Aklat at Kuwento ni Winter029Leigh
/0/30452/coverbig.jpg?v=89194830ec760a85c8d00c0712a44075)
The Drummer's Love
"Why do you play drums?" tanong niya sa akin nang minsan mahuli niya ako sa music room at nakaupo sa harap ng drums. "Marami namang instruments pero bakit drums ang napili mong pag-aralan na tugtugin." "Simple lang naman ang dahilan ko," nakangiti kong sabi sa kanya tsaka hinawakan ang mga stick at sinimulan itong ipalo sa drums na nasa harap ko. Napatakip siya ng tainga dahil masyadong maingay ang pagpalo ko sa mga ito. "That is the reason." Itinigil ko na tsaka muling humarap sa kanya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo. "I don't understand." "I play drums because it is noisy," sabi ko. "And by playing this instrument, naibubuhos ko dito ang lahat ng emosyon ko nang hindi nahahalata ng ibang tao. Kahit gaano kasi kalakas ang palo ko sa mga drums, hindi nila mapapansin ang pagkakaiba basta sinusundan ko lang ang beat ng music." "Dahil lang doon?" "Huwag mong nila-lang ang dahilan ko noh." Bahagya kong sinuntok ang kanyang balikat. "It is something important for someone like me." Tinitigan niya ako ngunit ilang sandali lang ay tumangu-tango siya. "Ah, now I understand." Mapait akong ngumiti tsaka ibinaling ang tingin sa mga drums na nasa harap ko. "I need to stay calm in front of others that is why I always control my emotions. Even though I am mad, happy or panic, I still need to look calm." "Yeah," aniya. "Dahil sa dami ng mga taong may mataas na expectation sa iyo." "And I can't handle all of that," sabi ko. "Kaya naghanap ako ng isang bagay na maaari kong gawin na siyang makakatulong sa akin para mailabas ko ang lahat ng emosyon na itinatago ko nang hindi ako nakakasakit ng ibang tao." Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Maliban sa reason na iyan, I just love playing drums. Hindi man sa amin ang spotlight pero alam namin ang importanteng papel namin sa isang banda. A band without a drummer is not really a band, right?"