Get the APP hot
Home / Billionaires / POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)
POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

5.0
10 Chapters
1.2K View
Read Now

About

Contents

WARNING: (R18) STORY WITH MATURE CONTENT: Si Aria ang kahulugan ng buhay para kay James. Mahal na mahal niya ang asawa niya at alam niya na kapag nawala ito ay guguho ang mundo niya. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya at iyon ang pinaka-hindi niya gustong mangyari. Pero paano kung ang kinatatakutan niyang iyon ay biglang mangyari? At paano kung sa muli nilang pagkikita ay hindi na siya kilala ni Aria? Paano na ang pamilya nila at ang ikalawang bata na dinadala sa sinapupunan ng kaniyang asawa?

Chapter 1 PROLOGUE: "COME BACK TO ME, ARIA 1"

MADILIM na ang paligid pero wala paring plano si James na umuwi para itigil na ang paghahanap sa nawawala niyang asawa. Sa pagkakaisip na magandang mukha ng kaniyang kabiyak ay mabilis na nag-init ang mga mata ng lalaki.

"Come back to me, Aria. Hindi ko kaya kung wala ka" bulong niya saka pinigil ang sariling emosyon kahit ang totoo kanina pa niya gustong umiyak.

Eksaktong tatlong buwan narin bukas ang nakalilipas mula nang mangyari ang aksidente. Marami ang nagsasabi sa kaniya na subukan niyang tanggapin ang totoo, subukan niyang tanggapin na wala na si Aria, na patay na ang asawa niya.

Siguro nga pwedeng mangyari iyon. Siguro nga totoo iyon. Pero hindi sa ayaw niyang paniwalaan o kung ano pa man, kundi dahil nararamdaman niyang buhay ang asawa niya. Nararamdaman niya at sinasabi iyon ng puso niya.

At iyon ang dahilan kung bakit nagpapatuloy siya. Walang dahilan para itigil niya ang paghahanap lalo na kung alam niya mismo sa sarili niya na kahit kailan hindi siya iiwan ni Aria sa ganitong sitwasyon, sa ganitong pagkakataon.

Totoong busy siya sa pagpapatakbo ng negosyong nila sa Maynila at sa pagiging ama at ina sa anak nila ni Aria na si Jamie. Ang ikatlong henerasyon ng James Sebastian sa kanilang angkan. Bukod pa iyon sa obligasyon niya bilang anak sa kaniyang ama na si Jaime.

Pero gaano man kahirap ang lahat na kung minsan parang gusto na niyang bumitiw dahil narin sa tindi ng lungkot na nararamdaman niya gawa ng pangungulila niya kay Aria, hindi niya iyon magawa.

Nasa puso niya ang kagustuhan na gawing maayos ang lahat oras na makabalik na ang kaniyang asawa. Kapag nahanap na niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang maging okay, kung bakit kailangan niyang magpatuloy at huwag sumuko. Dahil gusto niyang matuwa ang asawa niya, someday, kapag muli na silang nagkasama.

Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni James. Nang mahagip ng paningin niya ang isang karatula ng transient house ay noon niya naisip na magpahinga na muna. Maaga pa siya bukas at gusto niyang mas maraming oras ang magugol niya sa paghahanap kay Aria.

Every weekend ay nakagawian na talaga niyang umakyat ng Baguio. At sinimulan niya iyon isang linggo matapos maganap ang aksidente. Malaki ang lugar siyudad kaya malaki rin ang posibilidad na dito rin niya ito mahanap.

Alicia's Transient House, iyon ang nakasulat sa karatula habang sa ibabang bahagi niyon ay Alicia's Flower and Coffee Shop naman ang nakasulat.

Nakita niyang bukas pa ang coffee shop kaya doon siya nagtuloy. Agad siyang binati ng babaeng nasa kaha ng shop.

"Hi sir, good evening po" anitong maganda ang ngiti sa kanya.

Ginantihan niya ito ng ngiti. "Coffee please?" aniya.

"Ah, subukan po ninyo iyong best seller namin for sure magugustuhan ninyo" anito sa masiglang tinig.

Humaplos sa puso ni James ang sinabing iyon ng babae. Bakit nga hindi ay parang nakikita niya sa personalidad nito ang asawa niya noong una silang magkita ni Aria sa bar kung saan niya ito nakilala.

"At ano naman iyon?" tanong-sagot niya.

"Aria's Blend sir, kuha po kayo?" anito sa kaniya.

Natigilan si James saka tumitig sa mukha ng babae pero parang wala naman siyang nakikita kung tutuusin dahil mas nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi nitong pangalan. Kaya naman bahagya siyang napakislot nang kunin ulit ng babae sa harapan ng kaha ang atensyon niya.

"Sir? Okay lang po ba kayo?" ang magalang na tanong sa kanya ng babae.

Noon parang wala sa sariling hinarap ni James ang kahera. "Yeah, pagod lang siguro ako, pasensya kana miss. Okay bigyan mo ako ng Aria's Blend. And also, may bakante pa ba kayong kwarto?"

Nginitian siya nito saka kinuha ang kaniyang bayad. "Mayroon pa naman po kaming vacant na kwarto. Kung gusto po ninyo ipapahatid ko nalang sa kwarto ninyo iyong kape ninyo since malapit narin naman kaming magsara" suhestiyon pa nito.

Tumango si James. "Sige. And by the way" aniyang tinanggap ang susi mula sa babae. "kukuha ako ng bulaklak bukas ng umaga? Isang bouquet ng red roses, gusto ko iyong pinakamaganda at pinakamahal" ani James.

Every weekend dinadalaw niya ang lugar kung saan nahulog ang sasakyan ni Aria. Doon siya nagsisindi ng kandila at nag-iiwan ng bouquet ng pulang rosas. Naniniwala kasi siya na sa ganoong paraan maaaring bumalik sa kaniya si Aria. At kung nasaan man ito o kung ano man ang kalagayan nito, maaalala siya nito, makikilala nito ang penmanship niya.

"Okay po sir," iyon lang at iniwan na niya ang babae.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY