napatitig lang ako sa kanya habang binubuksan polo niya hanggang sa pangalawang botones. Ewan ko lang din pero parang ang hirap umiwas ng tingin. I couldn't stop myself from staring at his red lips along with those blushing cheeks. Messy pa 'yung buhok niya at pawisan din siya kaya maslalo siyang naging hot tignan.
"What's with the look?" Taas-kilay niyang tanong habang pangiti-ngiting hinuhugot susi niya sa kanyang bulsa.
Sinandal ko ulo ko sa windshield para matignan siya ng maayos ng hindi nahuhulog ulo ko sa kung saan-saan hanggang sa tignan niya ulit ako at sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari, nabigla nalang ako nang bigla ko siyang hawakan sa kwelyo't idinampi labi ko sa labi niya.
Uy, teka! What the hell are you doing, Hye Ran Ji?!
Dalawang katawan ang natagpuan sa isang tagong mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leanne Nakayama, class president ng Section Paradox. Ang kaso ay tinanggap ng isang sikat na investigator na si Dahna Harris ngunit sa hindi inaasahan, ang explorasyong kanyang kinakaharap ay makakahukay ng isang misteryong pilit na itinatago ng mga pamilyang biglang naglaho sa kawalan isang dalawampung taon na ang nakakaraan.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...