Get the APP hot
Home / LGBT+ / Pancho Kit Del Mundo
Pancho Kit Del Mundo

Pancho Kit Del Mundo

5.0
38 Chapters
1.8K View
Read Now

About

Contents

BLURB: Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Kit, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang nararamdaman mo sa iyong puso. For him, love is Ellie Saavedra, ang long time boyfriend niya simula pa kolehiyo na nagpaliko sa diretso niyang puso. He's not gay, he's not BI either. He was sure that he's straight not until Ellie invaded his world. They love each other and are sure that they will be forever not until Mr. Domingo Del Mundo – Kit's father – met Terenz Dimagiba. Ang binatang nakabilang sa pamilya na namumuhay bilang mga mangingisda at halos minsan lang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Dahil sa awa para sa pamilya Dimagiba, dinala ni Mr. Del Mundo si Terenz sa Maynila at doon ito pinagtrabaho para matulungan ang pamilya nito na umahon sa hirap. Paano kung sa okasiyon na ito ay magkrus ang landas ng simpatiko at matapobreng si Kit at ang inosente pero palaban na si Terenz? Lalo na kung ang magiging trabaho ni Terenz ay maging housekeeper ng binatang Del Mundo? Sapat na nga ba ang nararamdaman mo sa iyong puso para iyong masabi na mahal mo nga ang isang tao? Paano kung hindi lang puso, kundi lahat ay kaya mong kalimutan oras na ipakita sa iyo ng pagmamahal kung paano ito tunay na tumatama sa isang tao?

Chapter 1 SIMULA

Dati naiisip ko, paano kaya mamuhay sa isang bahay na malalaki at magagarbo? Iyon bang may tinatawag nilang swimming pool sa gilid at aircondition kapag tag-init at nais mong magpalamig. Iyong nakaupo lang na parang prinsipe at aasikasuhin lang ng mga katulong ang iyong mga pangangailangan nang hindi na pinagpapawisan. Ganoon ang buhay na minsan ay pinapangarap ko sa gitna ng pagtatrabaho. Sa buhay kasi na mayroon ang mga gaya namin, ni minsan kahit gusali ay hanggang sa telebisyon lang namin natatanaw.

Maalat na dagat lang ang kaharap ng aming mga bahay na gawa sa pawid at lagi pang ni-re-renovate kapag napatutumba ng hagupit ng mga bagyo. Sariwang hangin lang, solve na ang tag-init namin at mga sarili lang din namin ang aming mga katulong para asikasuhin ang aming mga pangangailangan. Sa madaling salita, iyan ang buhay naming mga dukha.

Napabuntonghininga na lang ako habang ipinapalaot ang bangka na gamit ko lagi sa pangingisda at hinila ang lambat na may lamang maraming isda na nahuli ko sa magdamagan pakikipagbakbakan sa tirik na araw makakuha lang ng ikabubuhay at pangkain namin. Malapit na ako makarating sa amin nang makita kong marami ang naki-uusyoso sa harap ng munti naming bahay at mula rito ay tanaw ko ang isang maganda at magarbong itim na sasakyan na nakaparke sa tapat ng aming bahaykubo.

"Kuya Renz! Kuya Renz!" dinig ko ang boses ng bunso kong kapatid na si Buboy habang hingal na tumatakbo palapit sa akin.

"Boy? Anong meron? Sino ang mga bisita? " tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, kuya, eh! Basta amoy mayaman at kutis mayaman," malapad ang ngiti niyang ani, kita ang itaas at ibaba niyang bungi.

Kumunot ang noo ko bago inakbayan ang kapatid ko para tumungo na sa aming bahay. Pagkapasok ko ay narinig ko agad ang tawa ni Tatay na minsan ko lang marinig na ganoon kasaya.

"Naku, pare, naalala ko pa dati ay kinagagalitan ka pa ng Daddy mo kapag nakikita niya na madungis ka na kasasama sa akin sa laot. Hindi matanggap na ang anak niya ay nakisasalamuha sa gaya naming mga dukha," anito sabay tawa muli.

Lumapit ako kay Nanay na noo'y may dala na isang pitsel na inumin at dalawang baso.

"Nay, mano po." Mano ko sa kaniya sabay kuha ng mga bitbit niya para siya ay tulungan. "Ako na po."

Dala ang inumin, lumapit ako sa pwesto nina tatay sa maliit naming sala at doon ay nakita ko ng buo ang mukha ng aming bisita. Bigla-bigla ay na-excite ako sapagkat noon lang may bumisita sa amin na kutis mayaman, halatang taga-Maynila. Maputi, magarbo ang suot, may mga alahas na kulay ginto, maganda ang ayos maging ang buhok, at higit sa lahat sobrang bango.

"I really don't understand Dad at that time eventhough she married a woman who grew up here. Maybe I really took up my personality galing kay Mom," nakangiti niyang kwento at doon ay nasilayan ko ang mapuputi niyang ngipin, tila lagi ay nagpapadentista.

"Tay, inumin niyo po," magalang kong singit sa usapan nila at halos sabay pa silang napatingin sa akin. Nahiya naman ako bigla, amoy araw pa ako panigurado.

"Oh! Is he your first born? Si Terenz na ba ito?" Nanlaki talaga ang mga mata ko nang binanggit niya ng buo ang aking pangalan. Kilala niya ako?

Taka akong napatingin kay Tatay na noo'y tumawa na naman.

"Oo, pare. Iyan na pala ang inaanak mo. Binata na ano?" pagmamalaki niya rito. "O, Renz, anak, magmano ka sa Ninong Domingo mo," utos niya na mas kinagulantang ko.

Ninong ko ang tao na ito? Talaga namang medyo napanganga ako dahil doon. Mabilis kong pinunas ang dalawa kong kamay sa aking noo'y kupas nang pantalon. Nang mahawakan ko ang kamay niya para magmano ay talaga namang napakalambot noon. Nakahihiya sa mga kamay ko na magaspang at may sugat-sugat pa.

"M-Mano po," nahihiya at awkward kong sambit.

"Kinagagalak ko na makita kang muli, anak," aniya na kinatulala ko sa kaniyang mukha.

Grabe, nakalulula siya.

"Aba'y malaki na rin siguro ang unico ijo mo? Hindi naman yata nalalayo ang edad nila nitong binata ko," si Tatay at tila ay nalungkot naman ang ninong ko. Nanghihinayang siyang sumulyap sa akin.

"Yeah, he's grown, too, but Pancho is really a hard-headed one. I can't control him anymore, that kid," tila stress niyang ani at iiling-iling pa.

Kawawa naman pala si Ninong sa anak niya.

"Ay, siguro ay ganoon talaga. Baka magmula iyan nang mamatay si kumareng Kitarina," si Tatay at hinawakan naman siya sa balikat ng noo'y tumabi sa kaniya na si Nanay.

"Yeah tama ka, Renzo. Since Tina died, Pancho became really out of hand. He was really close with my wife dahil ako ay laging subsob sa trabaho at minsan na lang siyang nakasasama. Maybe he don't like me because of that at isa iyon sa mga pinagsisisihan ko," daing niya at pagod na ngumiti bago muli ay bumaling sa akin. "Saan ka nanggaling, ijo? Hindi kita nakita rito kanina pagdating ko," nakangiti niyang sambit.

Tumingin muna ako kina tatay at kay nanay na akay na rin si Buboy sa kaniyang kandungan. Ngumiti sila sa akin at tumango bilang pahiwatig na sagutin ko ang ninong sa kaniyang katanungan. Bumaling ako rito at nahihiyang ngumiti.

"S-Sa laot po, nangisda," kakamot-kamot sa pisngi kong sambit.

Natawa naman siya ng bahagya at may kislap sa mga mata na tumingin muli sa akin. Tumingin siya kina Nanay at Tatay at tila sa mga mata nila, sila ay nag-uusap-usap na. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila, tila ba sila'y may alam na hindi ko alam.

"Renz, anak," si Nanay. Lumapit siya sa akin at ako ay hinawakan sa mga kamay. "Ani kasi ng ninong mo ay nais ka niyang isama sa Maynila at doon ay bigyan ng trabaho." Nakangiti maging ang mga mata niya, puno ng pag-asa.

"P-Po?" nagugulantang kong sambit. Tumingin ako kay Tatay at maging siya, may pag-asa rin akong kinakitaan sa mga mata.

"This will be a big help for you and your family, Renz. Your tatay is my friend and I would be glad to ba a help, anak," si Ninong Domingo.

"P-Pero hanggang highschool lang po ang tinapos ko at "

"That won't be a problem," aniya. "Sigurado ako na makakaya mo ang trabaho na ibibigay ko sa iyo. Consider this also to be a help for your younger brother's tuition fees," dagdag pa niya.

Bumagsak ang mga balikat ko at napabuntonghininga dahil alam ko na wala akong magagawa. Isa pa, may punto naman kasi. Malaking tulong ito para sa amin. Hindi ko lang akalain na ang kahapon kong pangarap ay mangyayari na sa kasalukuyan.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 38 [35] Pancho Kit Del Mundo   06-06 10:34
img
1 Chapter 1 SIMULA
03/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY