Get the APP hot
Home / Romance / I am Married?
I am Married?

I am Married?

5.0
22 Chapters
131 View
Read Now

About

Contents

Farrah Paraiso dreams of marrying her boyfriend but later finds out that she has been married for eight years to the man she hated during college days, Damon Punongbakal. She did not expect that their pranking wedding turned real because they were drunk at that time. She prefers to find the man to solve the problem, but what if when they meet and the man doesn't want her to let go? Will Farrah fall in love with Damon?

Chapter 1 Unexpected

Si Farrah Paraiso ay dalawampu't siyam na taong gulang, may magandang mukha at seksing katawan. Ngayon ay nasa harapan siya ng Philippine Statistic Authority o PSA isang ahensya ng gobyerno at hinihintay na matawag ang pangalan. For receiving na ang kaniyang ni-request na Birth Certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) or Certificate of Singleness. Kailangan niyang makumpleto ang lahat ng requirements para sa kasal nila ng nobyong si Jeff Carreon.

"Miss Farrah Paraiso," tawag ng babae nasa receiving window.

Lumapit kaagad si Farrah upang abutin ang mga dokumento at pumirma sa isang papel na katunayang na-received na niya ang mga ito.

Matapos mailagay ang mga dokumento sa kaniyang folder ay naglakad siya palayo sa ahensya at nagtungo sa isang malapit na parke. Naupo siya sa isang bakante upuang kahoy at masayang inilabas ang mga dokumento upang matignan muli.

"Oh my gosh!" malakas na sambit nito sabay takip ng kaniyang bibig.

Napatingin si Farrah sa paligid at mukhang nakakuha na siya ng pansin sa mga ibang tao naroroon kaya naman nginitian na lang niya ang mga ito. Muling ibinalik ang mga mata sa dokumentong binabasa at hindi pa rin makapaniwala sa nakasulat.

Samut-sari ang kaniyang nararandaman na kanina lamang ay kaligayahan sa pag-aakalang maikakasal na sila ni Jeff matapos ang limang taon magkasintahan. Ngunit ngayon ay natuklasan niyang ikinasal siya sa isang Damon Punongbakal na matagal nang hindi nakikita at kahit sa panaginip hindi pinagpantasyahang pakasalan.

"Ano na ba gagawin ko?" bulong niya sa sarili.

Napabuntong-hininga na lang si Farrah sa kakaisip ng solusyon. Ngunit kailangan muna niyang alalahanin ang mga naganap sa nakaraan.

Taong 2011. Masayang nagsasayawan ang lahat ng dumalong graduating students ng Aguinaldo East University sa isang club ng San Pablo, kabilang si Farrah.

"Tagay pa!" hiyaw nito sa mga kasama at itinaas ang baso bago inumin ang lamang tequila.

"Dahan-dahan lang at baka malasing ka," bulong ni Sandra Lagman na bestfriend niya.

"Okay lang 'yan, hindi ako malalasing sa ganito klaseng inumin," pagmamayabang ni Farrah.

Naiiling naman si Sandra sa tinuran ng kaibigan.

Maya-maya ay nakarandam ng pagkahilo si Farrah at minabuti magtungo sa restroom para makapaghilamos. Sa kaniyang paglalakad ay bigla siyang natapilok at babagsak sa sahig nang biglang may bisig na sumalo sa kaniya.

"Careful," wika ng lalaki sumalo sa kaniya, si Damon Punongbakal.

Tinitigan ni Farrah ang mukha ng lalaki, guwapo ito na may hawig sa isang sikat na artista noong dekada 90', malapad ang katawan nito na halatang alaga sa gym at may katangkaran din.

"Punongbakal," ngiwi wika ni Farrah.

"Tsina-tsansingan mo ba ako?" tanong pa nito.

Naningkit ang mga mata ni Damon kaya binitawan si Farrah.

"Hindi ako manyak, Para Paraiso. Sadyang may pagkalampa ka lang," pang-iinis niya sa dalaga.

Napikon naman si Farrah sa pangalang itinawag sa kaniya kaya tinalakan niya ito. Hindi naman nagpatalo si Damon kaya lalong inasar ang dalaga.

Napansin sila ng ibang graduating students kaya lumapit ang ilan upang awatin sila ngunit sadyang ayaw paawat ng dalawa kaya lumapit si Ronald Magpayo at pinusasan magkasama ang tag-isang kamay ng dalawa.

Si Ronald ay nag-iisang anak ng isang pulis sa kanilang bayan at madalas itakas ang posas ng ama. Magkaklase sila ni Damon sa kursong Civil Engineering, samantalang si Farrah naman ay sa Business Management.

Parehong sikat sila Farrah at Damon sa unibersidad dahil sa magandang hitsura ng mga ito.

"Remove the handcuff!" utos ni Farrah kay Ronald.

"Ayoko," nakangising sambit ni Ronald.

Lalo namang nagwala si Farrah habang si Damon ay napapakamot lang sa batok.

"Tara dalhin natin sila kay mayor," wika ni Ronald.

Sumunod naman ang iba nilang kasama at pinagtulakan ang dalawa sa isang VIP room. Tumanggi man sila ay walang nagawa sa dami ng tumulak sa kanila.

Nagulat pa sila pagpasok sa VIP room dahil naroon ang kanilang mayor at assistant nito na may kasama pa seksi babae.

"Anong kalokohan na naman 'yan Ronald?" tanong ni Mayor Morena.

"Ninong, pakikasal po ang dalawang ito dahil lagi nag-aaway," sagot ni Ronald na napapakamot ng ulo.

Sabay pang nagulat ang dalawa sa tinuran ni Ronald.

Humalakhak naman si Mayor Morena at assistant nito.

"Puro kayo kalokohang mga kabataan," wika nito.

"Maupo muna kayo at pag-usapan ang problema," dagdag pa nito.

Nagpadagdag ng ilang bote inumin ang assistant ng mayor habang nag-uusap sila.

Nakakarandam ng pagkahilo muli si Farrah, si Damon naman ay napapalakas na rin ang tawa at halatang nalalasing na rin.

"Mabuti pa, ikasal ko na kayong dalawa kahit kasal-kasalanan lang. Para maranasan ninyo ang naranasan ko maikasal sa taong kaaway ko," wika ni Mayor Morena.

Tawanan naman sila sa sinabi ng mayor at mukha may tama na rin ito dahil sa pagiging madaldal.

Inilabas naman ng assistant nito ang isang papel at iniabot sa mayor.

"Kunwari lang 'to, pero totoo Marriage Form ang gagamitin natin. Pagkatapos nito bahala na kayo kung gusto niyo gawing eroplano," paliwanag ni Mayor Morena sabay halakhak.

Tawang-tawa naman sila sa pagiging cool nito.

"Mayor, lagi po kayong may dalang Marriage Form?" tanong ni Farrah na mapungay na ang mga mata.

"Hindi, may kasalang bayan lang bukas kaya meron kami dala."

Iniabot sa dalawa ang papel upang sulatan.

"Pirma na agad para mabilis tayo," wika pa nito.

Hilong-hilo man ang dalawa ay pinilit sulatan ng tama ang form at ibinalik sa mayor.

Inumpisahan ni Mayor Morena ang madalas na gawin at sabihin kapag may ikinakasal ito.

"Ikaw Farrah P-paraiso, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang kabiyak sa hirap at ginahawa?"

"Yes, I do," sagot ni Farrah.

"Ikaw naman Damon B-Butongbakal..."

"Batongbakal hindi Butongbakal," pagtatama ni Damon.

"Ang pangit kasi ng apelyido mo," pang-aasar ni Farrah at sinabayan pa ng halakhak.

"Oh siya, Batongbakal. Tinatanggap mo ba ang maingay na babaeng ito na maging asawa sa hirap o ginhawa?"

"Kahit ayaw ko wala naman ako magagawa kun'di ang tanggapin ang balahurang babae ito. Yes, I do," sagot ni Damon at tumitig sa mukha ni Farrah na nakadila sa kaniya.

Tawanan na naman sila.

"Kung ganoon, sa gabing ito kayo ay mag-asawa. Maging alaala sana sa inyo na minsan sa buhay ninyo ay naranasang maikasal sa taong kinaiinisan. Malay niyo balang araw ay kayo rin ang magkatuluyan. You may kiss the bride," mahabang salaysay ni Mayor Morena.

Hinalikan ng mabilis ni Damon ang mga labi ni Farrah at napatulala ito, habang hiyawan ang kanilang mga kasama.

Nakatunganga si Farrah sa harapan ng isang taong grasa nang magbalik sa kasalukuyan ang pag-iisip.

"Miss, penge barya," wika ng taong grasa na nakalahad ang palad.

Mabilis naman siyang kumuha ng pera sa wallet at binigay sa taong grasa na tuwang-tuwa lumayo sa kaniya.

Minabuti niyang bumalik sa flower shop upang kausapin si Sandra tungkol sa natuklasan, kaya naman sumakay kaagad sa papadaang taxi.

"Sa Greenhills po tayo," wika niya sa driver.

Pagdating sa flower shop ay nakita niyang busy nag-aayos ng mga bulaklak si Sandra.

"Nandiyan kana pala. Kumusta ang lakad?" tanong ni Sadra.

Diretso umupo si Farrah sa solo sofa, mabuti na lang at wala customer ng mga oras na 'yon. Napansin ni Sandra na hindi maipinta ang mukha ng kaibigan at nilapitan ito.

"Bakit parang isang bakol 'yang mukha mo?" tanong ulit nito at naupo sa katabing upuan.

"Paano naman kasi ang laki ng problema ko," sagot ni Farrah.

Naguluhan naman si Sandra sa tinuran ng kaibigan.

"Anong problema?" tanong nito.

Inilabas ni Farrah ang papel ng kaniyang Certificate of No Marriage at iniabot kay Sandra upang basahin. Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa nabasang nakasulat dito.

"Totoo ba 'to?" tanong na naman niya.

"Palagay mo ba mali 'yang nakasulat d'yan?" balik na tanong ni Farrah sa kaibigan.

"Well... baka nagkamali lang ang PSA," sagot ni Sandra.

"Paano ang gagawin ko beshy?" naiinis na tanong ni Farrah.

Nag-isip muna si Sandra ng plano at solusyon sa problem ng kaibigan.

"Kailangan i-confirm muna natin 'to kung talagang totoo o baka nagkamali lang sila," wika nito.

"So, paano nga?" tanong ulit ni Farrah.

"Balik ka sa PSA at kuhanin mo ang Marriage Certificate ninyo ng husband mo para makasiguro na totoo kasal ka," sagot ni Sandra.

"Nakasulat naman ang pangalan ng groom mo at ang date ng wedding. Si Damon Punongbayan ba 'to na kilala at schoolmate natin noong college?" dagdag pa nito.

"Wala naman akong kilalang ibang gan'yan kabantot na pangalan, kaya siya 'yan sigurado," wika ni Farrah.

Binasa ulit ni Sandra ang mga detalye nakasulat sa papel.

"Beshy, tignan mo ang nakasulat na petsa ng kasal. 'Di ba a few days before the graduation 'yan?" nagtataka tanong ni Sandra.

"Yes, nakita ko na 'yan. Kung naalala mo 'yung k'wento ko sa 'yo sa kasal-kasalan namin na naganap nang gabi 'yon," paliwanag na sagot ni Farrah.

"Akala ko ba kasal-kasalan lang? Bakit may ganito nakasulat sa Certificate of No Marriage mo?" tanong ni Sandra.

Napakamot ng ulo si Farrah, siya man ay naguguluhan na sa nalaman.

"Aayusin ko muna ang gusot na 'to bago pa lumala at babalik na 'ko sa PSA para makuha 'yang Marriage Certificate kung meron man," wika ni Farrah at tumayo na para umalis.

"Ayusin mo muna 'yang mukha mo at buhok," pahabol ni Sandra.

Natigilan si Farrah sa pagbukas ng pinto, nag-retouch muna at saka inayos ang buhok na naguluhan kanina sa pagkamot.

"Babalik ako mamaya kung may oras pa. Kung sakaling late na ko matapos sa PSA, okay lang ba mag-isa ka magsara ng shop?" tanong ni Farrah.

Ang flower shop na itinayo nilang magkaibigan limang taon na ang nakakaraan at ngayon ay marami na silang kliyente na kadalasan ay sa mga kasal.

"Okay lang, magmadali ka at baka matagalan ka sa pila. Huwag ka mag-alala at ako na bahala rito," sagot ni Sandra.

"Ingat ka," pahabol pa nito.

Tumango naman si Farrah at lumabas ng shop. Pinara niya kaagad ang unang taxi dumaan at mabilis na sumakay.

"Sa PSA po tayo," wika niya sa driver.

Para bang wala na naman siya sa sarili dahil sa kinakaharap na problema. Iniisip niya kung kailangan ba sabihin kaagad sa nobyo o huwag muna dahil baka hiwalayan siya nito. Si Jeff ang pinangarap niyang pakasalan at mabilis na nahulog ang kaniyang loob sa binata sa unang pagkikita pa lamang nila, love at first sight kung tawagin niya.

Sa kaniyang pag-iisip ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone at kinuha ito sa bag upang tignan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib sa nabasang pangalan, si Jeff.

Bumuntong-hininga muna bago sinagot ang tawag dahil hindi niya inaasahang tatawag ito. Nasa Cebu ngayon si Jeff para asikasuhin ang nakuhang project ng pinapasukang kumpanya.

"H-hello," nauutal niyang bati.

"Hey babe, nakuha mo lahat ng requirements para sa kasal?" tanong ng kabilang linya.

"Y-yes. N-no, no, I mean no. Not yet babe," tarantang sagot ni Farrah.

"Are you okay babe?" tanong ulit ni Jeff.

"Y-yes, I'm fine babe," pagsisinungaling niyang sagot.

"Medyo pagod lang sa pagkuha ng mga requirement at pag-asikaso sa shop, busy din ako," dagdag pa nito.

"Okay, I understand. Huwag ka masyado magpakapagod, marami pa naman time for the wedding. I'll see you when I come back home," wika ni Jeff.

"Yes babe, mag-ingat ka d'yan," sambit ni Farrah.

""I need to go, mag-ingat ka rin. I love you," paalam ni Jeff.

"I love you too," wika ni Farrah at pinatay ang tawag.

Pagkaraan ng kalahating oras ay tumigil ang taxi.

"Ma'am nasa PSA na po tayo," wika ng driver.

Hindi namalayan ni Farrah na nakarating na pala sila kaya nagmadaling binayaran ang taxi at lumabas.

Napansin niyang marami pa rin ang mga tao sa ahensya kaya minabuti pumila na lamang.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY