Samahan si Liana Kyrie Buenaventura sa journey niya bilang isang secretary ng isang malaking kompanya. Kung saan puro Kalokohan, Kagagahan, Kalandian, Katatawanan, Katangahan, at Kabaliwan ang pinanggagawa niya. Dito niya makikilala ang napakasungit, napakaseryoso, at napakasensitive na si Raze Adler Montereal. Ano kayang mangyayari kung magsasama sila sa iisang kompanya? Makakaya kaya ni Raze na makasama si Liana sa iisang opisina? Matatahimik pa kaya ang buhay ni Raze kapag kasama niya si Liana?
Naaalala ko pa noon kung paano nagsimula ang lahat. Isa lang akong babaeng maganda na may pangarap. Isang chismosa na ambisyosa. Isang matalino pero tanga. Isang babaeng makapal ang mukha.
Sa sobrang dami kong pinag-apply-ang trabaho, isa lang talaga ang tumanggap sa taglay kong kagandahan. Isa lang talaga ang naka-appreciate ng beauty ko. Yung ibang kompanya kase na nag-interview saakin, insecure yata sa ganda ko. Kaya ayun, di ako tinatanggap. Kasalanan ko bang maganda ako? Sorry na lang doon sa mga kompanyang hindi ako tinanggap. Sila ang kawalan at hindi ako.
Tinanggap ako ng Montereal Group of Company. Alam niyo naman, iba talaga pag-maganda. Ngunit ang akala ko eh manager ang papasukan kong trabaho sa kompanya nila. Wala naman akong ka-alam-alam na secretary pala. Edi naloka yung bida niyo. Jusko! Ang taas-taas ng pangarap ko tapos secretary pala yung posisyon ko sa kompanya. Hindi naman kase ako in-inform nung nag interview saakin. May pagka-tanga pamandin akong taglay.
Nagkataon pa na napakasungit nitong boss ko. Naturingang gwapo at mayaman, suplado naman. Daig pa ang babaeng may regla kung magsungit. Hobby niya na talaga ang magsungit. Tapos palagi pang salubong ang kilay. Taray ng boss ko no? Tapos eto pa.
Ang akala ko secretary lang ang pinag-apply-an ko. Yun pala hindi lang yun. Ginawa pa akong kasambahay nung boss ko. Diba, ang bait ng boss ko. Napakabait. Mahal na mahal niya talaga ako bilang secretary niya. Biruin niyo sa ganda kong ito nagawa niyang gawin akong kasambahay nila. Buti na lang may dagdag sweldo, dahil kung hindi naku! Sa korte kami magkikita.
At dahil nga mukhang pera itong bida ninyo, syempre pumayag naman ako maging kasambahay nila. Edi naloka na naman ako dahil dala-dalawa ang trabaho ko. Keri naman. Hindi pa naman na-aagnas ang ganda ko. Basta may sweldo, keri yan. Ako pa! Suma Cumlude nga ako nung college eh. Hindi naman sa pagmamayabang ahh pero parang ganon na nga.
Tapos ang akala ko talaga secretary at kasambahay lang ang purpose ko sa mundong ito. Pero nagkamali pala ako. Sa Montereal Group of Company ko naranasang manlait, gumawa ng kalokohan, katangahan, magkalat ng chismis, at higit sa lahat mainlove.
"Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad. Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang “Cameron” ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya. Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito.