Get the APP hot
Home / Romance / Chasing Mr. Billionaire
Chasing Mr. Billionaire

Chasing Mr. Billionaire

5.0
25 Chapters
629 View
Read Now

About

Contents

Mabelle Ghia Vestien is a woman who works really hard for her family. Because of her family she forced her self to work as a maid where she met this cold and heartless billionaire. After months of working for him, she found her self admiring and falling for him. But Morgan Cyler Hodsson didn't have the same feelings as her, he pushes her away and hated her. But Mabelle is willing to take a risk, she will chased the billionaire.

Chapter 1 His Confusing Action

Napatingin ako sa labas nang marinig ang pagdating ng sasakyan, hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kung siya ang dumating. Kahit ilang oras akong naghintay sa kanya ay sulit pa rin dahil umuwi siya, siguro ay busy lang sa trabaho niya sa companya.

Gusto kung salubongin siya pero mas pinili kung i-handa ang pagkain na nasa lamesa. Sigurado akong nagugutom siya, alas onse na ng gabi kaya malamang ay pagod rin ang isang 'yon.

Akmang kakaway ako ng marinig ang pag bukas ng pintuan pero napahinto ako sa kinatatayuan, nadatnan ko ang sarili kung nagtatago at pasimple siyang sinisilip.

Naulit nanaman, may babae siyang kasama.

Mukhang lasing silang dalawa, gusto kung sugorin ang babae dahil bigla niyang hinalikan si Morgan pero nanatiling nakakuyom ang dalawang kamao ko. Naghihintay ako sa gagawin ni Morgan, pero sa halip na awatin niya ang babae ay mas lalo niya lang dinikit ang katawan nilang dalawa.

Agad kung naramdaman ang pag-init ng mata ko, at makalipas lang ang ilang segundo ay tuloyan na nga akong napaiyak. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko, nasasaktan ako dahil sa ginagawa nila. Pilit kung tinatanong sa sarili ko kung bakit ayaw niya sa 'kin?

Dahil ba hindi ako kagandahan? Dahil ba hindi ako gaanong sexy? Dahil hindi malaki ang hinaharap ko? Dahil hindi malaki ang pwetan ko? Hindi ako attractive? Bakit pag-dating sa akin umaayaw siya? Kung gusto niya akong halikan papayag naman ako! Pero bakit kailangang ganito?

Bakit tinatrato niya akong ganito? Pero pag-dating sa ibang babae ay wala siyang reklamo?

Masakita man ay pinili kung bumalik na lang sa maid's quarter, malas nga lang dahil bigla kung nabitawan ang cellphone ko na siyang naglikha nang ingay. Mariin akong napapikit at parang gusto kung sapukin ang sarili ko ngayon, dali-dali kung pinunasan ang luha sa pisnge ko at kinuha ang cellphone na nasa sahig.

"Stop right there." Malamig na boses mula sa likuran ko ang narinig, dumausdos nanaman ang kaba sa buong sistema ko. Dahan-dahan akong lumingon at yumuko.

"Sir, pasensya na po." Nabigla ako nang hilain ako nito papunta sa harap ng babaeng kasama niya. Gusto ko siyang tanongin kung anong ginagawa niya pero hindi ko magawa, dagdag pa ang masyadong mahigpit niyang pagkakahawak sa akin na halos mamula na ang braso ko.

Pero baliwala ang sakit do'n, mas ramdam ko kasi 'yong sakit sa puso ko. Pain.

"Look, Mabelle." Napalunok ako ng hawiin niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at marahang hinawakan ang bagang ko. "This woman," turo niya sa babaeng kasama niya bago magsalita ulit, "is my girlfriend, so stop chasing me. Do you understand?" para akong tangang nakatulala sa kanya.

Pa ulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang binitawan niya, hinarap niya ako sa babaeng 'yon para lang ipamukha sa 'kin na may girlfriend na siya? Mabilis kung hinawakan ang pulsohan niya ng akmang tatalikod siya sa akin.

"Morgan...b-bakit ba ayaw mo sa akin?" para akong bata dahil sa inasal ko. Pero hindi na 'yon importante, gusto ko ng sagot mula sa kanya, sagot kung bakit kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan.

"Do you really need to ask that?" Buong tapang akong tumango, kung masasaktan man ako at iiyak ngayon gabi gusto kung lubusin na.

"Oo, Morgan. Gusto kung malaman, please sabihin mo sa 'kin. Dahil ba hindi ako maganda? Pwes simula ngayong mag aayos na ako! Hindi pa ako sexy? 'Wag kang mag alala magsisimula na akong mag-exercise! Dahil ba hindi ako matalino gaya mo? Pwes magpapa-enroll na ako tapos mag-aaral ako hanggang sa matutunan ko lahat! Sabihin mo lang please..." hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Umaasa akong may magbabago sa reaksyon ni Morgan, pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Subra na ba talaga akong tanga dahil sa ginagawa ko? Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya e. Mahal na mahal.

"Are you that desperate? Listen carefully Mabelle, kahit meron ka ng mga bagay na binaggit mo, hinding-hindi kita magugustuhan. Do you understand? I hope it's clear now? Hindi kita gusto, at hindi ko na kailangan ng dahilan kung bakit. So back off." Binitawan ko na ng tuloyan ang kamay niya, tinignan ko silang dalawa ng kasama niyang umaakyat papunta sa taas.

Ang sinabi niyang 'yon ay tumatak sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ng isang Morgan Hodsson, bakit nga ba ako umasa? Masyadong mataas ang pangarap ko. Gayong ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako nandito ay ang pagsilbihan siya, isa lang akong katulong.

Kumpara sa kanya, sa dami-daming babaeng naghahabol sa kanya malabong ako ang magustuhan niya. Ang tanga, Mabelle subrang tanga mo.

"Pagod na rin ako Morgan. Pagod na pagod na ako, subrang pagod na akong mag habol sa 'yo Morgan."

***

Mugto ang mga mata ko nang gumising ako kinabukasan. Ramdam ko pa ang hapdi nito dahil sa subrang pag-iyak ko kagabi. Halos dalawang oras lang din ang tulog ko at pilit pa 'yon, hindi talaga ako dinalaw ng antok. Ang gusto ko lang ay umiyak nang umiyak. Kaya ito ang kinalabasan.

Halos walong buwan na simula nang mag trabaho ako bilang personal na katulong ni Morgan, noong una ay naiinis ako sa kanya. Bukod kasi sa masungit napaka suplado pa, ni minsan ay hindi niya ako tinatrato ng tama. Palagi siyang sumisigaw sa akin kahit malapit lang kaming dalawa.

Palagi siyang high blood, hindi ako nag resign kahit gano'n ang pakikitungo niya sa akin. Sabi ni Aling Dalia kaya gano'n si Morgan--Sir ay dahil stress daw sa companya, kaya tiisin ko nalang daw dahil balang araw magiging maamo daw ito sa akin. Si Aling Dalia 'yong dating katulong ni Sir pero nag resign ito dahil sa subrang katandaan, at siya rin ang nag rekomenda sa aking ng trabahong 'to.

Magkaibigan kasi ang lola ko at si Aling Dalia, kaya no'ng marinig niyang nangangailangan ako ng trabaho ay agad niya akong kinontact. So ayon na nga, ang inakala kung pag-amo ay hindi naman nangyari. Bawat araw ata nadadagdagan ang pagiging masungit niya, kaming dalawa lang nandito sa malaki niyang mansyon.

Iwan ko rin kung bakit siya nag-iisa dito--hindi pala siya nag-iisa kasi andito ako. Pero parang gano'n na rin 'yon, gusto kung i-tanong sa kanya noon kung nasaan ang mga magulang niya, kung may kapatid ba siya, o kamag-anak. But, hindi ko na tinuloy baka lalo lang itong magalit sa akin.

Sa mga nakalipas na buwan ay nasanay ako sa ugali niya, kahit masaktan sa pagiging suplado niya ay tinatawanan ko na lang. Kasabay rin no'n ang pagiging aminado ko, aminado akong may gusto ako sa kanya. At mas lalo ngang lumalim ang nararamdaman ko.

Gusto kung nakikita siya palagi, gusto kung kulitin siya palagi, gusto kung ako ang unang babae na magpapangiti sa kanya. Kasi never ko siyang nakitang ngumiti, poker face siya palagi. Makalipas ang limang buwan ay nagsimula na akong mag habol sa kanya, naging halata ako.

Palagi akong dumidikit at nangungulit, pero lahat ng 'yon? IGNORE. Para akong hangin sa kanya! Ni dapuan ako ng tingin ay hindi niya magawa! Pero dahil marupok ako ay hinayaan ko na lang. Araw-araw nadadagdagan ang nararamdaman ko, to the point na nasasaktan ko na ang sarili ko.

Nang mga sumunod kasing buwan ay nagsimula na siyang magdala ng babae dito, t'wing gabi ay palagi siyang may kasama. At alam ko kung anong nangyayari sa kanila, at alam ko ring pilit niyang pinapamukha sa akin na hindi niya ako gusto. Malakas ang loob ko e kaya pinagpatuloy ko pa rin, pinatuloy ko 'yong paghahabol sa kanya.

Kaso sa nangyari kagabi? Para akong natauhan, masakit pero parang nagising ako sa sarili kung kagagahan. 'Yon ang kauna-unahang beses na pinakilala niyang girlfriend ang babaeng sinasama niya. At kung paano niya pinamukha sa akin na hindi niya ako gusto? Tagos siya hanggang abdomen.

Napailing nalang ako sa kawalan at nagsimulang mag-luto ng breakfast niya. Tama 'yan Mabelle isa kalang katulong, tagasilbi kaya gawin mo ang trabaho mo.

Parang gusto ko tuloy sirain ang araw ni Morgan ngayon, balak ko sanang lagyan ng isang kilong asin ang ginawa kung sinigang pero syempre hindi ko ginawa. Baka mapaalis ako ng wala sa oras, hindi ko pa afford mawalan ng trabaho, dahil kailangan na kailangan namin ng pera.

Kaya magtitiis ako hanggang sa makakaya.

Napaayos ako sa kinatatayoan ko ng marinig ang yapak ng sapatos na paparating sa kusina. Alam kung gising na siya, kung dati ay sinasalubong ko agad siya ngayon ay hindi na. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at hinintay siyang makarating.

"Morning Sir, eat your breakfast na ho." Nanatili akong nakayuko.

"I'm not going to eat," napangiwi ako, at bakit!? Niluto ko pa naman sana ang paborito niyang ulam.

"Gano'n po ba Sir? So paano po? Itatapon ko na lang po ba 'yong sinigang na niluto-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang makitang nakaupo na siya sa harap ng mesa at kumakain.

Gusto kung matawa gaya ng palagi kung reaksyon, pero naalala kung nasaktan pala ako kagabi kaya no emotion ulit ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya, napaka comportable niyang tao. Bawat galaw niya napaka-professional. Kaya naman hindi maitatanging maraming nagkakagusto sa kanya.

Marami pa akong katanungan na nabubuo sa isip. Hinihintay ko lang na mag-kwento sa akin si Sir, pero wala naman ata siyang balak mag kwento. Sino ba naman kasi ako para makialam sa buhay niya?

"Staring again? I thought I already told you that I have a girlfriend?" napaiwas ako ng tingin. Oo alam ko, at nakatatak na 'yon sa utak ko.

"Ah, sige po lilinisan ko na lang po ang opisina niyo." Magalang kung tugon, saglit niya pa akong tinaasan ng kilay bago binalik ang atensyon sa kinakain.

"Nga pala Sir, akala ko ba hindi ka kakaain? Bakit malapit nang maubos 'yong sinigang na niluto ko?" Huli na nang ma-realize ko ang sinabi dali-dali akong tumakbo papunta sa taas dahil alam kung magagalit nanaman siya sa sinabi ko. Gustong-gusto ko ring i-tanong sa sarili ko kung saan ako nagkaroon ng lakas para sabihin 'yon.

"Damn!!!!! Mabelle!!!!" Napangisi na lang ako na kaunti nang marinig ang sigaw niya. Nasisiyahan pa rin talaga ako lalo na pag alam kung napipikon ko siya.

Nag-umpisa akong mag linis ng kwarto niya, sa totoo lang ay parang wala na akong kailangang linisan. Maayos naman ang buong kwarto, except nga pala sa kama.

Magulo.

At gustong-gusto kung sirain ang kamang 'to, alam ko kung anong ginawa nila at nagkagulo 'to! Oo nga pala wala akong karapatan, girlfriend niya 'yon! at katulong lang ako.

Saglit akong sumilip sa bintana, at saktong nakita ko siyang naglalakad papunta sa kotse niya. Hindi ko maiwasang malungkot, wala nanaman akong magagawa sa loob ng mansyon niya. Wala siya dito, wala akong makukulit.

Buntonghininga na lang ang pinakawalan ko. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya? Bakit gusto ko pa ring mag habol sa kanya? Kahit alam kung wala akong pag-asa?

Gusto ko siyang ipag-laban.

Pero siya na mismo ang umayaw.

...

Dahil sa bored at wala akong magawa, naisipan ko nalang mag grocery total paubos na rin ang mga pinabili ko noong nakaraang. Nagdadalawang isip pa ako kung aalis ba ako dahil hindi ako nag paalam kay Morgan.

Binalaan niya na ako noon pa, na h'wag akong umalis nang walang paalam. Pero siguro naman wala siyang pakialam sa akin ngayon? Total may girlfriend naman siya, at busy rin. Uuwi rin naman ako pagkatapos.

Halos dalawang linggo din akong hindi nakalabas, iwan ko ba kung bakit hindi ako pinapayagan ni Morgan. Kaunti na lang ay isipin kung may gold siyang tinatago sa mansyon kaya ayaw niyang naiiwan ito na walang nagbabantay.

Mabilis akong nakapara ng taxi nang makalabas ako, mabuti na lang din at hindi gaanong traffic kaya mabilis akong nakarating sa grocery store. Mukang malas nga lang dahil ang daming tao sa loob, pero keri na sigurado namang gagabihin siya ng uwi mamaya .

"Hi? It's you right?" Napalingon ako ng may kumalabit sa akin.

"Oh? Mr. Fc?" nakangiti siya habang nakatingin sa 'kin, kaya ngumiti ako pabalik. Sa pagkakatanda ko ay nagkita na rin kami no'ng nakaraan, dito rin mismo sa grocery story na 'to. At binansagan ko siyang Mr. Fc dahil masyado siyang feeling close no'ng kinausap niya ako noon.

"Glad you remember me!" tumango lang ako.

"Pang-apat na beses na 'to diba? Nagkita nanaman ulit tayo," binasag ko ang katahimikan. Nakapila na ako habang siya naman ang nakasunod sa akin.

"Yeah, I think it's destiny?" napailing ako at pilit na sinasabayan siya sa pagtawa. Masyado din siyang weird e, mukhang may gusto sa akin. Nagmumuka na tuloy akong mayabang. Kaso feel ko din mabait lang talaga siya, medyo pogi rin kasi siya, tapos ang tangkad pa. Imposibleng magustuhan ako.

Assuming ka lang Mirabelle.

"Sus may pa destiny-destiny ka pang nalalaman, siya ng pala. Mukang maliit lang grocery mo ngayon a?" Pag-iiba ko sa usapan palapit at palapit na rin ako sa counter.

"Lumipat na kasi ako ng condo, mag-isa na lang kaya kaunti na lang binibili." Mukang yayamanin din! Akalain mong may condo siya? Tapos siya lang nakatira.

"Gano'n ba? Lonely ka siguro," bigla kung naalala si Sir Morgan. Paano kaya pag umalis na ako? Magiging lonely na siya? Pipigilan niya kaya ako pag nag resign ako?

"Hey, it's your turn." Nabalik ako sa wesyo ng bumulong sa akin si Mr. Fc, nasa harap na pala ako ng cashier mukha pa siyang naiinis habang nakatingin sa akin. Sorry naman, hindi talaga maiwasang maging lutang minsan.

"So paano? mauna na ako ah?" Paalam ko sa kanya, binigyan niya lang ako ng tango at bahagyang ngumiti. Nang tumingin ako sa labas ay madilim na. Kailangan ko nang umuwi, magluluto pa ako nang hapunan niya kahit hindi ako sure kung makakain niya o hindi.

Malamang kasama niya ang girlfriend niya kuno.

20 minutes ang naging byahe ko bago tuloyang makarating. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang sasakyan ni Sir Morgan sa labas ng mansyon! Para akong si Flash na kumaripas nang takbo habang akay-akay ang mga pinamili ko.

"Fuck! Damn!"

Nagsimula na akong kabahan nang marinig ang sunod-sunod na sigaw ni Sir! Parang gusto ko na lang mag laho dahil sa kaba. Paano kung tama ako? Paano kung may gold siya sa loob ng mansyon? Tapos biglang nawala o ninakaw dahil umalis ako?

"S-sir Morgan...." Pag-tawag ko sa pangalan niya. Mabilis siyang lumingon sa pwesto ko habang ang muka niya ay parang galit na galit. Tansya ko'y parang gusto niya akong tadtarin sa mga oras na 'to.

Naglakad siya papunta sa pwesto ko habang ako ay pinigilan ang sarili kung huminga, napuno ng kaba ang buong katawan ko na halos hindi na makagalaw.

"Damn! Saan ka nanggaling!? Damn it!" Sasagot na sana ako pero bigla niyang sinuri ang katawan ko. Ang galit niyang mukha ay napalitan nang pag-aalala, dahilan para magtaka ako. "Are you hurt!?" Hindi ako makasagot gusto kung i-tanong kung bakit bigla siyang nagka-gano'n. Pero ultimo bibig ko hindi ko maibuka.

"Fuck! Answer me, Mabelle!" Napaigtad nalang ako sa gulat ng sumigaw siya. Dali-dali akong umiling.

"Nag grocery l-lang ako Sir Morgan," may halong pag papaliwanag sa boses ko. Bahagyang kumalma ang mukha niya at napahilot sa noo.

"Don't do it again! Don't you dare, Mabelle. Kung aalis ka ulit ng walang paalam ay malalagot ka sa 'kin!" Pilit akong tumango at tinanaw siyang maglakad palabas.

"M-morgan!" Pag-tawag ko sa kanya, hindi siya lumingon pero huminto siya at parang naghihintay sa sasabihin ko. "Bakit? Nag aalala ka ba sa 'kin?" Diretsahan kung tanong.

Sa pagkakataong 'to ay lumingon siya.

"Just follow what I said."

Tinalikuran niya ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Anong nangyari? Bakit pakiramdam ko nag alala siya sa 'kin?

Bakit Morgan? Bakit mo ginugulo ang isip ko?

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 25 The Vacation Six   04-29 13:39
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY