Kunin ang APP Mainit
Home / Pantasya / Red Roses
Red Roses

Red Roses

5.0
7 Mga Kabanata
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

In a magical land called Eldoria, where the very earth breathes with enchantment, Aric Charles, a powerful wizard, and Seraphina Emberheart, a magical being tied to the earth, come together in a captivating tale. As time passed, they found themselves falling in love with each other. Seraphina Emberheart accepted her fate in Eldoria, even though she didn't know what awaited her there. As time went on, she began to understand her destiny. She often found herself in danger, but Aric was always there to protect her. However, in the last battle, Aric was in serious danger. Can Seraphina save him while fighting the rogue sorceress? Will her magic work and heal him if he has been struck with dark magic? Can the cycle of events repeat exactly as it happened to the one god many years ago?

Chapter 1 Ang panganib

[LOVEILLE WINDWARD]

Kalmado ang gabi, ngunit naramdaman ko ang panganib. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang umulan ng malakas at kumulog. Tila inuutusan ko ang langit, itinaas ang aking mga kamay at pumikit na tila sinasabing kidlatan ang bawat rogue sorcerers na lalapit.

Binuo ko ang isang protective barrier para maiwasan ang pagbukas ng portal papasok sa Eldoria. Bumuo rin ako ng protective barrier sa buong paligid dahil baka mamaya ay nasa paligid na ang nagbabantang panganib.

Ang mga rogue sorcerers ay nais maging malakas sa kanilang mahika at kapangyarihan. Sa nakaraan, mga nature guardian mismo ang pumatay sa ibang dark entities na sorcerers dahil sinugod nila ang Eldoria at sinira ang kalikasan. Gusto rin nilang wasakin ang mundo ng mga tagapangalaga ng kalikasan. Kinokontrol nila ang mga tao at ginagawang masamang nilalang para gumawa ng masasama.

"Magsihanda kayong lahat, nakaramdam ako ng panganib," utos ko sa aking mga kasama.

"Masusunod, pinuno," tugon ng isa sa mga katiwala ko.

"Naaamoy ko rin ang panganib, mahal ko," saad naman ng aking asawa dahil papalapit na ang mga rogue sorcerers na gustong angkinin ang mundo at mapasakanila ang lahat ng klase ng mahika o kapangyarihan.

Ginamit ko ang aking isipan upang bigyang-buhay ang mga halaman, kinakausap ko sila mula sa mga lugar na maaaring daanan ng mga rogue sorcerers. Sa bawat ihip at paggalaw ng hangin, ramdam kong may sinasabi o binubulong sa akin ang mga halaman sa paligid.

"Inuutusan ko kayong harangin sila at binibigyang kapangyarihan bilang abilidad na puksain ang bawat rogue sorcerers na may mga masamang balak," gamit ang aking isipan, nagawa kong gawin ang pagkausap at pag-utos ng mga halaman, lalo na't kinakailangan dahil nasa panganib ang Eldoria ngayon.

Sa pagbukas ng aking mga mata, nakikita ko sa malayuan at himpapawid ang biglaang paglakas ng enerhiya ng mga halaman. Biglaang paggalaw at paglaki ng mga ugat at iba pang parte ng mga halaman.

"Eltra suéndré dé la energía." Bigkas ko ng mga katagang nagsasabing hindi gagana ang abilidad nila upang higumin ang mahikang nakapaloob sa mga halaman.

Eltra suéndré dé la energía means "The energy of nature and magic involves growing plants, utilizing the air, or employing them as weapons."

Lumipad papunta sa kinaroroonan ko ang aking asawa at mga kasama sa Eldoria. Tinaas namin ang aming mga kamay at pinalabas ang kulay berde naming mga kapangyarihan. Ang aming mga mata ay nagliwanag rin ng berde, nakasuot kami ng green hooded cloaks.

Sa bawat kumpas ng aming mga kamay, binibigyan namin ng abilidad ang aming sarili upang kontrolin at makipag-usap sa mga halaman. Kinontrol namin ang hangin at apoy nang maging marahas, gumamit kami ng mahika upang bumuo ng hugis kutsilyo sa hangin na siyang susugat sa kanila.

Mukhang imposible sa mga ordinaryong tao, ngunit sa amin, hindi. Ang aking anak na kakasilang pa lang ay kinakailangang mailigtas.

"Handa akong magsakripisyo para sa kapakanan ng lahat," ma-awtoridad kong sabi na ikinabahala ng lahat.

Alam kong maraming kukuwestiyon, ngunit kung kinakailangan, gagawin ko kung iyon ang nararapat.

"Gamitin ninyo ang inyong mga kapangyarihan upang biyakin ang lupa, tawagin ang malalakas na buhawi, mga malalakas na kidlat sa pagpuksa ng mga masasamang elemento gaya nila," rinig kong utos ng aking asawa.

Siya ang napiling tagamahala rin ng buong Eldoria bago mawala ang aming guro at tunay na pinuno dahil sa pagsasakripisyo nila ng kanilang buhay upang iligtas ang bawat isa.

Kailangan naming buhayin ang lupa upang ma-trap sila doon, at doon namin sila kokontrolin o palalabasin sa sing-init ng imp*y*r*o at tubig, na siyang lulunod sa kanila. Sila'y didiretso sa lugar kung saan lahat sila'y magbabayad para sa kanilang mga nagawa.

Sa pagbubukas ng lupa, siyang gagawin rin naming paraan upang tawagin ang mga elemento ng gubat, iba't ibang elemento ng kalikasan, at elemento ng lupa na siyang tutulong upang puksain ang bawat sorcerer.

May binubulong sa akin ang hangin na nagsasabing, "Pupuksain ng mga rogue sorcerer ang planeta na ito pati na ang buong kalikasan, hanggang lumaganap ang kadiliman."

"Ang iba sa inyo ay puntahan ang lugar kung nasaan sila. Gamitin ang inyong invisibile ability para hindi kayo makita," mariing kong utos sa kanila, at agad naman nilang sinang-ayunan. "Gamitin niyo rin ang isa sa inyong mga abilidad para hindi nila kayo maamoy o ang mahika na ginagamit ninyo," dagdag ko pa.

[CARTER EMBERHEART]

Lumalakas ang kanilang puwersa, nagagawa pa naman naming silang pigilan ngunit tila hindi na ito umoobra.

Nakikipaglaban na ang mga nature guardians sa mga rogue sorcerers, gamit ang kanilang kapangyarihan.

"Paano na kaya ang anak kong sanggol?" Sagi ko bigla sa aking isipan.

Sa pagpikit ng aking mga mata, nakita ko ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko nais na lumaki siya sa kamay ng mga kalaban.

Ilang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng kasunduan ang nature guardians at rogue sorcerers na bantayan ang kalikasan. Ngunit dahil sa kanilang pagiging sakim, hindi sila tumupad sa usapan. Sa halip, sinakop nila ang Eldoria kaya't kinailangang may magsakripisyo sa aming hanay.

In terms of sacrifice, we'll make sacrifices to keep Eldoria safe and peaceful. If we need to send away our daughter just to ensure her safety, we'll do that.

"Pinuno, kailangan na nating gumamit ng pwersa," suhestiyon ng isa sa fairy ng Eldoria.

Nilingon ko ito. "Gamitin natin muli ang mahikang matagal na nating hindi nagagamit." Tugon ko sa kaniyang suhestiyon.

We closed our eyes and flew up above the sky. We summoned the sky to pour heavy rain; we summoned thunder, even the plants. We summoned the entities who were hiding in the plants and the gods of thunder and storm.

As our eyes open, our eyes have been lit like a storm, and everything that we summoned using our powerful magic.

I gestured my hand, and I ordered the nature monsters and even the other nature guardians to fight over the rogue sorcerers.

I saw my wife fighting them. "My love," I called her, so she glanced at me and flew where I was. "Keep our baby away before everything is destroyed and fades out." I asked her to do that.

"If this is the only thing we can do, I will do it just to keep her safe." She agreed and did what I said.

Ayoko man na gawin niya iyon ngunit wala na pang ibang paraan.

[NARRATOR]

Lahat ng mga nature guardian sa Eldoria ay prinotektahan si Loveille para mailigtas ang kanilang anak na si Seraphina.

Masakit man sa loob niya na dalhin sa pinakamalapit na bahay sa isang malayong village ay ginawa niya ito. Ginamit niya ang kaniyang mahika para magawan ito ng maayos na tulugan at proteksyon ang kaniyang anak.

"Ayaw sana kitang iwan sa tapat ng pintuan anak pero wala na pang oras na natitira kahit ikaw na lang mabuhay sa amin," naluluha niyang saad saka kinatok ang pintuan sa kasagsagan ng ulan.

Dahan-dahan siyang umatras habang umiiyak bago naglaho na tila usok at bula. Bumalik ito sa pakikipagdigma sa mga sorcerers habang pinagbuksan naman na ng pinto ang pinag-iwanan niya sa bata.

"Sino naman kaya ang nag-iwan ng bata rito?" Nagtatakang tanong ng ale saka nagmasid sa labas. "Kawawa naman ang sanggol, umiiyak pa naman habang ito'y basang-basa na." Komento nito bago kinuha ang bata at dinala sa loob ng bahay nila.

Sa kanilang walang tigil na pakikipagdigma sa mga rogue sorcerers at paggamiy ng kapangyarihan ay naglaho ang lahat. Naglaho ang buong Eldoria, sa itaas ng kabundukan sa lihim na kagubatan ng Eldoria ay naglaho lahat na tila isang bula.

Maraming tao ang nagtataka dahil tila may nawala at nabago rito. Tumigil bigla ang ulan at malalakas na kidlat.

Kinabukasan ay pati mismo ang ale na pinag-iwanan ni Loveille ng kaniyang minamahal na anak na si Seraphina ay pumunta sa Bayan para makibalita sa nangyari.

Mabilis namang nakahatak ng atensyon ang sanggol na hawak niya dahil kakaiba ang itsura at mga mata nito.

"Nakapagandang bata naman iyan at kakaiba siya kung pagmamasdan." Komento ng isang babae ngunit nginitian na lang niya ito.

Pinagmasdan naman siya ng isang babaeng may hawak na sanggol na lalaki kung saan anak ito ng magaling na salamangkero. Ngunit ang salamangkerong iyon ay hindi na pa nagbalik, ayon sa bali-balita nila ay may nakasagupa itong malakas na elemento sa kaniyang paglalakbay.

"T-Tila pareho sila ng aking anak." Nauutal niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang sanggol.

Matapos nga ang usap-usapang iyon sa bayan at buong village nila ay nananatiling misteryo ang nangyari sa itaas ng bundok kung saan nandoon ang lihim na kagubatan na pinagbabawal nilang puntahan dahil sa mga elemento at mga nagbabantay mismo doon sa lugar na iyon.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 7 The illusions   04-07 19:06
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY